Chapter How Do I Tell Him?

Chapter 49 - How Do I Tell Him?

Well of True Cherries

written by irshwndy

Chapter Forty-Nine

** ** **

(LOUIE’S POV)

Isang linggo na ang lumipas mula nung na-realize ko na may feelings na ako para kay Daren, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nasasabi sa kanya. Kasi naman mga besh, paano mo ba sasagutin ang manliligaw mo kung hindi ka naman tinatanong!?

“Idaan mo sa romantikong paraan! Tulad ng icing sa ibabaw ng cupcake,” suggest sa akin ni Sam. “Kim Chiu, is that chiu?” biro ko sa kanya.

Sinunod ko ang payo ni Sam at tinulungan niya ‘kong mag-bake ng cupcakes. Gumawa kami ng anim na cupcakes at nilagyan ng letra ang bawat isa, na kung babasahing buo ay: ‘TAYO NA!’ Complete with exclamation point.

“Bes, sigurado ka ba rito? Hindi ba parang masyadong... pa-cute? ‘Di yata mahilig si Daren sa mga ganito!” tanong ko sa kanya.

“Nako Louie, tested na ‘yan! Nakita ko kaya ‘yan sa Instagram at may five hundred likes,” depensa niya, “Kaya for sure gagana ‘yan! Anong oras nga ba ang date niyo ulit?”

“Mamayang alas-sais, saka h-hindi ‘yun date! Hindi pa naman kami!”

“Pero pag-uwi mo, hindi ka na single! KYAAAH! OH MY GOD magkaka-pamangkin na ako!” tili ni Sam. “Hoy, relax ka nga lang diyan! Ang advanced mo masyado mag-isip.” Marahan ko siyang tinulak habang natatawa sa pagbibiro niya.

Nasa kwarto ko na kami at namimili si Sam ng damit na susuotin ko. “Kailangan girl na girl ka mamaya, magsuot ka ng dress para easy access!” hirit niya. “Che!” nakangiti kong singhal sa kanya. Buti na lang nandito si Sam para pagaanin ang loob ko. Kasi kung wala siya, tiyak na kabado ako at hindi alam ang gagawin.

“Mag-make up ka ha, pahihiramin kita ng kiss-proof lipstick ko. Kahit maglaplapan kayo hindi ‘yan matatanggal!” tukso ni Sam habang inaayusan ako. “Gaga ka talaga, bes! Panay kalandian ang lumalabas sa bibig mo kanina pa, ha!”

“Ehhh kasi naman hindi ako makapaniwalang ‘yung bestie ko lumalandi na!” pagdadrama niya, “I’m like... SO PROUD!”

Pumatak na ang alas-sais at nag-text na si Daren na susunduin niya ako. Bigla akong kinabahan at humarap sa best friend ko, “Sammy, samahan mo ‘ko! Kinakabahan ako!”

“Hoy ano ka grade school na kailangan ng bantay!? Malaki ka na! Matuto kang humarot!” tumayo siya at marahang pinagpag ang suot kong dress. “Louie, si Daren lang ‘yan. Ilang beses na ba kayong nagsama na kayong dalawa lang? Just be yourself.”

Maya-maya lang ay narinig ko nang bumusina ang motor ni Daren. Bumaba na ako at kinita siya sa labas. Nagkasalubong ang mga mata namin at nakita kong napanganga siya. Nakasuot kasi ako ng dress at make-up, ito nga ata ang unang beses na makikita niya akong nag-ayos nang ganito.

“Wow... hindi ko alam na Binibining Pilipinas pala ang susunduin ko. Sana kotse pala ang dinala ko,” aniya. “O-Okay lang!” nahihiya kong sagot sa kanya.

Pagdating namin sa Black Cat Arcade ay medyo maraming tao. Hindi ako sanay na naka-dress kaya medyo naiilang ako at panay hatak sa palda ko. My heart suddenly skipped a beat when I sensed Daren’s arms around my waist. Tinali niya sa bewang ko ‘yung suot niyang jacket kanina. “Napansin kong hindi ka yata komportable sa suot mo, baka makatulong ‘yan.”

“S-Salamat...” sagot ko nang hindi makatingin sa kanya. “Ano pala ‘yang dala mong box, pagkain ba ‘yan?” tanong niya. “M-Mamaya na ‘yan! Tara, laro tayo!”

Una naming nilaro ay ‘yung racing game. Magkatabi kami at magkalaban. Hindi pa rin ako mapakali sa suot kong palda dahil sumisilip nang bahagya ang legs ko habang tinatapakan ko ang mga pedal. “Waaah!” hiyaw ko dahil panay bunggo ko sa mga obstacles sa laro.

“Lumiko ka!” hiyaw ni Daren sabay hawak sa manobela ko. My heart screamed internally nang kamay ko ang mahawakan niya, pero seryoso lang si Daren sa laro at nakatitig pa nga sa sarili niyang screen kahit na tinutulungan niya akong mag-drive gamit ang isa niyang kamay.

Matapos ang mga limang laro sa iba’t ibang mga machines ay nagpahinga na kami sa may bench. “Louie, is everything okay? You’re acting weird today.” Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.

Nagulat ako dahil bigla siyang nalungkot at yumuko, “Kanina ka pa hindi makatingin sa akin nang diretso. Is there something wrong?”

“Huy, wala! Ano ka ba! Normal lang sa’kin ‘tong maging weird, parang hindi ka naman sanay sa’kin hahaha.” Tumatawa ako pero napansin kong seryoso siya.

“Actually... pinuntahan kita sa inyo nung nakaraang Linggo after kita i-text, kaso wala ka raw sa inyo at nasa park ka raw sabi ng mom mo. Kaya pumunta ako dun...”

Nagulat ako sa sinabi niya. Nando’n pala siya!? Nakita niya kaya kami ni Resshin?

“Tapos nakita kong magkayakap kayo sa park.”

Hala, sinasabi ko na nga ba! Medyo matagal-tagal nga kaming magkayakap ni Shin doon kaya baka naabutan niya kaming gano’n. “Daren, listen.” Inabot ko ‘yung kamay niya at hinawakan ito. “That Sunday, I told Resshin my true feelings... at ito ‘yun.”

Kinuha ko ‘yung kahon ng cupcakes at binigay ito sa kanya. Grabe, kinakabahan ako! Nagri-ring sa utak ko 'yung kantang Doo Bidoo ng KamiKazee. 'Heto na, heto na, heto naaa! Waaaah!'

Binuksan niya na ito at nakapikit akong nag-aabang sa reaksyon niya. Huhuhu kapag nag-fail ito, si Sam ang sisisihin ko at ‘yung five hundred na nag-like sa Instagram!

“Are you... sexually suggesting something?” Nagulat ako sa sinabi niya. A-Ano raw!? Binuksan ko na ang mga mata ko at tinignan ‘yung cupcakes. Eeeek! Nagkabali-baliktad pala ang mga letra pagkalagay namin sa box, kaya ang basa tuloy sa cupcakes: ‘AY NOTA!’

“Ano meron sa nota ko?” tanong ni Daren.

“H-Hindiii! Hindi ‘to tungkol sa NOTA mo!!!” hiyaw ko nang malakas doon. Napatingin tuloy ang mga tao at ang ilan ay nag-ngisian. May mga magulang na tinakpan ang mga tenga ng anak nila.

Lagot ka sa’kin, Sammy! Sabi mo tested ‘to!? Sinara ko na ‘yung box. Huhu how can I still save this day?

“Kung si Resshin ang pinili mo Louie, matatanggap ko...” Nagsalita na ulit siya.

“NO!” I said firmly. “Ayokong basta tanggapin mo lang ‘yon.”

Tumayo ako at pumunta sa harap niya. Hinawakan ko ang mga balikat niya at tinignan siya nang diresto sa mga mata. “Gusto kong ipagdamot mo ako. Gusto kong magalit ka kapag may ibang pumoporma sa akin. Gusto kong pagalitan mo ako kapag late akong umuwi.”

Nalukot ko ang mga damit niya sa higpit ng kapit ko sa mga balikat niya. “Gusto kong magtampo ka kapag hindi ako naka-reply agad. At kapag ako naman ang magtampo, gusto kong suyuin mo ako.” Pahina nang pahina ang boses ko hanggang sa maging bulong na lang ang sunod na sinabi ko, “Gusto kong angkinin mo na sa’yo lang ako...”

“Louie...” Kinuha niya bigla ‘yung kamay ko at ‘yung box ng cupcakes. Hinatak niya ako palabas sa arcade at pumunta kami sa gilid ng mall kung saan walang tao.

“Sigurado ka ba sa mga sinabi mo kanina, Louie?” He pinned me against the wall and looked at my eyes, “Will you really let me? Kasi matindi ako kapag nagselos.”

“P-Paano ka ba magselos?” tanong ko sa kanya.

“I’ll make sure to remind you that what’s mine is mine.” Tinititigan niya na ang mga labi ko. Oh my god, I so want him to kiss me right now. I want him to take me right here.

“Then remind me...” Kinuha ko ‘yung collar niya at hinatak ko siya palapit sa’kin, “‘Cause starting tonight, I’m yours.”

He didn’t hesitate and kissed me hungrily. Nabitawan niya ‘yung kahon at tumilapon ang mga cupcakes sa sahig. Naging sabik na sabik rin ako para sa kanya. Hinihila kong maigi ‘yung collar niya at halos ingudngod ko na ang mga labi ko sa bawat halik namin. He reached for my lower back and pulled my body closer to him.

I swear, sobrang magkadikit na magkadikit na ang mga katawan naming dalawa pero tila hindi pa kami kuntento. We were ramming our bodies against each other. We don’t want any bit of space to exist between us. “Kung gusto mong angkinin kita, aangkinin talaga kita. Hindi ako magdadalawang isip,” bulong niya sa’kin. Halos mabaliw ako nang marinig ko ang mga iyon.

Nang matapos kami ay sobrang gusot na gusot ng mga damit naming dalawa. Hindi yata malabong mangyari na magkapamangkin agad si Sam. =_=”

“Shit! I’m sorry!” humiyaw si Daren at sabay pulot sa mga nahulog na cupcakes. “Okay lang!” Tinulungan ko siyang ligpitin ang mga ito. “Ano ba dapat ‘to? ‘TAYO—’” Bago pa mabasa nang buo ni Daren ay sinara ko na agad ang kahon sa hiya.

“T-Tara, uwi na tayo! Anong oras na rin...” yaya ko sa kanya.

“Wait!” Inilabas niya ang cellphone niya at tumingin sa date. “December 3, 8 PM naging tayo,” ngiti niya. “Ay wait, may thirty minutes rin pala tayong naghahalikan kanina. So counting backwards, mga 7:30 PM pala.”

‘Di ko mapigilang mamula habang sinasabi ni Daren ang mga iyon, lalo na nung banggitin niya ‘yung naganap na halikan. Thirty minutes rin ‘yon!? Binuksan ko ang cellphone ko at tumingin sa front camera. ‘Yung lipstick ko, natanggal! Sabi ni Sam, kiss-proof daw ‘to!? Kinuha ko ‘yung lipstick sa bag ko at tinignan ‘yung label, kiss-proof nga talaga ang nakalagay.

Ibig sabihin, gano’n kami ka-wild kanina at nabura pa rin ‘yung matibay na lipstick? Pulang pula ako nang ma-realize iyon. Kailangan na yatang maghanda ni Sam maging ninang soon. =_=”

“Babe, let’s go. I’ll drive you home,” ngisi niya. “Ano nga ba gusto mo? ‘Babe?’ o ‘Baby?’”

“O-Okay na naman ako sa ‘Babe,’” hiya kong sagot.

“Ako kasi, gusto ko ng ‘Baby,’” bulong bigla ni Daren sa tenga ko na may halong pang-aakit.

Hoy Daren, tumigil ka nga! Baka bumigay ako bigla sa’yo niyan eh! TToTT

At ayun na nga, umalis ako sa bahay ng single at may uwing jowa pagbalik. Pinakilala ko na formally si Daren sa mga magulang ko bilang boyfriend. Tuwang tuwa si Mommy bilang siya ang number one fan ni Daren. Ang hindi ko in-expect ay pati si Kuya ay tuwang tuwa rin. Siguro ay dahil makakaporma na siya kay Aika.

Hinatid ko na si Daren sa motor niya at nagpaalam, “Ingat ka. Text ka ‘pag nakauwi ka na, ha.”

“Ganun-ganon na lang ‘yun?” Daren raised his brow, “Girlfriend na kita. May mga responsibilities ka na sa’kin tulad ng pag-goodbye kiss tuwing aalis ako.”

“Tch. Fine.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “Sa kabila rin para pantay,” asar niya.

“Umuwi ka na nga! Sulit na sulit ‘yung pagka-jowa ha!” masungit kong biro sa kanya.

That night, I slept with the biggest smile on my face.

.

.

.

Little did we know that a big surprise will drop on our lives tomorrow.

xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx

Sa mga pumusta kay Daren, ayan na nga! Pengeng porsiyento, ha! Hahaha. Sobrang nahirapan akong mamili sa kanila ni Resshin dahil love na love ko sila parehas (taray feeling Louie ako dorn!?) Pero hindi pa tapos ang laban, sa mga susunod na chapters ay unti-unti nang magli-link ang lahat. It’s gonna be exzciting!!!

Please share the wonderful story of Well of True Cherries to your friends. I-chat niyo sa kanila, i-share niyo sa Facebook, o kahit sa TikTok! Feel free to tag and mention me too!

Facebook Page: irshwndy

TikTok Page: irshwndy

I LOVE YOU ALL! Salamat sa support, my cutie #CatPups!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.