Chapter WHC: 151

“Pero naniwala ka sa akusasyon ni Margaret. Iniisip mo na ginamit lang kita para gantihan siya. Galit na galit ka sa akin kahapon. Ayaw mo akong kausapin.”

“Wala akong gustong kausapin. Ganoon ako kapag malalim ang problema ko. Pero humingi ako ng panahon para makapag-isip, Yngrid. It was just too much. Masyado kang maraming itinagong sekreto sa akin. Anong dapat kong maramdaman? Hindi ko maiiwasan na masaktan at isipin na baka totoo nga ang sinabi nila. Isang araw lang naman tayong hindi nag-usap. Nang malaman ko na magkakaroon ka ng press conference kaninang tanghali, ginawa ko ang lahat para makapunta sa iyo. Hindi kita iiwan sa oras na kailangan mo ako.”

“Why? Nasaktan kita dahil sa mga sekreto ko.”

Mariin nitong hinalikan ang labi niya. “Because I love you. Your relationship with Margaret and the Chois is just a secret. It doesn’t have to ruin everything between us. Hindi kayang burahin ng isang sekretong iyon ang pagmamahal mo sa akin. Inisip ko ang lahat ng pinagdaanan natin. Tama ka naman. Ako ang lumapit sa iyo. Ikaw ang nandoon para sa akin nang kailangan ko ng aalalay sa akin. Hindi mo ako itinaboy. Hindi mo rin ako ibinenta sa ibang tao samantalang pwede ka namang kumita sa akin. Pinrotektahan mo ako. At ako ang paulit-ulit na lumapit sa iyo. It was as if I couldn’t go on with my life without you. At kung totoo man na gusto mong gantihan si Margaret gaya ng inaakusa nila, I am willing to be used. If that makes you happy.”

“Pero hindi naman kita ginamit, Kenji. I love you so much to do that to you.”

“I know that now. Kaya nga mas lalo kitang minahal. Wala kang inisip kundi kung anong magpapasaya sa akin. Kahit na hindi ka sigurado kung mamahalin mo rin ako, kahit mo alam kung kailan kita mapapansin, nanatili ka sa tabi ko.” Kinabig nito ang baywang niya at kinintalan ng halik ang labi niya. “In a world full of perfection, pretenses and all about maintaining their image, you are a breathe of fresh air, Yngrid. You are real. Your love is real. Lahat ng masasamang imahe tungkol sa pag-ibig ay pinalitan mo. Ibinalik mo ang dignidad ko at ang paniniwala ko na makakatagpo pa ako ng isang tao na magmamahal talaga sa akin nang totoo. Na hindi ako gagamitin para para paglaruan lang o palipasan ng oras. Na taas-noo niya akong ipapakilala sa mundo bilang lalaking mahal niya.”

“Kenji, ano ba talaga ang ginawa ni Margaret sa iyo?” malungkot niyang tanong. Mukhang napakalalim ng sugat na iniwan ni Margaret dito. Alam na niya ang nangyari base sa narinig niyang pag-uusap ng binata at ng pinsan niya, ngunit sa palagay niya ay marami pa siyang hindi alam.

“Sa simula pa lang ay pinili na niyang itago ang relasyon namin sa publiko. Gusto lang daw niya akong protektahan sa pamilya niya. While all this time, I’ve been doing my best to make sure that I am worth it to love their daughter. Para maging parte ng pamilya nila balang-araw. Para kung lumabas man kami sa publiko ni Margaret sa relasyon namin, wala nang masasabi ang ibang tao na manggagamit lang ako o habol ko ang kayamanan ng mga Choi.”

“Pero inilabas pa rin ni Margaret ang relasyon ninyo sa publiko.”

“Yes. Matapos ang trip namin sa Camiguin. Noong una nagtataka din ako. Mukhang nakita niya ang picture namin. At dahil mukhang may rivalry kayong dalawa kaya mukhang ayaw niyang pumayag na maging malapit tayo sa isa’t isa. O siguro gusto lang niyang ipakita sa iyo na pag-aari na niya ako. Kahapon ko na lang na-realize na kung may gustong gamitin ako, si Margaret iyon.”

“Pero ipapakasal pa rin siya ng pamilya niya sa ibang lalaki.”

“Yes. I am just a boy toy for her, you see. Isang lalaki na pwede niyang paglaruan hangga’t di pa siya kasal sa iba o kahit kasal na siya.”

Kinuyom niya ang palad. “How dare she offer that role to you. A paramour? Seriously?”

“Mukhang normal na iyon sa pamilya o sa sirkulong ginagalawan nila. They only marry based on money and power. Love has nothing to do with it.”

Bumuntong-hininga siya. “Akala ko mahal ka talaga niya. Sa kabila ng kapintasan niya, naisip ko na mahal ka talaga niya at handa ka niyang ipaglaban sa pamilya niya. Pero mukhang nagkamali ako.”

“Sinabi ko sa kanya na gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa pamilya niya na karapat-dapat kami sa isa’t isa. You see, my investment in the stock market started to pay off. Alam ko na hindi akong kasing yaman ng mga Choi pero sapat na ang kinita ko para makapagsimula kami ng maayos na buhay. Plano ko pa nga na magpunta sa Europe dahil may modeling offer sa akin doon. Sabi ko pwede kaming magsimula ng panibagong buhay pero tinanggihan niya. Hindi daw niya sasayangin ang maalwan niyang buhay para sa pag-ibig. At kung siya daw ay mahal ko, ako daw dapat ang sumunod sa gusto niya – as a kept man.”

Gusto talaga niyang ingudngod sa gusgusing kalsada ng EDSA si Margaret nang mga oras na iyon. Hindi lang ito basta tanga. Impakta pa ito.

“Pero kahit mahal mo siya, hindi ka pumayag sa gusto niya?” tanong niya.

Malungkot na umiling si Kenji. “Naniniwala ako na sagrado ang kasal. Sagrado din ang pagmamahal. Isang bagay lang ang kailangang piliin ni Margaret. kung iba ang gusto niyang pakasalan ng pamilya niya, kailangang maging tapat siya sa susumpaan niyang kasal. Kung mahal niya ako, di niya ako itatago sa mga tao at ako ang pakakasalan niya. Irerespeto niya kung ano ang prinsipyo at paniniwala ko. Irerespeto niya pati ang pagkatao niya bilang babaeng mahal ko. She won’t have any of it. Bakit pa daw kung sa mundong ginagalawan niya ay normal lang iyon?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.