Tahimik ang mini auditorium nang pumasok si Maki. Wala siyang klase dahil may Girl Scout at Boy Scout meeting ang mga estudyante niya. Dahil mababaliw siya sa katahimikan sa kuwarto niya at tapos na ang lahat ng trabaho niya ay pinili niyang magtungo doon para tumugtog. May bago siyang piyesa na na-compose na aawitin ng mga bata. Para sana iyon sa gaganaping mini concert nila dalawang linggo mula sa araw na iyon.
Kung tutuusin ay mas gusto niyang sa bahay tumugtog para mas tahimik at mas inspired siya sa gamit na keyboard. Ang kaso lang ay nagkasundo sila ng pinsang si Ponyang na iwan ang mga magulang niya para magkasarilinan. Sumama muna si Ponyang ilang kaibigan dahil day off naman nito.
She set up the keyboard then started playing with the keys. Tumugtog muna siya ng isang piyesa ni Rachmaninoff bilang warm up at nang ma-relax. The past few days had been tough on her. Bagamat walang ipinapakitang masama ang ibang kasamahan niya sa trabaho ay alam niyang pinag-uusapan pa rin siya. Kalabanin ba naman niya ang anak ng gobernador. Ang iba nga daw ay nagtatalo kung totoong anak siya ng milyonaryo. Baka daw kalokohan lang iyon.
Ayaw naman niyang pansinin ngunit nakakabaliw lang minsan. Mas malalaking problema ang kinakaharap ng bansa at mas dapat iyong pagtuunan. Nalulungkot lang siya dahil parang nag-iba ang trato sa kanya ng mga taga-La Reina. Mabuti na lang at nariyan ang mga kasamahan niyang guro na may malasakit sa kanya at ang mababait niyang estudyante na mas pursigidong mag-aral. Kahit ang mga miyembro ng choir ay mas determinado ngayong wala nang gig ang mga ito sa La Reina Resort and Spa. Nanatiling masayahin at dedicated ang mga ito lalo na nang ipinakita niya ang video ng Loboc Children's Choir noong bago lumindol. Lalong na-inspire ang mga ito na tumulong dahil idol daw ng mga ito ang naturang choir.
Saktong natapos niya ang piyesa saka lang niya napansin na may nanonood pala sa kanya. Nakita niyang nakatayo sa baba ng stage si Ezel kasama ang mga miyembro ng choir. “O! Nandiyan pala kayo. May practice ba kayo ngayon? Akala ko may Girl Scout at Boy Scout meeting kayo.”
“May ipa-practice lang sana kami,” sabi ni Ezel. “Pwede bang pakinggan mo, Maki? Excited ang mga bata dahil ilang araw na rin nilang pina-practice ito.”
“O-Okay,” usal niya at tumayo mula sa piano.
Pinagmasdan lang niyang luminya ang mga ito sa stage at umupo si Ezel sa piano. Ang estudyanteng si Kristine ang tumayo sa harap ng grupo para mag-beat. Ang alam niya ay kasama sa meeting ng Boy Scout si Robert. Mukhang desidido talaga ang mga bata na mag-practice. Di lang niya alam ang piyesa ng mga ito. Karaniwan ay sa kanya nanggagaling ang repertoire ng mga ito o kaya ay dumadaan muna sa kanya bago ipakanta sa mga bata. Sabagay nitong nakaraang araw ay naka-focus siya sa paghahanda ng mga piyesa kaya hindi niya na-monitor ang practice ng mga ito.
Nagtanguan sina Kristine at Ezel. Ilang keys pa lang ang napipindot ni Ezel ay kumunot na ang noo niya. Alam niya ang kantang iyon. Di siya pwedeng magkamali.
Pumailanlang na ang mala-anghel na boses ng mga bata. “Look into my eyes, you will see what you mean to me…”
Napahakbang siya palapit kay Ezel pero natigilan siya dahil di pa naman tapos kumanta ang mga bata. Paanong may naligaw na love song sa line up ng kanta nila? Parang di yata tugma na inspirational songs at mga awit tungkol sa pag-asa at pagbangon ang Everything I Do, I’d Do It For You ni Bryan Adams.
Pumikit na lang siya at ninamnam ang kanta. Saka niya na-realize kung gaano niya nami-miss si Benedikt. Limang araw na ito sa Cebu. Tinatanong niya kung kailan ito babalik pero di daw nito masagot. Sobrang abala siguro nito sa trabaho. Kapag di pa rin ito bumalik ngayon ay mag-eempake na siya mamaya para sundan ito sa Cebu at kukunin ang first trip.
She was lost in the song when she heard someone giggle. At nasundan iyon ng iba pa. Natigilan siya dahil di yata niya napansin na tapos na ang kanta. Nang dumilat siya para tingnan kung bakit nagtatawanan ang mga bata ay may isang matangkad na pigura na nakaharang sa harapan niya. Malapad ang dibdib nito sa ilalim ng white T-shirt na ka-level lang ng mata niya. Na-trap sa lalamunan niya ang hininga niya habang dahan-dahang umangat ang mga mata niya sa lalamunan nito na kayumanggi patungo sa panga nito na may maliliit na stubbles, to his aristocratic nose and his piercing dark eyes.
“Benedikt,” usal niya nang sa wakas ay mabuo ang imahe nito.
May kislap sa mga mata nito nang magsalubong ang mga mata nila. “Hi!”
“Benedikt!” tili niya at sinugod ito ng yakap. “I miss you!”
Nang mga oras na iyon ay nakalimutan na teacher siya, nasa premises pa siya ng eskwelahan at kaharap pa niya ang ilan sa estudyante niya at co-teacher niya. Naglaho na lang ang lahat sa paligid niya at ang tanging natira ay si Benedikt at init ng yakap nito. She just desperately missed him so.
“Uuuuuyyy!” narinig niyang tukso ng mga estudyante niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Benedikt at pinanlakihan ng mata ang mga bata. “Walang titingin.”
“Nakakakilig naman kasi, Ma’am,” anang si Kenken.
Tumawa si Benedikt. “Thank you for that, kids. Magagaling talaga kayong kumanta. At dahil diyan, naka-ready na ang miryenda ninyo sa kuwarto ni Ma’am Ezel at may reward pa kayo.”
“Yehey!” tuwang-tuwang sabi ng mga bata.
“Pwede na ninyong tangayin iyang si Maki, Sir Benedikt. Miss na miss na niya kayo,” anang si Ezel at kinindatan siya. Ibinenta na siya ng bruha.
Dinampot ni Benedikt ang bag niya na nasa paanan ng keyboard stand. “May iba ka pang gamit?”
“Wala na,” sabi niya at kumapit na sa braso nito. “Salamat, mga bata. Mag-relax muna kayo dahil sa Lunes may bagong kanta na kayong ipa-practice.”
“Ayyyyy!” sabay-sabay na usal ng mga ito at bumagsak ang balikat.
“Go easy on them. They need to relax a bit, just like you,” anang si Benedikt. Minamasahe nito ang ulo niya habang naglalakad sila.
“Nagsalita ang hindi workaholic,” aniya at tiningala ito. “Akala ko di ka pa babalik dito. Muntik pa kitang puntahan sa Cebu kundi ka pa dadating bukas.”
Kinintalan siya nito ng halik sa noo saka siya ipinagbukas ng pinto ng kotse. “I am here now. Get inside. Pagdating sa inyo, magbihis ka lang ng damit na komportable ka. Then we will go to my yacht. Doon na rin tayo magdi-dinner.”
“That sounds like a great idea.”
“Paano mo pala nagawa iyon? I mean, nakapag-practice ang mga bata ng kanta. Noong Lunes ka lang naman umalis.”
“In-email ko ang piyesa kay Miss Ezel. Hindi madali na bumawi sa iyo lalo na’t isang linggo tayong nagkalayo. Did you like it?”
“Yes. Lalo lang kitang na-miss. Buti na lang di ako umiyak kanina.”
“Gusto ko sana na ako ang kumanta kaso baka maiyak ka lalo.”
Natawa nalang siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. “Kahit pa ano ang boses mo, hindi kita ipagpapalit sa iba.”
Nang dumating siya sa bahay ay nanonood pa ng teleserye na panghapon ang nanay at tatay niya. Nakahilig si Lupita sa balikat ni Franco habang seryosong-seryoso sa panonood. They looked like an old cozy couple who was enjoying their lives. Napapansin niya nitong nakakaraang araw ay di na masyadong sinisigawan ng nanay niya ang tatay niya pero inuutusan pa rin naman ito. At parang sisiw na lang sa tatay niya ang mabibigat na trabaho.
“Wow! Ang sweet naman,” tukso niya sa mga ito.
Biglang bumangon ang nanay niya nang makita siya. “Sweet ka diyan. Inaantok lang talaga ako at nakakatulog kaya di ko sinasadyang humilig sa… lalaking iyan.”
Tumango lang ang tatay niya at ngumiti. Ang ibig sabihin ay huwag na niyang kontrahin ang nanay niya sa palusot nito. Baka mas lalo nga namang umiwas dito ang nanay niya kapag tinukso pa. “Maaga ka yatang dumating ngayon, anak.”
“May meeting po ang mga Girl Scout at Boy Scout at wala ring practice ang choir. Kaya umuwi na po ako agad. Magbibihis lang po ako at hinihintay na ako ni Benedikt sa yate. Enjoy lang po ninyo iyang telenovela ninyo.”
“Basta walang ibig sabihin iyon,” pahabol pa ng nanay niya.