Chapter YSMM 120

HALOS mabanat na ang bibig ni Maki sa kangingiti nang ipakilala siya ni Benedikt sa mga business associates nito at mga kakilala. Everything was on a frenzy. Maraming tao sa ballroom ng Sofitel at nakakasilaw sa dami ng mga celebrities doon. Her heart kicked against her chest. Parang magkakakilala ang mga tao doon, gaya kung paanong kilala niya ang mga nasa sirkulo niya dati. It was a must to know who’s who in the society. Ayon sa madrasta niya noon ay hindi mo alam kung kailan mo pwedeng gamitin o malapitan ang isang tao kaya dapat ay makuha niya ang amor ng mga ito.

Pero matapos ang walong taon ay marami nang nagbago. Maraming-marami. Bukod sa di niya kilala ang mga tao doon, wala ring nakakakilala sa kanya.

“Benedikt, you have such a pretty partner tonight,” anang isang matandang babae na nasa forties na. Isang dating dating starlet na limang taon lang ang nakakaraan ay nakapag-asawa ng isang biyudong pulitiko mula sa Northern Mindanao. Si Ponyang kasi ang mahilig sa mga tsismis at di niya maiwasang masagap minsan dahil sa kadaldalan nito.

“Oo nga. Parang ngayon lang namin siya nakita,” anang asawa nitong kongresista.

“Sir, Ma’am, my girlfriend, Maria Makiling Rubella,” pakilala ni Benedikt sa kanya at tinapik ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. “Of course, you know Congressman Laudencio and his lovely wife.”

Kinamayan niya ang dalawa. “It is a pleasure to meet you,” she uttered in dulcet tones; mga aral na tonong itinuro sa kanya ni Santina.

Mukhang parang pagbibisikleta lang. Di rin naman niya basta-basta makakalimutan ang mga bagay na itinanim sa kanya sa loob ng ilang taon. Social skills that Santina ingrained in her. Mistulang batas iyon na dapat niyang tandaan para mapasaya niya ito. Kusa na lang lumalabas sa kanya kahit pa nga kinakalawang na iyon.

“How about the governor’s daughter from Siquijor?” tanong ng kongresista na parang mas interesado pa sa love life ni Benedikt kaysa sa asawa nito. “May usap-usapan na ikakasal na kayo.”

Nanigas ang likod ni Maki. Alam naman niyang posibleng mai-bring up si Hannah sa usapan. Ilang beses na iyon. Di na yata siya masasanay. At kailangan talagang sa harap pa niya laging sabihin ang tungkol sa ibang babae. How tasteless.

“Hannah is a good friend,” naisagot lang ni Benedikt.

“And the Rubellas are…” anang si Mrs. Laudencio na bahagya pang tumaas ang kilay. Animo’y inuuri siya lalo na’t di naman nito alam ang pinagmulan niya.

“Her family used to own several hotels and resorts in the country until they decided to move out of the city. Ngayon ay naka-focus na lang ang father niya sa paglalaro sa stock market. And Maki is a music teacher,” paliwanag ni Benedikt sa background niya. Di niya alam kung ano ang financial status ng ama niya. She didn’t bother asking. Ang alam kasi niya ay mas simple lang ang buhay nito sa ibang bansa.

“I see,” anang matandang babae at tumango. “I just didn’t expect that you will go for the quiet, music teacher type.”

“Well, she is exactly my type. If you will excuse us,” anang si Benedikt at iginiya siya palayo. “Let’s dance.”

Nakahinga siya nang maluwag nang sila na lang ni Benedikt at di na niya kailangan pang kumausap ng ibang tao. It was a bit tiring hearing the same thing over and over again.

“I am sorry about that. Pati si Hannah isinali nila sa usapan,” anang si Benedikt nang hapitin ang baywang niya palapit sa kanya.

Humilig na lang siya sa balikat nito at ipinikit ang mata. Parang gusto na lang niyang magpahinga. “Okay lang. Naiintindihan ko naman. Natural lang siguro na i-assume nila iyon. Saka hindi naman nila ako kilala. Marami nang nagbago.”

Karamihan ng pinakilala sa kanya ni Benedikt ay mga noveau rich. Mga taong ngayon lang nagkapera. The Rubellas came from old money. Hindi sa minamaliit niya ang mga bagong yaman at bago lang sa sirkulo na iyon. Ang pera ay pera. Sabagay kahit pa naman dati ay di na siya komportable sa mga parties na ganoon. Tino-tolerate lang niya dahil kailangan. Gaya ngayon. Kailangan niyang i-present ang sarili nang maayos para kay Benedikt. But she just yearned for this moment that she didn’t have to please anybody. Just the two of them.

Biglang umalis ang tugtog at inangat niya ang ulo sa balikat ni Benedikt. Kumislap ang mata nito dahil pumailanlang ang Can’t Take My Eyes Off You. “Do you still remember how to dance swing?”

“Of course.” Benedikt taught her how to dance that one.

Humakbang siya palayo dito at hinawakan ang dalawang kamay nito pero mabuway ang tayo niya dahil sa high heeled pumps niya. Muntik na siyang matumba kundi lang nasapo ni Benedikt ang baywang niya. “Hey!”

Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pangangawit ng paa at binti niya dahil sa mataas na takong. “H-Hindi yata okay ipangsayaw itong sapatos ko. Hindi pa ako sanay.”

Nakakunot ang noong tiningnan ni Benedikt ang paa niya. “Why are you wearing that? Hindi ba binilhan na kita ng sandals na hindi mataas?”

“Sabi kasi ni Tita Teresina mas bagay daw itong Christian Louboutin niya sa gown ko kaysa sa sandals na binili mo.”

Pumalatak ang binata. “Paano iyan? Nahihirapan ka naman.”

“Okay lang ako. Umupo na lang siguro tayo. Napagod lang ako,” sabi niya.

“I will carry you.”

Akmang yuyuko na ito para buhatin siya pero pinigilan niya ang balikat nito. “No! Hindi mo ako pwedeng buhatin dito.”

“Pero masakit ang paa mo.”

“Nakakahiya sa mga tao. Alalayan mo na lang ako. Kaya ko namang maglakad.”

Bumuntong-hininga ito at sa huli ay napilitan din siyang sundin. Mahigpit ang hawak niya sa braso nito habang naglalakad sila. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang mesa nila sa dance floor. Ikinuha siya ng juice at fruit salad ni Benedikt. Tinanggal niya ang sapatos niya sa ilalim ng mesa at saka lang siya nakahinga ng maluwag.

“Gusto mo bang bumalik sa suite para magpahinga?” tanong ni Benedikt.

Umiling siya. “No. Okay lang naman ako. Hindi naman ako pwedeng mawala dahil mahigit isang oras pa lang tayo dito. Saka nag-e-enjoy naman ako.”

Mataman siya nitong tinitigan at di pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. “Sabi ko naman sa iyo ayokong pahihirapan mo ang sarili mo sa matataas ang takong. Kakausapin ko si Mama tungkol dito.”

Tinapik nito ang kamay. “I am fine. Really. Masasanay din ako. Saka dati naman akong nagsusuot ng ganito. Huwag mo na akong alalahanin. Magpapahinga lang ako.”

Ayaw na lang niyang sabihin dito na gusto niyang maging perpekto para dito. Baka isipin nito na ang nanay nito ang nagdiin sa kanya ng ideya. Ayaw na niyang magkaroon pa ito ng problema sa kay Teresina. Gusto nga niya na makuha ang loob ng babae.

Maya maya pa ay lumapit sa kanila si Teresina. “Are you enjoying the party, love birds?” malambing na tanong nito. “Hija, parang di ka yata nag-e-enjoy.”

“N-No. Nag-e-enjoy po ako, Tita. And congratulations on your new line of perfume.”

“Thank you.” Tinapik nito ang balikat ni Benedikt. “Hijo, hinahanap ka ni Senator Aquilino. Nalaman niya ang tungkol sa plano mong tumulong sa rehabilitation ng mga eskuwelahan sa Bohol. Interesado siya sa earthquake-proof mong school building. Puntahan mo na siya ngayon dahil sandali lang daw siya dito sa party.”

Nagniningning ang mga mata ni Teresina. Magandang opportunity nga naman iyon.

“Susunod po ako, Mama. Si Maki po masakit ang paa.”

Di itinago ni Teresina ang pagkadismaya. “We don’t have much time. Sayang ang ganitong mga pagkakataon, hijo. You know how important time is.”

At sa tono ni Teresina, she was holding back Benedikt. Nakakasagabal siya sa mga pangarap ng binata, just because she couldn’t keep up. Just because she couldn’t carry a four-inch Christian Louboutin pumps.

Pilit siyang ngumiti sa binata. “Benedikt, iwan mo na muna ako dito. I am fine. Puntahan mo na si Senator Aquilino.”

“Sigurado ka na okay ka lang mag-isa dito? Dito ka pa rin kapag binalikan ko?”

“Of course. I am not going anywhere.”

Sa huli ay tumango din ito at kinintalan siya ng halik sa noo. “Wait for me.”

Nang maiwan na mag-isa si Maki ay inaliw na lang niya ang sarili niya sa makikinang na bagay at tao na nakikita niya sa paligid, but she had failed entertaining herself in the end. Nakadama siya ng kahungkagan nang mawala na si Benedikt sa tabi niya. Pakiramdam niya ay wala na siyang silbi doon. Isa lang siya sa makikinang na dekorasyon sa paligid. She had that same hollow feeling before when attending parties like these. At sa pagkakataong ito, mas naramdaman niya na parang invisible siya. She was insignificant. Sa lahat ng halakhakan at kasiyahan sa paligid niya ay parang nag-iisa lang siya.

“Maki? Maki Rubella, is that you?”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.