Chapter YSMM 103

HINDI inaasahan ni Maki na magkakaharap sila ngayon ni Hannah. Not this soon. At wala siyang lakas ngayon para magpaliwanag sa kahit na sino tungkol sa relasyon nila ni Benedikt. At kung magagawa niyang makaiwas dito ngayon ay gagawin niya.

Pasimple siyang bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Benedikt. Mabuti na lang at ayaw pang bumitaw ni Hannah sa pagkakayakap sa binata. Sinundan siya ng tingin ng lalaki at tumango lang siya dito. Isang simple at nakakaunawang ngiti ang ibinigay niya sa nobyo para sabihin na hindi siya nito dapat alalahanin. Sumenyas na lang siya na maghihintay sa labas.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na buhay ka, Benedikt. Nasa resort lang ako sa Anda at naghihintay ng balita tungkol sa iyo. Nag-request pa ako ng additional rescuers kay Papa para ipadala sa Antequera para sa search and rescue mo. Kaya masayang-masaya ako nang malaman kong tumawag ka sa resort at pauwi ka na daw ng Manila. I tried to get here as fast as I can. I am just happy that you are alive.”

“T-Thank you, Hannah.”

Marahan na naglakad si Maki at sapat na para marinig niya ang usapan ng dalawa. Nanlalambot ang tuhod niya hindi dahil sa selos kundi nalulungkot siya sa maaring mangyari kapag nalaman ni Hannah ang tungkol sa kanila ni Benedikt. Ayaw niyang makasakit ng iba. Kitang-kita naman niya kung gaano nito kamahal ang nobyo niya.

Kundi lang sa differences nila ni Hannah sa pagpapatayo ng airport at iba pang irregularities ng pamilya nito, wala siyang masasabing masama dito. Kahit nang pagkakataon na hindi sila nagkasundo ay tungkol din naman kay Benedikt iyon na nais nitong protektahan. Kailangan pa niya ng lakas ng loob para harapin ito at sabihin nila ni Benedikt ang totoo. Ayaw niya ng additional stress ngayon.

“Ma’am Maki! Ma’am Maki!” narinig niyang sigaw ni Patty mula sa likuran. “Ma’am, naiwan ninyo ang Victoria’s Secret ninyo sa kuwarto ni Sir Benedikt!”

Mariing pumikit si Maki nang marinig ang boses ng sekretarya ng nobyo. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hinayaan ito. Oh, no, Patty! Not now.

Naabutan siya ni Patty at humihingal pa nang sabayan siya. “Naku, Ma’am! Di ko alam nasama sa ibang pinamili ko.” May treat din kasi si Benedikt para sa babae na worth ten thousand pesos na shopping allowance. “Hindi ito pwedeng mawala sa inyo kasi kailangan ninyo ito kapag kayo na lang ni Sir Benedikt.”

Naggiyagis ang ngipin niya. “Patty…” At naramdaman niya ang tingin ng buong lobby sa kanila dahil may kalakasan ang boses nito.

“Hayaan mo sila. Mabuti nga malaman nila na kayo na ni Sir Benedikt,” anitong wala man lang pakialam kung may makararinig na iba. “At tiyak na tutulo ang laway niya kapag nakita ka niyang suot ang lingerie na ito. Rawr!”

“Excuse me!” narinig niyang sabi ni Hannah.

“Salamat. Mauna na ako.” Naglakad na siya palayo bago pa siya maabutan ng babae. Ayaw talaga niya ng eksena doon.

“Hey! Wait! You, girl in green!” anito at nakita na lang niya bigla si Hannah na may desididong anyo sa harapan niya. “Are you Benedikt’s girl…” Natigilan ito sa pagsagot nang mapagmasdan siyang mabuti. “Maki? Teacher Maki of La Reina Elementary School? What are you doing here?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa saka ang hawak niyang paper bag ng Victoria’s Secret. “Ikaw? Ikaw ang bagong girlfriend ni Benedikt? Ikaw ang sinasabi nilang kasama ni Benedikt sa Bohol. Ikaw iyon.”

Nanuyo ang labi niya at hindi niya alam ang isasagot sa babae. Ni di nga niya ito matingnan nang diretso. Humihingi ng tulong na inapuhap ng mga mata niya si Benedikt na kasunod lang ng babae. “Hannah, let’s not create a scene here. Mas mabuti kung pag-usapan natin ito sa isang pribadong lugar.” At hinawakan nito si Hannah sa braso bago bumaling kay Patty. “Check if Mr. Borongan’s office is clear. Tell him we need it for ten minutes top.” There was warmth in his eyes when he looked at her. “Maki, you don’t have to go. Ako na ang kakausap sa kanya.”

“Kung wala talaga siyang mukhang maihaharap sa akin, then she can go,” mataray na sabi ni Hannah.

“Sasama ako sa inyo,” sabi niya sa mahinang boses. Wala naman siyang ginagawang masama. Ano naman ang dapat niyang ikahiya dito?

Pinilit niyang ihakbang ang pagod na mga paa. Nakayuko lang siya habang naglalakad lalo na’t naroon ang curious na tingin ng iba. They must be wondering where she came from. Kung saan siya napulot ni Benedikt. Ano nga naman siya kumpara sa anak ng gobernador na si Hannah?

Pumasok sila sa isang kuwarto na di niya alam kung anong department. Maluwag naman iyon at walang tao pero parang di siya makahinga nang sumara na ang pinto at kasama na lang niya sina Benedikt at Hannah.

“Do you want anything to drink?” mahinahong alok ng binata.

“I don’t need anything to drink. Stop beating around the bush or trying to placate me. All I need is an explanation,” mariing wika ng babae at binigyan siya ng matalim na tingin.

Pinagsalikop niya ang palad. “Miss Hannah, kasi…”

“Huwag mo akong ma-Miss Hannah!” Sinurot siya nito. “Ahas ka! Maganda ang trato sa iyo. Hindi naman kita pinakitaan ng hindi maganda. Ito ba ang ganti mo sa akin dahil anak ako ng gobernador na kalaban ninyo sa pagtatayo ng airport? O sadyang gawain mo lang talaga ang manguha ng hindi sa iyo. Alam mo na sa akin si Benedikt. Mahal ko siya!”

Hinawakan ni Benedikt ang balikat ni Hannah. “Walang inagaw sa iyo si Maki. I am hers from the start.”

Natigilan sa paghihisterya si Hannah at maang na tiningala ang binata. “W-What do you mean?”

“Maki is my ex-fiancee.”

Nahigit ni Hannah ang hininga at naguguluhan siyang sinulyupan. “You mean, she is the Rubella heir? Siya ang babaeng m-mahal mo?” nanghihinang usal nito at dahan-dahang humakbang paurong hanggang sumandal sa desk sa likuran nito.

“I am sorry, Hannah. Hindi ko masabi sa iyo dahil gusto na ng tahimik na buhay ni Maki noon. And I was so mad at her. Hindi naman namin alam na sa kabila ng lahat ng nangyari ay kami pa rin ang para sa isa’t isa. We decided to fix things between us,” paliwanag ni Benedikt.

Subalit parang walang narinig si Hannah. She was in a daze while staring in space. “Kaya pala. Kaya pala parang kakaiba ka kapag nasa paligid siya. Kaya pala nanlamig ka sa akin nang dumating ka sa La Reina at nagkita kayo. Kaya pala hindi mo gustong sampahan ng kaso ang nanay niya kahit na muntik ka nang mamatay. Nagawa mo pang kalabanin si Papa at kumampi sa kalaban. Dahil sa babaeng iyan!”

“It was not her fault,” mariing wika ni Benedikt. “Kung anuman ang isyu sa papa mo, it was his own doing. Hindi na tayo bata na kailangang magkampihan kahit na alam kong may mali. Labag iyon sa prinsipyo ko. At walang kasalanan si Maki doon.”

“Pero ginamit mo ako. Pinaasa mo ako,” naghihinagpis na usal ni Hannah. “Akala ko dadating ang panahon na ako na ang mamahalin mo. Akala ko malapit na iyon.”

“Hindi kita pinaasa kahit na kailan. Nilinaw ko sa iyo na gusto kong maging mabuting kaibigan. Naging mabuting kaibigan ako sa iyo, Hannah. At kung gusto kita sa simula pa lang, sana noon ko pa sinabi sa iyo. Wala akong ipinangako sa iyo na di ko tinupad.”

“Why her?” Isinubsob ni Hannah ang mukha sa palad. “Iniwan ka na niya dati. Ipinahiya ka na niya. She killed your father. Didn’t she cause you enough grip? Wala ka bang dala? Nandito naman ako. Mamahalin kita ng buo. Hindi kita iiwan. Mahal kita, Benedikt. Ano pa bang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?”

Tumalikod na lang siya dahil hindi niya makayang makita ang pagmamakaawa ni Hannah kay Benedikt. It was breaking her heart. She didn’t want to be in this situation. Hindi niya gusto na makasakit ng iba habang masaya siya.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Benedikt. “I am sorry.”

“Noooo!” panaghoy ni Hannah dahilan para piliin na lang ni Maki na lumabas ng silid.

Hindi na niya kaya. Tuloy-tuloy siya sa paglalakad hanggang makarating sa restroom. Nagkulong siya sa isa sa mga cubicle at umiyak lang. Sobrang bigat ng loob niya. Her heart was crying out to Hannah. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng masaktan sa pag-ibig. Kahit na di naman niya sinasadya, nasasaktan ito sa kanila ni Benedikt.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa restroom hanggang marinig niya ang pagri-ring ng cellphone niya. Si Benedikt ang tumatawag. “H-Hello,” aniya sa nangingingig na boses.

“Maki, where are you? Wala ka sa lobby at wala ka rin sa kotse. Wala ka rin sa opisina ko. Nasaan ka?” natataranta nitong tanong.

Tumikhim siya. “Nandito lang ako sa restroom sa ground floor. Malapit sa lobby.”

“Pupuntahan kita.”

Halos hilahin ni Maki ang sarili palabas ng cubicle. Naghilamos siya at saka nag-apply ng light make up para maitago ang pamamaga ng mata niya. Ayaw naman niyang mag-alala ba si Benedikt sa kanya kapag napansin na umiyak siya.

Nang lumabas siya ay aligaga na si Benedikt sa pagpapalakad-lakad sa labas ng restroom. Niyakap agad siya nito nang makita siya. Wala silang kibuan hanggang makasakay sila sa kotse nito. “Hey! I am sorry about that,” anang binata habang bumibiyahe na sila.

“Si Miss Hannah?” tanong niya.

“Ihinatid ko na sa kotse niya. She’s inconsolable, of course. Sorry. Hindi ko alam na dadating siya. Gusto ko naman talaga siyang makausap tungkol sa atin. I don’t want to involve you with the confrontation. I hope you won’t get mad at her.”

Pilit siyang ngumiti. “Hindi ko kayang magalit sa kanya dahil mahal ka niya. Sa panahong galit ka sa mundo, nandiyan siya para mahalin ka. Kung hindi nga tayo magkakabalikan, tanggap ko kung siya ang pakakasalan mo.”

“Siguro baka pakasalan ko rin siya kung hindi tayo nagkita ulit. She is a good woman. Kaya sinabi ko sa kanya na makakatagpo din siya ng iba pang lalaki na totoong magmamahal sa kanya. Ayokong maging unfair sa kanya. Kailangang matanggap niya ang totoo na bumalik ka na sa buhay ko. Hindi na tayo magtatago. Hindi na magpapanggap.”

“Sana lang ay hindi ito makaapekto sa negosyo mo sa La Reina. Alam ko na may mga properties kang planong i-develop doon.”

Nagkibit-balikat ito. “Hindi naman ako natatakot. Marami pang opportunity for business para sa kompanya ko.” Kinintalan nito ng halik ang noo niya. “Ang mahalaga ay magkasama tayo. I am willing to sacrifice everything just to be with you. Sa ngayon, ayoko munang mamoroblema ka. Mag-enjoy ka sa cake all-you-can. Let’s enjoy this night.”

“Okay.” Sana lang ay pwede niyang daanin sa cake ang alalahanin niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.