Chapter WHC: 123

“Bye, Margaret. It is good to see you again. Good luck sa new fantaserye mo. Sana naman tumaas na ang ratings this time,” wika ni Yngrid sa malambing na boses at nilingon ang babae.

Naningkit ang mata ni Margaret. Nakataas ang noo nitong sumakay ng van. “Manong, aalis na tayo. Baka mangati ako sa lugar na ito kapag di tayo umalis agad,” narinig niyang wika ni Margaret bago pabalabag na isinara ang pinto ng van nito. Di nagtagal ay umalis na ang sasakyan.

“Pumasok muna tayo,” anang si Kenji at kinuha mula sa kanya si Jacko. Itinali muna nito ang aso sa isang bahagi ng garden. Malamang ay iniiwasan lang nito na madilaan ni Jacko ang sugat niya. Baka lalo pang maimpeksiyon.

Saka siya inakay papunta sa CR kung saan tinulungan siya nitong sabunin ang braso at ang binti niya na nagkasugat. “Kaya ko na iyan,” sabi niya.

“No. Mas gusto ko ako mismo ang gagamot sa iyo. That was some sort of dive,” anitong di maiwasang ngumiti.

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong nagda-dive sa kalsada kahit na hindi naman baha?” tanong niya at ipinaalala dito ang masamang biro ni Margaret sa kanya kanina.

“I am sorry,” wika ng binata at nawala ang ngiti. “I didn’t mean to make fun of you.”

“Hayaan mo na iyon,” wika niya at bahagyang umigik nang haplusin nito ang sugat niya sa binti. Masakit pa rin ang sugat kapag napadaanan ng germicidal soap. “I must really look stupid a while ago.”

“Of course not. Sinagip mo si Jacko mula kay Missy. You are a great mom.”

“Thanks,” aniya at tipid na ngumiti. Damang-dama niya ang pagmamalaki sa boses ni Kenji. Nabura na ang tampo niya dito.

“And I am sorry. Margaret can be bitchy most of the time.”

“It is okay. I don’t really mind. Para sa akin hindi naman siya mahalaga,” usal lang ni Yngrid at pinagmasdan ang nobyo habang pinupunasan ng tuyong towellete ang braso niya.

Sanay naman na siya na nilalait at pinagmamalupitan ni Yngrid noong kaklase niya ito noong high school. Light pa nga ang mga hirit nito ngayon kaysa sa pinaggagawa nito sa kanya dati. Kung lahat na lang ng kamalditahan ni Margaret ay didibdibin niya, siya lang din ang talo.

Mas malakas naman siyang mang-asar lalo na ngayong alam na ni Margaret na siya ang nobya ni Kenji. Kaya kahit ano pang panlalait ni Margaret sa kanya ay di na siya apektado. Pumalakpak ang tainga niya lalo na nang sabihin ni Kenji na nag-improve ang taste nito sa babae nang maging nobya siya. Panibagong sampal na naman iyon kay Margaret. Eat that!

“Kenji, paano pala iyan? Parang di naman welcome si Jacko sa grupo nila Missy. B-Baka hindi sila magkasundo-sundo. Or worse baka magkasakitan pa sila,” nag-aalalang wika ni Yngrid. Siyempre sarili niyang baby si Jacko bagamat pantay-pantay ang pagmamahal niya sa apat na mga aso.

“Hindi lang sila sanay sa presensiya ni Jacko sa ngayon. Ganyan din naman sila noong unang beses silang nagkasama-sama. Di rin sila magkakasundo. Akala ko lang kasi mas mabilis na silang mag-adapt ngayon pero di rin pala.” Gamit ang cotton swab ay dinampian nito ng antiseptic solution ang sugat niya. “Just give it time. Magiging maayos din ang lahat. Magiging close din sila.”

“Thank you, Kenji,” wika niya at kinintalan ito ng halik sa noo.

Nagtataka siyang tiningala ng binata. “Para saan?”

“Kasi kanina kahit na mukha akong ewan, ipinakilala mo pa rin akong girlfriend kay Margaret. Ipinagmalaki mo ako sa kanya. Hindi mo ako ikinahiya kahit parang mukha akong tanga nang napada ako kanina,” sabi niya.

“Natural lang na ipagmalaki kita. Kasi ikaw ang babaeng mahal ko.” Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “At sa tamang pagkakataon ay ipagmamalaki din kita sa lahat bilang girlfriend ko.”

“Pero hindi kaya magsusumbong si Margaret sa mga reporter?”

Umiling si Kenji. “I don’t think so. Ngayong may bago siyang series ay kailangang puro pabor lang sa kanya ang lalabas. Focus niya ang ngayon ang relasyon nila ni Congressman Padilla.”

“Don’t you wish that you are still the man beside her?”

“No. Kasi masaya naman ako ngayon. Things happen for a reason. Nawala sa akin si Margaret dahil nakatakda akong mahalin ka. So don’t even think about what ifs. No use thinking about what-might-have-beens. All I care about is what he have right now. This is the real thing, Yngrid. What we have is real.”

Nang angkinin ni Kenji ang labi niya ay parang nabubuhay siya sa isang tunay na fairy tale. Sana lang ay hindi matapos ang lahat sa kanila. Because she would do everything to keep Kenji in her life. Anything.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.