Chapter YSMM 119

Hinaplos ni Maki ang black lacey dress na nakahapit sa katawan niya at tiningnan ang sarili sa vanity mirror. It was the perfect fit. Nang umagang iyon ay dumating siya sa Manila mula sa flight niya sa Cebu. Mahilo-hilo pa siya noon. Mula sa airport ay idinala agad siya ni Benedikt sa isang sikat na fashion designer para sa launching ng line of perfume ng cosmetics company na may investment ang ina ni Maki na si Teresina. Mula daw nang mamatay ang ama ni Benedikt ay naging abala ang ina nito sa mga business venture kung saan kasosyo nito ang mga kaibigan. Kung anuman daw ang pera mayroon nito ay inilaan nito sa pag-i-invest at lumago nang lumago.

At hindi naman so-so lang ang event na gaganapin sa ballroom ng Sofitel Boutique Hotel. The A-listers would be there - socialites, the big WHOs in showbiz, movers and shakers in the business world and the big names in the political arena.

Nang mabasa niya iyon sa diyaryo sa airport ay nanginig siya sa kaba. Muntik na nga siyang di sumakay sa flight niya kundi lang siya inaasahan nina Benedikt at Teresina. Matagal na panahon na siyang hindi nakakadalo ng ganoon kagarbong party. Pati nga sa damit na napili ni Benedikt sa kanya ay parang diskumpiyado pa siya noong una.

Pero ngayong nakataas na ang kinulot niyang buhoko, naka-pin sa gilid ng ulo niya at nagpapakita ng elegante niyang leeg pati na rin sa tampok na diyamanteng hikaw sa tainga niya, bahagya siyang nagkaroon ng kompiyansa sa sarili.

Ngumiti din siya nang pagmasdan ang two-inch sandals na pinili ni Benedikt para sa kanya. Ayaw daw nito na sobrang taas ang takong ng isusuot niya para hindi siya mahirapan. How thoughtful. Komportable siya sa di kataasang sandals. Pinag-isipan talaga nito ang lahat ng kailangan niya.

"Hija, are you ready?" tanong ni Teresina nang pumasok sa kuwarto niya sa hotel. Nag-check in sila ni Benedikt doon nang hapon at iniwan na siya sa hotel room para asikasuhin ng stylist at make up artist na kinuha nito. Iniwan siya nito para sa isa pang business meeting at susunduin na lang daw siya nito kapag oras na para bumaba sila para sa party.

"Opo, Tita.” At saka siya puno ng kompiyansa na tumayo sa harap nito.

Teresina was like a queen in her blue chiffon and charmeuse dress with silver accent down to her sapphire blue shimmering stiletto sandals. Kumikinang din ang diamante sa tainga, leeg at braso nito. Wala itong balak magpatalbog sa ibang dadalo sa naturang pagtitipon kahit pa sa mga mas bata dito. Hindi naman ganoon ang aura ni Teresina dati bagamat lagi nitong hilig ang maging perpekto sa iba’t ibang function para makipag-kompitensiya sa madrasta niyang si Santina at makipag-inisan dito.

Sinuyod siya ng mapanuri nitong tingin. Pinigilan niya ang sarili na humukot at yumuko. She tried to maintain her poise, kahit pa nga nanginginig ang tuhod niya. Hanggang nakita niya ang pagdilim mukha nito.

"Ano ba 'yang suot mo?" nanghihilakbot nitong tanong habang nakatitig sa paa niya.

Itinaas niya ang paa. "Sandals po. Ito po ang pinili ni Benedikt na isuot ko.”

At alam niyang di biro ang halaga ng sandals na iyon. Gawa iyon ng isang celebrated na Filipino designer na nagagamit ang creation sa mga fashion shows sa Amerika at Europe.

Sinapo nito ang noo. “Goodness. Hindi bagay ang ganyan kababa na sandals sa damit mo. Bakit hinahayaan mo na anak ko ang magdesisyon sa isusuot mo? What does he know about fashion? For that kind of dress, you need a perfect shoes. Ang pagkakatanda ko ay pareho tayo ng size ng paa. I have a Christian Louboutin in my room. Plano ko sanang isuot iyon ngayon, but I changed my mind and opted for Jimmy Choos instead.” Sinenyasan nito ang assistant nito. “Get my Louboutin pair. Babagay iyon kay Maki.”

“Yes, Madam,” anang assistant nitong si Luli at umalis ng silid. Parang hindi mapakali si Teresina habang pinagmamasdan siya. It made her uncomfortable. Parang mortal sin na hindi perpekto ang suot niya para dito.

Maya maya pa ay bumalik na si Luli dala ang kahon ng sapatos. Umaliwalas ang mga mata ni Teresina nang ilabas sa lalagyan ang sapatos na ipapasuot nito sa kanya. “There you go. I think my babies will look good on you.”

Di siya nakahinga agad nang makita ang kulay silver na sapatos na may crystal studs pa at animo’y may bahaghari kapag tumatama ang liwanag. Bagay na bagay nga iyon sa damit niya. Subalit di niya magawang ngumiti nang makita ang four inches na stiletto heels ng sapatos. Nalula na siya di pa man niya iyon naisusuot.

“Come, Maki. Put it on,” anang si Teresina.

“S-Sige po,” usal niya at walang nagawa kundi umupo sa kama at isinuot iyon. Nakakapagsuot naman siya ng high heeled shoes pero hanggang three inches lang. Dagdag pressure pa na inaasahan ni Teresina na madadala niya iyon.

Nang tumayo siya at sinubukang humakbang ay naging mabuway ang tayo niya. Muntik na siyang matumba. “O!” anang si Luli at sinapo agad siya. “Nasisikipan po ba kayo, Ma’am?”

“Tama lang. M-Medyo nalula lang ako. A-Ang taas pala nito.”

“Now you look good,” wika ni Teresina at pumalakpak. Excited na excited ito habang halos parang hinahalukay ang sikmura niya sa kaba. “Walk.”

Nanginginig pa ang binti niya nang ihakbang ang paa sa malambot na carpet. Nakailang hakbang siya nang parang matutumba na naman siya at dali-daling humawak sa kalapit na upuan. Paano siya makakalabas sa kuwarto na iyon nang hindi nasusubsob? Iba ang pressure na dala sa kanya ng presensiya ni Teresina. Lalo naman siguro kapag kaharap na niya ang mga bisita sa labas at mas maraming mata ang nakatutok sa kanya; lahat ay nagtatanong kung saan siya napulot ni Benedikt at anong nangyari sa kanya nang mga nagdaang taon na naglaho siya.

Puno ng pag-aalinlangan siyang tumingin kay Teresina na puno ng pagtataka ang mukha habang nakatingin sa kanya. “Tita, okay lang po bang ‘yung sandals ko na lang po kanina ang isuot ko? M-Medyo hindi po kasi ako sanay sa mataas na takong. Bagay din naman po ang sandals sa suot ko. Mas komportable po kasi ako doon.”

Biglang naging matiim ang anyo ni Teresina. “No. Hija, you are my son’s girlfriend. At kung anuman ang maging impression sa iyo ng mga tao, madadamay din kami ng anak ko. And we don’t want it to happen, do we? Alam mo kung gaano kahalaga ang appearance sa harap ng mga tao at kung ano ang pwedeng magdala sa iyo at mawala sa iyo kung hindi ka perpekto sa harap nila. You are not that simple teacher from the island here, Maki. Do you get my drift?”

Marahan siyang tumango. “Yes, Tita.”

Lumapit ito sa kanya at inalalayan siya para tumayo ng tuwid. “Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, hija. How many years have you been gone in the circle? Eight? Nine years? You must have forgotten some important things when it comes to attending events like this one. First, appearance is everything. Nakasunod ang mga tao sa lahat ng kilos mo. Second, you have to sacrifice a bit for fashion’s sake.” Nilaro ng daliri nito ang dulo ng kulot niyang buhok. “Ang ilang lagas na buhok for a fabulous hairstyle, the annoying and tedious application of make up for the enhancement of your facial features, the dress which could be uncomfortable sometimes and killer shoes that can take you anywhere. With those Louboutins and my son in your arms, you will be the envy of all girls. Pero kung ipipilit mong isuot ang sandals na iyan, sa halip na mapansin kung gaano ka kaperpekto para sa anak ko, tiyak na pagtatawanan ka nila. Do you want to be a liability to my son… again?”

Parang sinampal si Maki sa sinabi ni Teresina. Ipinamukha nito sa kanya kung gaano kalaking damage ang nagawa niya sa pamilya nito dahil sa sariling problemang pampamilya niya. Alam naman niya kung gaano kabigat ang kasalanan niya noon. Pero dahil lang sa simpleng sapatos na di niya mailakad nang maayos ay magkakaproblema sila.

Ngayon ay magbabalik siya sa dating mundong kinabibilangan niya; kung saan ang bawat galaw niya ay may mga matang nakasunod at manghuhusga. Isang mali lang ay handa na siyang durugin ng mga mamumula na akala mo ay perpekto din ang mga ito.

Lalo siyang nanlambot. Pag-uusapan na tiyak siya ng mga tao dahil sa background niya, uusapan pati kasingbabaw ng sandals na suot niya. Designer din naman iyon.

Niyuko niya ang Christian Louboutin pumps. Of course, wearing a pair of those babies, she would be the envy of everyone. Baka nga naman sa halip na uriratin ang nakaraan niya o kung saan siya napadpad nitong huli mga taon ay mas mapansin ng mga ito ang suot niya. Of course, ganoon nga pala kababaw ang ibang mga tao. At kasama iyon sa sakripisyo niya.

“P-Pero di po ba mas nakakahiya kung matapilok ako o masubsob dahil di ako makapaglakad nang maayos?” tanong niya.

“Honey, you will get used to it. Parang pagba-bike lang iyan. And besides, you will have my gorgeous son beside you. Iyon ang silbi ng pagkakaroon ng guwapong partner. May aalalay sa iyo kung nahihirapan kang maglakad.”

Nakarinig sila ng katok sa pinto. “Ma’am, nandito na po si Sir Benedikt. Papapasukin ko na po ba?” tanong ng assistant ni Teresina na si Luli.

“One minute,” sabi ni Teresina at hinawakan siya nang mariin sa balikat saka ihinarap sa pinto. Naramdaman na lang niya ang labi nito malapit sa tainga niya. “I did everything to make you look perfect for my son, Maki. Just remember one thing. Don’t you dare mess up this time. You won’t like the consequences. Now smile.”

Pagkasabi niyon ay bumukas ang pinto at pumasok si Benedikt. Awtomatiko siyang ngumiti na parang manyikang de susi; ang aral na ngiti na turo sa kanya ni Santina noon. Ni hindi mapapansin na sa loob niya ay yanig na yanig pa rin ang pagkatao niya. Naroon ang takot na baka isang maling galaw lang ay masira na naman niya ang pangalan ni Benedikt.

Pilit niyang nilunod ang pag-aalinlangan at kaba nang makita ang humahangang tingin ni Benedikt sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at kinintalan ang likod ng palad. “My fairy, you look so perfect.”

“And you two look perfect together,” wika ni Teresina at pumalakpak. “Bagay na bagay talaga si Maki sa guwapo kong apo.”

“And you are the most beautiful mother in the world tonight,” anang si Benedikt at inalok ang isang braso sa ina. “I am such a lucky guy.” At saka ibinaling nito ang tingin sa kanya. “Kasama ko ang dalawang pinakamagandang babae sa gabing ito. Perfect.”

Perfect. Kahit na natatakot pa rin si Maki na matapilok siya o mangudngod dahil sa sapatos niya at kahit na nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa banta ni Teresina, alam niyang walang mangyayaring masama habang nasa tabi niya si Benedikt. Hindi siya nito pababayaan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.