"Marami naman dyan.. Saka di ba sa US madami dun. Dun ka nalang maghanap. Di ka pa mahihirapan dahil legal dun."
Ano bang trip nito at si Judge Imperial pa ang gusto.
"Eh kasi ano... I want him... Saka..."
Nagtatakang tiningnan ko ito pero umiwas lang ito ng tingin.
"Kasi yung friend ko... Taga dito din yun e... And... Dito niya gustong magpakasal... will you just give me his number?"
"Kaibigan mo naman eh, ikaw na ang magsabi na sa ibang bansa nalang.. Pati ba naman yun poproblemahin mo pa.."
Ano ba naman itong pinsan ko na to. Lahat nalang ata ng problema inaako. Pati ba naman paghahanap ng judge siya pa ang maghahanap para sa kaibigan niya e ang dali dali namang maghanap.
Iiaangat ko na sana ang hawak kong shot glass para inumin ulit ito pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Just give me his number please couz? " seryosong sabi nito na mukha talagang interesado.
"Fine! Pero pwede bang bukas na.. Nag eenjoy pa tayo dit----"
"I want it now.. Please?"
"Ano? Ano namang gagawin mo sa number ng Judge sa mga ganitong oras hello? Its..." pinakatitingan ko pa ang oras sa braso ko dahil tila naduduling na ata ako dahil sa mga nainom ko..
... 11.. 11 na? See? 11 na kaya! Bukas na...Ano ba yang friend mo. Taeng tae na ba yang magpakashal."
"Pretty pleaseeee? Its important.. I need it now." Nagpuppy eyes pa ito at nagpapa awa pang kunway bumusangot pa para mapansin ko.
"Whatever. Bahala ka. Hanapin mo nalang sa cellphone ko.. Sya lang ang Judge Imperial ang name dyan.." halos napalakas pa ata ang pagpatong ko sa mesa ng cellphone ko na kinuha ko pa sa bulsa ng short shorts na suot ko. Lumiwanag naman ang mukha nito na parang nabunutan ng tinik na todo ngiti pa habang kinakalikot ito.
"Ikaw na muna maghawak nyahn. I think im drunk.. saka wala ka namang makikitang kung ano dyan dahil bago lang yan at walang mumber ng kung sino."
"Pero memorize mo naman ang number niya. Whatever Coleen Brylle Castro Tan. Kilalang kilala kita."
"Just do your thing Jamie at ubusin na natin to bago pa kita palayasin dito. Inuumpisahan mo na naman ako. "
Inirapan ko nalang ito saka uminom nalang para di na humaba ang usapan namin. Ayokong mag umpisa na naman itong mag open ng kung ano ano. Kailangan ko nga siguro talaga ang alak na ito para makatulog ako ngayong gabi at di ko siya maisip.
JAMIE'S POV
I'm watching my cousin Coleen while getting herself drunk. Kanina lang nakita kong maluha luha ito nung unang shot niya ng vodkang una kong binuksan. Pero ngayon naman siya na ang nagbukas ng tequila na gusto naman daw niyang lasahan kahit di pa nauubos yung pangalawang bote ng vodka na binuksan ko. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan parin ito. Her eyes cant hide the pain and sadness she's keeping inside. At kahit tawanan niya pa ako, i can feel na malungkot parin siya. Kaya itinuon nalang nya sa alak at dun nalang binuhos lahat.
After a lot of drinks dun na sya mag umpisang magdrama at umiyak. Ramdam na ramdam ko yung sakit na dinadala niya pati yung alam kung pagmamahal na meron pa para kay Jane. This is the one reason kaya gusto kung makainuman siya. Para mailabas niya lahat ng sakit. Dahilan na lang yung paalis na ako bukas kaya ipinilit ko talagang painumin sya. Kilalang kilala ko na kasi ito, itatago at itatago niya yung nararamdaman niya at magmamanhid manhidan na akala mo di masasaktan. At alam ko na alak lang din ang katapat para mapaamin ito at mapagsalita ko ito sa mga problema niya. At nangyari na.
I saw her weeping and crying to hell like its her last existence on earth. At kagaya ng dati andito ako para makinig at payuhan siya na parang mas matanda sa kanya. Coleen is a strong girl, lahat kinakaya nito pero marupok ang puso nito sa loob. Alam kong kung di niya nailabas ito ngayon ay maaaring ito ang ikawasak ng pagkatao niya dahil alam kong pinipigilan niya lang ang nararamdaman niya na alam niyang maglalayo sa kanya sa real happiness.
She's like a sister to me, that's why i dont want to see her hurt and cry for some reasons na kaya ko naman siyang matulungan. Kaya kahit alam kong baka bungangaan ako nito bukas o pag matino na ito e okay lang. Siguro naman nasa US na ako nun depende kung anong oras bumalik ang tino niya dahil sa dami ng alak na ininom niya.
Di naman ako gaanong nakainom dahil nga katext ko si Tita Lucia para hingin ang number ni Jane kaya naman pati yung alak na dapat iinumin ko e inaagaw na nya.
Halos matawa tawa pa ako ng pati yung guard niya dito sa Mansion niya ay niyaya niyang uminom na dapat mag iikot ikot lang. Wala naman itong nagawa dahil sa Boss niyang nakainom na rin kaya umupo na rin ito. Ayun na nga at halos magsigawan pa ang dalawa na parang mga bingi habang nag uusap.
Di kaya tulog na si Tita Lucia? Halos mag aalas dos na rin ng madaling araw e, hinihingi ko kasi ang number ni Jane. Marami pa itong tinanong sa akin kanina dahil nagtataka siguro ito dahil sa biglang pagtatanong ko. Halos 30minutes na rin ata pero wala parin itong reply. Pero ng magvibrate ang phone ko at makita sa screen ang pangalan ni Tita Lucia ay para akong nakajackpot sa lotto na halos magkakawag na di naman pinapansin ng dalawa kahit halos nasa tapat ko lang dahil sa pinag uusapan ng mga itong di ko naman alam kung nagkakaintindihan pa. Si kuya guard naman au halatang pinipilit nalang na intindhin ang sinasabi ng boss niya.
"Couz... Wait kang ha.. I need to call my friend..."
Susme! Pulang pula na ang mukha nito at halos nakakalat na sa mukha nito ang ilang buhok nitong nalalaglag sa pagka messy bun na ipit nito kanina. Parang high sa katol lang itong kumumpas saka ngumiti sa akin.
"Meyhk it fasht..tumatakas kah sa shaht moh eh!"
Di ko alam kong matutuloy ba ang plano ko sa sobrang kalasingan na nito ngayon na di na ako pinansin pa na dumadaldal sa kausap niya. Kaya naman lumabas ako saglit sa bahay niya at dun ko idinial ang number ni Jane sa cellphone ni Coleen dahil malapit na akong malobat.
Halos nakakailang ring na ito pero di pa rin ito sinasagot.
"Pick it up please!" Pabulong na sabi ko habang tinatawagan ulit ito.
"Hello... Who's this.." narinig ko ang basag na boses nito at may pagkamasungit pa na halatang kagagaling lang sa tulog.
"Jane? Ikaw ba to? This is Jamie.. "
"Jamie? H..hi... Napatawag ka..." tila napabangon pa ata ito na nagulat ng malamang ako ang tumawag sa kanya.
"This is important. Listen to me okay?"
"I know its past 2am and its not safe for you to come here but please gumawa ka ng paraan para makapunta ka dito sa Alabang, i'll text you the address at dito ko na ipapaliwanag sayo lahat.."
"Wait what?? Alabang? Anong nangyayari? Baka di ako makalabas dahil andito si Daddy kahapon lang du---"
"Do you love my cousin?"
Narinig ko ang biglang pagtahimik sa kabilang linya.
"Answer me! You still love my cousin or what? Do you want her back paba? Decide now!"
"Yes! Okay sige. Pupunta na ako dyan! Send mo nalang sa akin ang address.."
May narinig pa akong kung anong parang may nalaglag pa ata sa kwarto niya.
"And Jane... Please be safe okay.. i'll text you the address nalang and aantayin nalang kita sa gate.."
"Okay bye.. Salamat Jamie.."
Napangiti ako ng maibaba ko ang tawag at itext kay Jane ang address nitong mansion ni Coleen. Sana talaga magawa ko yung pinaplano ko. Bahala na bukas kung anong mangyayari.
I check again on Coleen's phone and look for her inbox when i heared a message tone.
"20minutes Ma'am andyan na po ako."
Napasuntok pa ako sa hangin sa sobrang tuwa dahil sa nabasa kong message galing sa isang taong kanina ko pa tinetext gamit ang cellphone ni Coleen.
Nang bumalik naman ako sa dalawang umiinom ay si Kuyang guard nalang ang naabutan ko.
"Kuya where's Coleen?" Nag aalalang tanong ko.
"Ma'am nag cr lang po.. Kaya pa naman daw po niya eh.. di ko na po inalalayan dahil ayaw po niya.."
Mabilis ko naman itong sinundan sa cr pero bago pa ako makarating dun ay nakita ko na itong papalabas habang itinutuwid ang lakad. Tumawa pa ito ng makita ako.
"Where have youh beenh.. Ahndyah moo."
"I think youre too drunk now. Tama na yun ha.. ipapaligpit ko nalang yun kay Manang at kuya.."
Shocks. Baka mapurnada pa nito ang plano ko. Ang balak ko lang e painumin ito para makapag usap sila ni Jane pero di naman yung ganito na lasing na lasing na lasing na siya.
"Kahya ko pa no.. Akoh? Lahat nahman kinakayah ko kahit anoh oa yann.."
Lalapit pa sana ai Kuya Guard para tulungan akong alalayan siya pero itinaas naman nito ang kamay niya.
"Dyahn ka lang Añshlmo.. Iinom pah tayo.."
"Jesus naman Kuya nakailan naba kayo? Lumabas lang ako saglit eh..."
"Nako Ma'am ang bilis po magtagay ni Ma'am Coleen eh kakatapos ko lang po uminom nakainom na agad siya tapos ako ulit.."
Kakamot kamot pa ito sa ulo na marahil ay walang magawa sa amo niya dahil takot mapagalitan.
"Muhpo ka dyan Jamieh.. Sahn ka bah galing!"
"Ah... Dyan.. diba nagpaalam ako.. I have to call my friend..."
"Hoy last na bote na yan ha.. Mama Mary naman! Pag ikaw talagang limang araw di nakabangon ako pa sisisihin mo.."
Oh God. Siguradong aabutin ako nito ng sangkatutak ng sermon kapag nagising ito bukas. Siguro dapat kong ioff ang phone ko buti nalang at flight ko na bukas ng gabi.
Natatawa nalang ako sa mga naiisip ko habang nakiupo nalang sa table at nakikinig sa kanilang usapang lasing.
Halos mataranta lang ulit ako ng marinig ko ang malakas na pag ring ng cellphone ni Coleen na syang ginamit ko kanina.
"Cehllphone koh yata yun ah.. Asan ba yuhn.."
"Ahmmm.. nakigamit ako ng phone mo saglit.. Kasi nga yung friend ko.. Saka palobat na ako eh... Wait lang ha.. Sasagutin ko lang ito.. Babalik ako."
"Heyyy tahts my phone!"
Di ko nalang nilingon ito ng marinig kong tumigil din naman ito kakasigaw at baka kinakausap na si Kuyang guard. Sasagutin ko na sana ang tawag ni Jane ng mawala ito, buti nalang at tumawag ulit ito kaya nasagot ko agad agad.
"Jamie? Andito na ako.. 603 ba? Gate na may nakalagay na M saka T?"
"Yes wait... Nasa mismong harapan kana ba?"
"Oo kaso nakasarado.. Sure kabang dito? Wala atang guard eh.."
"Wait palabas na ako.. medyo malayo layo kasi ito papunta sa main gate.. basta tatakbuhin ko nalang para di nila ako marinig.. wait for me there okay.."
"O.. okay sige.. "
Tinalo ko pa ata si wonderwoman na halos liparin ang ilang metro para lang makarating sa gate.
Bat kasi ito ang napiling design ng bahay ni Coleen eh. Ang layo layo ng gate sa main entrance ng mansion.
Natatawa tawa nalang ako dahil sa nakikinita kong itsura ko pagkadating ko ng gate. Pinalock ko kasi ito kanina kay Kuya Guard dahil ayaw naman itong payagan ni Coleen kanina na di makipagkwentuhan sa kanya. Buti nalang at nadekwat ko yung susi na binaba lang nito sa sofa kanina.
"Thanks God you're here.. Natatakot ako kanina baka may kung sinong magbukas sa akin na di ko pala kilala.."
"Ahm.. ipasok mo muna yang kotse mo pero hanggang dito na muna sa may bungad ha. Pinatay ko naman ang mga alarm e.. pero para sigurado na rin dahil baka marinig ni Coleen at nung guard..."
Sinunod naman ito ng dalaga na bumaba na rin pagkatapos niya maiparada ang kotse niya. Sa sobrang pagmamadali ata nito ay di na napalitan ang short na maiksing suot nito at hello kitty shirt nitong halatang malaki sa kanya.
"Coleen is here?" Bakas sa mukha nito ang halo halong emosyon.
"Sorry.. Nagmamadali na kasi ako kanina.." napansin niya siguro ang pagsuyod ko sa kabuuan niya habang nakangiti.
"It's okay.. Atleast you are here now.. lets go.. " i gave her a welcome smile.
Habang naglalakad kami papunta sa main entrance ng mansion ay dun ko na pinaliwanag lahat lahat sa kanya pati ang plano kong makapag usap sana sila.
Nahihiya pa akong sabihin sa kanya na lasing na ito kaya di ko alam kung paano pa sila makakapag usap nito ng matino. Sinabi nalang niya na siya na ang bahala dito at ilang beses pa akong pinasalamatan dahil sa ginawa ko.
"Ķanino palang mansion to? Ang lawak at napakaganda.. Gate palang alam mo ng mayaman ang nakatira at di basta basta.."
"I was the one who designed it and plans every single details of this place."
" In short. This is one of my masterpice.." proud na sabi ko habang naglalakad kami papasok ng mansyon.
Ako pa ba.
"Wow! Totoo? Ang galing galing mo naman! This is a big place.. gano mo katagal pinagplanuhan ito? Swerte mo naman dito sa mansion mo, napakalaki at napakaganda na ikaw pa mismo ang syang nagdesign nito.."
"Ohhhh... Thank you.. But..."
"This isn't my house..."
"Halos ilang buwan din ito bago matapos, ang arte kasi nung may ari e. Andaming request at talagang sumakit din ang ulo ko sa designs, Minadali pa ako kasi nga ikakasal na yung may ari nito nung time na yun. Ilang beses pa kami nagtalo ng tatlong engineers na nakasama ko dito..."
"Di mo ito bahay? For sure isa sa kilalang tao dito sa Pilipinas.. Magastos magpagawa ng ganito kalaking bahay at talagang milyon din ang gagastusin lalo na own design pala ng may ari ang ginamit..
"Wait.. Bat nandito kayo ni babe?"
Sasagutin ko na sana siya pero halos mapanganga siya sa nabungaran naming malaking Italian inspired fountain na napapalibutan ng mga ilaw sa katawan nito na siyang lalong nagpapaganda dito.
"This is beautiful.. "
"Alam mo bang dream ko rin na sa future house ko ay magkaroon ng fountain na kagaya nito.. I dont know how to explain it pero kapag nakakakita ako ng fountains parang narerelax ako..."
Manghang mangha itong nakatitig sa fountain na halos di na ata makakurap dahil sa ganda nito.
"Ma'am nakita niyo po ba yung susing naiwan ko dun sa sofa?"
Natigilan kami parehas at napatingin kay Kuya guard na humahangos na nakatingin sa aming dalawa.
"Here.. Hiniram ko lang .. Dumating kasi itong isang friend ko e...nga pala siya ang Ma'am Jane mo... "
Nagbigay galang naman ito kay Jane na nginitian nalang nito kahit naguhuluhan.
"Si Coleen pala iniwan mo??"
"Ma'am nako, inalalayan na po ni Manang Ria pahiga sa sofa. Nako ay lasing na lasing po si Boss at baka po bukas na yun magising..."
"What?! Di ba sabi ko tama na yung iniinom niya kanina?"
"Pasensya na Ma'am Jamie kasi si Boss e... di ko naman mahindian..." kakamot kamot pa sa ulo nitong sagot.
Si Jane naman ay nakikinig lang at alam kong kanina pa gustong magsalita.
"Nga pala, may paparating pa ha.. buksan mo nalang pag sinabi ang pangalan ni Coleen sya na yun.."
Tumango tango naman ito
"Are you sure kaya mo pang magbantay sa gate?"
"Yes po Ma'am konti lang naman po ang nainom ko.. Mas marami po talaga si Boss.."
"Sige na.. Padadalhan nalang kita ng kape dun maya maya.. "
Nagpaalam na rin ito sa amin bago pa sumakay sa sevice nito na nasa tabi lang pala.
Bat di ko nakita yun kanina? Nagtatakbo pa tuloy ako.
"Jamie..."
"Tara na sa loob Jane.." yaya ko kay Jane na mukhang naguguluhan pa.
"Jamie kanino ba talagang bahay 'to? Bat boss ang tawag ng guard kay Coleen? Saka bat nandito sya? Kaano ano niya yung may ari ng property na 'to?
"Malalaman mo rin.."
"Pero sin---
"Ma'am nasobrahan po ata ng lasing si Ma'am Coleen, kailangang maiakyat sya sa kwarto niya para mapunasan sya ng maligamgam.."
Nag aalala namang nilapitan ni Jane ang tulog na tulog na pinsan kong nakahiga sa sofa. Ginising gising pa ito ni Jane pero talagang wala itong response.
"Ano bang ininom niyo? Sobrang lasing na lasing ito, ngayon ko lang ito nakitang ganito kalasing!"
"Hard drinks? Tequila, vodka.... and white whine?"
Nagpeace sign pa ako bilang paghingi ng sorry dito dahil alam kong nag aalala na ito sa girlfriend niya.
"Sorry.. But dont worry lasing lang talaga yan.. Pano naman kasi sa sobrang pagkamiss ata sayo e ayan... Nasabik sa alak.."
Naramdaman ko ang pag ring ng cellphone ni Coleen dahilan para mapatingin ulit sa akin si Jane.
"Ma'am Coleen pinapasok na po ako ng guard niyo.. malapit na ako dyan.."
"Uhmmm Mr.."
Ano nga ulit ang pangalan nun..
"Judge Marco Imperial Ma'am.." pagtatama nito.
"Wait for me outside okay susunduin kita.."
Binaba ko nalang ito saka ko hinarap si Jane.
"Wait here okay? "
"Wag mo na munang iakyat si Coleen sa kwarto niya.. Lalabas lang ako para puntahan si Judge!"
"Manang pakuha nalang ng maligamgam na tubig para mapunasan si Col... Do everything para kahit papano magising siya.." tumalima naman agad ito kahit natataranta na.
Paalis na sana ako pero hinawakan ako ni Jane sa kamay.
"Anong Judge? Anong nangyayari? Siya ba yung may ari ng bahay?" Gulong gulong tanong nito.
"Basta gawin niyo lahat para magising si couz okay kailangan niyang magising. Mamaya ko na ipapaliwanag lahat..
"Pero Jamie..."
"Jamie wait!"
Narinig ko nalang na sigaw ni Jane habang lakad takbo kong tinungo ang pinto.