Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pagkatapos akong tulungan ni mama Shayne. Tumayo naman ako sa kama at lumabas ng kwarto, nagtungo ako sa salas at naupo muna sa isa sa mga sofa nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay.
Nahagip ng aking mata ang isang malaking kwadro sa bandang kaliwa ko. Tumayo ako at dahan dahan lumapit dito, tinitigan ko muna itong maigi at napagtanto kung sino ang nasa litrato napatutop ako ng bibig at nagsimula ng dumaloy ang aking mga luha.
Nahagip naman ng aking mga mata ang ang iba pang mga picture frame kaya nilapitan ko din ito. Tinignan ko isa isa ang mga nakalagay sa picture. Karamihan doon ay mga kuha namin ni Doc Wallace noong kasal namin. Andon din ang aming mga pamilya at mga kaibigan. Napaatras akong bigla at hinawakan ang aking dibdib at hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Ang lalaking mahal na mahal ko ay hindi ko na maalala. Ang pamilya ko mga kaibigan ko ay tuluyan ng nabura sa aking isip. Naabutan ako ng mga magulang ni Doc Wallace sa ganoong ayos, kaya nataranta naman sila at nilapitan ako kaagad.
"Anak anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba ha?” Tanong sa'kin ni mama Shayne.
"I’m sorry, i'm so sorry, sorry po!” Paulit ulit kong hingi ng tawad sa kanila.
"Hija bakit ka nag-sosorry?”
"Sorry po ma, hindi ko kayo nakilala, hindi ko nakilala ang asawa ko. Im sorry po!” Umiiyak kong wika sa kanila. Niyakap naman ako ng mahigpit ni mama Shayne at narinig ko na rin ang kanyang pag-iyak ganon na din si papa Simon.
"Okay lang hija naiintindihan namin, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Basta kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo, lalong lalo na ang asawa mo," natigilan naman ako at muli silang hinarap.
"Gusto ko pong makita ang asawa ko mama, papa, gusto ko siyang mayakap"
"Sige hija tatawagan ko si Wallace okay?” Sagot naman sa'kin ni papa at kinuha kaagad nito ang kanyang cellphone.
WALLACE POV
Pinuntahan ko muna si Drew sa kanyang opisina para kumustahin si Arianne. Ilang bwan na rin ang nakalipas nang huli kaming mag-usap, si Drew na rin mismo ang gumagamot sa kanya at nakatira na rin ito sa kanyang bahay kasama ang anak nilang si Lance.
"Kumusta Doctor Andrew?”
"Ikaw pala Doctor Miller,” bati naman niya sa'kin at umupo ako sa kanyang visitor's chair.
"Kumusta na pala si Arianne?”
"She's fine, deretso pa rin ang theraphy niya"
"Pwede ko bang malaman kung anong naging dahilan kung bakit siya nagkaganon?”
"Well, actually nagsimula yun noong tinakwil siya ng mga magulang niya dahil nalaman nila na nagtatrabaho siya bilang escort," nagulantang naman ako sa nalaman ko kay Drew. Ako ba ang dahilan kung bakit siya humantong sa ganon?
"Posible naman siyang gumaling di ba?”
"Yes it is treatable. She has a schizophrenia, pwede siyang mamuhay ng normal kung itituloy ang theraphy at aalagaan siyang mabuti"
"And how about Lance? How is he?”
"Wag kang mag-alala Doctor Miller he's okay, medyo nag-aadjust pa siya kasi ngayon lang kami nagkasama sa iisang bahay"
"Mabuti naman kung ganon"
"Salamat nga pala kasi naging mabuti ka sa anak ko"
"Maswerte kayo kasi napaka bait ni Lance, ibig sabihin niyan naging maayos ang palaki ni Arianne sa kanya"
"Yeah right, he's nice"
"So, do you like her?” Biglang tanong ko naman kay Drew.
"I don’t know, pero noong unang makilala ko ang anak ko, parang kung anong lumukso sa puso ko. Parang pakiramdam ko gusto kong magkaroon na ng sariling pamilya at syempre gusto ko sa ina ng anak ko"
"Arriane is kind, siguro kaya siya naghanap ng iba dahil baka nasa akin din ang mali," malungkot kong saad sa kanya.
"So kumusta pala ang asawa mo?”
"Hindi na niya ko makilala, she's getting worse everyday"
"I'm sorry about that"
"Its okay, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin kapag isang araw wala na siya sa amin"
"Magpakatatag ka Doctor Miller, diyos lang makakapagsabi kung hanggang saan ang buhay natin." Tama si Drew hindi natin pwedeng pigilan kung ano ang itinadhana.
Kasalukuyang papunta na ko sa aking opisina ng biglang tumawag si mama sa aking cellphone kaagad ko naman itong sinagot baka may nangyari kay Celestine.
"Yes ma, may nangyari ba kay Celestine?”
"Wala naman hijo, gusto ko lang na umuwi ka muna dito sandali"
"Bakit ma anong nangyari kay Celestine? Nag-aalalang tanong ko sa aking ina.
"Hinahanap ka niya anak, umiiyak siya dahil hindi ka niya nakikilala pero ngayon gusto ka niyang makita"
"Sige po ma pupunta na ko kaagad dyan," nagmamadali naman akong sumakay ng aking sasakyan pagkarating ko sa parking. Nang nasa labas na ako ng pintuan ng unit namin ay dahan dahan kong pinihit ang seradura at marahan akong pumasok sa loob. Nakita ko si Celestine na nakatalikod at titig na titig sa aming wedding picture na nakakabit sa dingding.
"B-baby," mahina kong tawag sa kanya. Pumihit naman siya paharap sa akin at kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ang noong masayahing si Celestine ay nababalutan na ng lungkot at sakit na nararamdaman.
"Baby, I'm sorry," unang salitang sinabi niya sa'kin at kaagad ko naman siyang niyakap ng mahigpit na para bang ayoko na siyang pakawalan pa. Umiiyak siya habang yakap yakap ko siya at mahigpit din ang pagkakayakap niya sa'kin kaagad ko naman siyang pinakawalan at pinaka titigan siya.
"I miss you baby, I miss you soo much!” Wika ko sa kanya.
"Miss na miss na din kita Doc Wallace, im sorry hindi kita__”
"Ssssh… you don’t have to, naiintindihan ko. Ang gusto ko lang kahit hindi mo na ko maalala basta nandito ka lang sa tabi ko okay na ko. Kahit na mahirap para sa'kin basta wag mo lang akong iwan kakayanin ko, dahil mahal na mahal kita Celestine.
"D-doc Wallace__” hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang halikan sa mga labi. Miss na miss ko na ang mga halik niya at ang mga yakap niya. Muli ko siyang niyakap ng maghiwalay na ang aming mga labi.
"Eehem!” Sabay naman kaming napalingon ng tumikhim ang aming mga magulang, nakaupo lang sila sa hindi kalayuan sa amin at lumapit.
"Celestine anak, huwag kang susuko dahil si Wallace kailanman ay hindi sumuko sa pag-aalaga sayo," saad ni papa sa kanya
"Oo nga anak, dahil nandito kaming pamilya mo na handa ka alagaan"
"Maraming salamat po mama," naiiyak na turan ni Celestine at niyakap siya ni mama ng buong pagmamahal.
"Baby parang ayoko ng matulog dahil natatakot ako na baka bukas hindi na naman kita maalala tapos baka bigla na lang akong mawala," wika niya habang magkayakap kami sa aming kama. Hindi na rin ako bumalik pa sa ospital dahil mas gusto kong alagaan at masamahan si Celestine.
"Wag mo muna isipin yan baby, hindi ka mawawala okay? Tulad ng mga sinasabi ko sayo wala akong pakialam kahit hindi mo na ko maalala basta nandito ka lang sa tabi ko nakikita kita at naaalagaan kita okay na ko doon"
"Mahal na mahal kita Doctor Wallace"
"I love you too baby," hinalikan ko ang kanyang noo, pagkuway ang kanyang mga labi. Hindi ko alam na ito na pala ang huling matamis na halik ang matitikman ko mula sa kanya.