Pagdating ng dismissal, nauna na silang lahat makauwi samantalang nandito pa rin ako sa loob ng classroom. Maliban kasi sa mga kinalat nila habang lunch break, kahit habang nagkaklase ay marami rin silang iniwang mga papel, pinagtasahan ng lapis, at kung anu-ano pang kalat.
Ayoko namang pagalitan ng teacher kaya naman ito ako ngayon, mag-isang nililinis lahat.
Louie: *sigh* Is this... still normal? Or are they trying to bully me again? :(
Napansin kong may mga kalat rin silang iniwan sa mga lockers.
Louie: Huhuhu hirap naman maging isang Disney princess... T__T
Huh? o_o?
Habang naglilinis ng mga locker, may napansin akong nag-iisang locker na malinis.
Louie: Bakit ito lang ‘yung walang kalat?
Binuksan ko ‘yung locker kasi baka may hidden kalat pala ito somewhere.
Louie: Weird... parang sadyang iniwasan ‘tong locker na ‘to na hindi dumihan.
Biglang may kumuha sa atensyon ko mula sa sulok ng locker na ito.
Kinuha ko at tinignan. Isa itong larawan ng isang matandang lalaki at maliit na batang babae sa playground. From the looks of it, mukha silang father and daughter.
Louie: Cute naman haha. At ang sweet naman na may tinatagong family pic sa locker. Uso pa pala ‘yun ngayon. Hmmm? Teka...
Habang tinititigan ko ‘yung larawan, medyo napapansin kong pamilyar ‘yung mukha ng matandang lalaki sa picture.
Louie: Bakit parang nakita ko na ‘tong itsura na ‘to somewhere?
Tila nahulog ‘yung puso ko sa gulat nang ma-realize ko.
Louie: WHAT THE!? Driver ‘to nila Daren ah!
The driver na naghahatid-sundo kay Kimmy. And the same driver na nakita ko kina Emma nung isang beses na dumalaw kami ni Sam!
Bakit may picture siya dito sa locker ng isang taga-Harpalyke? Wait...
Kinuha ko bigla ‘yung mga ilang libro sa locker at tinignan kung sino ang may-ari ng mga ito.
Louie: E. Mendez? S-Si Emma!? Kay Emma ‘tong locker na ‘to! It’s now making sense to me kung bakit ito lang ‘yung kaisa-isang malinis na locker! Sinadya nilang iwasan na hindi marumihan dahil si Emma ang patron saint ng Harpalyke! Este, president pala, I mean... ¬_¬;
Pero bakit may picture si Emma ng driver nila Daren? Weird. Sabagay, kung dumadalaw siya kina Emma, baka magkakilala sila?
Louie: I wonder... Should I ask Emma about it...?
Sinauli ko sa locker ‘yung picture at nagpatuloy sa paglilinis.
Medyo late na akong natapos. Kinuha ko ‘yung bag ko at lumabas na ng room.
Why do I find it a little weird? No, no. I shouldn’t be meddling with other people’s business. Hindi dapat ako nakikialam.
Pero... bakit hindi ako mapakali?
**
Kinabukasan, sumabay akong mag-lunch kina Sam, Kimmy, at Emma.
Pagkatunog ng school bell, umalis agad ako ng classroom bago pa magsimulang magkalat ‘yung mga taga-Harpalyke ulit. =__=;
Bahala silang maabyerna ng mga sarili nilang kalat!
Sam: Oh Louie, nakasimangot ka ata?
Louie: Hahaha! Sorry besh, dami lang kasing ganap lately.
Kimmy: Dalawang linggo na lang, magpapalit na ulit tayo Louie. Babalik ka na sa Calypso ulit!
Louie: OMG, oo nga! Waaaah! I’m so happy and excited! Huhuhuhu. *crying in joy*
Emma: Hahaha. Hindi ka ba nag-eenjoy sa Harpalyke, Louie? :)
Eeeeep! Nandito nga pala si Emma! -__-” Baka na-offend ko pala siya. Palibhasa, hindi niya nakikita ‘yung mga pinaggagagawa sa akin ng mga kaklase niya huhu.
Kimmy: Uy, may dirty ice cream! Sino gusto? Tara!
Sam: Sama ako! Kayo?
Emma: Pass na muna ako. :)
Louie: A-Ako rin. Salamat.
Kimmy: Sige, bili lang kami ni Sammy.
Sam: Balik kami agad. ‘Wag niyo pamigay ‘yung upuan namin ha!
Louie: Tch. Sayang, balak ko pa namang ibenta sa iba ‘yung seats niyo sa canteen.
Sam: Che, VIP seating ‘yan ‘no! Scalper ka talaga!
Pagkatapos naming magbiruan ni Sam ay umalis na sila ni Kimmy. Naiwan kaming dalawa ni Emma.
Emma: ...
Louie: ...
Bigla kong naalala ‘yung nakita kong picture sa locker ni Emma.
Louie: Emma! By the way! May gusto pala akong itanong sa’yo!
Emma: Sure, Louie. :) Ano ‘yun? Tungkol ba sa subjects natin?
Louie: H-Hindi, hindi! May nakita kasi ako sa locker mo kahapon habang naglilinis ako ng room.
Napansin kong biglang nag-iba ‘yung mukha ni Emma. Nanlaki ‘yung mga mata niya at napatikom siya ng mga kamay. Gulat siya at nakatitig sa kawalan.
Louie: Emma...?
Namumutla siya. Tila siya nakakita ng multo.
Louie: M-May problema ba, Emma?
Emma: Louie... bakit mo naman nagawa ‘yun?
Louie: Huh?
Emma: Bakit mo pinakialaman ang locker ng may locker? Hindi naman ‘yun sa iyo.
Bumilis bigla ‘yung pagtibok ng puso ko. Natatakot ako pero hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang nakitang hindi nakangiti si Emma.
Emma: Ano ‘yung nakita mo?
Hindi ako sigurado, pero tila may nagsasabi sa’king ‘wag kong sabihin sa kanya ‘yung nakita ko.
Louie: N-Napansin ko lang na in-arrange mo ‘yung mga books mo according sa kulay! Hahaha! May pagka-OC ka rin pala hahaha. ^__^;;;;
Emma: *sigh* Oo, mas madali kasing mahanap para sa’kin ‘yung mga librong kailangan ko kapag nakahilera sila ayon sa kulay. Mas mabilis makita, kahit hindi ko na basahin ‘yung title.
Louie: Ohhhh. Ang galing! S-Subukan ko nga rin ‘yun minsan! Hehehe.
Nakabalik na sina Sam at Kimmy. Nagdadaldalan kaming apat pero nararamdaman ko ‘yung slight awkwardness sa pagitan namin ni Emma.
Sabagay, naiintindihan ko kung bakit siya nagalit sa’kin. Hindi dapat ako nangingialam sa gamit ng iba. :(
Oh no...
**
Pagkatapos ng lunch break, naglakad na kami pabalik. Sabay kaming maglakad ni Emma dahil pansamantala kaming magkaklase. Nauna na sina Sam at Kimmy, at magkasama kami ngayon ni Emma pabalik sa classroom.
Louie: Emma, sorry kanina ha. Hindi ko na ulit bubuksan ‘yung locker mo. :(
Emma: ‘Wag mo na ‘yun isipin. Kalimutan mo na ‘yun. :)
Louie: Em shori huhu gusto mo libre kita ng ice cream? T__T
Emma: Hahaha. ‘Wag na! Ano ka ba, normal lang naman sa magkaibigan ‘yung magkaroon ng mga onting arguments paminsan-minsan. :)
Louie: S-Sorry ulit, hindi kasi ako nag-iisip muna bago kumilos. :(
Emma: Okay na tayo! Ayaw mo nun? Mas close na tayo ngayon! ^___^
Ngumiti siya sa’kin pagkatapos. Wow, para talaga siyang angel. Hindi na ako nagtataka kung bakit siya sinasamba ng mga taga-Harpalyke.
**
Pag-ring ng dismissal bell, tumakbo agad ako palabas ng classroom. No way am I giving them any chance na magkalat sa harap ko! Kung magkakalat man sila sa classroom, labas na ako dun! Mouhahaha!
Nagmadali ako papunta sa school gate habang tumatawa nang malakas.
Louie: Galing mo talaga, Louie! Mouhahaha!
???: Sino’ng magaling?
Nagulat ako at napalingon sa direksyon kung saan galing ‘yung narinig kong nagsalita.
Louie: Sh-Shin!
Naglakad palapit sa’kin si Resshin.
Resshin: Sino’ng magaling? Ha?
Louie: Ako, bakit? \:) *proud pose*
Resshin: Patingin nga ng magaling. *smirks*
Sabay sandal niya sa poste at cinross ‘yung arms niya in front of his chest. ‘Yung itsura niya, tila ba nag-aabang at nanonood sa ikikilos ko.
Louie: O///O;;; (blushing)
Biglang hinarap ni Resshin ang mga kamay niya at sabay pumalakpak.
Resshin: Sampol! Sampol! ^o^
Louie: W-What the hell are you doing!?
Resshin: Watching you. ^___^ *grins*
Nilapat ko ‘yung kamay ko sa mukha niya at tinakpan ‘yung mga mata niya.
Louie: D-Don’t watch me!
Resshin: ... O////O
Louie: O////O !!!
Natahimik kaming dalawa nang mapansin namin ‘yung ginagawa namin, at ‘yung sudden contact na nangyari.
Inalis ko na rin agad ‘yung kamay ko.
~Awkward~
Resshin: *ehem* S-So, pauwi ka na ba, Louie? (still blushing)
Louie: Uhm, oo hehe. Nagmamadali kasi akong makaalis sa classroom—
Eeeep. Nagulat ako. Masyado kasi akong komportable kay Resshin, nadulas tuloy ako.
Resshin: (nagbago ‘yung tono) Bakit Louie, inaaway ka pa rin ba ng mga taga-Harpalyke?
I looked at Resshin’s eyes and saw how concerned he really is. Worry is written all over his face.
Kung... kung sakaling kami pa rin, eh ‘di sana nakukuwento ko sa kanya lahat ng mga pinagdadaanan ko araw-araw. Eh ‘di sana may naiiyakan ako at napupuntahan kapag nalulungkot ako.
Pero... pwede ko pa rin bang gawin ‘yun ngayon, kahit hindi na kami?
Resshin: ...
*BEEP!* *BEEP!*
Napahinto ako sa sasabihin ko nang biglang may bumusina.
*BEEEEEEP!* *BEEEEEEP!*
Louie: Ang ingay naman nun...
Resshin: Bakit parang may dark aura akong nararamdaman =__=”
???: This place is a school. Hindi ‘to motel para maglandian.
Louie and Resshin: Daren!?
Daren: Hmph. Inagahan ko ‘yung pag-aabang ko sa gate para sure akong makakasalubong kita. Tapos ito lang pala sasalubong sa’kin. Grrrrrr.
Resshin: A-Aba! Bakit ganyan ka makatingin sa’kin!? Grrrrr.
At ayun na nga, nag-away na naman ‘yung aso’t pusa sa harap ko.
xx
SEE YOU NEXT CHAPTER~!
Please follow and give it five stars. Thank you!
-irshwndy