"Where are you going?" tanong sa akin ni Yvo nang maabutan niya akong naglalagay ng concealer sa aking pisngi.
Mabilis akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago tinapos ang ginagawa. "I'm going to meet Damon. Marami akong itatanong sa kaniya."
"Gusto mo bang samahan kita?"
Napapangiting nilapitan ko si Yvo. Marahan kong ipinulupot ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Nakapamewang na tumitig lang siya sa akin. "Walang magbabantay kay Hugo."
"Pwede mo namang sabihin na ayaw mo akong kasama." Nakangising sabi sa akin ni Yvo bago pinitik ang noo ko.
Hindi ko tuloy napigilan ang mapahagikhik. Hindi na ako nabigla nang mabilis na idinampi ni Yvo ang mga labi niya sa akin. "Basta mag-iingat ka. Panatag naman akong ligtas ka kay Damon, pero mag-iingat ka pa rin. Hindi pa nahuhuli ang anak ni Ocampo."
"I will." Nakangiti kong sagot bago hinalikan si Yvo sa mga labi.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na ako sa kaniya. Nagmamadaling tinungo ko ang kotse. Umusal muna ako ng isang panalangin bago binuhay ang makina niyon.
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman ko ang tungkol sa ginawa ni Damon. Minsan ko na siyang nakausap nang tawagan niya si Yvo para kumustahin ang lagay namin. Pero gaya nang sinabi ko, marami akong gustong itanong. Marami akong gustong malaman.
Alam kong abala sa trabaho si Damon. Pero hindi na makakapaghintay ang mga bagay na gusto kong malaman. Paano kung bigla na namang may mangyaring masama? Paano kung mawala ako bigla? Eh 'di hindi ko man lang nalaman ang buong pagkatao namin ni Jia.
Isang mataas na building ang bumungad sa akin. Nagpakawala ako ng marahas na paghinga bago lumabas sa sasakyan.
Akmang babatiin ko ang mga security guard nang bigla silang nagsiyuko. Kunot ang noong tumuloy na lang ako papasok.
"Excuse me, can I talk to Damon Anderson?" Magalang kong tanong sa babaeng nasa reception area.
Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuri niyang tingin. Taas ang kilay na inabot niya ang receiver bago nagsalita. "Someone wants to see your Boss." sabi nito bago muli akong tinapunan ng matalim na tingin.
Pigil na pigil ko ang sariling sungitan ang babae. Baka kasi bigla akong paalisin.
"Nasa meeting si Mr. Anderson. Hindi ka niya makakausap."
"Pero importanteng makausap ko siya ngayon. Marami akong—."
"Miss, hindi ko na mabilang kung pang-ilan ka sa babaeng nakiusap na kausapin si Mr. Anderson." Masungit na sabi ng babae.
"Pero kailangan ko talaga siyang makausap tungkol sa anak ko!" Mariin kong sabi.
Muli akong tinaasan ng kilay ng babae. "Oh c'mon, pang-ilan ka naman kaya sa naikama ni Mr. Anderson? Kung inaakala mong pananagutan ka niya, nagkakamali ka. You girls were all for his needs."
"Excuse me? What did you say?" Malamig kong sabi. Hindi ko alam na may kagaspangan pala ang pag-uugali ng babaeng ito. Hindi siya nababagay sa trabaho niyang pagharap sa mga panauhin ni Damon. "Don't you know me?"
"Hindi na kailangan dahil wala naman akong pakialam sa mga babaeng inihahanda ang katawan para makabingwit ng mayaman." Sabi pa ng babaeng kaharap ko bago ngumiti ng patuya.
"Claire!" malakas na sigaw ng isang lalaking bagong dating. Hindi ko siya kilala. Pero kita ko ang disgusto sa mga mata niya habang nakatitig sa babaeng kaharap ko.
"Sir Top..."
"Get out of here bago pa malaman ni Damon ang pinagsasasabi mo sa kapatid niya." Malamig na sabi ng lalaking may pangalang Top.
Nakita ko ang pagkatakot sa mga mata ni Claire. Hindi ito magkandaugaga sa pag-aayos ng mga gamit. Saglit itong humarap sa akin para humingi ng tawad bago nagmamadaling umalis.
"Uh, thank you..."
"No problem, may sadya ka ba kay Damon?"
Marahan akong tumango bago sumunod sa paglalakad ni Top. "Huwag mo na sanang sabihin kay Damon ang tungkol sa nangyari kanina."
"I can't promise you that, maraming nakarinig sa mga sinabi ni Claire. Isa pa'y kasalanan niya kung magalit sa kaniya si Damon. She insulted you. At sa lahat ng ayaw ni Damon ay iyong ginagawan ng masama ang mga taong espesyal sa kaniya." Nakangiting sabi sa akin ni Top habang papasok kami sa elevator. "By the way I'm Top."
"Are you one of—."
"Yeah, I was there. Nasa van ako, watching you in the monitor." Pagputol ni Top sa sinasabi ko.
"Hindi ba delikado ang ginagawa ninyo? Killing people instead of putting them behind the bars?" kunot ang noong tanong ko.
Marahang tumawa si Top bago ako tinitigan. "Masyadong maraming pakulo ang batas. Kung hindi namin papatayin ang mga taong katulad ni Ocampo, marami pa silang magagawang masama gamit ang mga pera nila."
"Tatlo lang ba kayong nagtatrabaho? Alam ba ng mga empleyado ang trabaho ninyo?"
Biglang tumaas ang kilay ni Top. Sandali siyang natahimik hanggang sa bumukas ang pinto ng elevator. "Marami kami sa grupo dati. Namatay si Serena. Sa ngayon, pito na lang kami sa grupo. Damon is the President; the brain of the group. Nakilala mo na rin si Red. Tapos ngayon ay ako, baka sa susunod makilala mo naman ang iba. Matutuwa ka kapag nakilala mo si Keith."
"Babae?"
"Yeah, babae, pero malupit iyon. Mainitin ang ulo, pero mabait, bunso siya sa aming grupo." Nakangiting sabi pa ni Top habang naglalakad kami sa mahabang hallway. "Kung gusto mo pang malaman ang—."
Kaagad na itinaas ko ang mga kamay. "Tama na, hindi ko maiintindihan ang trabaho ninyong iyan. Pero, ikaw ba, anong posisyon mo?"
Napapangising binuksan ni Top ang isang pinto. "I'm their boss..." Sagot niyang ikinanganga ko bago kami pumasok sa loob. "Damon, your little sister is here."
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Damon na nakatitig sa akin. Marahan akong lumapit kaya ngumiti siya. "Iwan mo muna kami Top."
Kaagad namang tumalima si Top. Kaya napapabuntong-hiningang naupo ako sa harap ni Damon.
"May problema ba?"
"Gusto ko lang itanong kung ikaw ba ang nag-utos doon sa receptionist na huwag ibigay kahit kanino ang CCTV footage?" Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Damon bago sumandal sa swivel chair. "Sabi ni Mama Betty matagal nang patay si Ocampo. Kaya ikaw lang ang alam kong may kakayahang mag-utos niyon."
"Yes, ako nga. Nasa akin ang copy ng nangyaring pambababoy sayo ni Ocampo." Mariing sabi ni Damon bago tumayo. "Ayaw kong maunahan ng anak niya kaya kinuha ko kaagad iyon at itinago. I hacked their system. Binura ko ang lahat pagkatapos kong makuha ang copy."
"Alam ba ito ni Yvo?"
Marahang umiling si Damon. "No, I never told anyone about this."
"Pwede ko bang mahingi ang copy?"
"Quia, I can give it to you any time. Pero wala sa plano kong ipapanood sa mga kinauukulan ang maselang video na iyon! Like what Yvo told me, hindi rin ako pabor sa gusto mong mangyari. If you want the justice, I'll give it to you. But I'll do it in my own way."
"Kuya..."
"What?! I already killed Ocampo. Hindi mahirap sa akin na gawin ulit iyon, but this time, sa anak niya naman. He hurt Hugo, hindi ko iyon mapapalagpas." Malamig na sabi ni Damon bago ako nilapitan para yakapin.
"I don't know how to thank you."
"Ang maging ligtas lang kayo ni Jia ay ayos na sa akin." Malumanay ang boses na sabi sa akin ni Damon.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Paano kung may mangyari sayong masama dahil sa ginagawa mo?"
"Hindi iyon mangyayari, Quia. Hindi ako napatay ng mga taong pumatay sa mga magulang natin, hindi pa rin nila ako mapapatay ngayon." Mapanganib na sabi ni Damon.
"About our parents, gusto kong malaman ang tungkol sa nangyari."
"I'll tell you everything, kapag naging maayos na ang lahat. I promise to you and Jia na ang pagkamatay naman ng mga magulang natin ang bibigyan ko ng hustisya. I don't want you and Jia to worry about it, kaya ako na lang ang kikilos mag-isa. Ipinapangako kong magiging maayos at tahimik ang buhay ninyong dalawa."
"That's why you scared Yvo?"
"Well, I didn't mean to..." Napapangising sabi ni Damon bago hinawakan ang pisngi ko. "You've been brave for the past years of your life. Yvo was the only one who can make you happy. Sino ako para ipagkait iyon sa iyo. Though I admit I threatened him, pero alam ko namang totoo ang nararamdaman niya."
"Then why don't you start looking for your other half too? Isa siguro ako sa magiging excited kapag nalaman kong may nililigawan ka." Natatawang sabi ko.
"Ligaw? Wala iyon sa bokabularyo ko, Quia. Sila mismo ang lumalapit sa akin at bilang mabait rin naman ako, pinagbibigyan ko sila." Pagyayabang ni Damon bago naglakad para maupong muli sa swivel chair.
"Kaya pala maraming naghahabol sa iyo. Marami-rami na rin siguro ang pamangkin ko."
"What?! Hey I know how to use protection! And I have responsibilities to do first!"
"Say that to those women who's after your wealth." Natatawang sabi ko bago tumalikod. Malaki ang ngising lumabas ako ng opisina ni Damon. Mukhang tama nga ang sinabi ni Claire. Naku, kapag talaga nakahanap ng katapat ang kapatid kong iyon. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pagiging matigas niya.
Nang makarating sa parking lot ay saglit kong inilabas ang aking cellphone. Balak ko sanang tawagan si Yvo para ipaalam ang pag-uusap namin ni Damon. Nakailang ring pa lang nang biglang may isang panyong tumakip sa ilong ko. Mabilis kong pinigil ang paghinga para hindi masinghot ang kung anumang naroon. Pero hindi ko inaasahan ang ginawang pagsuntok ng lalaki sa sikmura ko.
Tuloy-tuloy kong nabitawan ang aking cellphone. Kasunod ay ang pagkawala ng aking malay.