Chapter WHC: 134

“Success!” usal ni Yngrid habang nakatitig sa kisame ng restroom. Sa wakas ay nakahabol din siya sa restroom. Saktong pagpasok niya ay maluwag na doon at may bakanteng cubicle kung hindi ay tuluyan nang sasabog ang pantog niya.

Bumalik ang isipan niya sa kay Margaret at sa mga narinig niya kanina. It must be a sad life. Sinubukan nitong sundin ang gusto ng pamilya nito at panatilihin ang status nito sa lipunan pero hindi ito masaya. Ganoon siguro ang buhay. Hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo. Well, she must be blessed. Simple lang naman ang pangarap niya sa buhay pero nakukuha niya ngayon. Minsan ay depende lang kung ano ang pipiliin ng isang tao. Ang mahalaga ay gawin mo ang tama at tama lahat ang mangyayari sa iyo.

Paglabas niya ng cubicle ay nagulat na lang siya nang makitang nakasandal si Margaret sa marmol na sink at nakahalukipkip. “Excuse me,” aniya dahil nakaharang ito sa lababo. Hindi siya makakapaghugas ng kamay. Subalit di pa rin ito umalis sa pinagsasandalan at parang walang narinig. “Sabi ko excuse me.”

Nang di pa rin ito tuminag ay napilitan siyang pigain ang sabon sa dispenser at naghugas kahit na matilamsikan pa ng tubig ang damit nito. Kung maldita ito ay mas maldita siya dito. After all, ito ang nagturo sa kanya ng kamalditahan.

Tumili si Margaret at biglang lumayo sa sink. “You idiot! Nabasa tuloy ako. Kita mong may tao dito. Bastos ka talaga kahit na kailan.”

“Oh! I’m sorry. Tao ka pala. Akala ko kasi tuod ka lang diyan na nakatayo. Simpleng excuse me lang kasi di mo pa maintindihan. Sino kaya ang idiot sa atin ngayon?”

Umangil ito at pinunasan ng tissue ang nabasang dress. “Know what? Ipinakulam mo siguro si Kenji kaya ka niya naging girlfriend.”

“Mukhang natauhan siya kaya niya ako naging girlfriend. Sabi nga niya, tumaas ang taste niya nang maging girlfriend niya ako,” kaswal niyang wika habang naghuhugas ng kamay. “Kaya nga may isang ex-girlfriend siya na halos magmakaawa niya para lang balikan siya pero di na niya tinanggap. Nakakaawa ang babaeng iyon. Too bad, hindi nabibili ng pera ang respeto at dignidad. Nakakalungkot na kwento, hindi ba, Margaret?”

Napamaang si Margaret at mariing nagdikit ang labi. Akala siguro nito ay hindi niya alam kung anong ginagawa nito kay Kenji. At isang sampal para dito na alam niyang tinanggihan ito ng binata. Hindi ito makakapagmalaki sa kanya ngayon. Ang totoo ay naaawa siya dito. Hindi madali ang pinagdadaanan nito. Pero sa sama naman ng ugali nito, dapat lang siguro dito ang nangyayari. Oras na rin para malaman nito na hindi siya papayag na kayan-kayanin lang nito.

Padarag nitong pinunasan ang kamay. Ihinagis nito ang gamit nang tissue paper sa basurahan at saka nakapamaywang siyang hinarap. “Dahil lang naging girlfriend ka ni Kenji, you thought you are already part of our circle. Akala mo naman makukuha mo na ang ambisyon mo na makapasok sa mga elite.”

“Margaret, kung saan man ako nakarating ngayon ay pinaghirapan ko. I don’t have to be a part of the elites. Isinasama lang naman ako ni Kenji dahil ito ang gusto niya pero mas masaya ako sa simple at tahimik kong buhay. Seriously, masaya lang naman ako kasi successful ang business ko na pinaghirapan kong itayo at may mabait at guwapo akong boyfriend. That is blessing enough for me. Huwag kang mag-alala. Hindi ko kaiinggitan kahit kailan ang sitwasyon mo ngayon. Baka ikaw pa ang inggit na inggit sa akin.”

“You…!” Dinuro siya ni Margaret subalit ibinaba din nito ang kamay at kinuyom ang palad. Parang gusto siya nitong sabunutan pero pinipigilan nito ang sarili. Huminga ito ng malalim at nagkasya na lang na tingnan siya nang matalim. “Akala mo ba malampasan mo na ako dahil nasa iyo si Kenji. You are wrong. You are nothing but a poor second choice.”

Iniikot niya ang mga mata at tinuyo ang kamay sa hand dryer. Hinayaan niyang lunurin ng dryer ang mga sinasabi nito. “Do you think I care if I am a poor second choice, a rebound girl, etcetera? Ako na ang girlfriend ni Kenji. So what if I am nothing in your eyes. Your opinion doesn’t matter. Opinyon lang ni Kenji ang mahalaga sa akin. So if you will excuse me, babalikan ko lang ang boyfriend ko na naghihintay sa akin.”

At lihim siyang humalakhak nang talikuran ito. Sa kanya ang huling tagumpay. Hindi na siya maaapektuhan pa ni Margaret kahit na kailan. Isa lang itong kaawa-awang spoiled rich girl na di matanggap na di nito makukuha ang lahat ng gusto nito.

“I-enjoy mo lang ang masasayang araw mo kasama si Kenji, Yngrid. It is not forever. Tingnan ko lang kung mamahalin ka niya oras na malaman niya na pinapasakay mo lang siya para makapaghiganti ka sa akin. Dahil gusto mong makuha ang lahat ng mayroon ako.”

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “Margaret, walang maniniwala na naiinggit ako sa iyo. Try something more inventive than that.”

Isang kampanteng ngiti ang sumilay sa labi nito. Nilapitan siya nito at pinagpag ang balikat niya. “He will believe me once he finds out that I am your dearest cousin.”

Parang sinabugan siya nang bomba nang mga oras na iyon. Di niya inaasahan na babanggitin ni Margaret ang pagiging magpinsan nila. Dating nobya ng lolo ni Margaret ang lola niya. Subalit dahil tutol ang mga Choi sa relasyon ng mga ito ay pinaglayo ang mga ito. Malapit na ang kasal ng lolo niya sa isang babae na anak ng kasosyo ng mga ito sa negosyo nang malaman ng lola niya na buntis ito. Sa halip na pakasalan ay ipinagtabuyan pa ito. Isinilang ang ama niya nang di kinikilala ng mga Choi.

Ilang beses na nakipagkita ang ama niya sa mga Choi. Nagsikap ito sa buhay para kilalanin ng naturang pamilya. Subalit sa huli ay ipinagtatabuyan iyon. Hanggang ipanganak siya at maging siya ay nakasalo ang pangarap na kilalanin ng mga Choi. Pinilit niyang makapasok sa paaralan para lamang sa mga elitista kung saan nag-aral si Margaret noong high school. Alam nito kung sino siya. Kung sino ang ama niya. Nang makipaglapit siya dito at tinanggap siya nito sa grupo nito ay inakala niya sinisimulan na siya nitong tanggapin bilang pinsan. Pero paulit-ulit lang siya nitong tinrato na parang basura hanggang sa matauhan siya. Naisip niya na mas mabuti kung lumayo na lang siya sa pamilyang iyon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.