Chapter Disclosure

#####Chapter 51 - Disclosure

Well of True Cherries

written by irshwndy

** ** **

Nanghina ang mga tuhod ni Resshin at napaluhod siya sa sahig. "Resshin!" Agad namin siyang nilapitan at inalalayan.

Daren quickly faced his parents, "Mom, Dad, dalhin lang po namin si Resshin sa kwarto ko..."

Pumasok kaming apat sa loob ng bahay, paglingon ko doon sa driver ay mabilis itong sumakay pabalik sa kotse at umalis. Saan kaya siya pupunta?

Pinaupo namin si Resshin sa kama ni Daren at binigyan siya ng tubig. Nanginginig pa rin ang kamay niya kaya tinulungan ko siyang makainom nang maayos. "Dahan-dahan lang, Shin. Take your time. Pakalma ka muna."

"A-Ano'ng g-ginagawa n-niya rito?" tanong niya kay Daren na may mukhang hindi maipinta.

"M-Matagal na namin siyang driver. I had no idea na siya 'yung nakasagasa kay Emma noon," sagot nito.

"Nakasagasa? Emma? Ano'ng meron sa best friend ko? Naguguluhan ako!" hiyaw ni Kimmy na walang kaalam-alam sa mga pangyayari.

Ipinaliwanag namin sa kanya ang pagsagip ni Emma sa buhay ni Resshin noon, na siyang naging dahilan kaya naging engaged sila. Binanggit ko na rin sa kanila na 'yung larawan ng driver na iyon ang nakita ko sa locker ni Emma.

"Pero hindi ko maintindihan, kung malapit sila ni Emma, bakit niya ito sasagasaan? Halos mapatay niya na ito," ani Resshin.

Kinamot ko ang ulo ko at sumuko sa pag-iisip. "Ugh, lalo lang akong naguguluhan! Inakala ko pa nga na mag-ama sila dahil doon sa larawan. Hindi mo naman sasaktan ang anak mo 'di ba? Hindi kaya aksidente lang talaga ang lahat?"

"Unless..." Napaharap kaming lahat kay Daren dahil sa sunod na sinabi niya, "Everything was part of an elaborate plan by Emma."

"W-What do you mean, kuya? I don't think my best friend is capable of doing something like that!" hindi makapaniwalang sabi ni Kimmy.

"Everything is too strange to be a coincidence. Ang isa ko pang ipinagtataka ay kung gaano ito katulad ng nangyari sa amin ni Aika. Naaksidente siya at ako ang may kasalanan, tapos ang tanging taong nandoon para masaksihan ang pangyayari ay 'yung driver rin na 'yon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daren. The fact that the driver is present in both accidents is indeed strange.

Nagpatuloy si Daren sa pagpapaliwanag. "What if that driver told Emma what happened, na naaksidente si Aika at naging kami dahil doon... and they reenacted the same scenario para maangkin ni Emma si Resshin?"

Nagtaasan ang balahibo naming lahat sa sinabi ni Daren. My throat became dry and my hands started to tremble. Is Emma really capable of that? Nagpasagasa siya nang sadya para lang makuha si Resshin? Tinignan ko si Resshin at nagulat. His face is as pale as a ghost. Mukhang siya ang pinaka-na-shock sa hinala ni Daren.

"No! Emma will never do such a thing! She's like an angel, I know her!" sabay tayo ni Kimmy.

"Kimmy, listen." Nagulat sila nang tumayo rin ako at hinarap si Kimmy. "Emma might not be as nice as you think she is. Noon una akala ko rin ay sobrang bait niya, napaniwala rin ako ng mga ngiti niya. But I think she has a way of manipulating people with that fake kindness... I have something to tell you, Kimmy."

Hinawakan ko ang mga balikat niya, at hinayaan ko lang ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko, "I kept this a secret, b-but... I was actually being bullied in our section... sa II-Harpalyke. Lahat sila ay tila sinasamba si Emma. At kahit anong pilit kong kaibiganin sila, puro pagpapahiya ang inaabot ko. I had my doubts, but now I have a stronger feeling that maybe Emma is controlling the people in our class with that angelic smile of hers."

Daren immediately took my arm and turned me to face him. "What the!? They're bullying you? Bakit hindi mo 'to sinabi sa'kin? I'm your boyfriend, Louie! Don't hide these things from me! Walang pwedeng manakit sa'yo!"

"I'm sorry, b-but it's okay now. They gave up trying when they couldn't faze me." Nagkatinginan kami ni Resshin at tumango kami sa isa't isa. He was the only one who knew, and he saved me from one of those incidents.

Napaupo si Kimmy sa kama dahil sa sobrang pagkabigla. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya dahil siya ang pinakamalapit kay Emma. "I... I believe in you guys. I trust the three of you," she said with a sigh. "Kung totoo nga ang lahat ng ito, then she must be one crazy bitch."

Lahat kami ay napalingon sa pintuan nang biglang may kumatok. "Daren, Kimmy, what happened?"

Pinagbuksan ni Daren ng pintuan ang magulang niya, at bumungad sa amin ang mga nagtatakang mukha nila.

Ipinakita ng tatay ni Daren ang kanyang cellphone. "Do you guys know anything about this?"

Lumapit kami para tignan kung ano 'yung nasa phone, at nagkatinginan kaming lahat nang mabasa ito.

.

.

.

Isang mensahe mula sa driver nila Daren na nagsasabing, "Ma'am at sir, pasensya na po pero magre-resign na po ako. Hindi na po ako makakabalik."

xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx

Welcome to irshwndy's corner! Hi, guys! We're down to our last 2-3 chapters! Estimate ko lang po ito, pero definitely ay parating na tayo sa conclusion ng istorya. Grabe, Emma is soooo creepy! Kahit ako, natatakot sa kanya! ToT Kaya guys vooote na kayo para hindi niya tayo awayin huhu.

Also, pasensya na sa last announcement ko na ito ang first ever story na matatapos ko. Turns out, mas nauna pa ang Trapped in a Candy! Hahaha. Pasensya na mali ang estimate ni author sa mga bagay-bagay. Kulang na raw kasi siya sa tulog... need niya raw ng 5 Stars pampagising hihihi.

Excited na ako sa mga next na pangyayari! Please support until the end, my dearest #CatPups! Kapit tayo!

Facebook Page: irshwndy

TikTok: irshwndy

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.