"Ahggggghhh... My head...." nakapikit na ungol ni Coleen ng magising ito dahil sa kirot ng ulo at nasusukang pakiramdam. Napaigik pa ito ng muling maramdaman ang paghilab ng tyan niya na puno pa ata ng alak.
Nakapikit na inalis niya ang nakabalumbon sa kanyang kumot para makatayo sya papuntang cr para dun magsuka. Di alintana ang kahubdan niya at tanging panty na lang ata nya ang natirang saplot nya sa katawang tinungo ang cr habang pinipilit niyang ibuka ang mata. Napakapit nalang siya sa bowl at doon nilabas ang lahat ng kanina pa nagbabadyang alak na laman ng bituka niya na sa sobrang pait at sama ng lasa ay lumabas ang di maipintang mukha niya.
Nanghihinang napaupo na lamang siya sa tabi ng bowl ng eleganteng cr na pwedeng pwede kapa atang manalamin sa linis at kintab nito.
"Shit! Ayoko na talagang uminom!" Reklamo niya habang sinasabunutan ang sarili pero di naman napigilan ang gusto na namang lumabas sa bibig niya dahilan para halos yakapin na niya ang kaharap na bowl. Hinang hina syang nagpunta sa sink at doon binuksang mabuti ang faucet saka hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa mga kamay nya bago sya maghilamos at nilinisan ang sariling mukha. Napapamura na lang sya sa sakit ng ulo niya dulot ng matinding hangover na siyang humihila sa katawan niya para mahiga ulit.
Lalo lang sumakit ang ulo niyang napapikit ng hawiin niya ang kurtinang nagsisilbing sara sa loob ng kwarto nya ng salubungin siya ng tirik na tirik na araw.
"Arghhhh! " mabilis na isinara niya ulit ito dahilan para medyo dumilim ulit sa kwarto niya. Di niya mahagilap ang cellphone niya kaya naman tumingin na lang sya sa relong pambisig nya at dun na sya napamura ulit ng makitang pasado alas dos na pala.
Sa sobrang lasing nya siguro kagabi ay di na siya nagising ng maaga na ini expect nya naman pero hindi kasing late ng gising niya ngayon. Di na rin nya alam kung sino ang nagbihis at naglinis sa kanya kagabi pati na rin kung papaano siyang nakarating sa kwarto niyang iyon dahil di na talaga niya ito maalala pa. Ang huling tumatak lang sa utak niya ay yung nagdadrama sya kagabi at naibuhos na nya ata lahat sa pinsan nyang si Jamie. Dun na nya naalalang lapitan ang intercom sa kwarto niya saka pinindot ito.
"Manang andyan kaba? Nakaalis na ba si Jamie?"
Ilang segundo lang din naman at sumagot ito.
"Ma'am nakaalis na po si Ma'am Jamie kanina kanina lang pagkakain nila. Di kana po ginising kasi lasing na lasing ka nga po kagabi.. Tatawagan ka nalang daw po..."
Nakapikit lang naman si Coleen na mas iniinda pa ata ang kirot sa sentido niya ngayon na damang dama ng buong katawan niya.
"Ay Ma'am hinatid lamang po siya ng... Ay kalabaw!"
Napataas ang kilay ni Coleen ng marinig ang tila nabagsak na kung ano sa background ni Manang Ria.
"Sorry Ma'am nadulas sa kamay ko yung dala dala kong basket na may lamang mga gulay na pinamili namin kanina.."
"It's okay Manang. Pakihandaan na lamang ako ng mainit na sabaw at saka advil, iakyat niyo na lang dito. Maliligo lang ako."
Narinig niya pa ang mga sinasabi nito pero mabilis na niyang tinakbo ang cr para magsuka na naman dahil sa tila binabaliktad na bituka niya. Naligo na rin ito agad agad dahil pakiramdam niya ay amoy halo halong alak ang singaw na naaamoy niya sa katawan niya.
Dun na siya napatitig sa kamay niyang hawak hawak ang sabon dahil sa singsing na nasa daliri niyang tila ngayon nya lamang napansin. Itinapat niya pa sa shower ang kamay niya para mawala ang bula at mas matitigan ito.
"What the fuck is this?" Pero tila namutla naman sya ng siya na rin ang makasagot sa sariling tanong niya dahil alam nyang wedding ring lang naman ang suot suot niya ngayon.
"No! It can't be... Baka trip lang na naman ako ni Jamie.."
Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo niya kaya naman mabilis na lang siyang naligo at nagbihis para si Manang Mia ang tanungin niya baka sakaling gising pa ito kagabi.
Masakit man ang ulo at parang binibiyak ay di na niya mahihintay si Manang na umakyat sa kawarto niya para makausap ito kaya nagmamadali nalang itong bumaba para puntahan ito.
Masamang masama pa naman ang pakiramdam niya at dama niya pa ang bahagyang pag ikot ng paligid niya dahil sa epekto ng alak na ngayon ay sinusumpa na niya. Natagpuan pa niya si Manang Ria na abala sa paghahanda ng mga iaakyat nitong pagkain sa kitchen.
"Manang gising ka pa ba kagabi nung... umiinom kami ni Jamie?"
"O..Oo naman Ma'am Coleen.. Nakakagulat naman po kayo... Paakyat na rin sana ako, inihahanda ko lang ito..."
Nakita pa ng matanda ang pangingiwi ng amo niya na hinila pa ang upuan at pabagsak na naupo dun bago hinilot hilot ang ulo.
"Ma'am uminom muna kayo nito para kahit papano ay medyo gumaan ang pakiramdam niyo.."
Ininom naman ni Coleen ang iniabot nitong malamig na tubig saka humingi pa ulit dito.
"Ma'am babalik din po ang asawa niyo, hinatid lang po si Ma'am Jamie sa bahay ng kaibigan niya.. Ang aga nga nung dalawang yun gumising e... At sinamahan pa kaming mamalengke ni Ramon kanina.."
Nakangiting kwento nito na tinutukoy pa ang driver na kakakuha lang din niya kagaya ni Manang Ria at sa ilan sa mga kasambahay sa bagong mansion niya na lahat ay inasikaso ng pinsan niyang si Jamie.
Tila naman nabuhusan pa siya ng malamig na tubig at natauhan sa mga sinasabi ni Manang sa kanya.
"Ay napakaganda pala talaga sa personal ni Ma'am Jane... Iniidolo pa nga po ito ng pamangkin kong si Dolor dahil sa pagiging sikat at mayaman nito dagdag pa ang talagang kutis artista at modelo niya."
"Nako Ma'am di ako makapaniwala na siya pala ang fiancè niyo na tinutukoy ni Ma'am Jamie noon.."
"Masayang masaya akong magiging amo ko rin pala siya kagaya mo... Syempre mas maswerte po kayo Ma'am at napakaganda po ng napangasawa niyo..."
Di na halos mapagkasya lahat ni Coleen sa utak niya lahat ng sinasabi ng katiwala niya na ngayon ay kinikilig pa ata habang siya ay tuliro at di alam ang nangyayari.
"What the hell happened last night." Lumabas nalang ito sa bibig niya habang hinahalukay ang laman ng memorya niya kagabi.
"Kayo talaga Ma'am! Kahit nga lasing na lasing kayo e masayang masaya kayo kagabi. Akala ko pa naman napano na kayo at iiyak tatawa pa po kayo.."
Ikinataas naman ng kilay niya ang sinabi ng matanda.
"Tell me you're just joking Manang..." Tumayo na ito mismo para sya na ang kumuha ng isang pitcher ng tubig dahil tila ata lalo siyang nauhaw at kailangan niya pa ng mas maraming tubig.
COLEEN'S POV
Ano ba talagang nangyari kagabi? Bat wala talaga akong maalala maliban sa pakikipag inuman ko kay Jamie at yung pag iyak ko. Tandang tanda ko naman yun e.. Medyo naaaalala ko pa nga nung yayain ko rin si Roger na guard ko dito, pero halos di ko na din alam pa ang nangyari after nun. Pati kung anong oras kami natapos o mga pinagkwentuhan namin.
"Ma'am magbibiro ba ako ng ganun? Kayo talaga!"
Aliw na aliw pa ito habang nagkukwento kasabay ng paghain niya sa akin ng mga pwede kong kainin para makainom ako ng gamot sa sakit ng ulo.
Nakatitig lang naman ako sa singsing sa daliri ko habang tuloy tuloy ang kwento ni Manang sa mga nangyari kagabi.
Ganun na ba ako kalasing? Si Jane. The wedding. Papanong nangyari lahat ng kinikwento ni Manang?
Naguguluhang napahawak ako sa sentido ko habang nakapikit ang mga mata ko para isipin lahat lahat ng nangyayari.
Si Jamie.
"Manang nakita niyo po ba ang cellphone ko? I need to call Jamie."
Nakangiti naman nitong inabot sa akin ang cellphone ko na nakapatong lang pala sa center table ng sala na di ko na napansin dahil sa pagmamadali ko kanina.
Di ko na tiningnan pa ang maraming missed calls at messages na nakita ko pag unlock ko dito at mabilis kong tinawagan si Jamie habang naglalakad ako paakyat sa kwarto ko.
"What did you do?!"
"What the hell happened Jamie?! Ano na namang kalokohan to?"
"And this ring?"
"Is this a big joke? Me getting married last night?! Alam mong lasing ako. This couldnt be happ..."
"Relax hon."
Rinig na rinig ko pa sa kabilang line ang pagpigil nito sa pagtawa at kalmadong pagsalita nito na para bang walang nangyari.
"Stop telling me to relax Jamie! Ako? Kinasal? This is crazy! This is not happening okay!" Halos ikinapikit ko ang pagtibok ng sentido ko na lalo pang sumakit dahil sa hangover ko.
"Arrggggghhhh! This is insane!"
"Hey cous. You know what's insane? It's me talking to you while i'm on this plane. Nakalimutan mo na bang flight ko ngayon at paalis na ang eroplano ko kaya please. Just enjoy the rest of the day and goodbye!"
Walang sabi sabing binabaan ako nito na humahagikhik pa bago pa mamatay ang tawag. Tulalang nakatingin lang ako sa phone ko na parang baliw habang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga nangyayari.
Sinubukan kong idial ulit ang number ni Jamie pero di ko pa natatapos itong pindutin ay nasusuka ulit ako kaya naman dali dali akong nagpunta sa cr.
Di ko alam kung ano ang una kong iisipin. Yung sakit ba ng ulo ko o yung mga nangyari kagabi na wala man lang akong maalala kahit konte.
Tinawagan ko nalang ulit sa intercom si Manang Ria para humingi pa ng tubig at iakyat na lamang ang gamot na dapat ay iinumin ko kanina dahil talagang di ko kayang maglakad lakad dahil sa bigat ng ulo dala ng hang over.