Chapter YSMM 122

Mangiyak-ngiyak na siya dahil hindi naman sa kanya ang sapatos. Pero saan naman pupunta ang mga sapatos na iyon? Di naman pwedeng naglakad na mag-isa.

“Benedikt, what is taking you so long?” may angil na tanong ni Teresina nang lumapit sa kanila kasama si Hannah. “We need you for the photo op.”

“Hinahanap po namin ang sapatos ni Maki. Nawawala kasi.”

Ngayon naman ay ang ina ni Benedikt ang namutla. “The Louboutins? Benedikt, huwag kang nagbibiro ng ganyan.”

“S-Sorry po, Tita. K-Kasi po tinanggal ko lang s-sandali. I mean…”

Yumuko siya at tiningnan ang walang sapin na paa. Of course. Isang malaking kahihiyan na doon pa naghahanapan ng sapatos na suot niya. And the Christian Louboutin pumps at that. Ang masakit pa doon ay hindi naman siya ang may-ari ng sapatos.

“I guess you have to walk barefoot then,” sabi ni Hannah at ngumisi. She was enjoying this debacle. Ang kahihiyan niya ay kaligayahan nito.

“No way! Wala tayo sa bundok!” angil ni Teresina.

“Baka naman hindi talaga sanay si Maki na magsuot ng Christian Louboutin,” mapanuyang sabi ni Marsha. “All those years in the island, she was used to walking barefoot like a cavegirl, maybe.”

“Or the shoes ran away because she’s not classy enough to wear one,” Kat’s snide remarks.

Pinagtitinginan na siya ng mga tao. A liability. That was what she was. Sa halip na maganda ang mabuo niyang imahe sa publiko bilang nobya ni Benedikt, napasama pa dahil sino ba namang maayos na babae ang mawawalan ng sapatos sa gitna ng isang importanteng party. Napakalaking kahihiyan nito base na rin sa namumulang mukha ni Teresina. Hindi na nga niya maiangat ang tingin dahil sa sobrang kahihiyan.

“If that’s the case, then I guess we have no other choice,” sabi ni Benedikt. Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang siya nitong buhatin.

Nanlaki ang mata niya at basta na lang siyang buhatin ng binata. Napayakap siya agad sa leeg nito nito. “Benedikt, what are you doing?”

“You got sexy feet. How can I resist you?” tanong nito at pabirong kinagat ang tainga niya. She felt a shot of electricity flowed through her veins. Alam niyang sinasagip lang siya nito mula sa kahihiyan. But she couldn’t help but feel aroused by the act. “Ma, I am afraid we have to go.”

“Benedikt, you can’t make a scene here. A-And… kailangan ka pa dito. We have so many guests…”

“That I am sure you and your good friends can take care of, Mama. It is your new perfume’s fault. It is driving me insane, so how can I resist my girlfriend now?”

Walang nagawa si Teresina nang ilabas siya ni Benedikt ng ballroom. Hinabol sila ng kislap ng camera at palakpakan ng mga tao. Nagkasya na lang siya habang nakasubsob ang mukha sa lapel ng suit ni Benedikt. Di niya maiwasang mangiti. The whole thing was romantic. Sana lang ay sapat na iyon para mapagtakpan ang kapalpakan niya nang gabing iyon.

Pinagtitinginan sila hanggang sa labas ng ballroom lalo na nang kalong pa rin siya ni Benedikt hanggang sa elevator. Nangingiti silang ipinagbukas ng bellboy. Mukha silang bagong kasal na parang di na makapaghintay na masolo ang isa’t isa para sa kanilang honeymoon.

“Benedikt, ibaba mo na ako,” aniya nang makapasok sila sa elevator.

“Nope. I will carry you up to our suite.”

“Ang bigat-bigat ko kaya. Gusto mong mabali ang likod ko?”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Questioning my prowess? Sayang naman kung hindi kita kayang buhatin nang matagal. Trust me on this one.”

And she let him. Pagdating sa pinto ng suite nila ay di pa rin siya nito ibinaba. “The keycard is in the left pocket of my pants. Get it.”

That domineering tone had a sexual edge on it. Marahan niyang inalis ang isang kamay mula sa leeg nito at pinagapang ang kamay papunta sa balikat nito at pababa sa dibdib nito. Benedikt’s breath hitched. Her palm skittered across is taut abdomen. Saka dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa bulsa nito nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.

Nakita niya ang butil-butil na pawis sa noo nito. Hindi iyon dahil sa bigat niya o sa pagod nito sa pagbuhat sa kanya. This act was a torment for him. He was trying to control himself. He had to or he would take her against the wall right away. Another scandal for them and they couldn’t afford that kind of scandal. Baka atakihin sa puso ang nanay nito.

Binuksan niya ang pinto matapos i-slot sa loob ang keycard. Nang makapasok sa suite ay marahan siya nitong ibinaba sa kama. Saka nito ibinagsak ang sarili pahiga sa tabi niya.

“That was quite a scene,” natatawang sabi ng binata.

Di tuloy niya maiwasang humagalpak ng tawa. “Nakakahiya talaga ang nangyari. Nawala ang Christian Louboutin pumps. Tapos nakayapak pa ako sa party. And what an exit we’ve made.” Subalit nawala agad ang ngiti sa labi niya nang maalala ang mamumulang mukha ni Teresina dahil sa inis sa kanya. “A-Anong gagawin ko? Tiyak na galit na galit si Teresina sa akin dahil sa nangyari.”

“Paano naman siyang magagalit? I am sure pag-uusapan ang Sweet Dreams Perfume matapos kitang ilabas sa ballroom habang buhat kita. I said it was the perfume’s reason why I cant resist you. I am sure magiging mabenta ang perfume nila.”

“But I lost her shoes,” paliwanag niya dito. “Ipinagkatiwala niya iyon sa akin.”

“Papalitan natin. I sure as hell can afford those.”

Bumuntong-hininga siya. “Benedikt, hindi pero ang pinag-uusapan dito. Ipinahiram niya sa akin ang sapatos. Ipinagkatiwala niya sa akin at hindi ko iningatan. Hindi na maibabalik ang nawalang tiwala.”

Hindi na nga pabor sa kanya si Teresina sa laki ng kasalanan niya dito, lalo pa niyang sisirain ang pangalan niya dahil sa sapatos lang. Malaking bagay iyon sa kanya kung maibabalik. Kundi niya ito maaayos, lalo lang mahihirapan si Teresina na tanggapin siya para kay Benedikt.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng binata at gumulong sa kama. Bumangon ito at saka kinuha ang cellphone mula sa bulsa. “Just give me a minute and I will fix it.” May tinawagan ito. “Luli, coordinate with the security of the hotel. Tell them to check the CCTV footages. Gusto kong malaman kung sino ang lumapit sa table ni Maki mula nang iwan ko siya. Gusto kong obserbahan ang kilos niya. Of course, may ibang kumuha ng sapatos. Hindi naman pwedeng tinakbuhan lang siya ng sapatos na iyon.” Napaigik siya nang tumaas ang tono ni Benedikt. Kung may kumuha ng sapatos niya para sadya siyang ipahiya, hinding-hindi nito magugustuhang matikman ang galit ng nobyo niya. “Huwag ninyong hayaan na makalabas ng hotel. At huwag paaalisin hangga’t di ibinabalik ang mga sapatos. Robbery is a serious offense. That is shoes is worth six figures. Nobody can run away with that one.”

At matiim pa rin ang mukha ng binata nang balikan siya sa kama. Humiliga agad siya sa balikat nito. “Sa palagay mo ba talagang may kumuha ng sapatos ko? Ayoko naman ng gulo…”

“Ginusto nila ang gulong iyon. There is hell to pay. Oras na para malaman nila kung sino ang binabangga nila. Nobody messes up with what is mine. And you are mine, Maki. Trabaho ko na protektahan ka.”

“Thank you,” aniya at kinintalan ng halik ang labi nito. Naging maalab at mainit ang halik nito hanggang halos matupok siya. Naramdaman na lang niya na ibinababa nito ang zipper ng gown niya. Umungol siya. “Benedikt, di ka na ba babalik sa party?”

“Nope.” Naramdaman niya ang pagngiti nito sa ibabaw ng labi niya. “We have to prove to the everyone that the perfume’s effect can last for a long, long time.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.