Chapter This Ring

COLEEN'S POV

Alas kwatro na ng umaga pero kanina pa ako nakatitig sa mukha ng babaeng masarap na natutulog sa tabi ko habang nakayakap siya sa akin. Halos mag aalas tres na rin kasi kaming nakatulog dahil sa pagkamiss namin sa isat isa kaya naman himbing na himbing siya sa pagtulog dahil sa antok. Parang body clock ko nalang ang gumising sa akin dahil sanay akong nagjojogging kapag ganitong oras.

Mahal na mahal ko talaga ang matigas ang ulo at selosang babaeng ito kahit pa lagi niyang pinapataas ang timpla ng dugo ko at di niya sinusunod ang mga sinasabi ko. Kinilig ako ng malaman na bumyahe pa ito by land kasama ang driver niya para lang makasunod dito sa Baguio ng malamang nandito ako. Inamin na rin niya na nagkamali siya dahil di man lang niya ako pinakainggan, nadala lang daw sya sa sobrang selos kaya humantong kami sa ganito.

Kagabi lang ay muntik na naman kaming mag away na baka napunta pa sa hiwalayan. Mabuti nalang at marunong na siyang makinig sa paliwanag ko at tila malaki ang naitulong ng pagkausap sa kanya ni Danielle. Naikwento niya kasi kagabi na nakilala niya si Dani kasama si Sahara at ang baby nito na ipinakilala din sa kanila ng mga kaibigan niya.

Hinawi ko ang mga baby hair niya na nakakalat sa makinis at maganda niyang mukha saka masuyong hinalikan sya. Napangiti pa ako ng maalala ang pinag usapan namin ng pamilya ko sa harapan ng family dinner at planning na rin sa incoming birthday ni Daddy nextmonth.

At first they were shocked at hindi nila alam ang unang irereact sa mga sinabi ko. Halos andun kasi ang buong angkan namin kaya itinaon kong doon aminin ang nararamdaman ko, pati na rin kung ano ako. I'm so happy na tinanggap naman nila ako. Given na yung marami silang paalala at si Tito Manuel naman ay tinanong pa ako kung di na raw mababago pa ang pananaw ko.

I'm so proud of my family dahil di nila hinayaang ako lang ang magpaliwanag sa ibang kapamilya namin. Kinausap din kasi ni Daddy si Tito Manuel at Tito Damien tungkol sa akin at masaya naman ako na sa huli ay natanggap nila ang bagong pagkatao ko na ipinikilala sa kanila. Biniro pa nga ako ng mga Tita ko kung kailan daw ako lalagay sa tahimik.

Pero may isang espesyal sa gabing yun ang talagang nagpakompleto at nagpasaya sa akin. Yun ay ng puntahan ako ni Daddy sa kwarto at masinsinang kinausap.

Flashback..

"You are an adult now Coleen. You know well kung ano ang kahihinatnan ng mga actions mo. Kung tama ba o kung mali at kung mas makakabuti ba o kung ano ang nararapat mong gawin.."

"Daddy naman.. What's with the drama.. Akala ko ba tapos niyo na akong gisahin kanina.." Pagbibiro ko pa habang magkayakap kami. Naramdaman ko kasi ang pagsinghot nito.

"You're so gay Dad, stop crying.." Alo ko kay Daddy na nangingiti kahit naiiyak.

"I just can't believe that you're now a grown pretty lady like your Mom.. At ngayon naman sinabi mo sa amin kanina ang mga plano mo..."

May dinukot ito sa bulsa niya at saka kinuha ang kamay ko bago ito ilagay dun.

"Guess i have no choice but to give this to you since you have already decided to settle.."

Tinitigan ko ang bagay na nilagay niya sa kamay ko.

"That's the ring i gave to your Mom when we were engage while she's pregnant to your brother..."

"Nag usap na kami noon ng Mommy mo na kapag nagkaroon kami ng anak na babae ay ibibigay namin ito sa kanya.. "

Di ko na rin mapigil pa ng pumatak ang luha ko sa mga sinabi ni Daddy.

"And there dumating ka nga.. Ang matagal ng hinihintay namin noong babygirl na nung nagka isip na at lumaking kasing ganda ng Mommy niya pero lumayo din naman para hanapin ang sarili niya.." Pabiro pero may lamang sabi ni Daddy habang hinahaplos ang mukha ko.

"Dad naman eh, alam niyo naman ni Mommy ang mga reasons ko nun.." Umiiyak kong sagot.

"Naiintindihan namin yun anak.. Kaya nga masaya kami nung bumalik ka..."

"Alam mo ba na ibibigay namin dapat ito nung graduation mo nung college ka?.... But you left at nag aaway pa tayo nun dahil ayokong mawala ka sa tabi namin ng Mommy mo...."

"I'm sorry Dad... Magulo pa din ang isip ko nun and i want to discover things ng hindi umaasa sa inyo ni Mommy.."

"Shhhhhhhh... Naiintindihan namin anak..." He gave me quick kiss in my cheeks.

"Don't be so dramatic Dad. Youre making me cry... huhuhu."

Para na kaming timang ni Daddy na iiyak tatawa dahil sa seryosong pinag uusapan namin. Sa tinagal tagal din kasi na nagkakasama kami e ngayon lang din kami nakapag usap ng seryoso kagaya nito.

"Hija.. I want you to give this to your fiancè .. "

Yes finacè, nagpaalam na kasi ako sa kanilang lahat na gusto ko ng lumagay sa tahimik at bumuo ng pamilya kasama si Jane. Di ko man alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat pero gusto kong subukan isa pa, wala na rin akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. At di ako magdadalawang isip na pakasalan si Jane kung yun ang nararapat. Kung wala man dito sa Pilipinas ay kahit saan basta mapatunayan ko na mahal ko siya at siya na ang makasama ko sa pagtanda.

Dun ko na ulit natitigan ang ibinigay niyang singsing na may malaki pero elegant tingnang diamond sa taas.

"Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo at nandito lang kami lagi kapag may problema kayo ni Jane.."

"Alam mo naman na di ka namin pababayaan at susuportahan ka namin sa kahit anong mga desiyon mo anak.."

Napahagulhol na ako tuluyan sa mga sinabi ni Daddy. Ngayon ko lang din kasi narinig ang side niya at nalaman na suportado niya ang mga desisyon ko kahit na di ko pa alam ang pupuntahan nito. Nasanay kasi ako dati na lagi kaming nagbabangayan dahil sa mga desisyon ko na di niya nagugustuhan.

"Get this girl Coleen and marry her if that what makes you two happy.."

"Andito lang kami ng Mommy mo lagi.."

End of flashback..

Dahan dahan akong kumilos para umalis sa tabi niya ng di siya nagigising saka maingat na tinungo ang bulsa ng bag ko at kinapa ang pakay ko. Di ko nalang binuksan ang ilaw dahil baka magising pa siya.

Napangiti naman ako ng mahawakan ang maliit na box na pinaglagayan ko ng singsing na binigay ni Daddy saka kinuha iyon at dahan dahang bumalik sa tabi niya. Naramdaman ko pa na kumilos ito pero agad din naman akong yinakap ng mahigpit at payapa ng bumalik sa pagtulog.

Dun ko na dahan dahang kinuha ang kamay niya at isinuot ang singsing na nagsisimbolo ng pagmamahal ko sa kanya.

"It fits your finger babe. Looks like kailangan ko na atang masanay sa pagiging matigas ng ulo mo at pagiging pasaway mo dahil di na kita hahayaan pang mawala sa tabi ko..." Napangiti ako sa naisip kong yun saka siya kinintalan ng mainit na halik sa labi.

"I love you Jane Mondragon-Tan, wala kanang kawala pa.." nakangiting bulong ko ulit bago yakapin siya ng mahigpit saka bumalik sa pagtulog.

Naalimpungatan si Jane dahil sa kumakatok sa pinto, kinapa kapa naman niya ang katabi niya pero napamulat lang ang mata niya ng maramdamang wala siyang katabi. Tatawagin na sana niya ito pero napangiti siya ng marinig ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa bathroom. Baka naliligo ito o baka naman nagsisipilyo.

Nang marinig ulit ang sunod sunod na katok sa pinto ay bumangon na rin siya para tingnan kung sino yun. Nadaanan pa niya ang may mga takip pang pagkain sa mini dining room ng suit ni Coleen na malamang ay kanina lang din dumating dahil naramdaman niya ang init at aroma ng kapeng nagmumula dito.

"Good morning Miss--- Jane?!" Gulat na bungad ng secretary ni Coleen na siya palang kumakatok.

"H.. hi... Art..." Atubiling bati niya sa nakatulalang secretary ni Coleen na ikinikwento nito sa kanya kagabi bago sila makatulog.

"Ahmmm.. She's in the shower.."

"May ibibilin ka ba sa kanya o ipapa abot? Or maybe you can wait here.. Pasok ka... Matatapos na siguro yun.." she gave Art a sweet smile. Natauhan naman ito at nakangiti na ring nagsalita.

"Hi... hindi na po Ma'am.. Pakibigay na lang po nitong mga pipirmahan niya pa bago kami umalis ng 7am... Este tayo po pala.. Hehehehe... " Nahihiya at parang biglang umurong ang dila na sabi nito saka inabot kay Jane ang white folder na di naman nakatinging tinanggap niya. Nakita pa niya ang matagal na pagtitig nito sa kamay niya ng kunin niya ang folder pero di nalang niya pinansin.

"Pa... pakisabi na rin po Maam na 6:30 ang dating ng chopper.."

"Sure.. Sasabihin ko nalang sa kanya Art..."

Magpapaalam na sana si Art ng nakita niya itong tumitig sa ulit ito sa kamay niya na may hawak ng folder na tila ba may tinitingnan ito doon.

"Anyway Ma'am Jane ang ganda ganda po pala ng singsing niyo...Pasensya na po kung di ko maiwasang titigan.. Nakaka akit po kasi yung malaking diamond na nakalagay...."

Napaisip siya sa sinabi nito kaya naman tiningnan niya ang tinutukoy nitong singsing.

"Sige Ma'am aalis na po ako, pakisabi nasa lobby lang ako.. Tatawag lang ako sa CBCT Hotel na paluwas na rin tayo..."

Di na namalayan pa ni Jane ang pag alis ni Art maging ang pagsara ng pinto dahil nakatulala lang siya habang titig na titig sa suot niyang singsing na may malaking diamond sa ibabaw nito. Ito pala ang tinititigan ni Art kanina pa na di man lang din niya napansin simula ng nagising siya.

Parang naeengkantong naglakad siya papunta sa kama saka ibinaba ang folder na dala niya at dun niya tinitigan ang nasa daliri niya. Di niya namalayan ang pagbuka ng bibig nya habang humahangang nag iisip na nakatitig dito. May kung anong humaplos sa puso niya na dahilan para tumulo ang luha nya habang di inaalis ang pagkakatitig sa suot niyang singsing.

"Babe.. Maligo ka na para makakain na tayo, kailangan nating bumalik ng Manila agad.."

Boses yun ni Coleen na nakabalot pa ng towel ang katawan habang nilalagay ang wrist watch nito na kakalabas lang ng bathroom. Napatingin naman ito sa dalagang narinig niya na sumisinghot na parang bata.

"Hey.. Anong problema babe? Why are you crying?" Puno ng pag aalalang sabi nito ng tuluyan na niya itong malapitan.

"Aw!! What's that for?!"

Nagulat ito ng bigla nitong ihampas sa dalaga ang folder na binigay ni Art kanina.

"Nakaka inis ka! Bakit di mo man lang sinabi sakin na sinuutan mo ako ng singsing?"

"Si Art pa ang unang nakapansin nito kanina.. huhuhu!"

Di mapigilan ni Coleen na matawa sa itsura at reaksiyon nito.

"Bwisit ka talaga! Nakakainis ka.." Tuloy ang pagsinghot niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niyang nag uunahan pang malaglag sa pisngi niya.

"Where did you buy this? Sana man lang diba sinabihan mo ako para naman nakabili din ako ng singsing para parehas tayo... O kaya naman sabay nalang tayong bumili para parehas yung singsing natin." Bakas sa mukha nito ang kalituhan at tila wala man lang itong ka ide- idea sa mga nangyayari.

Patay malisya namang naglakad si Coleen at unti unting kinuha ang mga damit na nakapatong sa kama niya saka nagbihis sa harapan ni Jane.

"Dad gave it to me last Sunday after our family dinner."

Nakamasid lang si Jane dito habang nakikinig.

"He.. gave it.. to you?"

" I don't understand... Why giving it to me kung bigay pala ito ni Tito sayo...?" Nakukulangan siya sa sagot ni Coleen sa kanya.

"Di kapa ba maliligo? It's already 6am, baka parating na yung chopper na susundo sa atin." Pag iiba nito ng tanong kay Jane.

"Ha?.... Sabi pala ni Art 7 daw tayo aalis... And.. those are the papers you need to sign before we leave.." Nagtataka siya sa mga ikinikilos ni Coleen, kanina lang ay cool na cool lang ito pagkalabas nito ng bathroom tapos ngayon naman ay parang nagmamadali ito na di niya maintindihan.

"Babe.. You didnt answer me..."

"Why letting me have it while Tito gave it to you?"

Tanong ulit niya sa busy ng si Coleen habang pinipirmahan ang hawak na mga papeles.

"Coleen.. We're talking..." Pangungulit nito na tumabi na rin sa dalaga.

"Babe.. Maligo kana dun, clock is ticking.. Di pa nga tayo kumakain oh.. Gutom na ang mga alaga kong pating sa tiyan." Ngumiti pa ito pagkatapos magbiro sa kanya ng nakakaloko na akala mo ay may nakakatawa siyang ginawa.

"Nakakainis ka talaga!"

"Makaligo na nga!!"

Nagdadabog na naglakad ito papuntang bathroom pagkatapos niyang bigyan ng nakakamatay na tingin si Jane.

"I told you to quit doing it young lady.."

"Baka gusto mong maiwan tayong dalawa dito habang pinapagod kita---"

"Heh!!" Sita niya sa nagsasalitang si Coleen bago pa siya makapasok ng banyo.

"Ikaw din, di natin maaasikaso agad ang mga kailangan natin para sa kasal natin." Pabulong na sabi ni Coleen at impit na tumawa sa nakabusangot na si Jane.

"What did you say???" Naglakad ito paatras saka nakakunot ang noong hinarap ulit ang dalaga.

"Sabi ko maligo kana. Hahahahaha!"

"Di yan ang sinabi mo eh!" Reklamong parang bata ni Jane na humalukipkip pa.

"Babe maligo ka na nga dun.. Baka parating na yung sundo natin."

"I feel like you're lying to me... Wag mo akong inisin..."

"You're up to something unreachable." Nag uumpisa na naman itong mairita.

Seryoso namang tiningnan lang ito ni Coleen at binigyan ng kakaibang ngiti bago ito tumayo bitbit ang mga papel na kanina pa nito binabasa ng ilang ulit.

"I'm going down for a while to give this to Art. Make it sure na tapos kana pagkabalik ko babe okay?" Lumapit pa ito sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi bago tatawa tawang naglakad palabas ng pinto.

Tatalikod na sana siya para maligo ng magsalita ito ulit.

"And babe.. Binigay ko sayo yan dahil yun ang gusto nina Mommy at Daddy.."

"They want you to have that ring as a blessing... Gusto nilang ibigay ko sayo yan nung gabing kinausap ko sila na...... " Tumingin pa ito sa folder na hawak niya na parang nag iisip saka tuluyang tiningnan ulit siya ng may nakakalokong ngiti sa mga labi.

" I told them about proposing to you to marry me.."

"And so i gave it to you..."

Naglakad na ulit ito palabas ng pintong kabubukas lang saka nagsalita pa na halos di niya marinig.

"Take a bath babe.. I love you..." And she left Jane dumbfounded.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.