Chapter WHC: 131

"HEY! Breathe. Kinakabahan ka?" tanong ni Kenji kay Yngrid at hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Sino ba naman ang hindi kakabahan? Ito ang unang beses na isasama mo ako sa isang event bilang girlfriend mo," aniya at muling humugot ng malalim na hininga. Pakiramdam niya ay hihikain siya sa nerbiyos.

Nakasakay siya sa kotse ni Kenji habang papunta sa event ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society, isang non-government organization na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop. Isa si Kenji sa mga masisigasig na donors ng naturang organisasyon dahil na rin sa pagmamahal nito sa mga hayop.

"Are you sure about this? Isasama mo ako sa party?" naniniyak na tanong ni Yngrid.

Isang kampanteng ngiti ang sumilay sa labi ni Kenji. "Yes. It is long overdue. Dapat noon pa kita ipinakilala bilang girlfriend ko. Oras na para ipagmalaki kita sa lahat. And besides, the event would be perfect. Hindi lang ito para sa akin at sa advocacy ko. It is also for Jacko. It is his night."

Nasa likuran nila si Jacko. Ang iba pang alaga ni Kenji ay nasa poder ni Margaret. Sayang nga dahil di nito makakasama ang iba pang alaga ni Kenji. Alam niyang malaking bagay para kay Kenji ang gabing iyon at sa maraming hayop na natutulungan ng foundation.

"Magandang pagkakataon din ito para ipaalam natin sa lahat ang tungkol sa plano mong pet café. That would be exciting,” dagdag pa ni Kenji.

Aprubado na ang plano niya na magtayo ng panibagong café kung saan para ay malaya ang pet owners na pumunta at ang alaga ng mga ito. They planned to have facilities for the pets and even a special menu for the pets. Si Kenji ang magiging silent partner niya. Marami na daw ang kinita nito sa investment nito sa stock market. He said it was high time to put it to good use.

Hindi niya inaasahan ang public appearance na pinaplano ni Kenji at ang desisyon nito na ipakilala siya sa publiko bilang nobya nito. Ilang beses na din siyang isinama ni Kenji na lumabas kasama ang mga kaibigan nito at isa ibang social social functions bilang espesyal na magkaibigan. Magkaiba kasi na ang alam ng tao ay magkaibigan sila o kaya ay exclusively dating. Iba kapag nobya na. Mas mataas ang expectations ng mga tao sa kanya. They will scrutinize her. Baka nga may umimbento pa ng kwento laban sa kanya.

Wala naman halos nagbago dito mula nang manggaling si Margaret sa bahay nito. Mas naging sweet lang ito sa kanya at sa pagkakataong ito ay wala na itong balak na itago ang relasyon nila sa publiko. Hindi niya alam kung may kinalaman iyon sa pagtatangka ni Margaret na lihim na ipagpatuloy ang relasyon ng mga ito. Hindi na mahalaga iyon. Kenji was claiming her now as his girlfriend. Sana lang ay di siya pumalpak sa party para di naman siya kahiya-hiya sa mga tao at di mapahiya si Kenji dahil sa kanya.

"You look fantastic. Hindi ka dapat kabahan. Basta humawak ka lang sa akin at huwag kang aalis sa tabi ko. Everything will be okay. Just be confident," nakangiting bilin nito sa kanya. "Naalala mo noong date natin? Huwag mong pansinin ang sinasabi ng iisipin at sinasabi ng ibang tao. Focus on your own happiness. Focus on us.”

Huminga si Yngrid nang malalim. “Okay.”

To hell with other people’s expectations. Opinyon lang naman ni Kenji ang mahalaga sa kanya. Kaya naman tinatagan niya ang loob niya. Kaysa mag-isip ng negative ay ipapakita na lang niya sa mga tao kung bakit siya ang piniling nobya ni Kenji Matsunaga.

Dala-dala niya ang confidence na iyon nang dumating sila sa party. Ilan sa mga dumalo doon ay politicians, socialites at celebrities – mga movers and shakers sa industriya – na kundi man mahihilig sa mga hayop ay matindi ang advocacy para pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga hayop.

It was an enlightening evening. Marami naman siyang mababait na nakahalubilo na kakilala ni Kenji. Kahit ang iba nga na mukhang masusungit o suplado ay nakita niya ang ibang pagkatao habang kasama ang alagang hayop ng mga ito. Subalit ang karamihan sa mga ito ay mas lalong naging mabait sa kanya nang malamang nobyo na siya ni Kenji.

Pero ang higit na nakapagpamulat sa kanya ay kung ano ang malaking kontribusyon ng mga taong ito di lang sa foundation kundi pati sa kapakanan ng mga hayop sa kabuuan. Ang ilan sa mga ito ay nagvo-volunteer ng oras para alagaan ang mga rescued animals o kaya ay orphaned animals na nasa pangangalaga ng foundation. Hindi naman niya alam dahil ang ilan sa mga ito ay di kailangang tutukan ng camera para ipakitang nakakatulong sila.

Napapaisip tuloy siya kung paano pa mas makakapag-contribute sa kapakanan ng iba. Wala naman kasi siyang ganoong advocacy. Parang si Kenji Matsunaga nga lang ang naging advocacy niya nitong nakakaraan. Napakaraming advocacy ng nobyo niya. Mina-maximize nito ang resources at ang impluwensiya nito para makatulong sa iba. Kahit man lang sana isang porsiyento ng nagawa ni Kenji ay makapag-contribute din siya. After all, she was blessed.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.