Iniwas niya ang tingin. “Behave ako noong bata ako.”
“Ang sabi sa akin ni Justine may pagka-maldita ka daw noong bata ka. You were a bit of a brat.”
Nanlalaki ang mata niya itong tiningnan. “Paninirang-puri iyon. Hindi pa naman kami magkakilala noong bata pa kami.”
“Sabi niya Mama mo daw mismo ang nagsabi.”
Pinagdikit niya nang mariin ang labi. “Fine. May pagka-brat ako noong bata pa ako.”
“Kaya dapat intindihin mo rin kung ganyan kakulit si Jacko. Magma-mature din iyan paglipas ng ilang buwan. Kids are like that. Kailangan mong intindihin. Jacko is your baby now so you should have more patience, Mommy.”
“I am sorry,” aniya kay Kenji at kinintalan ng halik ang baba nito. “I lost my cool. Pagod ako sa trabaho. Gusto kong mag-relax tapos makikita ko na ganito ang gagawin ni Jacko sa mga gamit ko. I-I can only take so much. Nai-stress talaga ako kay Jacko.”
“I know. I am not blaming you if you feel bad. Natural lang iyan. Isipin mo na lang na practice mo ito kapag balang-araw magkakaanak ka.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Ako lang ang magkakaanak? Hindi mo naiisip na baka ikaw ang tatay ng magiging anak ko?”
Humalakhak ang binata. “Fine. Anak natin. Kapag nagkaroon na tayo ng anak, makulit talaga sila sa simula. Bilang magulang, kailangan mo ng mahabang pasensiya sa kanila. May pagkakataon na hindi sila makikinig sa iyo. They will do whatever they want. Hindi ka pwedeng laging ma-stress at magalit sa kanila. You must keep your cool. You must show them you have the upper hand. Ipakita mo rin kay Jacko na kaya mo siyang pasunurin. Na ikaw ang nanay niya kaya kailangang gawin mo ang inuutos niya.”
“Paano kung mainis na talaga ako?” tanong niya. Sanay lang naman kasi siyang alagaan ang sarili niya. Kay Kenji ay nakapag-adjust agad siya dahil di naman ito mahirap alagaan kahit na noong simula ay gulping-gulpi ang puso niya. Ibang usapan naman si Jacko.
“Habaan mo pa ang pasensiya mo. Kapag lagi kang pikon, sino ba ang talo? Hindi ba ikaw din?”
“Tama ka naman.”
“Ayoko nang made-depress ka pa ulit o mai-stress dahil dito. Okay?”
“Anong gagawin ko para ma-destress ako ngayon?” She still felt bad about her shoes. Di pa siya sigurado kung mapapasunod niya si Jacko. She was tired and emotionally wrought-out.
“Would kissing you help?” tanong ni Kenji at hinaplos ang leeg niya at ang likod ng tainga niya.
Pinigil niyang mapangiti. Alam na yata ni Kenji ang weakness niya. Pero siyempre di naman niya basta-basta aaminin. She was not that easy. “I am not sure. Pwede mo namang subukan.”
Inaasahan niya na ilalabas agad ni Kenji ang pamatay nitong ammunition. A kiss that would make her explode. An aggressive kiss that would driver her crazy. But he nipped her lips instead. His kiss was gentle and playful at the same time. She let out a sigh. His lips became more invasive. Akala niya ay lalalim na nang tuluyan ang halik at magiging agresibo pero bumagal ulit iyon. Parang tinakam lang siya.
Parang gusto niyang habulin ang labi nito at bahagyang napaungol nang ilayo siya nito. “Feeling better?” tanong ni Kenji habang may kampanteng ngiti sa labi. He knew that she wanted more from him.
“Iyon lang?” reklamo niya at pinahaba ang nguso.
“Bakit? Kulang pa ba ang halik ko?”
Humiga siya sa carpeted na sahig. “Naman! Nai-stress ako kapag bitin ang halik.” Itinaas niya ang dalawang kamay. “I want some more.”
“No. Time for dinner.” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patayo. “Be a good girl. Baka kaya mainit ang ulo mo dahil di ka pa kumakain.”
“Okay na sa akin ang kiss mo. Sige na,” nakangising wika niya kay Kenji.
Pumalatak si Kenji at umiling. “Honey, ang sobra ay nakakasama.”
“Masama din naman ang bitin. Nakakabaliw.”
“Come. Ipapatikim ko sa iyo ang coxinhas,” anito at inakay siya palabas ng bahay. “It is really good.”
“Anong coxinhas?” Parang kutsinta ba iyon?
“Parang fried mac ‘n cheese ball pero walang noodles. You will love it. Nagpaturo pa ako kay Mama kung paano iluto iyon. Itinuro niya sa akin sa internet.”
“You cook?” tanong niya.
“Oo naman. Dati pa naman kitang ipinagluto.”
“Yeah. Pero usually pancakes lang naman at iba pang pagkain na madali lang namang iluto.”
Matapos i-lock ang gate niya at kumabila sila sa bahay nito. “Di naman pwedeng mag-isa lang ang nabubuhay pero di ako marunong magluto. Bata pa lang kami ay tinuruan na kami ni Mama na maging independent. Pero pag nami-miss ko ang Brazil, nagluluto ako ng mga iniluluto ni Mama sa aming magkakapatid.”
“You are such a sweet guy,” wika niya at ngumiti.
Hanggang sa Skype lang niya nakausap ang ina ni Kenji na si Mommy Ge. Napaka-domesticated nitong nanay. Umiyak ang ginang nang malamang siya na ang nobya ni Kenji. Pinaghahalikan pa nito ang webcam para daw sa kanya. At nakita rin niya kung gaano ka-sweet si Kenji sa nanay nito. It made her feel guilty. Sana lang ay mas sweet pa siya sa magulang niya. Sa kaawayan niyang mawala ang pagiging independent niya ay di niya minsan naaaalala ang mga ito. Pero si Kenji ay di natatakot magtanong sa nanay nito at maging malambing.
“Parang malaking hita ng manok,” aniya nang mapansin ang niluto nito.
“Dahil iyon ang ibig sabihin ng coxinha sa Brazil.” Ipinaglagay siya nito sa plato. “Gawa iyan tinimplahang karne ng manok na ipinirito sa batter na may chicken broth at hinulma na parang hita ng manok. Minsan may kasamang patatas iyan katulad nitong ginawa ko.”