Chapter Hanggat Pwede Pa

Chapter 48 - Hanggat Pwede Pa

Well of True Cherries

written by irshwndy

Chapter Forty-Eight

** ** **

(RESSHIN’S POV)

“May sikreto akong sasabihin sa’yo. Pero ipangako mo munang hindi mo sasabihin sa iba!”

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong, “I love you.”

Inilayo ko na ang mukha ko at ngumiti sa kanya, “Secret lang natin ‘yun ha, ‘wag mong sasabihin ‘yun kahit kanino. Nangako ka na!”

Iyon ang mga salitang binigkas ko sa kanya kani-kanina lang, pero napansin kong nababaling ang atensyon niya sa cellphone niya na panay tunog.

Pumunta ako rito sa park at tumatakbo rito kada Linggo dahil alam kong may tyansang makita ko si Louie. Iniikot ko ang buong parke at habang nagjo-jogging ay nililingon ko lagi ang paborito niyang bangko kung nakaupo na ba siya rito. Maraming times na hindi ko siya nakikita, pero linggo-linggo ay dumadayo pa rin ako para sa kahit kaunting posibilidad na makita siya—tulad ngayon.

Malaki ang ngiti ko ‘pag kasama ko siya, pero tuwing tumitingin siya sa cellphone niya ay napapansin kong may iba sa ngiti niya. Sinubukan kong labanan ang mga kung anu-anong pumapasok sa isip ko at binibiro ko siya, thinking that maybe I can make her smile like that too even with the lamest jokes.

Ngunit sa bawat ngiti at pagtawa niya sa mga banat ko, nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi, hindi ito ‘yung ngiting gusto ko. Hindi, hindi ito ‘yung ngiting ginawa mo kanina sa phone mo.

Tinapon ko ‘yung paper cup naming dalawa sa basurahan, pagbalik ko ay nahuli kong nakangiti ulit siya sa phone. Nang makita niya ako ay dali-dali niyang itinago ito.

Louie, bakit mo kailangang itago sa’kin ang mga ngiti mo? Paglapit ko sa kanya ay hindi ko inaasahan ang sunod na sinabi niya.

“Resshin... remember the secret you shared to me a while ago? ‘Yung bawal kong sabihin sa iba?”

Nanginginig ang mga kamay ko nang marinig ko iyon. Itinago ko ang mga ito sa loob ng bulsa ko para hindi niya mahalata. Hindi ko mapigilan ang pangangatog ng puso ko. Hindi ko nga ba inaasahan ang sasabihin niya? O kanina ko pa alam ito, pero dinedeny ko lamang sa isipan ko?

“What if... I can’t keep it a secret anymore?”

She said those words in the nicest and softest manner, yet they still cut through my heart like a knife. Tumingala ako for around five seconds para pigilan ang mga nagbabalak mahulog na mga luha ko. Hindi, hindi ako pwedeng umiyak ngayon sa harapan ni Louie. Six seconds... seven... Kaya mo ‘to, Resshin. Ikaw pa! ‘Di ba king of jokes ka? Eight seconds... nine...

“R-Resshin?”

Huminga ako nang malalim at hinarap ko siya with the biggest grin on my face, “Ganun ba? Hahahaha!”

Sa loob ng bulsa kung saan nakatago ang kamay ko ay idiniin ko ang kuko ko sa balat ko para labanan ang sakit. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nasasaktan ako, kaya ibinaling ko roon ang sakit. Ibinaon ko nang malalim ang kuko ko sabay salitang muli, “Sige, basta sa isang kundisyon.”

Tumingin ako sa kanya at nilakihan lalo ang ngiti ko, baka sakali ay hindi niya mapansin ang mga namumuong luha ko. “Basta kay Daren mo sasabihin ‘yung sikretong ‘yon, ayos lang sa’kin.” Nagsugat na ‘yung balat ko sa diin ng pagkakabaon ng kuko ko. “Basta si Daren, may tiwala akong ‘di niya ito sasabihin sa iba...”

Kanina pa hindi nagsasalita si Louie. Alam kong hindi niya alam ang mga tamang salitang sasabihin para hindi ako masaktan.

I know you’re trying your best, Louie. It’s okay, it’s okay. Don’t hold it in... Don’t hold back... I’ll take whatever words you want to say.

Naalala ko ulit ‘yung ngiti niya kapag nakatingin siya sa phone. I’ll be fine as long as he can make you smile like that...

“K-Kayo na ba? Hahaha,” tanong ko sa kanya dahil kanina pa kami tahimik.

“H-Hindi pa... ‘Di ko pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko,” sagot niya sa akin habang nakayuko.

Bakit hindi mo ako matignan, Louie? Please face me. ‘Wag mong ipagkait sa akin ang makita ‘yung mukha mo... Kung hindi ko makukuha ang mga ngiti mo, kahit ‘iyon lang sana ay mabigay mo...

“Kung hindi pa kayo, ibig sabihin pwede pa kitang yakapin ngayon?” sabi ko habang kunwaring natatawa.

“R-Resshin!” Niyakap ko siya nang mahigpit, nang sobrang higpit. Niyakap ko siya para kahit sa huling mga sandaling ito ay maramdaman kong nasa piling ko siya. Para kahit sa paraang ito ay maloko ko ang sarili kong akin pa siya. “Hanggat pwede pa, hayaan mong yakapin kita...”

I buried my face on her shoulder. “Ang tanga tanga ko kasi!” Dahil hindi niya na nakikita ang mukha ko, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. “Ang tanga tanga mo, Resshin!” Basang basa na ang balikat niya dahil sa pag-iyak ko.

Niyakap niya ako pabalik at sinusubukan akong pakalmahin sa pamamagitan ng mga marahan niyang himas sa likod at paminsang pagtatapik.

“Nasa akin ka na eh! Akin ka na noon eh! Tangang tanga lang ako at pinabayaan pa kita!” Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa park. Sobrang sagwa na siguro ng itsura ko ngayon, pero wala akong pake. Dahil sa huling mga saglit na ito, magiging makasarili ako. Hanggang sa huling mga sandali, gusto ko munang maging bida.

Hinayaan lang ako ni Louie na umiyak at yakapin siya. Nang mag-gabi na ay hinatid ko na siya sa kanila. “S-Sigurado ka bang makakauwi ka nang maayos, Resshin? Ayaw mo bang pumasok muna sa loob at magpakalma?”

“Hindi na, baka ‘pag pinapasok mo pa ako eh magbago pa ang isip mo. Ang pogi ko pa naman.” I flashed her another big grin, “Kailangan ko na ring sanayin ang sarili ko ngayon pa lang. Para ‘pag kayo na, mahaharap ko nang maayos si Daren.”

She gave me a bittersweet smile, “Ingat sa pag-uwi ha. Salamat sa lahat, Resshin.”

Binelatan ko siya at naglakad na paalis. Nang masigurado kong malayo na ako ay dali-dali kong binunot ang mga magic candy sa bulsa ko. Nagsimula na namang magsitulo ang mga luha ko. Sinubo ko ‘yung isang magic candy at sinundan agad ng isa pa, at ng dalawa pa ulit.

“B-Bakit ganito? H-Hindi pa rin ako okay? Wala naman palang kwento ‘tong magic candy na ‘to eh!” sabi ko sa pagitan ng mga hikbi. Napaupo ako sa semento at humagulgol na parang tanga sa gilid ng kalsada.

Hindi pala parang tanga, dahil isa pala talaga akong tanga. I am the king of jokes, so maybe I am a joke myself. Nasa akin na si Louie noon. Mahal na mahal namin ang isa’t isa noon, kaya bakit pinakawalan ko pa iyon?

Iniyak ko na lahat ng pait at isinigaw ang lahat ng sakit nung gabing iyon, para kapag dumating ang araw na makita ko silang dalawang magkasama, ay kaya ko nang ngumiti sa harap nila.

Kaya sa ngayon, hinahayaan ko muna ang sarili kong maging malungkot... hanggat pwede pa.

.

.

.

xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx

Uwu :( Let’s all give Resshin some hugs, please! He’s really a good boy.

Mahal na mahal ko si Shin bilang character, ang totoo niyan ay paborito ko pa nga siya.

Let’s all hope that the day comes when he can smile genuinely again! :D

Please VOTE in the chapters of Well of True Cherries~!

Share it to your friends as well, and on your Facebook or TikTok! Let’s spread the love!

Maraming maraming salamat, my #CatPups!

Facebook Page: irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.