Ibinaling-baling niya ang conxinha bago kinagatan. “Parang malaking manok lang,” aniya at tumango-tango. “Parang nakakadaya lang.”
“Sabi daw galing iyan sa Sao Paolo noong 19th century. Sabi daw may isang prinsipe na may mental problem. Paborito niya ang manok pero hita lang an kinakain niya. Isang araw, walang sapat na hita ng manok kaya nagdesisyon ang cook na himayin ang laman ng buong manok at ginawa niyang palaman para sa flour dough na hinulma niya na parang drumstick. Nagustuhan iyon ng prinsipe. At nang minsang may dumalaw na empress sa prinsipe ay nagustuhan niya ang luto at inutusan ang head cook ng palasyo na pag-aralan kung paano ito ginagawa. Kami daw ang prinsipe at prinsesa ni Mama kaya paborito niyang ihanda ito sa amin na magkakapatid.”
Masarap ang lasa dahil may kasamang tomato sauce, sibuyas, parsley, scallion at keso ang laman ng manok. Nilagyan niya ng sweet chili sauce para ma-feel niya na manok ang kinakain niya.
Tumirik ang mata ni Yngrid sa sarap. “Wow! Ang sarap!”
“Delicioso,” anang binata at sumubo rin ng conxinhas.
Naaliw siya kapag nagsasalita ito ng Brazilian paminsan-minsan. It was so sexy. Paminsan-minsan ay tinuturuan siya nitong magsalita ng Brazilian kaya kahit paano ay nakakahabol siya. “Kenji,” untag niya dito.
“Hmmmm?”
“Você é muito delicioso.”
Natigagal ang binata. “Ano? Masarap ako? That is naughty.”
Humalakhak siya. “Don’t tell me you are not delicioso?” naghahamon niyang tanong.
Kinintalan nito ng halik ang gilid ng labi niya. “I think I will enjoy teaching you Brazilian next time.”
“WOW! Ang ganda ng engagement ring mo. Nakakainggit talaga. Next year ikakasal ka na,” sabi ni Yngrid habang nakatitig sa daliri ni Dreamilyn. Umiinom ito ng kape kaya naman nakabalandra sa harap nila ni Justine ang daliri nito na may nakasuot na singsing. She couldn’t help but sigh. “Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyan?”
“E di bumili ka ng singsing tapos sabihin mo kay Kenji isuot niya sa iyo,” sabi ni Justine na mukhang mas maayos na ang mood kaysa nang huli silang magkasama sa concert. Mukhang na-miss lang talaga nito si Stefan.
“Ang yabang ninyo! Mae-engaged din kami ni Kenji balang-araw. Nagsisimula pa lang naman kami,” aniya at inirapan ang mapang-asar na kaibigan.
She and Kenji were taking things slowly. Ayaw naman niyang biglain ito at takutin tungkol sa pagpapakasal. Ngayon lang siya nagkaroon ng matinong boyfriend. She was blessed to have Kenji Matsunaga as her boyfriend. Gusto muna niyang namnamin ang lahat. Siyempre hindi naman siya nagmamadali. Alam niyang darating din sila sa kasalan sa tamang panahon. Sa ngayon ay masaya naman siya sa estado ng relasyon nila. Wala siyang duda na mahal siya ni Kenji. Araw-araw nitong ipinararamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga dito.
"Manood naman tayo ng sine ngayon," ungot ni Justine. "Matagal-tagal na rin tayong di nakakapagsine."
"Parang gusto kong manood ng 300: Rise of an Empire," sabi ni Dreamilyn at agad na bumaling sa kanya. "Yngrid, okay na tayo?"
"You know how much I hate historical movies."
"Pinagbigyan naman kitang manood noong nakaraan ng movie ni John Lloyd at Sarah kahit na di naman ako mahilig sa rom-com. Fair is fair," sabi ni Dreamilyn.
"Hindi rin ako pwede ngayon. Kailangang makabalik ako sa bahay ng alas otso ng gabi."
"Teka. Buong araw dapat tayong makakasama. Minsan lang naman ito. Saka last year pa namin hinintay ang movie na iyan," ungot ni Justine.
"Hindi muna ngayon. The kids are coming home. Gusto ko na i-welcome din sila nang bongga. Nagpagawa ako ng special cake para sa kanila."
Matapos ang mahigit isang buwan sa poder ni Margaret ay ibabalik na ng babae ang mga aso kay Kenji. Bagamat masaya naman ang nobyo niya at nabawasan ang depression dahil sa presensiya ni Jacko,
"Kids? Sinong kids?" nakangangang tanong ni Justine.
"May inampong bata si Kenji? O baka naman mga kapatid, pinsan o pamangkin niya?" tanong naman ni Dreamilyn.
"Hindi. Ngayon ibabalik ni Margaret sa kanya ang mga alaga niyang aso. One month mahigit sa bruhang iyon ang mga aso kaya gusto ko naman may celebration kami ni Kenji sa pagbabalik nila. Gusto kong umuwi nang maaga,” paliwanag ni Yngrid sa mga kaibigan.
Noong isang araw pa excited si Kenji sa pagbabalik ng mga alaga nito. Lagi pa nitong kinakausap si Jacko at ipinapakita ang larawan ng tatlo nitong alaga para daw kahit paano ay pamilyar na si Jacko sa mga kapatid nito. Nahahawa na rin siya sa excitement ng binata.
Isa na rin siyang ina ngayon dahil sa shih tzu na si Jacko. Natuto na siyang may isang maliit na nilalang na alalahanin at ikonsidera bago siya gumawa ng mga desisyon sa buhay. Hindi iyon madali noong una. Wala naman kasi siyang alagang hayop noong lumalaki siya. At nang magsarili siya ay wala siyang inaalala kundi ang responsibilidad sa sarili niya at sa negosyo niya.
Ngayon ay may isa nang buhay na umaasa sa kanya. Kahit pa sabihing aso lang si Jacko at hindi naman totoong bata ay parang pareho lang din naman. Kailangan pa ring bigyan ng atensiyon, pag-aalaga at pang-unawa. Minsan ay may mga itinuturo siya kay Jacko na nakukuha na nito. O kaya naman ay may inuutos siya na sinusunod noon. Pakiramdam niya ay isa na siyang accomplished na ina. At pumapalakpak ang tainga niya tuwing sinasabi ni Kenji na proud ito sa kanya dahil mas mahaba na ang pasensiya niya kay Jacko at napapasunod na niya ang alaga.