IT WAS overwhelming. Nahihilo si Patrice sa dami ng mga personalidad na nakapaligid sa kanya. Hindi pipitsugin ang charity ball na dinaluhan nila na ginanap sa ballroom ng Sofitel. Halos lahat ng malalaking tao sa lipunan ay naroon - kilalang artista, atleta, producers, direktor, socialites, tycoons and politicians. Parang nakakapanliit dahil di niya alam kung ano ang significance niya doon.
“Kinakabahan ako. Parang di na ako makahinga,” sabi ni Raymark na hinihila ang bowtie nito. “Hindi ko alam kung kakayanin kong tumayo sa stage mamaya. Gusto kong umalis na lang. Uwi na ako...”
Pinigilan ni Sullivan ang braso nito. “Brother, don’t leave yet. Nakapag-commit na tayo. Nakakahiya naman kung ngayon ka pa uurong.”
“Oo nga. Inaasahan na tayo,” sabi ni Jess na ang kontribusyon ay ang masarap na luto nito.
“Paano kung walang mag-bid sa akin?” tanong ni Raymark. “Sino pa ba ang gustong makinig ng mga tula ngayon?”
“Magbi-bid ako sa iyo,” prisinta ni Patrice at itinaas ang kamay. May naka-allot sa kanyang one hundred thousand para ipam-bid niya.
“Uy! Mag-bid ka rin sa akin,” sabi ni Topher.
“Ako rin, ha?” anang si Richard.
Tumango na lang siya para mawala ang kaba ng mga ito. Ang mga boys muna ang mauunang mag-bid kaya nagpunta na ang mga ito sa likuran ng stage. Siya naman ay tinitingnan ang mga naka-exhibit na plano para sa Helping Hands gaya ng isang bagong haven sa labas ng Metro Manila kung saan magkakaroon ng sariling building para sa paaralan at livelihood center ang mga kababaihan.
“Magbi-bid ka ba sa akin mamaya sa auction?”
Tumuwid ng tayo si Patrice nang marinig ang boses ni Calden sa likuran niya. Bahagya niya itong nilingon. “N-Nandito ka na! Akala ko di ka dadating...”
Nakakunot ang noo nitong tumayo mas malapit sa kanya at naramdaman niya ang init ng presensiya nito sa likuran niya. “Na-traffic ako. Kanina mo pa ako hinahanap?” tanong nito at inabot ang kopita sa kanya. “Peach chardonnay. Not so alcoholic.”
He was really looking after her. Hindi matao sa area na iyon at parang buo na ang gabi niya dahil nakapag-usap na sila. “Thanks.”
“So, will you bid for me later?”
“Calden, hindi kita afford. Hindi ako mayaman.”
Akala niya ay malulungkot ito. Sa halip ay isang mahiwagang ngiti ang sumilay sa labi nito. “Then I will bid for you.”
“What?” bulalas niya. “Sira ka talaga. Hindi mo naman ako pwedeng i-bid. Tiyak na pag-uusapan tayo.”
Nagkibit-balikat ang binata. “So what? It is for charity. And I realized, matagal na tayong hindi nakakalabas. A dinner date would be nice.”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Calden...”
Inipit ng daliri nito ang ilang hibla ng buhok niya na kumawala sa bun. “And you look exceptionally beautiful tonight.”
Hindi makakibo si Patrice sa papuring iyon ng nobyo. Nawala sa isip niya na sawayin ito nang titigan siya nito sa mga mata na parang nang-aakit. Pakiwari niya ay natunaw na ang lahat sa paligid nila ni Calden. Wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng puso niya. Talaga bang susugal ito ngayong gabi para lang makasama siya na mag-date?
“Calden, I’ve been looking for you all over the place. You are not answering my call,” anang nagtatampong boses ng isang babae na bumasag sa masayang mundo na silang dalawa lang ni Calden.
Umurong ang binata at nakita niya sa di kalayuan ang ka-love team nitong si Darling. She was a classic beauty with generously wide lips that was perfect for the sultry red lipstick she was wearing. Nakasuot din ito ng diaphanous Roman style gown na kulay puti at ang buhok nito ay nakapusod at kinulot.
“Sorry. Kadadating ko lang,” sabi ni Calden at hinawakan ang baywang ng babae. “Darling, this is Patrice. Patrice, this is Darling.”
“Oh! I think we’ve met during your school concert,” bulalas ng babae. “Isa siya sa mga coordinator ng fair. Of course, fan mo pa lang ako noon.” Hindi maikakaila na kinikilig ang babae kay Calden. “Kaya sabi ko pamilyar siya sa akin noong nakita ko siya sa TV. She used to be your classmate.”
Kinamayan niya ang babae. “Sorry. Hindi na kita naalala from the school fair.”
“Oh! That was a couple of years ago. Nakita ko kasi na kausap mo si Calden. Akala ko nga girlfriend ka niya.” Tumawa ang babae. “May dala ka bang pastillas diyan?”
“Darling,” saway ni Calden doon.
“She should have brought some. I would love to buy. Ayaw mo kasi akong bigyan ng pastillas mo. Damot!” nagtatampong sabi ni Darling at saka lumingon sa kanya. “I hope you are not offended. I also love pastillas.”
“Not at all. Masarap talaga ang pastillas ng nanay ko. And congratulations for winning the best love team,” nakangiti niyang sabi.
“Thank you. Sana nga totoo na,” kinikilig na sabi ng babae. “We must get going. Ihahatid ko lang si Calden sa backstage. Magsisimula na kasi ang auction.”
Tumango na lang siya at kumaway. “Bye.”
Mabigat sa loob na kahit iisang mundo na ang ginagalawan nila ni Calden ay kailangan pa rin nilang itago ang nararamdaman nila. Hindi bale. May auction pa naman. Aasahan niyang siya ang pipiliin nito.
Pambungad pa lang na ipapa-auction ay umulan na ng tilian ang buong hotel lobby. Lumabas ang isang matangkad na model na nakasuot ng tuxedo. Mahaba ang buhok nito pero lalaking-lalaki pa rin ang dating. “Gosh! Si Kirst Villaviray iyan!” tili ni Desmond. “Kung hindi si Sullivan ang ipapasok, siya dapat ang makakasama sa suitors mo. He is so hot. Hindi kinakaya ng centralized aircon. Kirst, I am all yours! Fifty thousand!” At kinilala naman ng host ang bid nito.
Siniko niya ang kaibigan. “Paano ka nagkaroon ng fifty thousand?”
“Kapapadala lang ni Mama sa akin. Saktong-sakto para sa auction na ito.” Natameme ang kaibigan nang may mag-bid na mas mataas dito. “Friend, baka naman pwedeng umutang para makasama ko sa midnight picnic with the moon and the stars si Kirst.”
“Wala ka pa naman K na mag-bid kung wala kang pera. Wag mo nang ipilit.” Unang bidding pa lang ay umabot na ng one hundred thousand. Kaya walang kapana-panalo si Desmond.
“Life is unfair,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Desmond nang ideklara na isang lola ang nanalo kay Kirst sa bidding.
Sumunod na lumabas si Raymark na halatang kinakabahan. “Thirty thousand!” sigaw agad ni Patrice para mawala ang kaba ng lalaki. Nagsisunod naman ang iba.
Sa huli ay siya lang ang nagpapasimula ng pag-bid pero sa huli ay hinahayaan na niyang iba ang manalo. Para naman magkaroon ng chance ang mga manliligaw na mai-share ang talento ng mga ito sa iba. At mas makaka-boost sa ego ng mga ito kung hindi siya ang mananalo sa bidding.
Siniko siya ni Desmond. “Gusto mong mag-bid kay Calden, ‘no?”
“Shut up,” usal niya at ngumiti kay Kara na di kalayuan kasama ang ibang executives ng network.
Napuno ng sigawan ang ballroom nang tinawag na ang pangalan ni Calden. Opening pa lang ng bidding ay seventy-thousand na agad. Narinig niya ang iyak ng isang batang babae at nang sumilip siya sa ilalim ng mesa ay nakita niya ang sampung taong gulang na batang babae na anak ng executive ng network nila.
“Hey! Bakit ka umiiyak diyan?” tanong niya.
“Gusto ko pong mag-bid kay Calden para makantahan at masayawan niya ang kaibigan kong may sakit sa ospital pero ten thousand lang ang pera ko at hindi pa daw ako pwedeng mag-bid dahil hindi pa ako eighteen.”
Inilahad niya ang kamay dito. “Lumabas ka diyan at huwag ka nang umiyak. Hahabol tayo ng bidding. Tutulungan kita.”
“Talaga po?” tanong nitong nagniningning ang mga mata. Hinawakan nito ang kamay niya at gumapang palabas ng mesa. Nang mga oras na iyon ay nasa one hundred thousand na ang bid para kay Calden.
Itinaas ni Patrice ang numero niya. “One hundred thousand ten!”
Nagtinginan ang lahat ng tao sa kanya kasama na si Darling na nakataas pa ang kilay. Bakit nga naman niya ibi-bid sa bida sa kalabang programa niya. Isang alanganging ngiti ang ibinigay niya. “Ano... Gusto kasi niyang maka-date si Calden,” nausal niya at itinuro ang batang babae.
“One hundred twenty thousand,” bid naman ni Darling.
Namutla si Patrice. Wala na siyang idadagdag pa doon. Siniko niya si Desmond. “Pautang naman ng fifty thousand diyan.”
“E bakit? Mapapakinabangan ko ba ‘yang si Calden kapag tumulong ako? Makakaribal ko pa ang bagets.”
“Para naman sa charity,” katwiran niya.
“It is okay. We will take it from here,” anang Vice President for Marketing at kinuha ang anak nito. Ang mga ito na ang nagpatuloy ng bid. Nanlaki ang ulo niya dahil ang date para kay Calden ay umabot ng half-million. Doon na lang sumuko si Darling at ibinigay na si batang si Andrea ang pagkakataong maka-date si Calden.
“Your turn,” sabi ni Kara nang lapitan siya. Oras na para siya naman ang sumalang sa bidding. At excited na siya dahil alam niyang nandoon si Calden para naman mag-bid para sa kanya.
“MUKHANG pagod ka, hija. Dapat inaalagaan ang balat mo dahil lagi kang nasa TV. Don’t worry. Ako ang mag-sponsor sa iyo. Maganda ang clinic ko.”
Ngiti at tango na lang ang isinagot ni Patrice kay Doctor Peralta. Ito ang nanalo sa bidding sa auction. Masaya naman siya dahil nasa three hundred thousand din ang inabot ng bidding para sa dinner kasama siya. Ang ikinadismaya lang niya ay hindi naman nag-bid sa kanya si Calden. Puro pangako lang ito. Paasa.
Alam naman niyang malabong mag-bid ito sa kanya dahil tiyak na lilikha ng ingay. Pero sana ay di na lang ito nangako para di siya umasa.
“Mag-toast kayo sa wine, Sir, Patrice” anang cameraman. Sumunod naman sila at bahagyang tumawa para sa camera. “Okay. Good.”
“Pwede na rin siguro kayong mag-dinner,” sabi ni Doctor Peralta at tumayo. “Nagpa-reserve ako ng table para sa inyo.” Nasa isang private room sila na may sariling balkonahe dahil gusto ng doktor na may privacy. “Huwag kayong mag-alala. Safe naman si Patrice sa akin.”
“Salamat po sa pag-bid sa akin,” sabi ng dalaga habang naghahapunan sila ng doktor. “Malaking tulong po iyon sa mga bata.”
“Walang anuman iyon, hija. Regular naman akong nagdo-donate sa kanila. Malalapit kasi ang puso ko sa mga bata. Ako din nag-sponsor kay Calden Faulkner.”
Biglang nasamid ang dalaga sa pagkakabanggit sa dating nobyo. Inabutan siya nito ng tubig at ininom naman niya. “Thank you po.”
“May problema ba kung sakaling magkakasama kayo ni Calden sa isang clinic?”
“W-Wala po. Calden Faulkner po iyon.”
“Good, good,” anito at makahulugan siyang tiningnan. Hindi tuloy niya alam anong kain ang gagawin niya. May alam ba ito sa relasyon nila ni Calden?
Nasa gitna sila ng pagkain nang may kumatok. “Come in,” sabi ni Doctor Peralta. Isang lalaking nakamaong na pantalon at long sleeve shirt ang pumasok saka naka-cap pa. “Nandito na pala ang hinihintay natin.”
Inalis ng lalaki ang cap at saka lang niya nakilala kung sino. “Calden?”
Ngumiti ito. “Ready na ba ang dinner?”