Chapter YSMM 121

“Yes,” aniya at nilingon ang nagtanong. Tatlong kababaihan ang nasa gilid ni Maki. “Hello, Kat, Trina and Marsha.”

All of them were dressed in style, glittering in their fancy jewelries. Their faces were artfully done. Meaning, they looked so different from their old faces after they had theirs done under the surgeon’s hands. Di nalalayo ang edad niya sa mga ito pero pakiramdam niya ay nasa matron level na ang mga ito. At noong panahon niya, they were the most popular debutantes with boys flocking around them.

Tumili ang mga ito at niyakap siya na parang matagal na silang magkakaibigan matalik bago siya nahiwalay sa mga ito. Iyon ang pinakamainit na pagbati na natanggap niya sa gabing iyon. Sa wakas kasi ay may nakaalala na sa kanya. Hindi lang siya isang estranghero sa lugar na iyon. Tinanggap niya ang pagsalubong ng mga ito kahit pa nga hindi naman siya gaanong malapit sa mga ito noon.

“I am so glad you still remembered us,” anang si Kat. “Akala ko talaga hindi mo na kami maalala lalo na’t matagal kang nawala. How are you?”

“I am great,” aniya at ininom ang juice.

“Where have you been?” nanlalaki ang matang tanong ni Marsha na parang amaze na amaze sa kanya at umupo sa tabi niya. “I mean, matapos kang hindi sumipot sa kasal ninyo ni Benedikt, you were nowhere to be found. Did you go to Europe or US perhaps? Did you elope with another man?”

“N-No,” aniya at pagak na tumawa. “I just did a little soul searching.”

“A little soul searching? Ano pa bang aayawan mo? You are an heiress and you had Benedikt Valenciaga as your groom? Stupid if you will ask me,” anang si Trina at kumuha ng champagne mula sa dumadaang waiter. “Married? Nakapag-asawa ka ba ng billionaire sheikh? Did he seclude you in his secret hideaway in the middle of the scorching desert?”

“No,” kaswal niyang sagot. “I am a music teacher in Isla La Reina. Doon kami nagkita ulit ni Benedikt. Now I am here.” She couldn’t say she was back. Hindi niya alam kung bakit.

Natigagal si Kat at hinawakan ang braso ni Marsha. “Isla La Reina, you mean where La Reina Resort and Spa is?”

May hinagilap ang paningin ng tatlo hanggang tumigil ang mga mata ni Trina sa isang direksyon. “You mean Isla La Reina with Hannah Marasigan as the princess?” tanong nito at itinuro si Hannah na nakatayo sa tabi ni Benedikt. “What an unlucky girl. You stole the Prince Charming right under her nose.”

“And looks like she is not yet over him.” Bumaling sa kanya si Kat. “You know Hannah Marasigan, do you? Hindi ka ba nagseselos sa kanya? Looks like she’s trying to work on her charms on Benedikt.”

Nagkibit-balikat lang siya. Alam na niyang strategy na ng mga ito na maghanap ng bagong mapagtsi-tsismisan o kaya ay gumawa ng gulo. She didn’t want to take the bait. Isa pa, alam naman niyang hindi papatulan ni Benedikt si Hannah kahit pa maghubad ang babae sa harap nito. “They are just friends according to Benedikt. And Hannah is a nice girl. Nakatulong siya sa mga batang hawak ko sa children’s choir. She even allowed them to perform in her resort. Kaya naman sumikat ang mga bata.”

“Children’s choir from that poor elementary school?” nakataas ang kilay na tanong ni Trina. “Akala ko ba may sarili kang music school.”

“No. I am a teacher at La Reina Central Elementary School. At the same time, may music bar din kami ng mother ko sa beach front. I help her manage it sometimes.”

Natigagal ang tatlo. “T-That’s it? Iyon lang ang ginawa mo sa buong panahong nawala ka? You mean you teach in an elementary school and manage a…”

“I heard that La Reina Resort and Spa has the classiest music bar in that boring island.” Tumirik ang mga mata ni Marsha. “So… your music bar must be dumpy… I mean, on the exotic side.”

“Yeah,” sabi lang niya at napilitang um-order ulit ng juice sa waiter para may rason siya para iiwas ang tingin sa tatlo. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya matatagalan ang pagmumukha ng mga ito. They were as plastic as their faces.

Ngayong nalaman na ng mga ito ang totoong background niya, lumabas din ang tunay na kulay ng mga ito. Now that they found her weak spot, they won’t stop hammering her about her humble life. Mas gusto pa niya ang mga estrangherong nagtataas ng kilay sa kanya tungkol sa kung saan siya napulot ni Benedikt kaysa sa mga dati namang kakilala na ang gusto lang ay iparamdam na mas mataas ang mga ito sa kanya.

“You want some champagne, honey?” tanong ni Trina. “Hindi dapat juice ang iniinom mo. Poor you. I am sure, matagal ka nang di nakakatikim ng ganyan kamahal na champagne.”

“Thanks for the concern,” aniya at pinili pa rin ang orange juice. “Pero ang totoo sawa na ako sa champagne kahit dati pa. And I have a happy life. Mababait ang mga tao sa La Reina. I enjoyed my quiet life there.”

“You don’t have to be modest. You must be bored to death there,” anang si Marsha. “Soul searching is such a waste of time. See? Nang makita mo tuloy si Benedikt ulit, hindi mo na pinalampas ang pagkakataon mo para makabalik sa dati mong buhay. I am sure nakakapagod na maging mahirap.”

“I managed just fine. As a matter of fact, mukhang nag-e-enjoy na din si Papa sa simple niyang buhay. You know, he can always afford to go back to his exciting life but he decided to be my mother’s slave instead. And he is very happy. Minsan ganoon talaga. May mga bagay na nagpapasaya sa iyo pero di nabibili ng pera. How about you? Kwentuhan naman ninyo ako. Have you found happiness that money can’t buy?”

Nalukot ang mukha ang tatlo. She highly doubted they could answer her question. Oras na hubarin ang mga materyal na bagay na nagdudulot ng halakhak sa mga ito, there might be not much left inside them but a hollow inside their hearts.

“I wish we could catch up some more but we have to make some rounds,” anang si Marsha at nauna nang tumayo.

“It is nice to see you again,” wika naman ni Trina at humalik sa pisngi niya.

“Keep in touch. You can find us on Twitter and IG naman,” wika ni Kat sa maarteng boses. “Ciao!”

Nakangiti siyang tumango pero naglaho din ang ngiti sa labi niya nang malungkot na tiningnan ang paglayo ng tatlo. They would never understand her reason for leaving then. Not in a million years. Alam niyang may kanya-kanya ding problema at eskandalo ang pamilya ng mga ito. Mas pinili ng mga ito na mabuhay sa pagkukunwari. Na parang pagtakpan ng karangyaan ang lahat ng kahungkagan sa puso ng isang tao. Hindi siya ganoon. Siguro ay may mga taong mas gustong huwag na lang halungkatin ang laman ng puso ng mga ito dahil nakakatakot nga naman ang daang tatahakin mo para tuklasin ang tunay na nagpapasaya sa iyo. It was quite a battle.

At nakipaglaban siya. Alam niyang tama lang ang desisyon niya noon. Masaya siya na nakawala siya sa mundong ito noon. Nalaman niya kung ano talaga ang importante sa kanya.

Maya maya pa ay bumalik na si Benedikt sa tabi niya. “I am sorry. Medyo natagalan ang meeting with Senator Aquilino and… Governor Marasigan came.”

“With his daughter,” dugtong agad niya. “Nakita ko.”

Ginagap ng binata ang kamay niya. “It was all business, you know. At kung ako ang masusunod, ayokong umalis sa tabi mo. Right now, how I wish we are someplace else. Just the two of us where nobody would bother us.”

“I want that, too.”

Tinitigan siya nito sa mga nag-aapoy na mga mata. She could actually feel the heat of his gaze touching her skin. Bumuka ang bibig niya na parang sumasagap ng hangin. Ilang araw silang nagkalayo ni Benedikt. Ngayon lang sila nagkasama pero di pa rin sila mapag-isa dahil sa dami ng kailangang gawing paghahanda sa party. She was looking forward to the moment.

Naantala ang paglalambingan nila nang lumapit sa kanila ang assistant ni Teresina na si Luli. “Sir Benedikt, ipinapatawag po kayo ni Madam sa table nila. Kailangan daw niya nila kayo para sa pictorial kasama si Ma’am Maki.”

“Susunod na kami. Salamat.” Bumaling ito sa kanya. “Are you ready? Nakapagpahinga ka na ba?”

“Yes. I am good to go.” Maganda naman ang mood niya dahil di iyon nasira ng tatlong bruha sa table niya kanina. “Just me a minute and…”

Kinapa niya sa paanan ang mga sapatos na hinubad niya kanina. Bakit di niya makapa? Dali-daling sinilip ang ilalim ng mesa para mas mabilis niyang makuha ang sapatos. Namutla siya nang makitang walang kahit anong sapatos sa ilalim ng mesa. Tiningnan niya ang ilalim ng mga upuan dahil baka doon napunta pero wala rin.

“Maki, what’s wrong?” tanong ni Benedikt.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “Nawawala ang sapatos.”

“What?”

“H-Hinubad ko lang sandali kanina kasi masakit ang paa ko. D-Dito lang naman iyon, eh,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

“Nandiyan lang iyan. Hahanapin ko,” sabi ni Benedikt at naghanap sa palibot ng lamesa. Pati si Luli ay nakihanap na rin sa ibang lamesa. Mabuti na lang at bakante ang ibang mesa sa paligid nila dahil abala ang iba sa program.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.