Chapter WHC: 144

“Dahil wala naman talaga akong relasyon sa kanya. Hindi ko siya pinsan. Not in the truest sense of the word. Hindi ko pamilya ang mga Choi. It is just biology. Hindi nila kinilala ang tatay ko. Ilang beses nilang ipinagtabuyan si Papa. Ipinamukha sa kanya na hindi siya karapat-dapat kilalanin na Choi dahil mahirap lang ang lola ko. I am sure, hindi niya sinabi iyon sa iyo. But my father is forever optimistic, you see. Nagsikap siya. Kasi gusto niya maging karapat-dapat siya sa mga Choi. At iyon din ang ipinasa niya sa akin. Gusto niya na magtagumpay ako sa buhay para maging proud ang mga Choi sa akin. Na maging karapat-dapat kami sa pamilya nila. Nagsikap ako hanggang makapasok sa school for elites kung saan nag-aaral si Margaret. Alam niya kung sino ako. Nang sinubukan kong makipagkaibigan sa kanya, akala ko tinanggap na niya ako noon bilang pinsan niya. Naging sunud-sunuran ako sa kanya. Kasi gusto ko matanggap niya ako. Pero sa isang party ipinahiya niya ako. Pinalabas niya na pareho kami ng ama ko na social climber. Nilait ako ng pamilya niya at mga kaibigan niya. It was humiliating. Kaya simula noon, sinabi ko sa sarili ko na wala akong pakialam sa pamilya niya. Na hindi ko kikilalanin ang pagiging Choi ko. Hindi ko pinsan si Margaret.”

“So you hold a grudge against her because of the bad treatment you received from her?” Kenji asked in a flat voice. “Kaya mo ako nilapitan.”

“That is unfair, Kenji! Mahal kita! Walang kinalaman si Margaret doon.” Dinuro niya ang dibdib nito. “At alalahanin mo na ikaw ang lumapit sa akin noong bagsak na bagsak ka. Hindi ako ang lumapit sa iyo. Hindi kita hinabol. Ikaw itong paulit-ulit na lumapit sa akin. Ikaw ang lumipat sa tabi ng bahay ko para matandaan ako. I didn’t lead you on. I never asked anything from you! O baka naman iniisip mo na kinulam kita kaya ginawa mo ang lahat ng iyon para sa akin?”

Sinapo ni Kenji ang noon at saka sinabunutan ang sarili. “I don’t know, Yngrid. I don’t know. I thought you really love me. Now it makes me question everything. How we met, how you tried to get my attention… I am not sure if you really want me or you just want to get back at Margaret.”

“Kenji, sa Camiguin pa lang gusto na kita. Bago pa lang tayo magkita sa Camiguin gusto na kita. Ni hindi ko pa nga alam na girlfriend mo si Margaret noon. At nang girlfriend mo na siya, dumistansiya ako sa iyo. Ikaw itong nagbigay ng café ko para maging location sa video na sinu-shoot ninyo.”

“Yes. Because I liked you then. You were so friendly and I enjoyed your company. But now I am not so sure.”

Hinawakan niya ang balikat nito. “Nang makita kitang nasasaktan dahil sa paghihiwalay ninyo ni Margaret, aaminin ko na galit ako sa kanya. Kasi wala siyang karapatan na saktan ang lalaking pinahalagahan ko. She is so stupid. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na pasasayahin kita. At gagawin ko ang lahat para di ka na bumalik sa kanya. I thought she doesn’t deserve you. Na handa akong mahalin ka kahit na walang kapalit. Kahit na pakikipagkaibigan mo lang ang gusto mong ibigay. But you loved me back. Higit pa iyon kaysa sa inaasahan ko kasi hindi ko naman iniisip na posibleng mahalin mo ako. Tapos nalaman ko na gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang relasyon ninyo kahit na ikakasal na siya sa iba, ipinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko sa iyo ang lahat para lang hindi ka na bumalik sa kanya.”

“So this is some sort of competition between you two? Sinadya mo ba akong i-seduce para may mangyari sa atin at tiyakin na di na ako babalik sa kanya? Is that it, Yngrid?” tanong nito sa nagngangalit na boses.

Gusto niyang sampalin si Kenji nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay nilalatigo nito ang puso niya sa bawat akusasyon. She could only take so much. Subalit pinigilan niya ang sarili nang makita ang galit sa mga mata nito. At alam niyang lahat ng gawin o sabihin niya, kahit na gaano kabuti ang intensiyon niya dito ay hindi nito tatanggapin. Animo’y nalason na ng masamang hinala ang isipan nito.

“Wala ka talagang pinakikinggan, Kenji. Dahil lang di ko nasabi sa iyo ang totoo, pakiramdam ko kasinungalingan na ang lahat.” She couldn’t believe that after everything that they’ve been through, he would throw back her love to her face. Pagod na siyang lumaban. Pagod na siyang magpaliwanag. Parang gusto na lang niyang humiga doon at hayaan itong tadyak-tadyakan siya. “Fine. Sasabihin ko sa iyo ang gusto mong marinig. Gusto kong gantihan si Margaret sa pamamagitan mo. Gusto kong ipakita sa kanya na masaya tayo. Na kaya kong higitan ang pagmamahal na kaya niyang ialok sa iyo. If loving you is a form of revenge against that bitch, then I am guilty. I am guilty that I want to hurt her by making you happy. Na gusto kong saktan siya para makita niyang masaya ka at hindi ka mapahamak sa pagbalik sa kanya. Kung ayaw mo ng pagmamahal ko, pwede mong balikan si Margaret kung gusto mo. Doon ka sa pagmamahal na gusto niyang ibigay sa iyo. Kahit na ayoko, hindi naman kita mapipigilan. Tutal mukhang nalason naman na niya ang isipan mo.”

“This is not about me and Margaret anymore. This is about us. This is about trust. H-Hindi ko alam ngayon kung kaya kitang pagkatiwalaan. Pinagkatiwalaan kita, Yngrid. Sinabi ko ang lahat sa iyo. Lahat ng tungkol sa akin naging bukas ako sa iyo. This is a big thing for me. Marami kang itinago sa akin. Alam mo na sawa na ako sa kasinugalingan dahil dahil sa nangyari sa amin ni Margaret. Sawa na ako sa pagpapanggap. I thought I had something real with you.” Huminga ng malalim ang binata. “I am sorry, Yngrid. I need to take everything in. I… I just need time away. Siguro doon muna ako kay Gui. Kailangan kong mag-isip.”

“I understand. Goodbye, Kenji.”

Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ito habang papalayo. Gusto niyang itong pigilan. Gusto niyang magmakaawa dito. She didn’t want him to go. Natatakot siya na kapag umalis ito ay iyon na ang katapusan ng lahat at hindi na ito babalik pa.

But he didn’t stop. He just kept on walking… hanggang makalabas ito ng bahay niya nang di man lang siya nililingon. Napaupo siya sa sahig nang marinig niya ang ugong ng sasakyan nito na papalayo. Niyakap niya ang tuhod niya at umiyak nang umiyak. She lost Kenji. Alam niyang di na ito babalik pa.

Kasalanan ba niya iyon? Kasalanan ba niya kung gusto niyang itago ang mapait na nakaraan niya at ang masalimuot na kwento ng pamilya niya? Kasalanan ba niya na iisa sila ng minahal ni Margaret?

It was so unfair. Minahal niya si Kenji nang buo. Wala naman siyang ibang hiningi dito subalit di pa rin sapat. Sa huli ay siya pa rin ang mali. Siya pa rin ang masama. Siya pa rin ang iniwan. At hindi niya alam kung paano pupulutin ang nagkabasag-basag na piraso ng puso niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.