“For real? Hindi pa ba for real ito?”
Yumakap siya sa leeg nito at inangkin ang labi ng binata. She kissed him with so much love and passion. Para wala nang pagdududa sa isipan nito na mahal talaga niya ito. “Kenji, do not underestimate your power and charm. You already made me fall for you even when you were just a guy from the magazine. Okay. Scrap that. That’s infatuation.”
“Infatuation lang? Hindi ka na teenager.”
Marahang gumuhit ang ngiti sa labi niya. “Lust then.” Humagikgik siya nang tumaas ang kilay nito. “Kenji, you must admit that lust is the reason why a demigod like you sells. So I fell in love with you really hard and fast when we met. Kahit na sinasabi ng mga kaibigan ko na baka binobola mo lang ako kapag tinatawag mo akong gorgeous at pakiramdam ko nagiging mabait ka lang sa akin kapag sinasabi mo na maganda kahit mukha akong bruha.”
“Inner beauty. That is what you have. At napatunayan ko iyon nang maraming beses. Your heart is pure and I am lucky that you are here to love me.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Alam niya na hindi pa lahat ay naipagtatapat niya sa binata. Nilaro ng daliri niya ang kuwelyo ng polo shirt nito. “Kenji…”
“Hmmmm…?”
“I have something to confess.”
“Ano iyon?”
“N-Noong.. bago may mangyari sa atin…”
“You mean when you blindfolded me, tied me up and drove me crazy? So what about it?”
Humugot siya ng malalim na hininga. Nakatuon lang ang mata niya sa daliri niya at sa ginagawa niya sa kuwelyo nito. Hindi niya kayang salubungin si Kenji sa mga mata. “Bago iyon, gusto kong malaman mo na nasa bahay mo ako nang sinubukan kang akitin ni Margaret. I-Ipagluluto dapat kita o kung may bisita ka ay tutulungan sana kitang mag-asikaso. Nang marinig ko na nandoon si Margaret ay nagtago ako.”
“Bakit hindi ka nagpakita?”
“In a way, I was testing if you will fall for her charms. Narinig ko ang pagtatalo ninyo. Naintindihan ko na kung bakit ayaw mo na siyang balikan. Kinompronta ko siya tungkol doon noong nasa party tayo ng PAWS. Pinagbantaan niya ako na malalaman mo na magpinsan kami at palalabasin niya na ginamit lang kita para gantihan siya. N-Natakot ako. Ayokong mawala ka sa akin. K-Kaya naisip ko na,” napalunok siya, “n-na i-seduce ka para patunayan sa iyo na mahal nga kita.”
Nakita niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Paano kung magalit ito sa kanya? Bahala na. Marahan niyang inangat ang paningin dito. Walang ekspresyon ang anyo nito. Hindi tuloy niya alam kung anong gagawin. Mas mabuti nang alam niyang galit ito kaysa binabasa pa niya ang isipan nito.
Mariin siyang pumikit at dinaklot ng mga kamay niya ang harapan ng polo shirt nito. “Kenji, I am sorry. I-I didn’t mean to offend you. Pero sana intindihin mo naman ako. Desperada na ako nang mga panahon na iyon. Hindi ko iyon ginawa dahil parang laro lang sa pagitan namin ni Margaret. Wala na talaga akong ibang maisip na paraan para patunayan na mahal kita. I-Iyon na lang ang alas ko. Gagawin ko ang lahat para patunayang mahal kita. Babawi ako.”
“Paano ka babawi?” tanong ni Kenji sa kanya. He looked so haughty and cold. Parang mahihirapan siyang kumbinsihin ito ngayon.
“Maybe if you will let me tie you up again and blindfold you… I will make sure that it will be more perfect this time.”
“Are you sure that you won’t blow it this time?”
Kumunot ang noo niya at tiningala ito na puno ng pagtataka sa mga mata. “I didn’t get to blow you last time but I will surely blow you next time.” Bigla niyang natutop ang bibig nang makuha niya kung anong totoong ibig sabihin nito. He was not mentioning “blow” in a sexual context. It means that she won’t ruin it. Parang gusto niyang batukan ang sarili niya. Saan ba napunta ang kukote niya?
Isang halakhak ang pinakawalan ni Kenji. “Oh! That other blow,” anito sa inosenteng tono.
Naipadyak niya ang paa dahil ginawa nitong katatawanan ang pagkamamali niya. “Nakakainis ka! Kapag di ka tumawa, hindi kita ibo-blow.”
Biglang naging seryoso ang anyo ni Kenji. “Feeling all that powerful now, my siren? You think you have that power over me? And here I thought you are supposedly my slave, catering to my every whim.”
Iniikot niya ang mga mata. “So what do you want me to do, My Master?”
Inangat nito ang kanang kamay niya at isa-isang kinintalan ng halik ang mga daliri niya. “Next time we make love, make sure you make me feel good. At ayokong may Margaret sa pagitan natin. It will be just you and me.”
“That is a promise, Kenji.” And next time, she won’t surely blow it… errrr… she would surely blow him…. Whatever makes him happy.