#####Chapter 47 - Please Keep Our Secret
Well of True Cherries
written by irshwndy
**
Dumating na ang Linggo. Nagpasya akong pumunta sa paborito kong park at magbasa ng libro. Dala-dala ko ‘yung paborito kong novel na Trapped in a Candy ang pamagat. Excited na akong basahin ito dahil maganda na ang mga nagaganap hihi.
Pag-upo ko ay napansin kong marami na palang nagjo-jogging dito. Binuklat ko na ang mga pahina at nagsimulang magbasa. Hindi ako maka-concentrate dahil napapansin kong may isang jogger na kanina pa pabalik-balik. Noong una ay hinahayaan ko lang dahil baka naman nagkataon lang, pero matapos ang sampung minuto na paulit-ulit siyang umiikot sa harapan ko ay nagpasya na akong ibaba ang libro at tignan kung sino ito.
“Oh, it’s just a stray dog.”
“Sungit mo naman! Ano ba ‘yang binabasa mo? Mas pogi ba sa’kin ‘yung bida diyan?”
In front of me is John Resshin Sapalco wearing a sweat band, a pair of jogger shorts, and a jersey top. May twalya na nakasabit sa balikat niya na pinampupunas niya sa pawis niya.
“Libro ‘to, Resshin! Nobela! Malamang walang picture!” masungit kong sagot sa kanya, “Pero kahit walang picture, I can tell na mas pogi nga ‘yung bida rito kaysa sa’yo.”
Binelatan ko siya, pero deep inside ay natuwa akong makita si Resshin ngayon.
Umupo siya sa tabi ko at inagaw ‘yung libro ko, “Tingen nga!” Tinignan niya lang ‘yung isang pahina for five seconds at binalik na agad sa’kin, “Sus! ‘Di naman! Mas pogi pa rin si Mr. John Resshin Sapalco.” Nilagay niya ‘yung kamay niya sa baba niya at nag-pogi gesture.
“So jogger ka na pala ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Oo. Marami na akong na-jog na mga lugar. Nakaka-ten kilometers ako minsan. Pero ‘yung pangarap ko ay tumakbo ako diyan sa isipan mo hihi.”
“Corny mo.”
“Cute naman.”
“‘Di naman.”
Parehas kaming natawa dahil hindi pa rin kami nagbabago after all these years. Lagi pa rin kaming nagtatalo at nagbabangayan.
“Ikaw? Bakit napasyal ka rito?” he asked me.
“Hmmm... may bumabagabag kasi sa utak ko lately, eh. Kailangan ko ng break kaya pumunta ako rito para mag-relax.”
“Here, pampa-relax.” Nag-abot siya sa akin ng candy sabay hirit, “Resshin’s Magic Candy!”
Kinuha ko ‘yung candy at sinubo ito pagkatanggal ko ng balot. Napangiti ako nung natikman ko ito. I still remember this exact flavor when I first tasted it when I was a kid.
“May sasabihin ako sa’yong secret,” sabay kwento ko kay Resshin habang pinaglalaruan ‘yung candy sa bibig ko. Nakaabang naman siya sa sasabihin ko kaya nagpatuloy ako, “Alam mo bang crush na kita no’n nung mga bata pa tayo at binigyan mo ako nitong magic candy mo?”
“Oo alam ko,” biglang singhal ni Resshin na may tonong pagyayabang “Wala naman kasing makakatakas sa charm ng isang Resshin.”
Tumawa ako at nagkwento ulit, “Kaya nga nung nanligaw ka sa’kin, panay pakipot ko lang talaga noon pero balak naman talaga kitang sagutin sa umpisa pa lang!”
“May sikreto rin akong sasabihin sa’yo.” Nagbago bigla ang tono ni Resshin nung sinabi niya ‘yun. There was a bit of seriousness behind his words.
“Ano ‘yun?”
“Pero ipangako mo munang hindi mo sasabihin sa iba!”
“Fine, fine. Ano ‘yun?” naiinip kong tanong sa kanya.
Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, “I love you.”
Namula ‘yung buong mukha ko. Inilayo na niya ‘yung mukha niya at ngumiti sa akin, “Secret lang natin ‘yun ha, ‘wag mong sasabihin ‘yun kahit kanino. Nangako ka na!”
Medyo nautal ako at hindi nakahanap ng mga salitang sasabihin dahil hindi ko nahanda ‘yung sarili ko sa banat niya. Naisahan niya ako dun, ha!
“Arf! Arf!” May biglang malaking aso na lumapit sa amin at sumampa kay Resshin. Mukhang sobrang saya nito habang dinidila-dilaan ang mukha ni Resshin.
“Kaninong aso ‘yan?” tanong ko sa kanya. Medyo thankful ako na biglang may dumating na aso para mabago ‘yung usapan namin.
“Lagi ko ‘tong nakikita dito sa park,” sagot ni Resshin habang nilalaro ‘yung aso, “Madalas ring mag-jogging ‘tong asong ito kasama ng amo niya.”
May babaeng biglang dumating at kinuha ‘yung aso. Panay hingi niya ng tawad sa amin, “P-Pasensya na po kayo sa aso ko! Tara na, Shinichi!” Hinila niya na ‘yung aso at lumayo na sila.
Tumunog bigla ‘yung cellphone ko at tinignan kung sino ‘yung nag-text. Pagbukas ko, nabasa ko ‘yung mensahe mula kay Daren, “Nililinis ko ‘yung bahay natin ngayon. Kailan ka uuwi? Naghihintay ‘yung mga bata.”
Napangiti ako nang mabasa ko iyon at medyo napansin ni Resshin kaya pinatay ko agad ang phone ko. “May fishball stand doon, oh! Tara, bili tayo!” Hinatak ko siya papunta sa tindahan para ma-divert ‘yung attention niya.
“Huff! Huff! Ang inet!” Hinihipan ko ‘yung fishball kahit ang ilan dito ay nasubo ko na.
“Ikaw kasi, nagmamadali ka. Kanina ka pa tuliro eh.” Kinuha ni Resshin ‘yung fishball stick ko at hinipan rin ito para sa akin. Medyo napangiti ako dahil ang sweet niya.
“Ubos na ba ‘yang gulaman mo? Akin na, itatapon ko na sa basurahan.” Inagaw niya sa’kin ‘yung paper cup at naglakad papunta sa malapit na trash can.
Tumunog ulit ‘yung cellphone ko. Nakita kong nag-text ulit si Daren at binasa ko, “Uwi ka na please, ‘di na ‘ko galit.” Napangiti ulit ako pero mabilisan ring napawi ito nang makita kong pabalik na si Resshin.
Huminga ako nang malalim at pumikit. It was just a brief moment and it happened very quickly, but my weird feelings are now starting to get clear. I opened my eyes and saw Resshin getting closer.
Hinawakan ko ‘yung dibdib ko at naramdaman ko ‘yung malakas na pagkabog ng puso ko. I gathered all the courage and spoke to him, “Resshin... remember the secret you shared to me a while ago? ‘Yung bawal kong sabihin sa iba?”
Nasa harapan ko na siya at sigurado akong narinig niya ang sinabi ko pero nakayuko lang siya at hindi tumitingin sa akin. Tila ba may hinala na siya sa kung ano ang sasabihin ko.
.
.
.
“What if... I can’t keep it a secret anymore?”
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
irshwndy’s corner:
OHMYGEEEEEEHD. Ako ‘yung author pero kahit ako hindi ko kinakaya ‘yung mga intense na kaganapan dito sa Well of True Cherries! WAAAAH. Louie, what did you saaaay!?
Let me know your reactions sa comments! Share this story to your friends too para idamay natin sila sa mga feelz natin. Please VOTE VOTE VOTE and LIKE LIKE LIKE my Facebook page: irshwndy