Chapter WHC: 130

Aray! Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil medyo sapul siya sa sinabi ni Margaret. They have a sexual relationship. At malayo pa sila sa ganoon ni Kenji. Pati ang pagtatangka niyang painitin pa ang relasyon nila ng nobyo ay major fail pa dahil di naman niya ma-perfect ang seductive dance.

Biglang pinigilan ni Kenji ang kamay ni Margaret at inilayo dito. “Huwag mong ikumpara si Yngrid sa iyo, Margaret. She loves me and I love her. It doesn’t have to be about sex in relationship all the time. Mas pinahahalagahan ko ang respeto namin sa isa’t isa. Respect. Iyan ang di mo maibigay sa akin at hindi ko na kayang maibigay sa iyo.”

“Respect?” Umikot ang mga mata ng babae. “I just want you. Stop being melodramatic about it.”

“See? You don’t even know what the word means. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Iniwan mo ako para sundin ang gusto ng pamilya mo. Ibang lalaki ang pinili mong pakasalan. At sa palagay mo ay magagamit mong bargaining tool ang katawan mo para lang makuha pa rin ako.” Pasalyang binitiwan ni Kenji ang babae. “I won’t be your toy, Margaret. I am over you. May girlfriend na ako ngayon at kailangan mong tanggapin na wala ka nang babalikan sa akin.”

“I know that woman is boring. She will bore you to death. Hindi mo naman talaga siya mahal. Aminin mo na. She is just your rebound girl. Ginamit mo lang siya para makalimutan ako. Ako pa rin ang gusto mo. And I still want you, Kenji. Ikaw pa rin ang mahal ko. Alam mo naman na hindi ko talaga gusto si Mito. Gusto lang siya ng pamilya ko para manatili ang magandang status namin. Do you want me to beg so you will take me back? Hindi ko naman hihingin na iwan mo ang girlfriend mo. It will be our little secret. We can have the best of both worlds. Sa harap ng mundo, sila ang kasama natin. But we can still love each other if it is just the two of us. Isn’t it a perfect arrangement? A win-win situation.”

Parang sinaksak ang puso ni Yngrid. Paano kung mahal pa ni Kenji si Margaret? Paano kung dahil sa pagmamahal na iyon ay handang ipikit ng binata ang mga mata makasama lang si Margaret kahit na mali. Kenji, please! Huwag mo siyang piliin. Huwag kang pumayag. Ikamamatay ko iyon.

“I don’t know which part of “no” you don’t understand. Tinanggihan ko na iyan dati noong mahal pa kita. Bakit naman ako papayag sa nakakasukang arrangement mo lalo na ngayong nasa buhay ko na si Yngrid? Akala ko namatay na ako nang maghiwalay tayo. Hindi dahil iniwan mo ako kundi dahil sa offer mo na magpapababa sa pagkatao nating pareho. Yngrid made me feel alive again. Ipinakita niya sa akin na pwede pa rin akong mahalin nang may kasamang dignidad. And I won’t give her up for cheap thrill with you.”

Sinampal ni Margaret si Kenji at umalingawngaw ang pagtama ng pisngi ng babae sa buong kabahayan. Nakita niya ang pagpaling ng mukha ni Kenji sa sobrang lakas ng sampal. “How dare you call me cheap! I am not cheap! I am the sole heir of Choi Food Corporation. I am Margaret Choi! Men fantasize about me. I have money and I am a goddess.”

“It doesn’t make you respectable at all in my eyes. Kung gusto mong irespeto kita, simulan mong umakto nang karespe-respeto,” wika ni Kenji sa malamig na boses na nagdala ng kilabot sa katawan ni Yngrid. It was scary. She knew that Kenji was nice and gentle all the time. Pero sa pagkakataong iyon, alam niyang isa itong tao na nakakatakot maging kaaway. “Kaya umalis ka na dahil anumang oras ay ipapakaladkad na kita sa mga security.”

Bahagyang nataranta si Margaret at dali-daling isinuot ang sapatos nito. Dinampot nito ang maliit na bag na nakalapag sa sofa. “You will regret this, Kenji. I will make sure that you will regret it.”

“Goodbye, Margaret. Don’t come back anymore,” wika ni Kenji at ikinandado ang pinto nang makalabas si Margaret. Saka mabibigat ang mga hakbang nitong umakyat ng hagdan.

Nanginginig ang buong katawan ni Yngrid sa nasaksihan. Ngayon ay alam na niya ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Tama ang hinala niya na may mas malalim na dahilan ang paghihiwalay ng mga ito. Parang balewala lang kay Margaret ang hiwalayan at ang nakatakda nitong pagpapakasal sa iba dahil iyon ang gusto ng pamilya nito. Pero walang plano si Margaret na pakawalan si Kenji kahit na kasal na ito sa ibang lalaki. Natitiyak niya na may bendisyon ang mga Choi sa set up na gusto ni Margaret. After all, the Chois were big on appearances. Pero maraming sekretong itinatago ang mga ito sa mga tao. At walang kaibahan si Margaret sa mga ito.

Ipinagpapasalamat na lang niya na naging matatag si Kenji. Pinili siya nito. Pinili nito ang tama. And she was deeply touched. Sa isang banda ay kumikirot ang puso niya dahil sa pinagdaanan nito. Napakasakit para sa isang lalaki na itrato kang parang laruan ng taong mahal mo at hindi ka bigyan ng respeto.

Hindi niya sasayangin ang tiwala ni Kenji sa kanya. Hindi niya sasayangin ang pagmamahal nito. Ngayong siya ang pinili nito titiyakin niya na hindi ito magsisii sa pagpili sa kanya. Di rin siya papayag na makuha ito ni Margaret sa kanya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.