#####Chapter 52 - Obsession
Well of True Cherries
written by irshwndy
** ** **
EMMA’S POV
Panay ring ng cellphone ko. Wala akong intensyong sagutin ang sinomang tumatawag maliban na lang kung si Resshin ito. Pumunta ako sa study table at kinuha ‘yung larawan namin ni Resshin noong kami pa. Iginuhit ko ang daliri ko sa ibabaw ng kanyang pilit na ngiti sa larawan. “Ano ang kailangan kong gawin para mahalin mo ako?”
Hindi pa rin humihinto ang pag-ring ng phone ko. Nairita na ako at sinagot ito.
“Emma! Emergency! Nando’n si Resshin kina Daren at nakita niya ‘ko! S-Sa tingin ko ay namukhaan niya ako,” nanginginig na pagkwento ng nasa kabilang linya.
“Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo? Wala ka na ngang ibang kailangang gawin kundi magmaneho!” sigaw ko sa kanya.
“A-Ano’ng gagawin natin ngayon? B-Baka makulong tayo!” natataranta na niyang hiyaw.
“Kitain mo ako sa usual na lugar natin. Kailangan nating isipin ang mga susunod na hakbang,” kalmado kong sabi sa kanya.
Pagkababa ng telepono ay inihagis ko ito sa sahig, “Lintek! Out of all people, si Resshin pa! I hope this doesn’t fucking ruin my chances with him. It’s all that stupid driver’s fault!”
Nagbihis na ako ng pang-alis. Alas-siyete na ng gabi, ngunit kailangan kong itago ang pag-alis ko mula sa ate kong si Aika at sa mga magulang namin. Nag-book ako ng taxi at pumunta sa playground kung saan nakita ko na si Emil, ang driver nila Daren, na hindi mapakali habang naghihintay sa akin.
Pagkababa ko ng kotse ay nagkandarapa agad siya palapit sa akin, “E-Emma! Ano na’ng m-mangyayari sa’tin?”
“What the hell is Resshin doing in Daren’s house in the first place?” Napatigil agad ako nang maisip ko si Kimmy. “Fuck, I didn’t consider that girl! Magkaklase na pala sila ngayon sa Calypso.”
“Emma... Sumuko ka na kay Resshin...” sabi ni Emil. Pumintig ang ugat ko sa ulo sa sinabi niya.
“Sumuko? Ngayon pa ako susuko? I just heard from our school mates na sila Louie at Daren na! It was the best fucking piece of good news that I have heard in a while, and now you’re delivering a shitty piece of bad news to me because of your fucking stupidity! Ngayon pa kung kailan libreng libre na si Resshin. This is my chance to claim him back to my arms!”
Tumingala ako sa buwan at nakita ang matatamis na ngiti ni Resshin sa hugis nito. “Oh, Resshin... You must be so sad na hindi ikaw ang pinili ng malanding Louie na ‘yan! You must be so heartbroken right now, don’t worry, I’m here to comfort you... You probably need me right now.”
“Hindi ka mamahalin ni Resshin, lalo na ngayon kung malaman niyang pinlano lang nating lahat ‘yong aksidente noon!” biglang hiyaw ni Emil.
Sinampal ko agad siya, “Don’t interrupt me when I’m in the middle of my fantasy! Kumusta si Shin? Was he crying when you saw him? My poor baby...”
“Emma... anak...” mahinang bulong ni Emil.
Napangisi ako at itinaas ko ang isang kilay ko. “Anak? Don’t you dare call me that. Lumandi lang ang nanay ko sa dati niyang driver. You’re not my dad, you’re just my mom’s mistake.”
“A-Ano ba ang kailangan kong gawin para matanggap mo ako bilang ama mo? G-Ginawa ko na lahat... Noong ikinuwento ko sa’yo ‘yung nangyari kay Aika at Daren, hindi ko akalaing gagayahin mo iyon para mapasa’yo si Resshin,” nakaluhod na pakiusap ni Emil, “Takot na takot ako nang sabihin mo sa aking sagasaan kita nang sadya... Pero ginawa ko para sa’yo. Iningatan ko ang pagbunggo para hindi malala ang matamo mo.”
“It’s because of that fucking mistake kaya wala na si Resshin sa’kin ngayon! I told you to make that car hit my body badly—I needed it to be worse! Eh ‘di sana nasa ospital pa rin ako at inaalagaan ni Shin. Eh ‘di sana kami pa rin ngayon kung hindi pa ako gumagaling!”
“Emma, nababaliw ka na! Don’t think of such fucked up things, please.”
“Fucked up? Hahahahaha!” Tila maiyak-iyak ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya, “My whole family is fucked up! Laging wala ang asawa niya kaya pinatos ng nanay ko ang driver niya. Tapos walang kaalam-alam ang dalawang taong gulang na ate ko sa mga pangyayari. At nang maluwal ako, ano’ng ginawa ng nanay ko? She said it was her husband’s daughter. She fucking lied her way through her infidelity and made you resign!”
Umupo ako sa swing at pinagalaw ito habang inaalala ang mga pangyayari noong bata pa ako. “I grew up pretending to be her husband’s daughter. My whole life is a lie, my whole existence is fucked up! So might as well fuck the rest of my life up...”
“Masakit para sa isang ama na makita ang anak kong nagkakaganito... Emma, please. Kalimutan mo na si Resshin.”
Ngumiti ako at lumapit sa kanya. “I still have that picture of you holding me when I was little, do you still want it? Hinding hindi mo ako maaangkin bilang anak. Iyong larawan na lang ang maaari mong makuha sa pamilya namin.”
Lumuhod si Emil sa harapan ko at nagmakaawa, “Yes, please! Kahit ‘yong larawan na lang! Kahit ano basta may mapanghawakan ako na anak kita! Sapat na iyon para magpatuloy ako sa araw-araw.”
“Puwes, I have one final mission for you.”
** ** **
Pagkauwi ko ay binuksan ko agad ang notebook ko upang iplano ang huling balak ko para makuha si Resshin. Inisip ko kung ano ang mga maaaring mangyari ngayong nakilala ni Resshin si Emil.
Isinulat ko ang mga pangalan ni Louie, Kimmy, Daren, at Resshin sa isang pahina. Silang apat ang magkakasama ngayon. Posible kayang mapagtagpi-tagpi nila ang mga nangyari dati?
Si Daren, siya ang pinakamatalino doon at maaaring makabit niya ang aksidente ko sa nangyaring aksidente kay Aika noon. Kailangan ay maunahan ko sila. Sa ngayon ay wala silang ebidensya na sinadya akong sagasaan ni Emil.
Gumuhit ako ng mga stick drawing nilang apat, at isa-isa kong itinuturo ang dulo ng aking ballpen sa mga iyon, “Eenie, meenie, miney, mo. Sino sa inyo ang lalapitan ko?”
Huminto ito kay Resshin. Why, of course. Si Resshin ang aking tadhana, syempre siya ang dapat kong puntahan. I’m sure his mind is very confused, and his heart is very fragile right now. At isa pa, siya ang pinakamabait sa kanilang apat. I’m sure he’ll listen to me.
Minarkahan ko ng puso ang stick drawing ni Reshin. “Dahil kung hindi ka makikinig sa’kin, Resshin... I have no choice.”
.
.
.
Pagkasabi no’n ay nilagyan ko ng malaking ekis ang stick drawing ni Louie.
xx SEE YOU ON THE NEXT CHAPTER xx
Welcome to irshwndy’s corner! Grabe, sobrang creepy na po talaga ni Emma huhuhu. Two chapters remaining na lang po ang Well of True Cherries! Kapit po nang mahigpit hanggang sa pagtatapos!
Please LIKE my Facebook Page: irshwndy. Para may connection pa rin tayo kahit matapos na ang librong ito. Doon rin ako nagsasabi ng mga announcements and updates!
I also post memes sa aking TikTok about Well of True Cherries and my other stories! Check out my TikTok account: irshwndy!
Thank you, #CatPups! Please give 5 STARS for this story, love you!