Chapter Relapse

Chapter 50 - Relapse

Well of True Cherries

written by irshwndy

Chapter Fifty

** ** **

Humihilik pa ako nang nag-ring ‘yung cellphone ko. Inis akong dumilat at kinapa kung nasaan ito. “Sino ba ‘tong epal na ‘to? Ang aga-aga, nambubulabog.”

Medyo wala pa ako sa ulirat nang sagutin at ilagay ito sa tenga ko, “Who you?”

“Who me? Jowa mo lang naman.” Napaupo ako bigla at nag-ayos ng buhok, “D-Daren!?”

“Good morning, Babe.” Naramdaman kong napangiti siya sa kabilang linya. “Alam kong madalas kang late sa school, kaya araw-araw, ako na ang gigising sa’yo.”

Bigla akong namula kahit may muta pa ‘yung mga mata ko. Ganito pala feeling ng may jowa!? Ay wait, nagka-ex na nga pala ako! Pero bakit ganito, parang bago lahat sa pakiramdam. “G-Good morning, Babe.”

Narinig ko ‘yung pagtawa niya. Wait, bakit ganito? Bakit sobrang kilig na kilig ako sa pagtawa niya? Feeling ko sobrang gwapo ng boses niya at nakaka-in love ‘yung tawa niya. They sound like angels singing! Gusto kong marinig ulit ‘yun lagi.

“Parang dati lang, tinatawag nating ‘Babe’ ang isa’t isa, pero bilang biruan lang no’ng nagpapanggap tayong nagliligawan,” alala niya. Napangiti ako dahil naalala ko rin iyon.

“I’ll pick you up, Babe. Get ready in 30 minutes?”

May jowa ka na, may driver ka pa! Ang haba ng hair ko today!

“Sure, babe. I’ll be ready for you—este, for the ride hihi.” ANG LANDI KOOO!?

Paglabas ko ng pinto ay nakasalubong ko ‘yung kuya kong papunta sa kwarto ko para gisingin ako. Tila ito nakakita ng multo nang malamang gising na ako. Ngumisi lang ako sa kanya at naglakad na a la Catriona Gray papunta sa banyo.

Habang naliligo ay kumakanta ako ng ‘Love On Top’ ni Queen B. Sinasabayan ko rin ng sayaw na may kasama pang pagtaas-baba ng mga balikat. ‘Yung shampoo, ginawa kong mic. Inihaharap ko pa nga ‘yung shampoo mic ko na akala mo ay may pinapakantang audience sa harap ko.

Bumibirit na ako nang marinig ko na ‘yung Kuya Epal ko, “Hoy Louie, ni-record ko ‘yung sintunado mong karaoke session diyan sa banyo. Ise-send ko ‘to sa boyfriend mo kung hindi mo pa bibilisan diyan.”

Binuksan ko nang onti ‘yung pintuan at binato ‘yung shampoo sa kuya ko, “Subukan mo lang! ‘Wag ka nga, inggit ka lang kasi wala kang jowa!”

Pagkatapos kong maligo at magbihis, for the first time ever ay nag-blowdry ako ng buhok. Eh kasi naman, dati hinahayaan ko lang mag-commute ako ng basa buhok ko. Ngayon siyempre kailangan kamukha ko si Kathryn ‘pag susunduin ako ng Daniel ng buhay ko hihi.

Grabe, ini-imagine ko na si Daren sa may pintuan namin na nakasandal sa motor niya, huhu sobrang gwapo niya sa imagination ko pa lang, paano pa in a few minutes ‘pag ‘yung real deal na? Ahhh, kinikilig ako~! ‘Yung puso ko ayaw magpakalma! Sabik na sabik na akong makita siya. Ganito na ba araw-araw? Huhu.

Napatili ako ng bumusina na siya. Oh my god, my jowa has arrived! Nagmadali akong bumaba habang sinisiguradong maayos ang itsura ko. Tila nakikipagkarera sa akin ‘yung puso ko sa bilis ng pagtibok nito.

Pagbukas ko ng pinto namin ay nandoon siya—nakasandal sa motor niya, hawak-hawak ang phone, at nakasuot ng salamin.

“Good morning,” he smiled.

Wait, wait, wait! I blinked three times to make sure na hindi ako namamalik-mata. Waaait laaang! Nakasalamin siya!? Tila ako literal na napana ni kupido dahil may kakaibang pakiramdam na tumama sa puso ko. Holy shizz, sobrang gwapo ni Daren! Akala ko prepared na ‘ko kanina, pero ‘di ako prepared dito!

Ang pogi niya na nga by default, pero ten times pa lalo ‘yung pinogi niya ‘pag nakasalamin! Is this really my boyfriend? Ang gwapo ng jowa ko! TToTT

Lumapit siya sa’kin at inangat ‘yung baba ko para isara ‘yung bibig kong kanina pa nakanganga. “You okay?” Hindi pa rin ako nakasagot. I stood there frozen at na-starstruck sa sarili kong jowa.

“M-Masyado bang nakakapanibago ‘pag nakasalamin ako? Naiilang nga ako, eh.” Aktong tatanggalin niya na sana ‘yung salamin niya nang pigilan ko ang kamay niya. “‘Wag na ‘wag mong gagawin ‘yan!” sigaw ko bigla.

“O-Okay, chill.” He pushed the bridge of the eyeglasses I’m wearing and smiled. “Nagsalamin ako para parehas tayo, I bought the same ones you’re wearing in case hindi mo napansin. Sakto kasi medyo lumalabo na rin ‘yung mga mata ko kakalaro.”

Namula ulit ako nang mapansing parehas nga ‘yung salamin namin! Hala, ibig sabihin ay naka-couple glasses kami? Naramdaman kong kinilig ‘yung puso ko sa sudden thought na iyon. I didn’t expect Daren to be that sweet type of boyfriend. Hindi ito matching t-shirts or what, pero something subtle like our eyeglasses. Napangiti ako because it’s something that Daren would actually do.

“Ang sarap mo namang maging jowa!” ‘Di ko mapigilang yakapin siya sa tuwa.

“Talaga masarap?” asar niya nang may ngisi.

I scrunched my nose in response and gave him my bag. Inalalayan niya na akong sumakay sa motor. Habang umaandar ay kinausap niya ako. “By the way, ipapakilala kita sa parents ko mamaya.” Muntik na akong mahulog sa gulat sa sinabi niya! “A-Ano!? Sino? Ako?”

“Oo malamang ikaw, sino ba girlfriend ko? Ikaw ‘di ba?”

Kinabahan ako bigla, it will be the first time na makikita ko ang magulang nila Daren. ‘Nila?’ Eeeep! Si Kimmy nga pala! Hindi pa alam ni Kimmy! A-Ano kaya ang reaksyon niya!? Team Resshin pa naman ata ‘yon!

“‘Wag kang mag-alala, nabanggit ko na kay Kim,” biglang salita ni Daren. Teka, paano niya nalaman kung ano’ng iniisip ko? “Hahaha halata ka kasi masyado,” sunod niya. Grabe, medyo creepy na pati ‘yung kasunod na tanong sa utak ko nasagot niya rin!

Pagkarating sa school ay binaunan niya ako ng halik sa noo bago umalis papunta sa building nila. Nakangiti ako nang nahuli kong nakatingin ‘yung gwardiya sa gate. Nagtaka ako pero bigla ring naglakad nang mabilis nang maalala ko kung sino siya! Siya ‘yung guard na tumulong kay Resshin sagipin ako noong na-lock ako sa classroom. I-Is he judging me right now dahil ibang lalake ang kasama ko!? Nakita kong umirap siya. O_O” M-Mukhang Team Resshin rin ata ‘to!

** **

Sa Classroom, nakangiti lang ako magdamag tuwing inaalala ‘yung pogi kong jowa. Sinusubukan pa rin nila akong i-bully at paglinisin ng mga kalat. Pero sa sobrang in love ko ay masaya pa akong nagwawalis sa classroom. Feeling ko ako talaga si Cinderella na sumasayaw-sayaw pa habang naglilinis. Dahil masaya pa rin ako kahit anong subok nila sa’king pahirapan, eventually ay sumuko na rin sila. Hehehe way to go, Lulu!

Nahuli kong nakatingin sa’kin si Emma na bakas sa mukha ang pagtataka. Nginitian ko lang siya, at wala siyang nagawa kundi ngitian rin ako pabalik kahit na halatang napilitan ito.

Nang matapos ang araw ay sinundo na ako ni Daren, pero sa bahay nila ako hinatid. “Let’s go,” he said as he offered his hand to me. Nasa harap na kami ngayon ng malaking pintuan nila. Hindi ako makalakad dahil sa sobrang kaba, kaya imbis ay hinila ko ang uniform niya. “N-Need na ba talaga now? H-Hindi ba pwedeng kapag one year na tayo? Hehehe,” kabado kong tawa.

Tumalon ‘yung puso ko nang biglang bumukas ‘yung pintuan. Nagtago ako sa likuran ni Daren pero lalo akong nagulat dahil isang nagmamadaling Kimmy ang lumabas.

“Louieeee! Kuyaaaa!” Excited na niyakap ako ni Kimmy, “OMG, Lulu! Biruin mo, magiging sister-in-law pa pala kita! So sino’ng kakampihan ko ‘pag may LQ kayo?” Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi niya.

“Kahit magkampihan kayong dalawa ayos lang,” hirit ni Daren.

Napalingon kaming lahat sa pintuan nang makarinig kami ng isang pamilyar na boses, “Hoy Kimmy! Iniwan mo na naman ako, kailangan na nating matapos ‘tong project nati—”

Lumitaw si Resshin sa pintuan nila. Holymotherofawkward! Bakit nandito si Resshin!? Lahat kami ay tila naging estatwa, hindi na nakagalaw at napatitig na lamang sa isa’t isa.

“Oops!” biglang sabi ni Kimmy, “‘Di ko pala nabanggit! Nandito si Resshin kasi partner kami sa isang project sa II-Calypso... sorry.”

Tumagal rin ata ng dalawang minuto ‘yung awkwardness nang biglang ngumiti nang malaki si Resshin at lumapit sa amin, “Oy! Kayo pala ‘yan, Daren! Lulu—Louie! Ha-ha-ha-ha-ha!” Tinapik-tapik niya nang malakas si Daren sa balikat habang tumatawa.

Akala ko sa parents ni Daren ako dapat kabahan, pero hindi pala! ‘Di ko inaasahan itong sudden turn of events na ito. I mean, sobraaang awkward!

“U-Uuwi na lang ako! Hehehe!” Resshin cleared his throat, “Hoy, Kimmy! ‘Wag mong kalimutang gawin ‘yung part mo, ha!”

Paalis na si Resshin nang bigla siyang pinigilan ni Daren. “Wait, I want to talk to you.”

Eeek! A-Ano’ng nangyayari!? Parehas na kaming magkayakap ni Kimmy dahil natatakot kami na baka bigla silang mag-away!

Unang nagsalita si Daren. “Dinala ko si Louie rito para ipaalam sa mga magulang ko. At dahil nandito ka na rin...” Humarap na si Resshin sa kanya at inaantay ang sasabihin niya.

Nagulat kaming lahat nang biglang yumuko si Daren kay Resshin, “Gusto ko ring humingi ng paalam sa’yo. Malaki ang pasasalamat ko sa’yo, dahil noong mga panahong hindi pa kami magkakilala ni Louie ay ikaw ang nag-alaga at nagpapasaya sa kanya. Thank you for taking care of her when I wasn’t there.”

Napanganga kaming lahat sa sinabi niya. “Kaya nagpapaalam ako sa’yo, bilang ikaw ang previous boyfriend ni Louie. Can I ask for Louie’s hand? Will you let me take care of her?”

Si Resshin ang kausap ni Daren, pero ako itong namula sa sinabi niya. Mahigpit na magkahawak ang kamay naming dalawa ni Kimmy, parehas kaming kabado sa sasabihin ni Resshin.

Ngumiti siya kay Daren, Resshin’s usual big grin, and said, “I know you’ll take care of her, ‘di mo na kailangang ipaalam.” He held his hand out, offering a handshake. “Continue making her happy. Ikaw lang ang makakagawa no’n.”

In-accept ni Daren ang kamay ni Resshin at nag-shake hands sila. “Yaaaaay!” sigaw ni Kimmy sa tuwa sabay yakap sa akin. Tumingin si Resshin sa akin at ngumiti kami sa isa’t isa.

Nararamdaman kong sincere ang pagtanggap ni Shin kay Daren. Naalala ko ‘yung sinabi niya sa akin sa park, “Basta si Daren, may tiwala akong ‘di niya ito sasabihin sa iba...” Mukhang totoo nga ang tiwala niya sa’ming dalawa. Resshin is a good guy, and I’m lucky na itong dalawang lalake sa harap ko ang nag-alaga sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, matagal na siguro akong sumuko sa mga pinagdaanan ko sa buhay.

“Louieee! Sila na lang! Shini-ship ko si Daren at Shin! Huhuhu!” asar ni Kimmy habang kunwaring nag-iiyak-iyakan. Tumawa na lang kaming lahat at pabirong binatukan si Kimmy.

Napatigil ang tawanan namin nang may kotseng dumating. Maya-maya lang ay lumabas na ang mga magulang ni Daren, at kasunod nilang bumaba ay ‘yung driver nila.

I inhaled deeply, and I was about to greet them nang biglang nagsalita si Resshin out of nowhere. Paglingon ko sa kanya, ay pinagpapawisan siya at bakas na bakas ang takot sa mukha niya. Nanginginig ang buong katawan niya at tinuro niya ‘yung driver nila Daren.

.

.

.

“S-Siya ‘yung... nakasagasa kay Emma...”

.

.

xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx

Welcome to irshwndy’s corner!

WHOAAAA. Dundundundun! What is intenze!? Sabi ko sa inyo, pa-intense nang pa-intense ang mga kaganapan! Kaya i-share niyo na rin ang Well of True Cherries sa friends niyo or sa Facebook niyo. Pwede rin sa TikTok, ila-like ko ‘yan! Hahaha.

Please give 5 Stars to Well of True Cherries! And yes, para walang gulatan ay need ko na rin sabihin na malapit na pong matapos ang story na ito. Actually, sobrang excited na ako dahil it will be the first ever book na maco-complete ko! Balak kong ayusin ang format nito into a formal novel at susubok mag-apply sa mga publishers. I need your prayers and support to make this author’s dream come true!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.