Malakas ang kabog ng dibdib ni Yngrid nang lumipat siya sa bahay nila. The moment of truth. Hindi na niya maiiwasan ito. Oras na para harapin niya kung anuman ang magiging desisyon nito sa relasyon nila.
"Ano dapat ang sasabihin mo sa kanila kung hindi ako dumating?" tanong ni Kenji.
"Ang totoo hindi ko alam. Hindi ko alam kung gusto mo ako. Kung mahal mo ako. Siyempre hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanila. Umiisip na lang ako ng alibi kung bakit wala ka doon. Out of town pictorial? May sakit ka? Nasa ilalim ng lupa? I seriously don’t know,” aniya at bumuga ng hangin.
"At iniisip mo na magkakaroon ako ng sarili kong press conference para i-announce ang break up natin?"
Sinapo niya ang magkabilang pisngi niya sa nanlalamig na mga kamay. "Kenji, hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung ano pang nararamdaman mo para sa akin. Kung namatay na ang pagmamahal mo. Ayaw mo akong kausapin. Pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa iyo. Na baka di mo na ako mapapatawad. Then you came at the press conference and you said all the right things..."
Nanunuot ang titig nito sa kanya. "You are still not happy? Mas gusto mo ba na hindi na lang ako dumating?"
Umiling agad siya. "No. Malaking bagay na tinulungan mo kami. Malaking bagay na nandoon ka para suportahan kami. Pero hindi ko alam kung alin sa mga sinabi mo ang totoo. Hindi ko alam kung talagang naniniwala ka sa akin. Kung may tiwala ka pa sa akin. Kung mahal mo pa nga ako."
Tumayo ito sa harapan niya pero dama pa rin niya ang distansiya sa pagitan nila. "Sa palagay mo ba ganoon lang kadaling mawala ang pagmamahal ko sa iyo? At kung di na kita mahal, bakit kailangan ko pang magpakita sa press conference?"
"Because maybe you don't our relationship to end up in a messy way. Na gusto mo munang maayos ang problema namin sa mga Choi at pahupain ang isyu. Pero kapag dalawa na lang tayo katulad ngayon, sasabihin mo sa akin na ayaw mo na sa akin. Na magpinsan nga kami ni Margaret. Or maybe I am worse than Margaret. Na walang halaga sa iyo ang lahat ng pinagsamahan natin dahil sa palagay mo ay pagpapanggap lang iyon."
Ikiniling nito ang ulo at tinitigan siya. "At nagpapanggap ka lang ba? All this time, ginagamit mo lang ba ako para pasakitan si Margaret?"
Natawa siya. "That is silly, you know? Hindi naman ako artista. At kahit kailan di ko naisip na saktan siya sa pamamagitan mo. Bago pa kita makita sa Camiguin, I was crazy for you. Okay. I had the hots for you. Nag-iba iyon nang makilala kita sa Camiguin. You aren't just a pretty face or a hot body. You are human and you are real. Hindi ko alam na girlfriend mo na noon si Margaret. Nang malaman ko, dumistansiya ako sa iyo. Pero ni-recommend mo ang café ko bilang venue ng music video. You see, I really tried to stay away. Di naman ako ganoon kamasokista." At naalala niya kung gaano kasakit para sa isang fan na umasa na may espesyal sa pagitan nila pero ibang babae pala ang gusto nito.
"Kaya basta ka na lang naglaho sa shooting?"
Marahan siyang tumango. “Kailangan kong irespeto ang relasyon ni Margaret. Kahit na gaano ka pa kabait sa akin at kahit na itinuring mo akong kaibigan, fan mo pa rin ako. At the end of the day, I had to respect that. Kahit nang mag-break kayo ni Margaret at naging mas malapit tayo sa isa’t isa, hindi ko naman inisip na magugustuhan mo ako. Gusto ko lang na tulungan kang maka-recover.”
“Really?” nakataas ang kilay nitong tanong. “You didn’t have hots for me then? Hindi mo ako naisipang i-seduce?”
Umungol siya. “Kenji, alam ko naman kung sino ang naunang girlfriend mo sa akin. Si Margaret. Siya ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki kahit noong high school pa lang kami. She is the goddess. Kaya nang sinabi mo sa akin na gusto mo akong maging girlfriend, parang tumama ako sa lotto. Hindi kasi iyon ang inaasahan ko. I mean, I thought it would take time, even eternity for you to notice me as a woman. For you to fall in love with me. Kaya pasensiya na kung hindi ganoon kalakas ang loob ko na gamitin ka para gantihan si Margaret at pasakitan siya. I am not really that confident with it comes to my sexual prowess. I am just a jelly girl where you are concerned. At kung ikukumpara ako kay Margaret, walang-wala naman talaga ako at tanggap ko iyon sa simula pa lang.”
“Iyan siguro ang sinasabi mo at ng buong mundo. Na wala ka kumpara kay Margaret. But you are a better woman than her in so many ways, Yngrid.” Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi. “Hindi mo kailangang ma-insecure sa kanya. So many people love you because of your personality. You don’t have to worry that you are just a pretty face. Hindi mo ba nakikita na nai-insecure sa iyo si Margaret kaya pilit ka niyang hinihila pababa?”
Kumunot ang noo niya. “Nai-insecure siya sa akin?”
“Yes. Because you have a lot of character. You don’t have to dress up or look like a goddess. You exude with confidence that’s why I was drawn to you when we first met in Camiguin. You are a natural. Hindi mo kailangang magpanggap. Masaya ako kapag kasama ka.”