Chapter Between Two Jerks

Well of True Cherries

written by irshwndy

**

Sampung minuto na ang nakalipas pero nandito pa rin kami sa may entrance ng school at hindi pa rin umuuwi. Nagbabangayan pa rin si Resshin at Daren.

Ano ba ‘yan, wala palang sense ‘yung pagmamadali kong umalis ng classroom dahil hanggang ngayon eh hindi pa rin maka-decide ‘yung dalawang jerks sa harap ko kung paano kami uuwi.

“Hah! Kapag sa’yo sumabay si Louie, paano mo siya ihahatid? Maglalakad lang kayo? Hahaha!” pagyayabang na tawa ni Daren, “Sa akin ka na lang sumabay, Louie. Hindi ko hahayaang mapagod ka sa paglalakad ‘di tulad ng iba diyan.”

“Grrrr! Excuse meee! Mas okay nang maglakad kami kaysa sumakay diyan sa motor mo. Baka mamaya masiraan pa kayo o kaya maaksidente pa si Louie!” giit ni Resshin, “Louie! Sa akin ka sumabay! Ililibre pa kita ng pamasahe!”

Nagbuntong hininga ako dahil lalo lang akong nase-stress sa kanilang dalawa.

“Bahala kayo diyan! Uuwi na lang akong mag-isa!” Humiyaw ako para tumigil na sila.

“Kasalanan mo ‘to Daren!”

“What!? It’s all your fault, stupid dog.”

Naglakad ako pero hinarangan agad ako nilang dalawa.

“Hoy kayong dalawa, wala ba kayong balak na pauwiin ako!?” sigaw ko.

Nagtititigan pa rin sila nang masama. Para talaga silang aso at pusa.

Sigh, fine. Ako na ang mag-a-adjust para sa kanila dahil mukhang walang susuko sa dalawa.

“GANITO. MAKINIG KAYO.”

Finally, nakuha ko ang atensyon nila at napatingin sila sa akin.

“Hindi ako uuwi hangga’t hindi kayo nagbabating dalawa. Sasabayan ko ‘yung unang makikipagbati.”

“Whaaaat!? Ang hirap naman nun, Louie! Hinding hindi kami magkakasundo nitong si Darentot!” asar ni Resshin.

“What did you just call me!? Excuse me, Louie! Hindi ko ka-level ‘tong askal na ‘to.” bangay naman ni Daren.

Hays. Tila masa-stranded na yata ako sa school sa lagay na ‘to ha. =_=”

Biglang kumulo ‘yung tiyan ko at narinig nilang dalawa.

.

.

.

At ito kami ngayon, nagsisiksikan sa iisang lamesa dito sa White Puppy Cafe.

“What the hell is this place? Bakit dito mo dinala si Louie?” asar na asar na tanong ni Daren.

“Hoy, ang cute kaya dito! Saka lagi akong may discount dun sa waitress dito!” sagot ni Resshin sabay tawag dun sa waitress.

‘Yung dating White Puppy Ice Cream Shop ay naging White Puppy Cafe na ngayon. Nag-expand sila at nagbebenta na rin ng mga meals maliban sa desserts.

“Ay, hi po mga sir!” kilig na kilig na sabi ng waitress, “Akala ko si Sir Resshin lang ang gwapong customer, ngayon dalawang gwapo na ang nasa cafe namin! Kyaaah~!”

Oo nga pala. Ito ‘yung waitress na sobrang starstruck kay Resshin noong nag-date kami dati rito. =_=

“Ano po ang orders niyo mga sir?” kinikilig niyang tanong habang nilalaro ‘yung ballpen niya.

ANO RAW? Mga sir? Tila naging invisible ako rito, ha! Bakit sila lang ‘yung tinatanong ng order ng waitress na ‘to!? Hindi niya ba nakikitang halos hindi ako makahinga sa sikip dahil pinaggigitnaan ako ng dalawang kumag na ‘to?

“Dalawang Chicken A La King! Libre ko na ‘yung sa’yo, Louie!” nagmamadaling sagot ni Resshin para unahan si Daren.

“Tsk. Dalawang Burger Steak nga, miss. Libre na kita, Louie.” agad namang dagdag ni Daren.

“H-Ha!? Bakit biglang naging dalawa ‘yung kakainin ko bigla!? Diet ako ngayon, ha!”

I swear, these two are stressing me out.

Nasa isang two-seater diner sofa kami, pero tatlo kaming nakaupo kahit pang-dalawahan lang ito. Ayaw magbigayan nung dalawa eh. Bakanteng bakante ‘yung kaharap na sofa sa tapat ng mesa dahil walang umupo doon.

“Hindi ba pwedeng doon na lang ako sa kabila at magtabi kayong dalawa rito? Ang sikip-sikip rito!” reklamo ko sa kanila.

“Ayokong makatabi ‘yang kumag na ‘yan!” sabay nilang sagot.

Para sa dalawang mortal na magkaaway eh in-sync na in-sync sila when it comes to their hate towards each other.

Mukha tuloy kaming mga tanga rito. May bakanteng upuan sa harap pero nagsisiksikan kaming tatlo sa two-seater sofa.

Dumating na rin sa wakas ‘yung pagkain. Hay, finally. Kanina pa ako gutom na gutom at stressed na stressed sa mga kasama ko.

Kinuha ko na ‘yung kutsara at tinidor, pero nagtataka ako dahil nakatingin lang silang dalawa sa akin na tila ba may inaabangan.

“Huh? May problema ba?” tanong ko sa kanila.

“Hehehehe. Iniisip lang namin kung alin kaya ‘yung uunahin mong kainin. ‘Yung Chicken A La King na in-order ko for you, or ‘yung basurang Burger Steak mula kay Daren.” sabi ni Resshin habang nakangiti nang malaki.

“Hoy, ‘wag mo ngang siraan ‘yung in-order kong Burger Steak para kay Louie. By the way, sure ka bang hindi pa panis ‘yang Chicken A La King na ‘yan?” banat naman ni Daren pabalik.

Lord, gusto ko lang namang kumain in peace kasi gutom na ako. Pero tila nawalan na tuloy ako ng ganang kumain. =_=;

“‘Wag niyo nga akong idamay sa pagka-immature niyo!” hiyaw ko.

Sabay akong kumuha mula dun sa dalawang pinggan sa harap ko. Ginamit ko 'yung kutsara sa Chicken A La King at 'yung tinidor naman sa Burger Steak—at sabay ko ring sinubo.

Nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

“Bwahahahaha! K-Kami ba talaga ‘yung immature, Louie?” tumawa nang malakas si Daren.

“Hahaha! Kunwari ka pa pero pinapatulan mo rin kami, eh! Hahaha!” sinabayan rin ng tawa ni Resshin.

Medyo napahiya ako, pero napangiti at natuwa ako sa kanilang dalawa.

Sa wakas, pwede naman pala silang magkasundo eh.

Kailangan lang pala pahirapan muna ako!

“Meron... pala akong tanong sa inyo.”

Bigla kong naalala ‘yung nakita kong litrato sa locker ni Emma.

Napatigil silang dalawa dahil napansin nilang seryoso na ako.

Napalunon ako sa kaba. Should I actually tell them what I saw?

I’m scared of Emma, pero...

.

.

.

With the two of them beside me, I feel safe.

Huminga ako nang malalim at nilakasan ko ang loob ko.

“I saw something strange in Emma’s locker.”

xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx

Please LIKE my Facebook Page: irshwndy! <3

Support Lulu and the gang via giving 5 STARS!

Thank you~! -irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.