Chapter WHC: 129

“Nagbe-belly dancing classes ka rin dito?” tanong niya.

“A private belly dancing class. Gusto kong isorpresa si Stefan. Ang lagay naman ikaw lang ang may planong mang-seduce ng boyfriend. At kapag ginawa ko iyon sa harap ni Stefan, I will make sure that it would be the ultimate dance of seduction. Hindi ko kailangang madaliin.”

Sa huli ay napilitan na rin siyang sumuko. Mas maganda nga naman kung perfect ang presentation niya kay Kenji. Hindi ‘yung mukha siyang kahoy na nag-aambisyong sumayaw. “Fine. Saka na muna itong ambisyon ko.”

“Bumawi ka na lang sa pagkain. May mga mabibili namang aphrodisiac.”

“Next time maybe.” Tiningnan niya ng relo niya. “Wala nang oras. Baka naghihintay na si Kenji sa bahay niya. Sabi ko nandoon na ako pagdating niya.”

Nasa kay Margaret ang mga alagang aso ni Kenji at nasa kay Margaret din tumutuloy ang dog minder ng mga ito. Habang iniwan niya sa isang dog care center si Jacko. Kaya silang dalawa lang ni Kenji ang magkasama. Siguro naman ay may pwede pa siyang gawin sa gabing iyon. May access siya sa bahay ni Kenji. Kanina pa niya nailagay doon ang champagne at iba’t ibang prutas na pagsasaluhan nila. Perhaps a quick dinner would fix that.

Since seduction was out, pwede naman nilang i-celebrate ni Kenji ang mga plano niya para sa bagong branch ng Sweet Surrender. Sa pagkakataong ito ay gusto niyang special ang café dahil maaring dalhin ng mga pet owner ang alaga ng mga ito. Di tulad sa Sweet Surrender na may isang area lang para sa pets at pet owners, ang bagong café ay magke-cater sa mga mahihilig sa mga hayop. Sigurado siya na matutuwa si Kenji sa planong iyon.

Nang dumating siya ay napansin niya na may sasakyan nang nakaparada sa harap ng bahay ni Kenji. Baka naman sinundo na si Kenji sa airport ng handler nito. Dati ay naka-taxi lang ang binata kapag umuuwi mula sa mga biyahe nito abroad maliban na lang kung may importante itong pupuntahang event pagkatapos.

Akmang pipindutin niya ang doorbell nang mapansin niyang bahagyang nakaawang ang gate. Kumunot ang noo niya. Mukhang nakalimutang isara iyon. Pumasok siya at siya na ang nagsara ng gate. Tuloy-tuloy siyang pumasok ng pinto pero wala siyang nakitang ibang tao. Nasaan kaya ang handler ni Kenji? Nasaan si Kenji?

Papunta siya sa kusina nang marinig niya ang boses ni Kenji mula sa taas na sumigaw. “What the hell are you doing, Margaret? Get dressed! Get out!”

Biglang kumabog ang dibdib ni Yngrid. Nandoon si Margaret? Kung ganoon ay hindi kotse ng handler ni Kenji ang nasa labas kundi kay Margaret.

Get dressed? Nahigit niya ang hininga. Nakahubad si Margaret? Nakahubad ito sa presensiya ni Kenji? That bitch!

Inaakit nito ang boyfriend niya. Ang bruhang iyon. Habang siya ay kuntodo effort sa kahoy dance este sa Kamasutra ultimate seductive dance niya ay isang hubaran lang ang gagawin nito? Walang kahihiyan!

Gusto niyang sugurin ang babae, sabunutan, kaladkarin pababa ng hagdan at eskandaluhin pero sa huli ay nataranta rin siya nang marinig niya ang paparating na yabag mula sa taas. Nagpalinga-linga siya. Sa huli ay nagkasya siyang magtago sa kusina. Umupo siya sa likod ng counter kung saan siya di makikita at pinakinggan ang pag-uusap ng mga ito. Gusto rin niyang malaman kung anong gagawin ni Kenji kung wala siya doon. Di niya alam kung bakit. Was it some sort of a test? Gusto ba niyang malaman kung magpapadala ito sa pang-aakit kay Margaret o sapat na ang pagmamahal nito sa kanya para tanggihan ang babae?

Narinig na niyang pinapaalis nito si Margaret. Pero kilala ang babae. Hindi ito basta-basta nagpapatalo hangga’t di nito nakukuha ang gusto. Hanggang kailan kayang tanggihan ni Kenji ang dating nobya?

“Kenji, knock it off. Kadarating ko lang dito pero paaalisin mo agad ako?” narinig niyang angal ni Margaret.

“You are not supposed to be here in the first place. Paano mo nakuha ang susi sa bahay ko?” Mas malakas na ang boses ni Kenji. Sa palagay niya ay nasa hallway na ito sa taas.

“I got it from your dog minder. Pakalat-kalat kasi ang gamit niya,” anang si Margaret sa pilyang tono. “I miss you so much, Kenji.”

“Don’t touch me! Get out! I said get out. Mas mabuting ikaw na ang umalis sa bahay ko bago pa security ang kumaladkad sa iyo. You don’t want bad publicity, do you? Your family will get mad at you. They will disinherit you.”

Narinig niya ang pagbaba ng mga yabag. Nakita niyang kinakaladkad ni Kenji si Margaret sa braso. Nakasuot lang ng toweling robe ang binata at mukhang kagagaling lang sa paliligo habang si Margaret naman ay nakasuot ng red silk halter dress na bukas ang likuran. Nakayapak lang ito, bitbit ang pulang f*ck-me-shoes nito na may apat na pulgadang takong.

“Come on, Kenji. Stop being coy. I know you will want me. You miss making love with me. I am sure that your new girlfriend won’t measure up.” At sinubukan ni Margaret na pagapangin ang kamay sa hubad na dibdib ni Kenji na makikita sa nakabukang lapel ng robe nito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.