Chapter WHC: 120

Bigla siyang kumapit sa braso nito. “S-Saan ka pupunta?”

“I am not going anywhere. Babantayan kita. I don’t want to take any chances. Baka mamaya magka-acid reflux ka na naman o ma-heart burn ka.”

“Thanks, Kenji. I love you,” usal niya at kinintalan ang baba nito saka siya nakangiting pumikit.

She was feeling much better now. Mas kampante rin siya sa pagmamahal nito. Hindi siya iniwan ni Kenji. Siya talaga ang mahal nito at hindi si Margaret. Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito para sa kanila.

NGITING-NGITI si Yngrid habang inaasikaso siya ni Kenji. Paggising pa lang niya ay tiniyak na nito kung maayos ang pakiramdam niya. Inalalayan siya nito at di pa rin siya iniwan kahit na natiyak niya na ayos lang ang pakiramdam niya. Ito pa mismo ang naghanda ng breakfast para sa kanya.

Nakaka-guilty tuloy dahil kung tutuusin ay walang kasalanan sa kanya si Kenji. Siya itong tamang hinala at masyadong selosa. Dapat nga ay siya ang bumabawi dito. Sa halip ay ito pa ang nagsisilbi sa kanya. She must be really blessed to have a boyfriend like him. Higit pa ito sa inaasahan niya mula dito. Minsan nga ay itinatanong niya kung ano pang nagawa niyang tama sa buhay niya para ma-deserve ang katulad ni Kenji.

“Breakfast in bed,” deklara ni Kenji habang buhat ang bed tray.

“Kenji, you don’t have to. Kaya ko naman na ang sarili ko.”

“I won’t allow you to eat greasy breakfast right now. Wala ka namang bagong pinamili na prutas o gulay. Kaya ako ang naghanda ng breakfast mo.”

Pinagkiskis niya ang mga palad. “So what’s for breakfast?"na

“Tadaaan!” Inilapag ng binata ang bed tray sa kandungan niya. “Oatmeal with honey and strawberry. Maganda din daw ang gatas sa acid reflux kaya iyan ang iinumin mo. At pumunta na rin ako kanina sa drug store para sa gamot mo. Gusto ko nasa tabi mo lang iyon kung sakaling umatake ulit ang acid reflux o ma-heart burn ka.”

Ngumiwi siya nang mapagmasdan ang oatmeal. Napalunok siya. “Errr…. Pwede bang uminom na lang ulit ako ng aloe vera? Kahit magpapak ako ng aloe vera na nasa dahon pa.” Kung ayaw niya ng aloe vera, hamak na mas ayaw niya sa oatmeal. Ewan niya. Pakiramdam niya ay di pagkain ng tao.

Naging matiim ang anyo ni Kenji. “Eat! That is good for you. Sasama ang loob ko sa iyo kapag hindi ka kumain. Hindi na kita kakausapin.” At saka nakahalukipkip siyang pinagmasdan ang binata.

Pakiramdam niya ay bumagsak ang puso niya sa sikmura niya. Ayaw niya sa lahat ay magagalit o magtatampo sa kanya si Kenji. Pinaghirapan nga naman nitong ipaghanda siya ng agahan na makakabuti para sa kanya. Hindi man lang niya na-appreciate. Kapakanan na nga niya ang iniisip nito.

Dali-dali niyang kinuha ang kutsara. “Heto na nga. Kakain na ako. Ang bilis mo namang magtampo,” wika nito at akmang susubo siya nang mapansin niyang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kanya. “Hindi mo ba ako sasaluhan?”

Itinaas nito ang kamay. “Tapos na ako kanina habang tulog ka. Nag-tuna salad sandwich na ako kanina.”

“Ang daya. Tuna sandwich sa kanya tapos ako walang lasang oatmeal,” mahina niyang usal. Mukhang pwede naman siyang kumain ng tuna sandwich. Di naman siguro sasama ang tiyan niya doon.

“May sinasabi ka ba?” tanong ni Kenji at bahagya pang sinilip ang mukha niya.

Nakangiti siyang umiling. “Wala. Sabi ko nakakatuwa naman dahil nag-breakfast ka na. Ayoko kasing magugutom ka pa dahil sa pag-aalala mo sa akin. I love you, Kenji.”

“Ubusin mo iyan. Then we can spend the whole day with the kids if you want. Wala akong schedule today. If you are feeling okay, pwede nating ipasyal ang mga aso paikot ng subdivision. Sa palagay ko naman di gaanong mainit ang panahon ngayon. Medyo makulimlim. It is perfect to walk around.”

“Sure. Gusto ko iyan. Sa wakas makikilala na nila si Jacko. Ngayon na ba tayo aalis?” tanong niya at akmang aalisin ang tray sa kandungan.

“Finish your breakfast first or else you won’t leave that bed.”

It was supposed to be a threat but it sounded more like a promise. “Honey, I am looking forward to spending the day on bed with you.”

Sumiklab ang apoy sa mga mata nito. He got her sexual innuendo. Naningkit ang mga mata nito. “Mind off the gutter, Yngrid. Finish your breakfast. Pagbalik ko kailangan nakaubos ka na. I will just prepare the kids. Tapos ay babalikan ko kayo ni Jacko.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Be a good girl.”

“And if I wanna be bad?” she purred.

Hinawakan nito ang baba niya at inilapit ang mukha sa kanya. “Then you will spend the day in bed… alone. Me and the kids will go out. How about that?”

“Killjoy!” usal niya.

Humalakhak lang si Kenji at iniwan siyang mag-isa sa kuwarto niya. Iiwan siya nitong mag-isa at maglalamyerda ito kasama ang mga alaga nila? Ibig sabihin ay parang binuksan niya ang oportunidad sa lahat ng mga kababaihan at bekis para pagpiyestahan ang boyfriend niya nang walang guwardiya sibil.

No way! May tiwala siya kay Kenji pero wala siyang tiwala sa mga nilalang na nagnanasa dito.

Sumubo siya bigla ng oatmeal at pikit-matang nilulon iyon. Para sa pag-ibig lahat ay kakainin niya. Kahit ano para lang kay Kenji.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.