Chapter WAGW 31

“Hindi. Dahil nandito ka. Dahil mahal mo pa rin ako. Mas madali kung tatalikuran mo na lang ako, magkukunwari ka na hindi mo ako kilala. Delikado ang ginagawa mong pakikipagkita sa akin pero nandito ka pa rin. It is just weird.”

Kumunot ang noo nito. “Bakit naman weird?”

“Mula nang mag-break tayo, parang mas marami ka pang oras para sa akin.”

“Siguro kapag nandiyan ang isang tao sa tabi mo, akala mo di siya mawawala. Mare-realize lang ng isang tao ang kahalagahan ng isang tao o bagay sa kanya kapag wala na. Di ko inaasahan na babalik ka sa akin pero mas malaki ang pagsisisihan ko kung wala ako sa tabi mo sa ganitong pagkakataon. Na di kita naprotektahan sa abot ng makakaya ko. And I will try my best to spend more time with you.”

Naging seryoso si Patrice. “This is dangerous, Calden. Hindi na tayo dapat na nagkikita.” It was tempting. Pero kailangang may malinaw ang isip sa kanilang dalawa.

“Do you want me to stop?”

“A-Ayoko. Pero...”

“Then enough of your worries.” Kinintalan nito ang dulo ng ilong niya. “Magpahinga ka na. Kailangan mo iyon.”

Napansin niyang namumungay na rin ang mga mata nito. “Inaantok ka na rin. Hindi ka pa ba uuwi? Busy ka rin dahil may trabaho ka.”

“Dito lang ako sa tabi mo para bantayan ka. Huwag mong intindihin ang trabaho ko. Ako na ang bahala doon.” Inayos nito ang jacket na ipinahiram nito sa kanya. “Goodnight, Patrice.”

Nakangiti siyang pumikit habang hinahaplos ni Calden ang buhok niya at nagha-hum ng kanta. Hindi niya ipagkakait sa sarili ang ganitong pagkakataon. Di niya ipagkakait sa sarili ang pagkakataong sumaya kahit pansamantala.

“I’LL never go far away from you. Even the sky will tell you that I need you so,” kanta ni Patrice habang gumagawa sila ng card ng mga boys para sa mga fund raising nila sa dating game. Ibebenta nila ang mga card na may painting nila para makalikom ng pondo sa mga kababaihan at mga batang naabuso.

Nang nakaraang araw ay dumalaw sila sa isang rescue center para sa mga bata at kababaihan at in-entertain nila ang mga ito. Isa sa nagustuhan niya sa dating game na iyon ay ang pagpapakita ng respeto sa mga babae. Kung paanong ipinauunawa sa mga lalaki kung paanong tratuhin nang tama ang mga babae.

At sa palagay niya ay eye opener iyon sa kanilang lahat lalo na’t nalaman nila na si Chard pala ay na-experience na makita kung paanong saktan ng tatay nito ang nanay nito. Tumakas ang nanay nito kasama ito at lumaki sa probinsiya.

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ni Raymark sa kay Patrice. “Kagagaling mo lang sa sakit kaya alalay lang.”

“Okay na ako.” Nang dalawin siya ni Calden, kinabukasan ay okay na siya.

“Oo nga. Kanina pa kanta nang kanta,” sabi naman ni Sullivan. “Pati tuloy kami LSS na dito.”

Alas singko na ng umaga umalis ang binata at nagpaalam sa kanya. Hindi doon nagtapos ang lahat dahil may pinadala sa kanyang link si Totoy Biloy. Iyon pala ay nag-upload si Calden ng video kagabi habang naggigitara at kumakanta ng I’ll Never Go ng Neocolours. Di man nito sinabi kung para kanino ang kanta ay alam niyang para sa kanya iyon. Pero siyempre, inisip ng mga fans ng binata at pati ni Darling na ito ang kinakantahan. Nag-comment pa ito na kinikilig at nagpasalamat sa binata. Assuming much.

Wala siyang pakialam kung anuman ang sabihin ng iba. Basta ang alam niya ay siya pa rin ang gusto ng binata. Hindi niya alam kung may patutunguhan itong ginagawa nila. Basta ang alam niya ay ito ang totoong nararamdaman nila. Mahal pa rin nila ang isa’t isa at di nila pwedeng dayain iyon. At ito ang nagpapasaya sa kanila.

“Ako rin. LSS din ako sa video ni Calden Faulkner,” biglang nasabi ni Abegail na nakatayo sa baba ng hagdan at nag-o-observe sa kanila.

Napalunok si Patrice at patay-malisya nang bumalik sa ginagawa. Naramdaman agad niya ang tensiyon ng mga tao sa paligid niya.

“Calden na naman,” malungkot na usal ni Topher. “Lagi na lang si Calden.”

“Bakit ba pakiramdam namin kakompitensiya namin si Calden Faulkner kahit hindi naman siya kasali dito?” tanong ni Jess na karaniwang mature sa mga isyu pero naapektuhan din sa pagkakabanggit sa lalaki.

“Naku! Wala naman ‘yung si Calden. Mas maganda pa ang boses ni Chard doon,” sabi niya at nag-thumbs up sa lalaki.

Nagningning ang mga mata ni Chard. “Talaga? Ibig sabihin nagugustuhan mo na ako?” umaasam na tanong nito.

“Hoy! Walang ganyan!” kontra ni Raymark. “Hayaan natin si Patrice na magdesisyon para sa sarili niya sa tamang panahon.”

Napakamot si Chard sa ulo. “Gusto ko lang naman ng pag-asa.”

Hindi nakakibo si Patrice lalo na nang pati ang ibang mga manliligaw niya ay nanahimik at napaisip. Drat! Ang iba sa mga ito ay nagkakaroon na ng totoong feelings sa kanya. They were actually expecting her to do the same. Dapat ba niyang kausapin ang mga ito tungkol sa totoo niyang nararamdaman? Na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend niya at isang laro lang ang lahat ng ito.

Maya maya pa ay dumating na ang host na si Vhon para mai-present nila isa-isa ang nagawa na nilang designs at i-encourage ang mga tao na bumili ng mga gawa nilang card para makatulong sa mga kababaihang naabuso.

“Gusto n’yo pa rin bang makatulong sa mga kababaihan at batang naabuso?” tanong ni Vhon. “Ihanda na ninyo ang talent ninyo dahil makakasama kayo sa charity ball bukas para sa Helping Hands Foundation.”

Nagpalakpakan ang lahat. “Ibig sabihin magara ang damit natin. Parang sa Star Magic Ball,” excited na sabi ni Raymark.

“Oo. ‘Yung naka-tuxedo. Tiyak na hawig ako ni Coco Martin,” sabi ni Topher.

“Magpa-participate kayo sa auction para makatulong sa mga nangangailangan. Kaya pwede gusto kong malaman kung anong talent o skills ninyo ang pwede ninyong i-contribute,” sabi ni Vhon.

“Kasali ka rin ba sa auction?” tanong ni Patrice kay Vhon.

Itinuro nito ang sarili. “Ako? No! I...”

“Come on, brother! You must give them a hand,” sabi ni Sullivan. “Siguro naman kapag nag-volunteer ka hindi sila tatanggi. You are Vhon Peczon.”

“Vhon! Vhon! Vhon!” cheer nilang lahat.

Itinaas ng host ang kamay. “Fine! I will sign up!”

“Basta talent ko ang kanta. Manghaharana ako sa loob ng isang oras,” sabi ni Chard.

“Baka inaasahan nilang gagawa ako ng pastillas,” sabi ni Patrice. Medyo nakakaumay naman kung iisipin ng mga tao ay iyon lang ang maibibigay niya.

“Yours is a dinner date,” sabi ni Vhon. “The boys can also participate if they want to. Basta ba may pera.”

“Sa iyo ako magbi-bid, Vhon!” sabi ni Desmond na kinikilig.

Napaisip tuloy siya kung sasali din si Calden o pupunta man lang ito sa charity ball. She wished she could see him. Kahit di sila magkausap. Masaya na siya doon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.