Chapter WHC: 133

Nagulat na lang siya nang biglang bumahing si Congressman Padilla. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Kenji.

“It must be the weather,” wika ng solon at tinakpan ng panyo ang ilong. “Mabilis magpapalit-palit ng panahon ngayon. It wears down an old man’s immune system.”

“Or maybe there are some askals or puskals here. You know, animals with no breed at all. Mito is allergic to those.” Then Margaret gave her a sly look. Alam niya kung anong gusto nitong palabasin – na hindi siya nabibilang sa sirkulong iyon. Na isa siyang social climber at allergic ang mga totoong mayayaman lalo na ang mga old rich sa mga katulad niyang ambisyosa sa paningin nito.

“Baka mas maganda kung dalhin muna sa clinic at magpahinga ni Congressman Padilla,” anang si Kenji sa nag-aalalang boses. “He doesn’t look good. Baka kailangan muna niyang uminom ng gamot.”

“Fine,” anang si Margaret at iniwan muna ang tatlo pang aso sa pangangalaga nila ni Kenji.

Nang umalis ang dalaga at si Congressman Padilla ay sila naman ang dinumog ng mga reporter. “Kenji, totoo ba na girlfriend mo na si Yngrid Singson?” tanong ng isang tabloid reporter na beterano na.

“Yes. Yngrid is my girlfriend,” pag-amin ni Kenji.

“It means that you are over Margaret already?” paniniyak ng babaeng showbiz reporter sa isang TV network.

“A long time ago. Time, love and a good woman heals all wounds," nakangiting wika ni Kenji. “At sa palagay ko naman ay masaya na kami ni Margaret sa kanya-kanya naming buhay.”

PARANG sasabog na ang pantog ni Yngrid sa sobrang nerbiyos. Di na kasi halos naubos ang nag-i-interview sa kanya. Kinailangan pang magdatingan ang dalawang sikat na artista na kailangang i-grill ng reporters tungkol sa secret marriage ng mga ito para siya makatakas.

“Excuse me,” aniya nang lapitan ang isa sa staff na may parrot sa balikat nito. “Nasaan ang restroom ninyo?”

“Dito na lang po sa office ng director namin. Puno po kasi ang restroom at malayo pa po dito,” anito at itinuro ang direksiyon ng office ng director.

“Salamat,” aniya at patakbong nagtungo sa opisina ng direktor ng foundation. Binuksan niya ang pinto at magsasabi sana na makikigamit siya ng banyo nang marinig niya ang boses nina Margaret at Congessman Padilla.

“How dare you tell them that I am allergic to street cats and dogs. Ano na lang ang iisipin ng mga tao? Na mapanlait ako sa mga gusgusing aso at pusa? Paano na lang ang mga mahihirap na tao na may alagang pusang kalye at aso? Iisipin nila na snob ako at matapobre? Paano ako mananalo sa eleksiyon nito?” angil ng solon at bumahing nang sunud-sunod. “Sabi ko naman sa iyo na huwag na tayong pumunta dito. May allergy ako sa mga mababalahibo.” At muli itong bumahing.

“Mito, I can’t miss this for the world. Ito lang ang charity foundation na gustong-gusto ko. Dapat uminom ka ng anti-allergy or something. You are ruining my night!” anang dalaga na parang walang konsiderasyon sa dinadanas ng lalaking pakakasalan nito. “And don’t mind those poor pathetic people. They will still vote you because I will be your wife. As long as I am at your side, you will win the senatorial election and the presidency later on.”

“Bawas-bawasan mo ang pagiging matapobre mo kung ayaw mong matalo ako sa eleksiyon at kung gusto mong maging first lady ka,” panonopla ni Congressman Padilla sa babae na mukhang naiirita na dito. Akala niya ay halos halikan ng solon ang lupang nilalakaran ni Margaret. Hindi naman pala. Malinaw na simpleng business arrangement lang ang kasal ng mga ito. Kaya naman pala hanggang ngayon ay hinahabol-habol pa rin ng babae nga nobyo niya.

“That pathetic excuse of a woman is grating into my nerves,” anang si Margaret at bumuntong-hininga.

“Tanggapin mo na lang na hindi na ikaw ang mahal ng ex mo. Saka mukhang mabait ang Yngrid na iyon. Medyo hawig nga ata kayo,” pansin ng kongresista.

“Don’t say that. Alikabok lang ang babaeng iyon kumpara sa ganda ko. Siguro sinusubukan lang niyang maging katulad ko. She is nothing.” Nakataas ang noong wika ni Margaret at dumilim ang mukha nang bumahing ulit ang nobyo nito. “Yuck! Nasaan na ba ang aide mo? Ang tagal namang bumili ng gamot. Baka mamaya ma-contaminate pa ako ng germs mo.”

Hindi niya alam kung dapat niyang abalahin ang mga ito pero ihing-ihi na talaga siya. Napilitan siyang kumatok sa pinto habang bahagyang nakasilip ang ulo. “Excuse me. Pwede bang makigamit ng restroom?” malumanay niyang tanong.

“Restroom? Can’t you see that we need privacy here?” mataray na wika ni Margaret at naningkit ang mata nang pagmasdan siya.

“Kasi puno na ang ibang restroom,” sabi niya. “Dito ako itinuro.”

“My fiancé is sick. Baka lalong makasama pa sa kanya kung nandito ka.” Binugaw siya ng kamay nito na parang langaw siya. “Shooo!”

“Margaret, watch your tongue. Pagamitin mo na siya,” wika ni Congressman Padilla.Di niya alam kung sinsero iyon o pakitang-tao lang para may pogi points ito sa kanya sa dadating na eleksiyon.

“No! Ako ang nauna dito,” parang batang wika ni Margaret.

“It is okay. Sa ibang restroom na lang ako,” sabi niya. Kaya pa naman niyang magtiis kaysa naman makasama pa niya ang bruhang Margaret na ito. “Siyanga pala. May anti-histamine ako dito. Baka makatulong kay Congressman Padilla.” Binuksan niya ang purse at inilapag sa mesa sa malapit ang foil pack ng anti-histamine para sa allergy.

“Naku! Maraming salamat, Miss Singson. Anghel ka talaga,” sabi ni Congressman Padilla at ito na mismo ang kumuha ng gamot sa mesa dahil di man lang tumitinag si Margaret para kunin ang gamot.

“Walang anuman,” wika niya at nakangiting umalis ng director’s office.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.