“That is sad.” Umiling siya at hindi maiwasang makadama ng awa para kay Margaret. She was such a lonely, spoiled princess. “Siguro nga ay mahal ka niya kaya ayaw ka niyang basta-basta sukuan. Naalala ko noon ang kwento ni Papa tungkol sa lola ko. Inalok din siya na maging kept woman ni Edelberto Choi, ang lolo namin ni Margaret. Hindi pumayag si Lola Iska. Pinili na lang niyang buhayin na mag-isa ang tatay ko kaysa lumaki sa buhay na walang dignidad. Katulad ka ni Lola. Pwede mo namang makasama ang babaeng mahal mo pero pinili mong gawin ang tama.”
“Sa palagay ko ay hindi pinatawad ng lolo mo ang lola mo dahil sa desisyon niya at iyon din ang gusto niyang iparamdam sa ama mo. Hindi sila sanay sa rejection. They have too much pride. Pati kayo ay naapektuhan.”
“They did a number to us. Sa amin ng ama ko. My father is optimistic, remember? Mabuti kasi ang puso ng lola ko pati na rin ang mga lolo at lola ko sa tuhod na nagpalaki sa kanya. Sa ilang beses niyang paglapit sa mga Choi, ipinahiya lang siya ng mga ito. Noong teenager pa siya pumasok pa siya na messenger sa pamilya. Patunayan daw niya na isa siyang Choi. Pero ipinamukha lang sa kanya ng mga ito na wala siyang kwenta. That he will never amount to anything. Akala niya gusto lang ng mga Choi na may mapatunayan siya para magtagumpay siya sa buhay. Pero kahit anong pagsisikap niya, hindi pa rin nila nire-recognize si Papa bilang isa sa kanila. Kaya habang lumalaki ako, isinaksak ni Papa sa isip ko na kailangang maging magaling ako. Kailangang ipakita namin sa mga Choi na hindi kami mga talunan para maging karapat-dapat kami sa pamilya nila.
“Noon ako ipinasok ni Papa sa eskwelahan nila Margaret. You know the rest of the story. Ginawa niya akong alalay, utus-utusan sa lahat ng gusto niya habang ginagawa akong laughing stock sa buong campus. Ultimo ang lalaking gusto ko noon, handa kong layuan at kumbinsihin para lang ligawan siya.”
“Ginawa mo iyon?” gulat na tanong ni Kenji.
Tumango siya. “Akala ko kasi kapag ginawa ko iyon mapapatunayan ko na ang loyalty ko sa kanya bilang kaibigan at bilang pinsan niya. Na sa wakas ay tatanggapin na niya ako sa pamilya niya. Maraming taong concern sa akin noon pero masyado akong bulag para isipin na masama ang pagtrato sa akin ni Margaret. We are cousins after all. Hanggang isang araw natauhan na lang ako. Third year kami noon at sixteenth birthday ni Margaret. It was a formal party but Margaret made me wear drab clothes. Nandoon ang mga kaibigan niya sa showbiz pati mga elitista niyang kaibigan at iba naming classmates. Parang nagulat pa si Margaret na nandoon ako. Sinabi niya na isa lang daw akong social climber at kahit anong gawin ko ay hindi ako magiging Choi o prinsesa gaya niya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko noon. Hindi ko sinabi sa pamilya ko ang ginawa niya sa akin pero mula noon ay dumistansiya na ako sa kanya. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko na papangarapin na maging parte ng mga Choi o lalapit pa kay Margaret. Pero sa palagay ko ay nakatakda talaga kaming magkaharap dahil sa iyo.”
Niyakap siya ni Kenji. “I am sorry for what she did to you. For what her family did to your family. “Naiintindihan ako na ngayon kung bakit ayaw mong mabanggit ang tungkol sa pamilya nila. Kung bakit ayaw mong sabihin sa kahit na sino ang kaugnayan mo sa kanila. Hindi sila karapat-dapat na ma-associate sa iyo o sa pamilya mo. At tama ka naman. Hindi mo kasalanan kung may koneksiyon man kayo dahil sa dugo. It isn’t worth mentioning actually.
“I am sorry for hurting you, Yngrid. Pasensiya na kung hindi kita pinaniwalaan agad sa mga paliwanag mo. Pero hindi maganda ang karanasan ko kay Margaret. Natatakot akong magtiwala. Natatakot ako na mali na naman ako ng babaeng minahal. On impulse, I wanted to believe the worst. I had to pull myself back a bit so I can see a clear picture. I needed to clear my head.”
“Pero nandito ka na ngayon. Dumating ka sa tamang oras kung kailan kailangan kita. Baka nga kulang pa ang isang araw na pagmumuni-muni mo. Baka nga nang pumunta ka sa press conference ay hindi pa buo ang desisyon mo pero pumunta ka pa rin at ipinagtanggol mo ako. Salamat.”
“Ang totoo bago pa ako kausapin ng mga kaklase mo noong high school ay may agam-agam pa ako. Hindi naman basta-basta mawawala iyon. Pero mahal kita at alam ko na kailangan mo ako. Handa akong isantabi ang lahat ng pag-aalinlangan ko para sa iyo. Hell! Kahit pa aminin mo sa akin na ginamit mo lang ako para gumanti kay Margaret, tatanggapin ko basta makasama lang kita. I will just make you love me for real.”