Chapter WHC: 121

“Jacko, gusto ko na mag-behave ka. Kailangang maging nice at friendly ka sa mga kapatid mo. Gusto ko maging proud ako sa iyo bilang nanay mo. Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong ni Yngrid kay Jacko habang sinusuutan niya ito ng dog collar at kinakabitan ng tali.

Naubos na niya ang agahan niya kanina. Nasanay din siya sa lasa ng oatmeal na may honey at strawberry na masarap din naman pala kalauna. Siguro ay nadala lang iyon ng mind setting niya para maubos niya. Di na iyon mahalaga. Ang importante ngayon ay mabubuo na ang pamilya nila ni Kenji.

Nasa kabilang bahay ngayon si Kenji at naghahanda nang ipasyal ang mga alaga nito. Plano nila na mag-lunch sa clubhouse kalaunan. Tumawag na rin siya sa café para sabihin na baka di siya makapunta ngayon. Mas marami na siyang staff at na-train na niya ang mga ito kung paano patakbuhin ang café habang wala siya. Isang araw lang naman siyang mawawala. Buong araw niyang itutuon ang atensiyon sa kanila ni Kenji. And she was really excited.

Ibang klaseng kompiyansa ang naramdaman niya dahil sa mga sinabi ni Kenji sa kanya. Kahit na di pa nito aminin sa buong mundo ang relasyon nila, sapat nang siya ang babaeng nasa tabi nito para maging confident siya sa pagmamahal nito sa kanya. Walang sinumang babae o beki ang pwede niyang katakutan pagdating sa pagmamahal sa kanya ni Kenji. Siya ang mahal nito. Period.

Ang haba ng hair ko. Kaya rarampa ako mamaya sa buong subdivision nang taas ang noo at parang nakasuot ng korona ng lahat ng beauty pageant sa buong universe. Adios, insecurity at selos! Hello, confidence level up!

Ibinaba na ni Yngrid sa lapag si Jacko at hinila ito palabas ng bahay. “Jacko, labas na tayo. Let’s go,” ungot niya. Subalit nakikipaghilahan ito sa kanya. Umupo ito at di natinag sa puwesto. “Ano ka ba? Sumunod ka naman.” Narinig niya ang pagtahol ng mga aso sa kabilang bahay. Mukhang palabas na rin ang mga ito. “Come on. Don’t be shy. Huwag mong paghintayin ang Daddy mo. We must create a great impression. Huwag kang maarte diyan.”

Subalit mukhang di sanay si Jacko na tinatalian. Palagi lang naman kasi niya itong kalong kapag nasa labas sila. Hirap pa siyang pasunurin ito kapag may leash. Si Kenji lang yata ang nakakapagpasunod dito.

Napilitan siyang ibaba si Jacko nang ila-lock niya ang pinto ng bahay. Medyo nahirapan siya sa paghugot ng susi at kinailangan pa niya ng dalawang kamay para hilahin iyon. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa tali ni Jacko at naramdaman niyang pumuslit ang alaga niya. Hinayaan lang niya ito dahil di naman ito basta-basta makakalayo. Nagulat na lang siya pagharap niya nang bahagyang nakabukas ang gate. Mukhang naiwan iyon kanina nang lumabas si Kenji. Nagawang makalusot ni Jacko sa maliit na guwang at nagtatakbo ito sa labas.

“Jacko, stop!” Subalit di siya pinansin ng alaga niya. Nagtatakbo siya palabas ng gate at sinubukang habulin man lang kahit ang tali na hila-hila nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang palapit ito sa Belgian malinois na si Missy. Nakita niya ang pagngirngir ng mas malaking aso habang masama ang tingin kay Jacko. Mukhang di naman iyon napansin ni Kenji na may kausap sa puting van na nakaparada sa harap ng bahay nito. Kumahol nang malakas si Missy at akmang dadambahin ang inosenteng si Jacko na walang kamalay-malay sa magiging kapalaran nito. “No!” sigaw niya at patalon na nag-dive sa kalsada para lang protektahan ang alaga niya sa papasugod na si Missy. Malakas na malakas ang tibok ng puso niya at ang huling nakita niya ay ang matatalim na ngipin ng Belgian malinois na handang bumaon sa inosenteng si Jacko… o kung malalasin ay sa kanya. “Huwag!” impit na tili niya at mariing pumikit. Ihinanda na niya ang sarili sa pagbaon ng mga ngipin nito sa balat niya.

“Missy, stop!” saway ni Kenji. All she heard was a whimper. Parang pasaway na bata si Missy na napagalitan ng ama. “Sit, Missy!”

Nang iangat niya ang tingin ay di lang si Missy ang umupo kundi pati ang ibang alaga ni Kenji. They looked like docile pets. Malayo na sa asong sasalakay sa kanya kanina lalo na si Missy. “Tom, hawakan mo muna ito,” utos ni Kenji sa dog minder na nagtatrabaho para dito at inabot ang leash. Dinaluhan siya ni Kenji. “Are you okay? May masakit ba sa iyo?”

“I am not sure,” usal niya at natatakot pa ring tumayo dahil baka magwala na naman si Missy kapag nakita si Jacko. “Ang mahalaga lang di nasaktan si Jacko.”

“Oh! Hindi ko alam na pwede na palang mag-swimming sa kalsada ngayon kahit na walang baha. Iyan ba ang uso ngayo?” narinig niyang amused na usal ng boses ng babaeng kinamumuhian niya. Mula sa van ay nakita niyang bumababa si Margaret. She looked immaculate in her white squarepants suit which showed her bare and dainty arms and accentuated her delicious curves. Nakataas ang pusod ng buhok nito na nagpakita sa magandang leeg nito at malapad na balikat. Parang gusto rin niya itong ngirngiran na parang aso.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.