Chapter 53 - Final Answer
Well of True Cherries
written by irshwndy
** ** **
RESSHIN’S POV
Nandito pa rin kaming apat sa kwarto ni Daren at nag-iisip kung ano ang dapat naming gawin. Sinabi na lamang namin sa magulang nila na hindi namin alam kung bakit biglang nag-resign ang driver nila, masyado pang kumplikado ang sitwasyon para idamay sila at wala pa kaming ebidensya.
Tumunog ang phone ko at nanlamig bigla ang mga kamay ko nang makita kung sino ang nag-text, “G-Guys! Nag-text sa’kin si Emma!”
Nagulat rin sila at lumapit sa akin. Pinakita ko sa kanila ang mensahe, “Resshin, pwede ba tayong magkita sa Sabado? I will tell you everything.”
“A-Ano kaya ang balak ni Emma?” tanong ni Louie.
“Resshin, huwag kang pumunta! Baka patibong ‘yan!” nag-aalalang hiyaw ni Kimmy.
Samantalang iba naman ang sabi ni Daren. “Maybe you should go. Ito lang ang tanging opportunity natin para makakuha ng clue o kahit anong impormasyon laban sa kanila.”
Tumango ako, “I agree with you Daren. Balak ko ring harapin si Emma at pilitin siyang ipaliwanag sa akin ang lahat.”
“Gusto mo bang samahan ka namin?” alok ni Louie. Umiling ako sa kanya.
“I will handle this on my own. Sigurado naman akong hindi ako kayang saktan ni Emma, kaya hindi kayo dapat mag-alala. I will settle this with her once and for all.”
** ** **
Dumating na ang Sabado, narito ako sa isang coffee shop at hinihintay si Emma. Aaminin kong kinakabahan ako. Hindi pa rin ako makapaniwala kung sakaling totoo na planadong lahat ni Emma ang nangyaring aksidente noon.
Napaangat ang tingin ko nang makita ko na siyang papalapit sa akin. Iba ang itsura niya ngayon kaysa sa usual na mga araw. Naka-todo make-up siya at nakasuot rin ng medyo maiksing mga damit. Ano kaya ang balak nito?
“Good morning, Resshin,” bati niya sa’kin.
“Let’s go straight to the point, Emma.” I gave her a direct response, “Totoo ba ‘yung hinala namin? Peke lang ba ‘yong aksidente noon?”
Bumakas sa mukha niya ang lungkot. “I’m hurt. How can you accuse me like that, Resshin? Nakita mo mismong duguan ako ‘di ba? Nandoon ka no’ng dinala ako sa ospital.”
Napalunok ako at uminom muna ng tubig. Oo nga naman, talagang nasagasaan siya! I crossed my arms and tried to think. Grrr, bakit ba hindi ako kasing talino ni Daren? Hindi ko tuloy alam ang sasabihin!
Napapakamot ako ng ulo nang biglang nagsalita si Emma, “Can’t you see how much I love you? Planado mang masagasaan ako o hindi, I still took that hit for you. I was willing to die for you.”
“Ano ba’ng meron sa akin? Kalimutan mo na ako, Emma! Hindi na tayo magkakabalikan!”
“Why not? Si Daren na ang pinili ni Louie. Don’t tell me na umaasa ka pa rin sa kanya?”
“You can’t just force someone to love, Emma. Hindi kita mahal!”
“Resshin, bakit ba ayaw mo pa rin sa akin kung may iba na si Louie? I will do anything for you to love me!” Seryoso ang mga mata ni Emma.
“Puwes, if you really are willing to do anything, then confess. Sabihin mo sa akin ang totoo ngayon.”
Ngumiti si Emma at uminom ng kape bago nagpatuloy sa kanyang sasabihin. “I may be madly in love with you, pero hindi ako uto-uto, Resshin. I will only confess if you promise na magiging tayo ulit.”
Napasandal ako sa upuan ko. Napakahirap naman nito! I don’t want to fall into her trap again! Ano’ng kailangan kong gawin para maresolba ito?
“Kitang kita sa mukha mo ang confusion, Resshin. You look cute,” ngiti ni Emma.
“A-Alam kong cute ako! Teka nga, ‘wag kang magulo! Naguguluhan na nga ako eh!” Dalawang kamay na ang ipinangkakamot ko ng ulo.
“I’ll make things easier for you. Kapag pumayag kang maging tayo ulit, I will have Emil confess everything to the police. Siya ‘yung driver nila Daren.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Is she actually admitting that it was all planned? P-Pero hindi niya directly sinasabi. Magaling at matalino nga talaga ‘tong si Emma.
Nagbuntong-hininga ako at kinuha ‘yung bag ko. “Stop manipulating everyone around you, Emma. Hindi ka magiging masaya kung lahat ng tao sa buhay mo ay kinokontrol mo.”
“S-Saan ka pupunta, Resshin?”
Tumayo na ako. “Aalis na ako kung wala akong mapupulot na impormasyon mula sa’yo.”
“I’m giving you an opportunity here, Resshin! I have the upper hand here!” She slammed both her hands on the table. “Are you going to let this chance go?”
Naalala ko ‘yung sinabi sa’kin ni Daren na maganda itong oportunidad para mapaamin si Emma. Huminga ako nang malalim at umupo ulit. “Confess to me now, Emma. Kung hindi mo aaminin ang ginawa mo, aalis na ako. Hinding hindi kita mamahalin hangga’t ganyan ka!” I demanded her.
“Ano ba’ng meron sa Louie na ‘yan!?”
“Hindi si Louie ang dahilan kaya hindi kita kayang mahalin, Emma! Ikaw mismo ang rason!”
“Is that your final answer?” she smiled slyly.
“Yes, final answer.” I stood firm with my decision. Hindi na ako magpapauto ulit sa kanya. I won’t let my life suffer again just because of her selfish and manipulative attitude.
“Okay, then. You leave me no choice.” Nilabas niya bigla ang cellphone niya at may tinetext.
“W-What are you doing?” I asked her.
“You already decided, Resshin.” She smiled again, “Alam mo ba kung nasa’n si Louie ngayon?”
“N-No...” Kinakabahan ako bigla dahil sa tanong niya.
“Ako kasi, alam ko kung nasa’n siya. She’s currently at Salcedo street, five blocks away from us. Oh wait, mukhang papunta siya sa Serenitea. May bibilhin sigurong milk tea,” she said while looking at her phone.
“B-Bakit mo alam!?” Tumayo na ulit ako. This can’t be good!
“Well, I have someone currently following her by car... Guess who?” Hinarap niya sa’kin ang cellphone niya at nakita ko ‘yung driver nila Daren na kausap niya sa text.
Tumakbo agad ako paalis at nabunggo ko pa ‘yung waitress sa shop. Naririnig kong tumatawa nang malakas si Emma. Habang tumatakbo ay sinusubukan kong tawagan si Louie. Hindi siya sumasagot! Shit, shit, shit!
Si Daren naman ang sunod kong tinawagan. “Resshin? Napatawag ka? Kumusta ang usap niyo ni Emma—”
“Fuck, Daren! Is Louie with you!?”
“O-Oo kasama ko siya. Pero magkahiwalay kami ngayon kasi binibilhan ko siya ng milk tea at may titignan raw siya sa kabilang kalsada. Anong meron? Bakit tila hinihingal ka?” nagtatakang tanong ni Daren.
“GO TO HER NOW, DAREN! Don’t let her go anywhere near the street! Nandiyan ‘yung driver at may balak sila ni Emma! SAVE HER, DAREN!”
Binaba ko na ang cellphone ko. Medyo malapit na rin ako sa Salcedo street na sinabi ni Emma kanina. I ran and ran as long as my legs can still hold up. “Louie, I’ll save you!”
Nakarating na rin ako at nakita ko si Louie na tumatawid sa gitna ng kalsada. Naaninag ko rin si Daren na mabilis na tumatakbo papunta sa kanya. Parehas naming hinihiyaw ang pangalan ni Louie nang makita naming may kotseng mabilis na rumaragasa papunta sa kanya.
.
.
.
“Louieeeee!”
xx SEE YOU NEXT CHAPTER xx
Welcome to irshwndy’s corner! Nakakapit pa rin ba kayo, mga #CatPups? Head on to the Final Chapter next to this!