Chapter WHC: 127

Hindi makatulog si Yngrid matapos ang argumento nilang mag-ama. Tulog na ang mga magulang niya alas nuwebe pa lang ng gabi dahil na rin sa pagod sa flight ng mga ito. Gabi pa ang balik ng mga ito sa Davao kinabukasan. Subalit sa palagay niya ay maghapon silang halos di mag-uusap na mag-ama.

Kahit kailan ay di pa sila nagtalong mag-ama. She had always been an obedient daughter but her parents dotted on her as well. Karaniwan ay debate lang sa social issues ang pinagtatalunan nilang mag-ama at usapang fashion at showbiz para sa kanilang mag-ina. Ngayon lang sila natalong mag-ama pagdating sa personal na bagay. And she really had a bad feeling about this.

Di naman niya inaasahan na tatanggapin agad ng papa niya si Kenji bilang nobyo niya. Ang hindi lang niya matanggap ay tinututulan nito ang relasyon nila ni Kenji dahil kay Margaret. That witch was a brat. Wala siyang pakialam kung pinagnanasaan pa nito si Kenji. Sa kanya lang si Kenji. Hindi siya papayag na ang multo ni Margaret ang sumira sa relasyon nila ng binata o sa samahan nilang mag-ama.

Nang marinig niya ang ugong ng sasakyan ni Kenji ay nagpalit siya ng dress shirt at leggings. Binitbit din niya si Jacko na di rin makatulog sa dog bed sa paanan ng kama niya at saka lumipat sa kabilang bahay.

Pinindot niya ang doorbell sa gate. Di nagtagal ay lumabas ng bahay ni Kenji ang tagapag-alaga ng aso - ang binatilyong si Tom. Dati na itong tagapag-alaga ng aso ni Kenji pero umuwi lang ito sa probinsiya ng ilang buwan para alagaan ang inang maysakit. Tumigil din ito sa pag-aaral. Ngayon ay ipagpatuloy ng binatilyo ang pag-aaral at sa libreng oras ay inaalagaan nito ang mga aso kasama na si Jacko.

"Ate Yngrid, nasa loob na po si Kuya Kenji pero mukhang matutulog na po," sabi ni Tom.

"Sabihin mo saglit lang ako dito. Salamat.”

Tumuloy na siya sa loob kasunod ni Tom. Umakyat ang binatilyo sa second floor para puntahan si Kenji. Maya maya pa ay bumaba na ang nobyo niya. Mukhang pagod nga si Kenji nang harapin siya sa sala. Nakasuot na ito ng cotton shorts at white sando at parang anumang oras ay pipikit na ang mga mata.

"Hey! Akala ko tulog ka na. Or maybe bonding with your parents," wika nito at kinintalan siya ng halik sa labi.

"Nagpapahinga na sila. Pwedeng dito muna ako?" aniya at umupo sa sofa habang kalong pa rin si Jacko.

"Sure. How about tea?" alok nito. “Nakainom ka na ba?”

Umiling siya. "Hindi ko nadala ang tea ko."

"Nag-stock ako para sa iyo."

"Thank you." Ipinagtimpla siya ng binata ng tsaa. Yakap-yakap lang niya si Jacko na ingit nang ingit. Nagulat na lang siya nang bigla kunin ng binata ang aso sa kanya. "Hindi na nakakahinga si Jacko dahil sa higpit ng yakap mo."

Nagitla pa siya nang mawala na sa bisig niya si Jacko at marinig ang boses ni Kenji. Narinig niya na umiingit si Jacko na animo’y naginhawahan nang kunin ito ng binata. "I am sorry." Saka niya hinaplos ang braso niya na parang nanlamig nang wala na si Jacko sa bisig niya.

Inilapit ni Kenji ang tasa ng tsaa sa kanya at hinawakan agad niya iyon gamit ang dalawang kamay. Parang wala siya sa sarili at kahit na gumuhit ang mainit na tsaa sa lalamunan niya at sikmura ay di pa rin gumagaan ang pakiramdam niya.

Umupo si Kenji sa tabi niya. "May problema ba?"

Huminga siya ng malalim. "Nagkasagutan kasi kami ni Papa kanina."

"Pwede mo bang sabihin sa akin kung tungkol saan?"

Umiling siya at pilit na ngumiti. "Huwag na. Di naman importante. Naging unreasonable lang si Papa."

"May kinalaman ba tungkol sa akin? Ayaw niya sa akin para sa iyo?"

Mahabang sandali bago siya sumagot. "Yes."

Hindi rin naman niya pwedeng itago kay Kenji ang bagay na iyon. Kaya nga dito siya tumakbo dahil pwede niya itong mahingahan ng sama ng loob.

Naalarma ang binata. "May ginawa ba akong mali? May ginawa ba ako na hindi niya nagustuhan? I will apologize. Gagawin ko lahat para makabawi sa kanya. Gagawin ko ang lahat para mabago ang pangit na impression niya sa akin."

Ginagap niya ang kamay nito para pakalmahin ito. "No. It is not your fault. You are more than perfect. Gustong-gusto ka ni Mama. Alam mo naman na crush na crush ka niya. Wala rin namang maipipintas si Papa sa iyo."

"Then what is the problem?”

“Alam mo ba na minsan ayaw natin sa isang tao di dahil siya mismo ang may ginawang mali kundi may masama siyang experience noon. Kaya naka-cloud ang judgment ka sa isang tao at nagiging unfair. Ganoon din ang nangyari kay Papa.”

Tumaas ang kilay ni Kenji. “May masama siyang experience sa mga guwapong katulad ko?”

Saka lang siya biglang tumawa. “Something like that. I am sorry. Sabi ko sa iyo unreasonable si Papa kaya masama ang loob ko.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.