Chapter Judge

"Mommy i'm so sorry.. i'm really really sorry.." umiiyak na sabi ni Jane habang inaalo ito ni Lucia.

Limang araw na rin simula nung nangyaring paghihiwalay nila ng anak nito pero hanggang ngayon ay di parin niya matanggap ang ginawang pakikipaghiwalay nito sa kanya.

Pagkatapos ng pag uusap nilang yun ni Coleen ay wala siyang ibang nagawa kundi umiyak lang ng umiyak. Saka na lang niya narealize lahat lahat at sinubukang habulin si Coleen sa airport pero nakaalis narin ito. Ginawa niya lahat para sundan ito kinabukasan pero nakarating sa mga magulang niya ang nangyari at di sila nito tinulungang makaalis para habulin si Coleen sa Spain. Lumapit din siya sa Lolo Altheo niya dahil alam niyang marami itong connections na pwede nitong magamit pero nakausap na pala ng Daddy niya ang matanda at sinabihang wag na wag siyang pahintulutang makaalis para masundan si Coleen. Few days and nights have pass pero wala na siyang ibang ginawa kundi magmukmok at umiyak nalang. Kinausap naman siya ng Mommy niya na hayaan na muna si Coleen at antayin nalang niyang makabalik ito saka niya ito kausapin. Di na rin kasi niya ito macontact kahit anong gawin niyang tawag sa secretary nito dahil nagpalit na rin ito ng number.

Ngayon naman ay nandito ulit sya sa mansion ng mga Tan dahil tinawagan siya ng Daddy Enrique niya kagabi na dalawin naman daw sila. Laking pasasalamat parin niya at di galit sa kanya ang mga magulang at kapatid ni Coleen kahit alam naman ng mga itong may kasalanan din siya kung bat humantong sa ganun ang relationship nila. Pinayuhan pa ng mga ito na wag niyang susukuan si Coleen at tutulungan siya ng mga itong makausap ito kapag nakabalik na ito ng Manila.

"Jane hija tama na yan... Its been what? 4 days? Baka magkasakit kana niyan... " alo alo ng matanda ang yakap yakap na si Jane. Nasa garden kasi sila na katatapos lang maglunch ay dun na nila naisipang magkwentuhan. Lalo lang umiyak ang dalaga ng marinig ang mga kwento ng Donya tungkol sa anak niya kung gaano siyang kamahal nito.

"She'll come back soon hija.. Kilala ko ang batang yun.. Papalamigin lang nun ang sitwasyon at pasasaan bat sya mismo ang pupunta sayo para makausap ka.. Mahal na mahal ka ni Coleen, sarado lang talaga ang utak nun kapag galit sya..."

"Kahit kami nga ng Daddy Enrique mo di din pinakikinggan nun.."

"What if talagang ayaw na niya sakin Mommy? Pano kung----"

"Shhh... May tiwala ako sa anak kung yun hija.. Alam ko na kahit minsan galit na galit siya alam niya parin ang tama at mali at kung ano ang makakapagpasaya sa kanya.. "

"Di ko na alam Mommy.. Nung narinig ko yung mga sinabi niya na pagod na siya and she wants to break up with me parang pakiramdam ko seryoso siya.. na ayaw na niya talaga sa akin... Because i know nasaktan ko na naman siya dahil sa pagiging matigas ng ulo ko..."

Tinapik tapik lang naman ng matanda ang likod niya saka siya hinarap dito.

"Marerealize nya rin na di ka niya kayang mawala sa buhay niya anak.. Ngayon lang nagkaganyan ang batang yan nung nakilala ka niya. Alam kong mapapatawad ka rin niya kapag handa na siyang makinig sa mga sasabihin mo.. Wala na nga lang tayong magagawa kundi hintaying maging okay siya.. Kilalang kilala na namin si Coleen. Pag sarado ang utak niyan sa mga sinasabi namin ganyan talaga ang ginagawa niya. Iiwas lang sa amin yan ng iiwas para di namin siya makausap. But.... Kapag handa na yang makipag usap sa amin siya na mismo ang gumagawa ng paraan para makita kami.."

Napakaswerte niya talaga sa mga magulang ni Coleen dahil ramdam na ramdam niya kung gaano siya kagusto ng mga ito para sa anak nila. Kaya naman wala na siyang sasayangin pang panahon once na nalaman niyang nakabalik na ito ng Manila. Di siya susuko hanggat di niya ito nakakausap. Ngayon pa bang mahal na mahal na niya ito at alam niyang dahil din sa kanya kung bat sila nagkaganito ngayon. Kaya di siya titigil sa kakasuyo dito. Kaya nga kahit gaano pa ito katagal bumalik handa parin siyang maghintay dito kagaya nung bumalik ito noon galing barko at sinuyo suyo siya para kausapin. Ilang pagtataray at pagsusungit din ang ginawa niya dito pero di rin ito basta basta sumuko at hinarap lahat ng katarayan at ginawang pagtatabuyan niya dito. At naniniwala siyang mahal parin siya nito.

Naglalakad na silang dalawa papasok ng bahay ng salubungin sila ni Enrique na may kasamang magandang babae na nakahawak pa sa braso nito.

"Jamie darling long time no see!" Linapitan naman ito ni Lucia at hinalikan sa pisngi. Si Jane naman at nakatayo lang at tila naguguluhang nagpapalit palit ng tingin sa mga ito.

"Jamie si Jane nga pala siya yung kinikwento ko sayo nung tumawag ka nung nakaraan..."

Parang natulos sa kinatatayuan si Jane ng lumapit sa kanya si Jamie saka siya niyakap at hinalikan sa pisngi nito na parang wala lang.

"Finally...." nasabi lang nito na nagingiti ngiti pa.

"Hija okay ka lang ba? Si Jamie pala.. Anak siya ng pinsan kong si Phenn, alam mo bang sikat na Architect na yan sa US? Kaya nga nagulat nalang ako ng malaman ko na halos dalawang buwan na pala yang pabalik balik dito dahil sa isang important project nya daw dito..."

"Hi Jane.." ngumiti ito ulit sa kanya kaya napilitan na din siyang ngumiti dito. Napansin niya ang pagiging makulit at masayahing aura nito.

"H... hello...." nahihiyang bati nito sa dalaga na medyo ikinataka ng mag asawa. Napansin kasi nila ang pagiging uncomfortable niya sa bisita.

"Ahmmm.. I'm sorry for what happen.. I... I'm just teasing Coleen that time..."

Nagtataka namang napatingin dito ang mag asawa na ngayon ay pati sa kanya ay nakatingin na rin.

"Have you two met?" Enrique.

"Jamie?" Tanong din ni Lucia na ikinangiti lang ni Jamie saka tiningnan si Jane. Alam din kasi ng mag asawa ang kakulitan nito. Sa lahat ng magpipinsan ay ito lang ang alam nilang medyo malapit kay Coleen dahil di din nagkakalayo ang edad nito dahil mas matanda lang ito ng dalawang taon dito.

"Nagmeet kasi kami ni Col that time Tito, Tita.. and nalaman ko nga na may problema siya. You know.. Di naman nakakapaglihim din sa akin yun. Kaya nakilala ko si Jane.." ngumiti ulit ito saka tumabi kay Jane.

"And?" Nagtatakang sabi ni Enrique.

"I kiss Coleen to tease her when we see Jane waiting for her in Col's place.." itinaas na naman nito ang dalawang daliri na nakapeace sign na naging habit na ata nito.

"Kayong dalawa talaga puro kayo kalokohan kapag nagsama kayo." Iiling iling na sabi nalang ni Lucia na niyaya sila sa sofa.

Dun na sila nagkwentuhan ng kung ano ano pa at dahil matagal ding hindi nakita at nakausap ng mag asawa si Jamie. Nakilala din tuluyan ni Jane ng tuluyan ito at mas naging close pa ata ang dalawa na nung huli ay sila nalang ang nag uusap na inabot na rin ata ng paglubog ng araw. Kinwento kasi ni Jane lahat lahat dito pati na rin ang nangyaring break up nila na pinakinggan naman ni Jamie. May mga nalaman pa siya tungkol kay Coleen dahil sa mga kwento ni Jamie sa kanya na lalong nagpasabik sa kanya na makita at makasama ulit ito.

● ● ●

"Masaya akong pinagbigyan mo ang imbitasyon ko hija..." bakas sa mukha ng matanda ang saya ng makita ang babaeng kakarating lang din sa rest house nya ngayon at kasabay niya habang nag hahapunan. Ngiti lang naman ang isinukli nito sa kanya na bakas pa ang lungkot sa mga mata.

"Alam kong pagod kapa sa mahabang byahe mo, at masaya akong pinili mo paring puntahan ako rito para pagbigyan ang imbitasyon ko.."

"Wala po yun Lolo Altheo.. "

"Napakagandang bata mo talaga Coleen, at mas lalo ka pa atang gumada at naging kamukha mo ang ina mong si Lucia.."

"Bagay na bagay talaga kayo ng apo kung si Jane..."

Tuluyan ng napangiti si Coleen sa sinabi ng matanda. Di niya alam kung anong isasagot dito. Alam niya na gustong gusto siya ng matandang Estrella para sa apo niyo dahil di lang naman ito tumigil hanggat di siya nakakausap noon habang nasa Madrid siya. Lingid sa kaalaman ng lahat ay personal pa itong lumipad papunta dun kasama ang asawang si Amanda para sadyain siya para makapag usap.

"Alam kong mahal na mahal mo pa rin ang apo ko Coleen.. Kahit di mo sinasagot ang ibang mga tanong naming mag asawa sayo nung pinuntahan ka namin noon alam kong mayblugar parin siya sa puso mo.."

"Parehas na parehas kayo ng sinabi ni Daddy Joaquin Lolo.." humugot ito ng malalim na hininga saka tiningnan ang matandang nasa harapan niya. Halos mag abot pa si Joaquin at Don Altheo sa bahay na tinitirhan niya noon nung nasa Madrid pa siya. At parehas na parehas ang mga sinasabi nito. Na lawakan pa ang pasensya para kay Jane at sana di daw siya agad agad magdesisyon ng di pa napapag isipang mabuti.

"Nung una di ko talaga gusto yang si Joaquin para sa anak kong si Isabella." Nagtataka namang tumingin si Coleen dito.

"Not because he's not from an elite family but because i'm afraid that my daughter wouldnt have a future with that man.. Minana ni Jane ang ugali ng ina niya, parehas silang pasaway at matigas ang ulo noon. Walang alam kundi shopping, new haircut.. new stuffs, new cars and all.."

Di alam ni Coleen kung saan patungo ang kwento ng matanda pero pinakinggan niya nalang yun.

"Di ko gusto si Joaquin para sa anak ko dahil baka di lang nito maibigay lahat lahat ng luho ng anak ko na naiibigay ko noon. Pero kahit anong gawin ko nun si gumagawa parin ng paraan ang dalawang yan para magkita ng di ko nalalaman..."

"Time comes na pinagbawalan ko sa lahat si Isabella, cut her credit cards.. lock her in her room with her guards for almost i dont know.."

Tila naging interesado si Coleen sa kwento ng Lolo Altheo niya, di niya kasi alam na may ganun palang pinagdaanan ang ina ni Jane.

"Nagulat ako one day na hinarang ni Joaquin ang kotseng sinasakyan ko noon para lang makiusap sa akin. He did everything to prove his love to my daughter... I also put him in jail for tresspassing my house in Laguna that time.."

"You did that Lo? Why?" Puno ng kursyudad na tanong ni Coleen sa nakatingin naman sa bintanang si Don Altheo.

"He did that because he wants to see my daughter so i put him to jail to suffer at para mailayo sya sa anak ko..."

" You know what kind of lesson i learned that time hija?"

Nanatili namang nakatitig sya dito na di na nakasagot. Di niya iniexpect na ginawa ito ng Don noon sa Mommy Isabella niya at sa asawa nito ngayon.

"Isabella almost killed herself.. Uminom siya noon ng maraming kung ano anong gamot para tapusin nalang ang buhay niya dahil sa kalupitan ko at sa ginawa kong paghihiwalay nila ni Joaquin.."

"Then i realize something.. I cant live without my daughter.. Halos isumpa na rin ako ng dalawang anak ko pa dahil dun.."

"And so i give Joaquin a chance to prove himself to me na di niya naman sinayang.. He worked hard without asking money from me to support Isabella and for their wedding.. Wala akong ginastos nun sa kasal nila dahil parehas silang may galit sa akin.. Lalo na si Bella.. Dun ko narealize lahat lahat.. I did everything to bring back Bella's trust.. and i'm thankful na kahit papano naging okay kami kahit papano ngayon.. Bumawi na rin ako kay Joaquin though di niya tinatanggap ang tulong mula sa akin e mas mabuti na rin yung nakakapag usap kami bilang mag ama na rin at hinayaan nila akong suportahan ang nag iisa nilang anak na si Jane.."

"Tinanggap ko na rin ang pagkakamali ko sa tingin ko at panghuhusga noon kay Joaquin para sa anak ko. Joaquin is a responsable man, lahat ay kayang gawin nun para sa mag ina niya. And i'm so happy na siya ang napili ng anak ko kahit tutol ako noon..."

Hinawakan ng matanda ang kamay ni Coleen habang nakatingin ito sa mga mata niya.

"Mahal na mahal ko ang apo kong si Jane hija, alam kong mali ang pagbigay ko sa kanya ng luho o kung ano man para mapasaya sya kaya din naging pasaway siya at matigas ang ulo na alam kong nagiging problema mo rin.."

"Pero nung makilala kita and sorry to say na naghire pa ako ng private investigator para mas makilala ka nung malaman kong ikaw ang gusto ng apo ko lalo akong humanga sayo. Sa sipag mo at sa determinasyon mong tumayo sa sarili mong mga paa na may malaking naging impluwensya sa apo ko para mabago siya."

Nagulat pa si Coleen sa sinabi ng Don na naghire pa pala ito ng tao para imbestigahan siya ng di man lang niya nalalaman.

"Give Jane another chance hija.. I really like you for her at alam kung mas maayos ang magiging kinabukasan niya sayo dahil sayo lang din siya nakikinig.." pakiusap sa kanya ng Lolo Altheo niya habang hawak ang kamay niya. Naging malapit na rin ito sa kanya dahil sa maayos na pagtanggap nito sa kanya nung inamin niya noon na gusto niyang pakasalan si Jane. Kaya naman isa ito sa nalungkot nung nagdesisyon siyang makipaghiwalay dito.

"Lolo...."

"I'm not forcing you to decide now hija.. Pero sana pag isipan mong mabuti alam ko na mahal mo parin siya.. Pero wag mo sanang i give up yung nararamdaman mo para sa kanya dahil lang sa katigasan ng ulo niya..."

"I just need more time Lo... Sinasagad niya kasi ang pasensya ko talaga.. Sinubukan kong intindihin siya pero talagang may time na di nya ako kayang sundin to the point na kahit sakin nagsisinungaling pa siya.."

"Alam ko hija.. Bata pa siya at alam ko rin kung gaano katigas ang ulo niya pero alam ko rin na ikaw lang ang nakakapagpasunod sa kanya.."

"I don't know Lo..."

"Just think about it hija okay.... Don't give up that easily dahil alam kong maaayos niyo pa yan.."

Matagal pang nagkwentuhan ang dalawa ng kung ano ano na yung iba naman ay patungkol din sa mga family business nila. Marami pa sana silang pag uusapan pero gabi na rin at yayain man ng matandang dun na magpalipas ng gabi si Coleen ay hindi pwede. Kailangan niya kasing makabalik sa Manila dahil may mga bagay pa siyang kailangang asikasuhin. Kaninang umaga lang siya dumating ng Manila at alam naman niyang kahit di niya ito pinaalam sa mga ito ay makakarating din yun sa mga magulang niya o kay Jane pero mas pinili na lamang niyang wag na munang umuwi sa mansiyon na sana ay intindihin na lang ng mga magulang niya. Alam niya kasing hahanapin at hahanapin din siya ni Jane kagaya ng pangungulit nito sa secretary niya nung nasa Spain pa siya.

COLEEN'S POV

Nakatutok ang mga mga ko sa kalsada habang nagmamaneho ako pabalik ng Manila pero malayo naman ang lipad ng isip ko. Bumabalik balik kasi sa utak ko lahat ng sinabi sa akin ni Lolo Altheo kanina.

He's right. Mahal ko pa ang apo niya. Pero talagang di ko pa ito kayang harapin dahil sa galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Dumadagdag pa lalo ng may nakarating sa akin na may nakakita daw dito sa isang bar na lasing at may kahalikang babae. Di ko nalang binanggit pa yun sa kanya nung huli kaming mag usap dahil baka lalo lang akong sumabog sa galit.

Alam ko ding kapag hinarap ko lang siya ngayon di lang magiging maganda ang kakalabasan nun dahil kilala ko ang sarili ko. Once na galit ako. Galit ako at wala akong pakikinggan, makakapagsalita lang ako ng pwedeng mas makapagpalala ng sitwasyon. Natigil lang ang pag iisip ko ng makita kong tumatawag si Jamie.

"What do you want?" Mataray na sagot ko dito. Lagi nalang ako nitong kinukulit palibhasa may pabor akong hiningi dito. Saka isa lang din siya sa binigyan ko ng new number ko at alam din niya na nakabalik na ako ng Manila.

"Taray mo ha isumbong ko kaya kay Tito Enrique na andito kana sa Manila.. galing pa naman ako dun nung isang araw.. " Pamba blackmail nito na narinig ko pa ang mahinang pagtawa.

"What do you want my pretty cousin?" Pinalandi ko pa ang boses ko habang nakatirik naman ang mga mata ko. Humalakhak naman ito sa kabilang linya na alam kong iniimagine niya ang itsura ko ngayon.

"Asan kana ba kasi? Akala ko ba dito kana tutuloy sa Alabang para makita yung masterpiece ko? And my pasalubong asan na?"

Napabuga ako ng hangin ng maalala ko nga palang dun dapat ako unang pupunta para maibaba ang mga gamit ko pero tinawagan naman ako ni Lolo Altheo para dun na maghapunan pagkatapos ko manggaling kanina sa bahay nina Daniella at Sahara.

"Papunta na ako, andyan kapa ba? May importante lang akong pinuntahan pero paluwas na ko. Dyan na lang ako dederecho..."

"Sinong pinuntahan mo? Si J---"

"Something important." Singit ko sa sasabihin nito dahil alam kong uumpisahan na naman ako nitong bwisitin.

"Wait for me there. 30minutes na lang andyan na ako." Yun lang at binabaan ko na ito. Hahaba lang ang usapan namin dahil alam ko ang sasabihin niya.

Dahil wala namang traffic sa Slex ay mabilis akong nakarating ng Ayala Alabang para puntahan siya. Bago pa ako makarating sa lugar na pupuntahan ko na ilang street nalang ang layo ay iginilid ko muna sa may country club ng village ang kotse ko saka ko marahang ipinikit ang mata ko. Bumibigat lang lalo talaga ang loob ko kapag nagpupunta ako dito. Nang pakiramdam ko ay medyo kalmado na ako saka ko nalang ulit binuhay ang makina ng kotse ko saka ko binaybay ang kalsada papunta sa lugar na pakay ko.

Nagmenor pa ako ng makita ko ang bagong bago at mataas na gate nito na may nakalagay na malalaking M at T na letra sa magkabilang harapan nito. Nang maitigil ko sa harapan nito ang kotse ko ay dun na lumabas ang guard na nagulat pa ata ng magbaba ako ng salamin.

"Ma'am good evening po! Andito na po pala kayo.. " Pilit nalang akong ngumiti dito bago ako tuluyang pagbuksan ng gate para maipasok ang kotse ko. May mga 30meters din siguro ang layo ng main gate nito sa mismong malaking mansiyon nito sa loob na may malaking fountain sa harapan. Natanaw ko kaagad ang kulay dilaw na chevrolet na nakaparada na alam kong kotse ni Jamie. Wala namang iba pang nakakaalam ng lugar na ito kundi kaming dalawa palang.

Di pa ako nakakalabas ng kotse ko ay nakita ko na ito na malawak ang pagkakangiti habang may hawak pa na pizza sa kamay.

The pizza girl Jamie Tan-Samaniego.

Paborito kasi nito ang pizza, naaalala ko pa nung nagkita kami noon bago ako umuwi ako sa condo sa rockwell. Halos naubos niya ata ang inorder naming malaking pizza at halos di ko ito nakausap masyado dahil inuna pa nitong lantakan ang pizza sa harapan namin. Pero nalungkot lang ako ng maalala ang araw na yun dahil yun din yung huling araw na nagkita kami ni Jane.

"Ano ba yan.. Kararating mo lang dito sa mansion ko sambakol na naman yang mukha mo.."

Inirapan ko lang ito saka iniwan habang nagmamartsa ako papasok ng mansion. Narinig ko naman ang hagikhik nito na alam kong nakasunod sa akin.

"Where's my pasalubong dear couz? Ayusin mo nga yang mukha mo..."

"Ay teka.. nagustuhan mo ba yung design ng fountain sa harapan? Italian inspired yun kagaya ng req----"

"I'm tired Jamie... Kunin mo nalang sa kotse ko yung pasalubong mo. Ask aling Ria to get all my things at sila na ang bahalang maglagay sa kwarto ko."

May nakasalaksak pa ito sa bibig niya ng magsalita ito habang paaakyat naman ako sa stairs para pumunta sa kwarto ko kaya di ko maintindihan ang mga sinasabi nito.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa masters bedroom ay pabagsak kong ihiniga ang sarili ko na di man lang naghubad ng sapatos ko. Di ko pa naipipikit ang mga mata ko pero naririnig ko na naman ang bunganga ng pinsan ko kaya naman itinakip ko sa tenga ko ang nahawakan kong unan sa tabi ko. Inagaw naman ito ng bruha at namewang sa harapan ko.

"Coleen Brylle naman.... Di pa nga napapa bendisyunan itong bahay mo nagpapapasok ka kaagad ng negative energy dito dahil dyan sa sambakol na mukha mo na tinalo pa ang naulanan ng kasungitan na lahat na ata ay sinalo mo."

"Get up! Lets have a drink come on!" Hinatak pa nito ang kamay ko para makabangon na wala naman akong nagawa dahil sa lakas nito. Halos magkasing tangkad lang kami pero batak din ang katawan nito dahil sa hobby nitong pagboboxing kapag wala itong gaanong ginagawa.

"I want to sleep Jamie... Lumabas kana lang at magbar.. Maraming bar sa la-----"

"Tigilan mo nga ako.. Aalis na nga ako bukas ng gabi pabalik ng US tapos di pa tayo magbobonding ngayon matapos kong tapusin itong bahay mo.." tuloy tuloy parin ang paghila nito sa akin habang nagdadaldal ng kung ano ano.

"Jamie alam mo namang mahina akong uminom. The last time we get drunk together 2 years ago di na ako nakabangon halos ng dalawang araw!"

"Sige na naman kase.. Nakalusot ka na sa akin nung last time na nagkita tayo tapos pag uwi natin naabutan natin si Jane kaya di na tay----"

"Fine! Susunod ako, di mo na ako kailangang hilahin at kung ano ano pa sinasabi mo dyan! Magshoshower lang ako para makapagbihis dahil amoy ewan na ako. Maghapong damit ko na ang suot ko ngayon.." Pagtataray ko dito na tiningnan pa ako kung nagsasabi ako ng totoo. Nag uumpisa na naman kasi itong ungkatin ang kung ano ano para inisin na naman ako.

"I'll wait for you downstairs ha. Don't you indian me or i will invite somebod----"

"Ang conyo mo parin talaga! Oo na! Magshoshower lang ako konte susunod na ako boss! At subukan mo lang talaga mag imbita dito ng kung sino at talagang ako pa ang magpapasundo ng eroplano sayo pabalik ng US at sisiguraduhin ko ng di kana makakabalik pa dito sa Pilinas!"

Nanlaki naman ang mata nito dahil sa sinabi ko na tila abnormal dahil sa pagpapalit ng mood nito na bigla namang nagseryoso ulit na parang walang narinig sa sinabi ko.

"You better be! Magpapa order lang ako ng pizza ha.. Bumaba kana dun agad.. Ipapalabas ko na kay Aling Ria yung mga imported wines na--------"

"Ang kuliiiit! Para namang may pupuntahan pa ako diba?"

"Maliligo na ako!"

Tinalikuran na ko na ito saka isinara ang pinto para makapagshower bago lalong sumakit ang ulo ko sa kanya.

Tiningnan ko pa ang wrist watch ko pagkatapos ko bumaba para puntahan si Jamie after ko mag half bath, at nakita ko namang mag na 9pm palang din naman. Kailangan ko kasing kitain bukas si Art dahil inutos ko ditong magkita na lamang kami sa labas bukas para pipirmahan ang mga kailangan ko sa opisina. Ayoko rin kasing pumunta muna dun dahil alam kong kakausapin lang ako ni Daddy or worst puntahan ako ni Jane.

Naabutan ko pa ito na seryosong may kausap sa cellphone niya na binaba rin naman nung malapit na ako dito.

"Who's that?"

"Ha? N... nothing.. Just a friend.. May tinanong lang.."

May gusto pa sana akong itanong dito pero di ko na lang tinuloy dahil nilalantakan na naman nito ang pepperoni pizza na kararating lang din ata.

"We will drink all that? Baka naman limang araw na akong di makatayo niyan.."

Nanlaki ang mata ko sa hilera ng samot saring alak na nasa mesa kasama ng maraming pagkain at kung anong pwedeng kainin habang umiinom.

"Di mo naman ata pinaghandaan ang farewell bonding nating dalawa no?" Parinig ko pa rito na ikinatawa naman niya.

"Pagbigyan mo na ako, aalis na nga ako bukas e.. And di ko nga alam kung kelan ulit ako makakabalik. You know naman na para sayo lang talaga kaya ako umuwi dito..."

Jamie is an architect, may sarili itong maliit na kumpanya sa US na siya mismo ang nagpapatakbo. Di lang basta architect dahil top 1 ito sa board exam sa Los Angeles dahil sa galing at husay nito. She's 23 at dalawang taon ang agwat ko dito pero iba din ang closeness namin noon nung nag aaral pa ito ng highschool dito sa Pilipinas. Medyo bihira na nga lang kami nakakapag usap simula nung umakyat ako ng barko pero nagkakausap parin naman kami sa telepono minsan.

"Hoy! Lumilipad na naman ang iniisip mo dyan.."

Kinuha ko ang shot glass na inabot nya na pinuno pa ata niya.

"Ang tapang naman nito.. Pwede bang bumili nalang tayo sa labas ng beer.."

"Ano kaba, amoy matapang lang yan pero sasarap yan habang tumatagal.. Di mo na malalasahan.."

"Kasi lasing na ako ganun? Pasalamat ka ikaw ang architect nitong bahay ko kung hindi..."

Napapikit pa ako sa pait ng alak na ininom ko na gumuhit pa sa lalamunan ko kaya naman mabilis kong ininom ang juice na nasa basong hawak niya.

"God! Where the hell did you get this! It taste awful!"

Uubo ubo pa ako sa sobrang pait nito kasabay ng init na gumagapang sa katawan ko dulot ng alak na yun. Palibhasa di rin kasi talaga ako madalas umiinom, kung umiinom man ay mga beers lang din o kaya light drinks di yung tipong malalasing talaga ako.

Parang tubig lang naman itong ininom ni Jamie saka tatawa tawang tumingin sa akin.

"It taste heaven kaya. Hahahaha! "

Inirapan ko nalang ito at nagsubo ng kung ano anong nasa harapan namin para mabawasan ang lasang naiwan nito sa bibig ko. Kung ano ano lang din ang kwentuhan at pinag usapan namin dalawa habang umiinom. Napapansin kong kanina pa ito tila may katext sa cellphone nito dahil mayat maya ang pindot niya dito.

"Sino ba yang katext mo? May boyfriend kana ba?

"Wh...what?? Wala no! Kasing taas ng standards mo ang standards ko sa mga lalaki. Kaya nga sa sobrang taas ng standard ko walang makapasa e.."

"Pero sabagay. To hell with standards, you told me before kung kaninong ugali ng tao ka possible mainlove but look now... You fall inlove with Jane Mondragon, ang kilalang spoiled brat rich kid na hawak ang sariling batas. Yet you head over heels fall for------"

"Shut up Jamie."

Inisang lagok ko lang ang shot na dapat ay iinumin niya pero inuna nya ang dumaldal ng dumaldal. Tiningnan niya lang naman ako bago nagsalin ulit ng shot na para sa kanya.

"Col......"

"Kung pag uusapan lang na naman natin ang mga taong di na dapat pinag uusapan. Tapusin na natin to at matulog na tayo.. I can feel my legs shaking because of this tequila brandy vodka whatever it is we're drinking."

Ramdam na ramdam ko kasing sobrang nag iinit na ang mukha ko pati ang katawan ko dahil sa alak na iniinom namin. Pati ata tuhod ko ay nanlalambot na dahil dito. Paubos na kasi ito at nakita ko pa siyang may binubuksan pang isang iba naman ang brand.

"No.. May itatanong lang ako..."

"What about..." Ininom ko ulit ang isa pang kasasalin niya lang na alak. Mukha ngang tama ang sinasabi ng iba, habang tumatagal ay sumasarap nga ito. Isa pa, di na ganun kapait ito sa panlasa ko.

"Di ba you know someone na pwedeng magkasal ng same sex? Na pwede ring mag ayos ng papers para mas mabilis itong magawang legal na siya mismo ang mag aasikaso sa ibang bansa?"

"Yung ano.. Nakwento mo before sa akin? Judge ano nga yun..."

"Why do you ask? Don't tell me confuse kana rin? Are you gay?"

Bat naman kaya niya tinatanong? Ngayon ko lang ito narinig na biglang nagka interes sa mga ganitong bagay.

"Uhmmmm... Nothing... Ka.. Kasi..."

I look at her asking. Mukha itong nalilito at nahihiyang tingnan ako..

"I know someone... And i want to... I mean she... She wants to marry someone asap?"

Patanong at nalilitong tanong nito.

Naalala ko na naman si Jane. Dapat kinasal na kami last week dahil nakausap ko na yung Judge na pwedeng mag asikaso ng lahat lahat at mabilis pa nitong maaasikaso ang legality nito.

But what did just happen in a single snap, umalis lang ako kung ano ano na ang nangyari? Asan siya? Siguro masaya na rin yun ngayong nagpaparty sa mga bar dahil pinalaya ko na siya.. Wala ng magbabawal sa kanya sa mga gusto niyang gawin.

Ako na mismo ang nagsalin ng alak sa shot glass na nasa tapat ko pa dahil nakatulala lang naman si Jamie habang nakatingin sa akin at tila may iniisip. Nakita pa na tila aagawin sana nito ang baso sa akin pero mabilis ko ng naubos ang laman nito saka nagsalin ulit ng panibago.

"Hoy hinay hinay lang, kanina parang halos masuka kapa dyan tapos ngayon naman ginagawa mo na yang tubig.." humagikhik pa ito na kinuha ang dapat ay iinumin ko ulit na alak.

"Di ka dapat malasing ng sobra no.."

"And now you're telling me that huh! Bilisan mo nga! Mahina ka pala eh."

Di makapaniwalang tinapunan lang ako nito ng tingin saka ininom ang alak na hawak niya.

"About that Judge that you know... Can i... Have his nu...number?"

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.