Chapter Baguio

"After you Ma'am."

Andito si Coleen at Arthur sa Golden Pine Hotel sa Baguio, dito na sila dumiretso pagkatapos nilang maisarado ang deal sa mga Paredes na isa sa nagmamay ari ng malaking strawberry farm dito at kilala ding nangungunang supplier sa naglalakihang mga malls. Two consecutive days din silang wala halos pahinga ni Art dahil sa mga nadelay niyang mga appointment dahil sa ginawa niyang paghabol kay Jane noon. Kailangan din kasi nilang maghintay pa ng isang araw bago makabalik ulit sa Manila si Mr. Cheng na isa sa importanteng tao sa likod ng Banking na kailangang kailangan nila.

"Ma'am nasa room 302 lang po ako kapag kailangan mo ako."

Tumango naman siya bilang sagot dito. Maaga na lamang silang babalik ng Manila bukas pagdating ng chopper na ipapadala ng CBCT na siyang susundo sa kanila.

Pagkapasok niya sa suite niya ay nagpalit lang siya at lumabas din saglit para magpahangin. May malapit namang eleganteng bar siyang nakita kaya napili niyang dito nalang magpalipas muna ng oras habang di pa siya inaantok. Sa counter nalang siya mismo naupo habang tinitingnan ang mangilan ngilang tao na sumasayaw sa dance floor.

Inuubos na niya ang laman ng pangatlong basong inorder niya ng biglang may tumabi sa kanya at muntik pa siyang tumayo para alalayan ito ng halos gumewang ito sa may bar counter.

"It's really you Coleen! OMG! Kgh...anina pa kita tinititigan, sabi na nga bhat di ako nagkamali." Ngumingising sabi nito na inilapit pa ang silya nito bago tuluyang umupo sa tabi niya.

Pagal na tinitigan niya ito at iniisip kung kilala ba niya ang babaeng basta na lang tumabi sa kanya.

"Irene. Kinalimutan mo na agad?" Kunway nagtatampong sabi nito.

Tumaas lang naman ang kilay ni Coleen na di pa rin maalala kung sino ang estrangherang ito na bigla nalang lumapit sa kanya. Inilayo niya pa saglit ang katawan niya dahil kulang na lang ata ay ikuskos nito ang sarili nito sa kanya.

"Magtatampo na talaga ako niyan."

"Irene Dimaandal, we've met before in one of your meetings?.."

"Ohhhh.. I'm sorry. I'm just tired. How are you Miss Dimaandal?" Paliwanag niya ng matandaan ang babae na todo ngiti naman ngayon. Napansin niya pa ang pagpapapansin nito sa kanya ng medyo itaas niyo ang suot suot nitong skirt dahilan para mas maexpose ang mapuputi nitong legs. Di nalang iyon pinansin ni Coleen saka umorder ulit sa bartender.

Nung una palang niya itong nakita ay halata dito ang pagpapakita nito sa kanya ng motibo na iniignora na lamang niya.

"Are you with Mr. Thaddeus your father?" Pag umpisa niya ng topic para maalis niya ang atensyon nito na kanina pa ata siya malagkit tinitingnan.

"Nohhh, I'm just alone.."

"How about youh Miss Tan?"

Ngumisi pa ito bago niya napansin ang malanding pagkagat nito ng labi.

"You're drunk Miss Dimaandal, its not safe for you to get drunk alone."

Ngumiti pa ito at dahan dahang pinunasan ang labi habang malagkit na nakatingin sa kanya.

May pagkairita na rin sa boses ni Coleen na pinipilit paring maging formal pagkatapos lagukin mismo ni Irene ang laman ng baso ng inorder niya. Its a fine whiskey at sa nakikita niya gusto talagang maglasing ng babaeng nasa harap niya sa di niya alam na dahilan.

"I like mature girls Miss Tan.."

"Like your type,... Mature but sizzling hot.."

Halos mapamura si Coleen ng muntik na itong malaglag sa kinauupuan nito na buti nalang ay naagapan niya dahil sa mabilis na reflexes niya.

"Ma'am mukhang marami na pong nainom ang kasama niyo. Mas mabuti po siguro na ihatid na po ninyo siya." Sabi ng isang bouncer na lumapit sa kanya.

"She's not with-----"

"She's with me, right honey?" Inalalayan naman ito ni Coleen ng muntik na naman itong matumba ng akmang hahawakan siya nito.

"Bakit ba gusto nilang hina honey honey nila ako!" Sigaw ng inisip ni Coleen.

"Hey be careful, wag ka nang makulit!" Napipikang sabi niya ng pinilit maglakad ni Irene na muntik na namang matamaan ng siko ang lalaki sa katabing table. Humingi nalang si Coleen ng pasensya dito at tiningnan ng masama si Irine.

"Ma'am? Pasensya na pero ihatid niyo na po ang kasama niyo bago pa makaagaw ng atensyon dito. Lasing na lasing na rin po siya."

Inis at walang nagawa si Coleen na nag abot na lamang ng pera sa counter ng malamang may di pa rin nababayarang mga alak na inorder si Irene na ngayon naman ay nakaakbay sa kanya at inaalalayan niyang palabas ng bar.

"Fuck! I can't believe this is happening." Coleen cursed.

"Wsh.. You know that i like you right.." tumatawa tawa pa nitong banggit kay Coleen na seryosong inaalalayan siya. Marami na rin siguro itong nainom dahil sa kalasingan nito ngayon. Ayaw naman niyang maging bastos dito at iwanan na lamang ito sa kung saan. Mabuti na lang at malakas siya at mas malaki siya ng konti dito kaya di siya gaanong nahirapang alalayan ito.

"Maganda bah akoh Cooleeen.. hik!."

Di naman na iyon pinansin ni Coleen. Tinanong niya nalang ito kung san ba ito nagsstay para ihatid na lang niya. Mabuti na lang at nasa isang hotel lang din sila at na elevator lang ang layo sa bar na pinanggalingan nila.

"Hey! Hold it! Malapit na tayo sa room mo!" Pigil niya ng makitang naduduwal ito at malapit na atang sumuka. May tawag ng tawag pa sa cellphone niya kaya kinuha niya ito sa bulsa niya, pero ng makita niyang si Arthur lang naman ay ibinalik niya na rin ito agad sa bulsa niya. Baka hinahanap lang siya nito kaya mamaya niya na lamang siguro ito tatawagan pagkahatid niya kay Irene.

"Sht... i' think ahmmm gonnn phhuke.ahbmmmm...."

Parang nagka idea naman si Coleen ng makitang mas malapit na sila sa suite niya na natanaw niyang madadaanan na nila kaya naman mabilis niya itong inalalayan bago pa ito sumuka sa kung saan.

"Hold it! " Naiiritang sabi niya ang akmang susuka na talaga ito mabuti na lang ay agad niyang nabuksan ang pinto ng suite niya saka pakaladkad na hinila niya ito para umabot sa cr. Pero bago pa ito tumungo sa bowl para dun sumuka ay di sinasadyang masukahan din nito ang suot niyang formal plain tee na ikinamura niya. Ng akma naman itong susuka na ulit ay mabilis niya itong iginiya sa bowl at hinayaang magsuka dun.

"Great! Just great!" Di niya maiwasang masabi ng maamoy ang sarili.

"Im sorry Cohleeen.. I cant hold it anymoreh.." hinging paumanhin ni Irene na hawak hawak ang ulo.

Kumuha siya ng towel at naiinis na inabot dito.

"Clean yourself ng maihatid na kita sa suite mo. I'll just change my clothes."

Napapikit si Coleen sa inis ng maisara niya ang pinto ng cr bago tuluyang naglakad papunta sa dala niyang maleta. Mabilis niyang hinubad ang damit niya na sinukahan ng lasing na si Irene bago kalkalin ang laman ng maleta niya para maghanap ng damit.

Halos mapalundag pa siya sa gulat ng marinig ang mga katok sa kwarto niya. Kasalukuyan din kasi siyang nag iisip ng sasabihin kay Irene para matulog nalang ito at wag na siyang kulitin. Naisip niyang baka si Arthur lang naman kaya nagmamartsang binuksan niya agad ang pinto.

"What do you n----- Jane!?"

Parang naistatwa siya sa kinatatayuan niya ng makilala ang kumakatok. Nagkukumahog naman niyang itinago ang sarili ng makitang titig na titig ito sa itsura niya at shock ding makita na yun lang ang suot niya. Halos pagalitan niya ang sarili ng maalala niya na nakahubad pa pala siya at naghahanap ng tshirt ng kumatok ito na akala niya ay si Artur.

"What's that smell?" Unang lumabas sa bibig ni Jane ng may maamoy na di maganda saka walang pakialam na tuloy tuloy pumasok.

"I..... What are you doing here in Baguio?" Nalilitong tanong naman ni Coleen na sinundan ito ng tingin.

Sasagot pa sana si Jane pero biglang nagbago ang itsura nito ng makita ang kakalabas lang ng cr na babaeng naka skirt at naka bra na lang din.

"Jane... It's not what you're thinking again!" Nalilitong paliwanag niya kay Jane na ngayon ay tinitingnan simula ulo hanggang paa si Irine.

"Will you put your dress on Miss Dimaandal?! Bat ba ganyan ang itsura mo!" Nagkakamot sa ulong sabi nito habang naghahanap ng pwedeng isuot ni Irene.

"Nashukahan ko damit ko Coleen honey.. gusto moh ba nakahubad nalang ako? You're so silly honey..." May halong pang aakit sa boses nito na di alintana na may kasama sila sa kwarto.

"Fuck! Stop calling me honey for pete's sake! Use this at ihahatid na kita sa room mo!" Hinagis nalang niya ang nahawakang robe dito saka lumapit kay Jane na masama na rin ang pagkakatingin sa kanya.

"Please wag kang magwawalk out. I'm going to explain everything, it's not what you think is happening.." May pagsusumamo sa boses niya.

"Coleen honey i think nshushuka na naman akoh..." Irene.

"I'll give you 60 seconds para maalis sa harapan ko ang babaing yan bago ko pa kayo pagbuhulin at bigyan mo ako ng maganda at matinong rason para bigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag."

"Or else ako ang aalis dito at magkalimutan na tayo!" Nasa boses ni Jane ang pinaghalong pinagtitimping galit at bakas na rin dito na malapit ng pumatak ang luha nito na pinipigilan lang lumabas.

Mabilis namang nakapagbihis ng tshirt si Coleen at halos kaladkarin naman nito si Irine palabas ng suite niya kahit na gi gewang gewang pa ito sa kalasingan.

"Hey what ahr you doing! I'm gonnah stay with youul!"

"You need to go to your own room Irene! And please wag ka ng lalapit sakin!" Matigas nasabi nito sa wala namang nagawa nalang na si Irine ng iniwan ito ni Coleen sa harap ng suite nito saka nagmamadaling umalis.

Naabutan pa nito si Jane na nakatayo parin habang malalim ang iniisip.

"Is this the reason kung bakit kahapon kapa di nagpaparamdam sakin?" She saw pain in Jane's eyes.

"Di mo ako hinaharap, di mo sinasagot ang mga tawag ko." Di naman napigilang sagot niya dito.

"Kaya nandito ka para puntahan ang bagong honey mo at maglandian kayo?!"

Kinalma ni Coleen ang sarili niya.

"Jane. Im tired. Let's not fight okay?"

"She's one of the business partners daughter. Nagulat na lang ako na nandito din sya sa Baguio at lumapit pa sakin ng lasing nung nag uunwind ako sa malapit na bar dito."

Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na parang di naniniwala sa sinasabi niya.

"I know it's hard to believe but please? This time magtiwala ka naman sakin na nagsasabi ako ng totoo."

"And how can you explain to me kung bat ko kayo naabutang parehas halos... nakahubad.." Parang nahihirapang banggitin na tanong niya ulit.

"She's drunk remember? Di ko naman pwedeng hayaan nalang yun dun sa bar baka kung mapano pa yun dun. Isa pa dikit siya ng dikit sa akin kaya wala na rin akong choice kundi ihatid siya sa suite niya na nagulat din ako na dito din sa building na 'to."

"Please maniwala ka, wala akong ka alam alam. I just try to help her. Ito nalang kasing kwarto ko ang malapit kaya dito ko siya dinala dahil magsusuka na siya.."

"And she did. Na nasukahan niya pati damit ko. Yun na yung naabutan mo, i thought si Arthur yung kumakatok kaya di ko na naisipang magdamit para buksan yung pinto. " Magkasalubong naman ang kilay ni Jane na nakatingin sa kanya.

"And it's okay for you na makita ni Arthur na naka ganyan ka nalang!" Jane.

"He's gay okay? Saka wala na yun sa kanya dahil lalaki din naman ang gusto nun.."

"Jane naman... lahat nalang ba pagseselosan mo ng di mo ako pinakikinggan.." Nagsusumamong sabi ni Coleen na hinawakan pa ang kamay ni Jane.

"Don't you trust me babe?"

"Saka yung sa office ko, what happened there is----"

"Dani explained everything." Jane cut her off.

"Nag usap kayo? When?" Napapantastikuhang tanong nito na nagliwanag ang mukha sa sinabi ni Jane. Sa wakas ay naliwanagan na ito.

Nabaling naman ang mga mata ni Jane sa kamay ni Coleen ng maramdaman ang benda nito.

"What happen to your hand? Bakas sa mukha nito ang bahagyang pag aalala. Kinuha niya pa iyon at tiningnan kung bat may bendang nakabalot dito.

"Wala yan babe... It's just a simple---"

"Nakikipag away ka ba? Ano bang nangyari bat nagkasugat ka sa kamay!"

"Aw aray babe! Dahan dahan nga..." halos mapa igik ito ng halos napadiin ang hawak ni Jane dito.

"Coleen Brylle napano ba tong kamay mo na to?! Tinatanong kita!"

"Eh... Ano... na punch ko kasi yung hood ng kotse ko sa frustration at inis ko nun... Di ko na kasi alam ang gagawin nung nagwalk out ka at iniwanan mo ako sa parking lot ng bar ni Meg..." Nahihiyang paliwanag nito habang hinihimas ang kamao niya.

"Idiot." Komento nalang ni Jane.

"Oo na.. Ikaw kasi eh.. Iniwanan mo ko tapos di mo man lang ako hinayaang magpaliwanag.."

"Ako bang sinisisi mo? Sino bang matutuwa na maabu--- hskmmmxmmm."

Wala ng naintindihan si Coleen sa sinasabi ni Jane dahil mabilis niyang tinawid ang distansya nilang dalawa at mainit na hinalikan ito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.