Chapter YSMM 116

Parang itinulos si Maki sa kinatatayuan. Nandito mismo ang nanay ni Benedikt sa La Reina. Hindi niya inaasahan ito. Teresina Valenciaga aged gracefully. Nakikita naman sa morena pero makinis nitong balat at sa elegante nitong damit na parang mas maganda pa ito kahit na lumipas na ang walong taon. But her once kind and trusting eyes looked as hard as diamonds. Gaya nang huling beses na kinausap siya nito tungkol sa plano niyang ang nanay niya ang maghatid sa kanya sa altar sa kasal niya at binalaan siya nito na huwag bibigyan ng kahihiyan si Benedikt at ang pamilya nito. Those same ruthless and unforgiving eyes. Ito ang babaeng ayaw niyang makaharap sa panahong di pa siya handa. At sa kabila ng pagod at kaba na dinanas niya sa araw na iyon, sa unang pagkakataon ay nanlambot ang mga tuhod niya.

Nilapitan ni Benedikt ang ina at hinalikan sa magkabilang pisngi ang babae. “Mama, y-you’re back,” anang binata na mukhang na-rattle din nang makita ang ina doon. “Hindi man lang ninyo sinabi na umuwi kayo sa Pilipinas at pupunta kayo dito sa La Reina. You should have told me. Nasundo ko po sana kayo sa airport.”

Hinawakan ni Teresina ang binata sa magkabilang pisngi. “No need, hijo. I want to surprise you. I learned that you are indisposed these past few days. Masyado ka daw maraming pinagkakaabalahan dito sa La Reina. Good thing Hannah offered me a room in her resort. Lovely place indeed. And to my dismay, hindi ka na daw doon tumutuloy. Akala ko pa mandin ang La Reina Resort ang tahanan mo dito sa isla.”

“Not anymore, Ma. I am more comfortable in my yacht.” At kung si Benedikt ang masusunod, alam niyang hindi ito tatapak sa La Reina Resort.

“Not exactly first class accommodation, hijo.” Tumaas ang kilay nito at tumingin sa direksiyon niya. “Aren’t you going to introduce me to your lady friend, Benedikt? She looks familiar.”

Tumayo si Benedikt sa tabi niya at magaang hinawakan ang baywang niya. Nakangiti pa ang binata na parang nakikisakay lang “biro” ng nanay nito. “Mama, I want you to meet my girlfriend, Maria Makiling Rubella. And of course, her parents, Tita Lupita and Tito Franco.”

Teresina made a mock gasp. “Maki, hija, what happened to you?” tanong ng babae at hinawakan siya sa balikat. “You… You look a whole lot different when I last saw you. You matured a lot. No wonder, hindi na kita nakilala.”

Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa babae nang halikan siya sa magkabilang pisngi. Alam naman niya ang ibig nitong sabihin. She looked more of a barrio lass now. Hindi na siya ang heredera na nakilala nito na laging nakasunod sa uso at puro mamahalin ang gamit.

“Of course, Tita. Walong taon na rin po nang huli tayong nagkita. Hindi na po talaga ako katulad ng dati,” nausal na lang niya.

“Of course.” Bumaling naman ito sa mga magulang niya. “Lupita, Franco, looks like you are back together. You two look good.”

“Ayokong isipin na tuluyan mo na akong nakalimutan, Lupita. I don’t think you are not that old to have memory gap yet,” nakangising sabi ni Franco.

“Hindi ko lang inaasahan na makikita kayong lahat dito.” Then she gave a snide look at her direction. “Or to see your daughter and my son back together. Life is indeed full of surprises. Ilang buwan lang akong nagbakasyon, ito na pala ang aabutan ko pagbalik ko ng Pilipinas.”

“Bakit hindi natin ituloy ang kwentuhan sa amin?” anang si Lupita na parang di gaanong apektado sa namumuong tensiyon sa paligid. “Magkaangkas naman kami ng Papa mo sa motor, Maki. Kaya kay Benedikt ka na sumakay.”

“Oo nga naman, Maki. Sa amin ka na sumabay para makapagkwentuhan naman tayo. Matagal-tagal din naman kasi tayo na hindi nagkita.”

PAKIRAMDAM ni Maki ay nasa loob siya ng bartolina at hindi makahinga habang nakasakay sa backseat ng kotse ni Benedikt at katabi niya ang ina nitong si Teresina. Kung tutuusin ay maalwan naman sa likuran at may tamang distansiya naman sa pagitan nila nito. Ni hindi nga sila magkadikit. Pero pakiramdam niya ay parang sapat na ang presensiya nito para magkaroon ng di nakikitang mga kamay sa hangin na sumasakal sa lalamunan niya.

She was tired and hungry. Tapos ay kasama pa niya ang taong pinakamahalaga para kay Benedikt pero alam niyang di matutuwa sa pagbabalik niya sa buhay nito. At mas natatakot siya ngayon na makasama ito kaysa noong na-trap sila sa kuweba ni Benedikt dahil sa lindol o nang paulit-ulit niyang naranasan ang aftershock sa Bohol. Kundi lang mag-aalala ang binata ay gusto niyang tumalon palabas ng sasakyan.

“Benedikt, akala ko pa mandin ikaw ang sosorpresahin ko sa pagpunta ko dito. Iyon pala ay ikaw ang sosorpresa sa akin,” sabi ni Teresina. “Nang tumawag sa akin si Hannah sa Bolivia para sabihin na kailangan kong umuwi agad dahil may emergency at nalaman ko ang news sa lindol sa Bohol, tumuloy agad ako ng La Reina.” Inilahad nito ang kamay. “And look what I discovered. Someone is back from the dead.”

Namutla siya lalo na nang humalakhak ito. “Ma, you are making Maki uncomfortable.”

Tinapik ni Teresina ang hita niya. “Of course not. Para namang hindi ako kilala ni Maki. That’s just figure of speech. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkikita pa kayo matapos ang mahabang panahon na nawala siya? Akala ko naman nang bago ako umalis at sinabi mong mapapadalas ka sa La Reina para sa projects mo ay nagkakamabutihan na kayo ni Hannah. Kaya nga sa kanya ako nagpapa-update ng nangyayari sa iyo dahil akala ko siya na ang mamanugangin ko.”

Tinungga ni Maki ang mineral water nang maramdaman niya ang pananakit ng dibdib. Benedikt’s mother didn’t mince with words. Prangka talaga ito. At noon pa lang ay ipinaramdam na nito sa kanya na hindi siya ang napipisil nito para kay Benedikt kundi si Hannah.

“Hannah and I are just friends, Ma,” anang si Benedikt sa magaang boses. “Alam naman ninyo kung sino talaga ang mahal ko. Mukhang idinala lang ako sa La Reina para magkita kami ulit. Destiny has it’s own way of bringing us back together.”

“How romantic,” Teresina said in a fluid yet uninterested voice. Kulang na lang yata ay maghikab ito na parang mas gugustuhin na lang nitong matulog kaysa makinig tungkol sa love story nila ng binata. Isang aral na ngiti ang ibinigay nito sa kanya nang balingan siya. “So what have you been up to, hija? Nang umalis ka kasi ay wala na kaming nabalitaan sa iyo. Naglaho ka na lang na parang bula.”

“Napadpad po kami ni Nanay dito sa La Reina,” kwento niya. “Dito na po ako nagturo. Music and arts teacher po ako sa isang elementary school dito.”

“Oh! Whatever happened to having your own school like you dreamt of?”

“Marami pong mas nangangailangan sa akin sa public school. Marami pong talented na mga bata na pwede kong bigyan ng guidance pero mahihirap sila. Ang totoo sila po ang kasama namin ngayon sa fund raising para sa mga nasalanta ng lindol. Sana nga po napanood ninyo sila.”

“And I presume my son here is your errand boy?” anito at tumaas ang kilay.

“Glad to be of service to my fairy,” anang si Benedikt. Nagsalubong ang mga mata nila sa rearview mirror. He gave her a comforting smile. Ibig sabihin ay wala siyang dapat na ikatakot dahil kontrolado nito ang nanay nito at hindi siya maaano. She just smiled back nervously. Lalakasan na lang niya ang loob. Masasanay din siguro siya sa timpalada ni Teresina.

“Had you been married to my son, you don’t have to be a lowly elementary school teacher in a boring island, you know?” Hinaplos nito ang buhok niya. “Nanghihinayang lang ako sa lahat ng bagay na itinapon mo nang umalis ka. At nanghihinayang din ako sa mga nawala sa amin ni Benedikt dahil doon.”

Yumuko siya at pinigilang mangaligkig sa kilabot habang hinahaplos nito ang buhok niya. It was not affectionate. “I am sorry, Tita. Kailangan ko lang po talagang magdesisyon para sa sarili ko nang mga panahong iyon.”

“Ma, matagal nang panahon iyon. Napag-usapan na po namin iyan. Give Maki a break. She is tired and hungry,” anang si Benedikt na kahit mahinahon ang boses ay alam niyang nag-aalala na sa kanya.

“Maki doesn’t mind. Right, hija?” tanong ni Teresina.

“Of course, Tita. Masyado na akong matanda para laging protektahan ni Benedikt. Saka nagku-kwentuhan lang naman po tayo tungkol sa… nakaraan.” At parang mababanat na ang balat niya nang pilit na ngumiti.

Ugh! Gaano pa ba katagal sila sa sasakyan na iyon? Bakit parang napakatagal ng biyahe? Baka naman madilim kaya di na alam ni Benedikt ang daan at naligaw na sila. Gusto na talaga niyang makalabas sa sasasakyan na iyon. Gusto niya ng sariwang hangin.

“Hindi nasayang ang panahon na magkalayo kami ni Maki. Both of us learned a lot and become matured. Alam na namin kung ano ang totoong gusto namin sa isang relasyon at sa buhay namin. At kung gusto niya na magtayo sa sarili niyang eskuwelahan o music school dito, susuportahan ko siya. I am sure, susuportahan din siya ni Tito Franco. Hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa at sa mga pangarap namin,” patuloy na paliwanag ni Benedikt pero di pa rin gumaan ang loob niya.

“Of course. Hindi mo lang ako masisisi sa mga bagay at panahon na nawala na.” Tumingin ito sa madilim na bintana sa labas. “I must be getting old.”

“I am sure mag-e-enjoy kayo sa bar ni Tita Lupita, Ma,” anang si Benedikt at di nagtagal ay ihinimpil nito ang sasakyan di kalayuan sa bahay nila.

Idinala nila ang ina ni Benedikt sa bar. Punong-puno iyon ng mga tao at naabutan nilang tumutugtog ng iba’t ibang instrument ang mga bisita doon kahit na wala sa tono. It was the freestyle gig. Kahit na anong kanta kahit na wala sa tono ay hinahayaan lang bilang katuwaan. Puro naman matatanda na ang nandoon dahil nagsiuwi na ang mga bata.

“Gusto ba ninyo ng maiinom?” tanong ni Aling Lupita sa nanay ni Benedikt.

“Uhmmm… medyo maingay yata dito… at magulo,” anitong di maipinta ang mukha. “I mean, I’ve been to Brazil but they have their own distinct flavor in dance and music.”

“Freestyle naman po ito. Di kailangan ng professional na galing para makapag-perform. Katuwaan lang po,” paliwanag niya pero di naglubag ang loob ng babae.

“Dalhin mo na si Benedikt at ang nanay niya sa bahay natin. Mas tahimik doon at mas makakapag-kwentuhan kayo. Sige na,” anang nanay niya at bahagya pa siyang itinulak. “Padadalhan ko na lang kayo ng pagkain kay Ponyang.”

Sa sala ng bahay niya pinatuloy si Teresina. Palinga-linga ito sa paligid na parang nasa isang alien ito na lugar habang ihinahain ni Ponyang ang pagkain at dala naman ni Benedikt ang isang pitsel ng blue iced tea. Inayos muna niya ang throw pillow doon bago ito pinaupo. Alam naman niyang malinis iyon dahil istrikto ang nanay niya sa maayos na paligid. Ayaw nito ng makalat.

“Is this your house already?” tanong ni Teresina saka dahan-dahang umupo sa kawayan na sofa.

“Opo. Noong una po nirerentahan lang namin ni Nanay ang lugar hanggang unti-unti naming nabayaran at sa amin na ang lupa at napalakihan ko na rin po ang bahay,” aniyang may pagmamalaki sa boses. Sariling sikap naman iyon kaya nila nakuha ang bahay at lupa. Matandang babae na kasi ang may-ari at walang asawa at anak kaya naman nakuha nila sa mababang halaga. “Mababait din po kasi ang mga tagadito. Kapag may nagpapaayos ng bahay, may nagbibigay ng mga materyales o kaya ay tumutulong sa paggawa.”

“Ma, kumain na tayo. I know how much you love seafood. They have lobster, oyster and prawn year,” anang si Benedikt nang sunduin sila sa sala.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.