“Sinabi ko bang kailangan sa harap ng maraming tao kayo mag-date? Pwede namang kayong dalawa lang. Tuturuan kita ng kamasutra dance.”
“Kamasutra dance?” bulalas niya.
“Oo. Iyon ang ginagamit ng mga babae na sayaw para akitin ang mga lalaki. Um-attend ako ng kamasutra class doon.”
Namilog ang mata at ang labi niya. “Ohhhh! You mean they taught you all those sexual positions? Pati acrobatics, Mama? Can you still do it at your age?”
Pinisil nito ang ilong niya. “Puro ka kalokohan. Kamasutra is not just about various sexual positions. It is about seduction to spice up a couple’s sexual life. Mahalaga iyon sa pagsasama kung hindi parang nagsama na lang kayo dahil sa company ng isa’t isa. Kasama ang pagiging passionate sa isa’t isa sa dalawang taong nagmamahalan lalo na sa mag-asawa. You should take a lesson on how to entice your man.” May inilabas itong libro. “Here. Try this one.”
Nahigit niya ang hininga nang ang ibigay na libro sa kanya ng ina ay Art of Kamasutra. May instructional video pa iyon at bonus CD para sa Kamasutra dance. Pakiramdam niya ay napaso siya. “W-Wala pa po yata kami sa ganyang level ni Kenji,” pag-amin niya. Siguro dahil may pagka-conservative din sila pareho. Parang di naman nakabase sa atraksiyong pisikal lang ang relasyon nila ni Kenji.
“Di dahil di ninyo pinag-uusapan ay hindi mo na dapat paghandaan. Hindi ka dapat masyadong secured sa nararamdaman ninyo. Wala namang masama kung magiging extra spicy ang isang relasyon. Take it from me. If you can learn the art of seducing your man, hindi ka niya basta-basta iiwan,” anito at kinindatan siya.
She should trust her mother on this one. Alam nito ang recipe para patagalin ang relasyon nito ng ama niya. Hanggang ngayon ay parang magkasintahan pa rin ang turingan ng mga ito. Well, bonus na nga lang kung mapapaigting pa nila ni Kenji ang passion nila sa isa’t isa. Siguro nga ay kailangan niyang sundin ang payo ng ina. Para naman iyon sa ikatatatag ng relasyon nila ni Kenji.
Bumaba siya sa sala para sabihin sa ama niya na ipinapatawag ito ng nanay niya sa kuwarto ng mga ito para magpahinga at matulog. Her father was unusually quiet during their meal. Bagamat wala naman itong masamang sinabi kay Kenji ay parang wala itong tiwala sa binata. Or maybe she was wrong. Basta may kakaibang iniisip ang papa niya at mukhang ipinag-aalala nito.
Umalis si Kenji matapos makipagkwentuhan sa magulang niya tungkol sa biyahe ng mga ito. Well-travelled din si Kenji kaya naman may shared experiences ito at ang mga magulang niya. Kailangan nitong mag-report modeling agency na may hawak dito.
Naabutan niyang nanonood ito ng UFC at kasalukuyan ay isang Hapon at isang Brazilian ang nagbubuno sa octagon cage. “Papa, magpapahinga na daw po kayo ni Mama. Wala pa mandin kayong tulog sa flight ninyo.”
Pinatay nito ang TV pero nananatili pa rin sa kinauupuan. “Anak, hindi ba dating nobyo ni Margaret Choi si Kenji?”
Marahan siyang tumango. “Opo. Pero dati ko pa po kaibigan si Kenji bago pa nila sabihin sa mga reporter na magnobyo sila. Break na rin po sila nang maging close kami ni Kenji. May sarili nang relasyon si Margaret. Kaya sa palagay ko po ay wala naman kaming magiging problema ni Kenji.”
Tumiim ang anyo ng ama niya. “Alam mo kung anong klaseng tao ang mga Choi. Baka mamaya hindi makabuti para sa iyo ang relasyon ninyo ni Kenji.”
Pagak siyang tumawa. “Papa, si Margaret po ang nakipaghiwalay kay Kenji. Kung iniisip ninyo na may habol pa siya kay Kenji o ako ang sumira sa relasyon nila, mali po kayo. Siya ang nakipaghiwalay kay Kenji. Ipinagpalit niya sa ibang lalaki.”
“Nag-aalala lang ako…”
Nakadama siya ng iritasyon. “’Pa, hanggang ngayon ba iniisip pa rin ninyo ang mga Choi? Kung anong reaksiyon nila o ang mga galaw natin ay dapat dumepende sa kanila. Wala naman silang pakialam sa akin. Wala naman silang pakialam sa inyo sa simula pa lang. Wala kaming pakialam sa mga Choi ni Kenji. Nagmamahalan po kami. Tapos. Pareho nila kaming tinratong basura ni Kenji kaya wala akong pakialam kung may opinyon sila tungkol sa amin. Sana ganoon di kayo, Papa. Kaysa iniisip ninyo ang opinyon ng mga walang kwentang tao, sana maging masaya na lang kayo sa amin ni Kenji.”
“Yngrid, Carmelo, ano bang nangyayari sa inyo? Dinig na dinig ang boses ninyo sa taas,” anang mama niya mula sa taas ng hagdan. Dali-dali itong bumaba at pumagitna sa kanila.
Subalit humihingal pa rin siya at parang maiiyak habang matiim ang tingin sa ama. “Si Papa kasi. Gusto pa yata akong palayuin kay Kenji dahil daw ex-boyfriend ni Margaret. Ano po iyon? Kahit na mahal si Kenji kailangan kong magsakripisyo para lang di ko galitin o ma-offend ang mga Choi na iyan?”
“Carmelo, ano bang sinasabi mo sa anak mo?” puno ng akusasyong tanong ng mama niya. “Minsan lang maging masaya ang anak mo, ang pamilyang iyon pa rin ang iniisip mo.”
“Kapakanan mo lang ang iniisip niya. Parang di mo kilala ang mga Choi.”
“Kilala ko sila. Alam ko kung anong ginawa nila sa iyo at sa anak natin. Pero di ako papayag na dahil sa takot mo ay maaapektuhan pati ang kaligayahan ng anak natin. Tigilan mo iyan o hindi mo malalaman kung anong natutunan ko sa special class na in-attend-an ko sa India.” Hinatak ng nanay niya ang kamay ng tatay niya. “Halika na. Matulog ka na. Ikaw din, Yngrid. Magpahinga ka na at kami ng papa mo ang mag-uusap nang masinsinan.”