Chapter YSMM 126

Nakita ni Hannah iyon kaya nang magpaalam siya ay matagumpay ang ngiti nito sa labi kahit na siya pa ang kasama ni Benedikt na umalis. Lalo lang bumigat ang dibdib niya dahil doon. Parang mas hirap siyang i-please si Teresina hangga’t nasa paligid ito.

Di niya maiwasang bumuntong-hininga nang nasa sasakyan na lang sila ni Benedikt. “Hey! What is that heavy sigh for? May problema ba?”

Umiling siya. “Wala. Napagod lang ako. Nakakapagod pala na magplano ng party.”

“Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Magpahinga ka na lang. Kaya nga nag-hire si Mama ng professionals dahil sila ang mag-aasikaso ng party.”

“Basta! Gusto ko pa ring makatulong. Birthday mo naman iyon. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa iyo.”

Hindi niya kayang makipag-kompitensiya kay Hannah sa paningin ni Teresina. Pero sa kanya pa rin si Benedikt. Panghahawakan niya ang pagmamahalan nila.

“IT must be lovely having the best of both worlds. You get to stay in the island during weekdays, be that quiet little teacher you wanna be. Then you will go back to Manila for the weekends and spend some time with your beau, joining the best parties and events in the metro. How are you coping so far?”

Ngumiti na lang si Maki sa tanong sa kanya ni Marissa, ang kasosyo ni Teresina sa art gallery at pasimpleng sumimsim ng champagne. Exhibit noon ng ilan sa mga bagong artist sa gallery. Isa na namang nakakapagod na Sabado na sisimulan niya ng pagbiyahe mula sa Isa La Reina patungong Maynila. Paglapag ng eroplano niya ay tumuloy agad siya sa pamimili ng venue para sa birthday ni Benedikt at muli ay naroon na naman si Hannah. Pareho silang nahirapan ng events director dahil sa karereklamo ng mga ito. Sa pagkakataong ito ay pinipili na lang niya ang sasabihin niya. Di na siya masyadong nag-e-effort pero nakakapagod pa rin pala. At ngayon ay di na siya nakatanggi nang dalhin siya sa event na iyon.

“Kapag alam ko po na makakasama ko si Benedikt, wala na akong ibang iniisip pa. Kahit pagod po sa biyahe. I am always looking forward to weekends.”

“Me, too,” sabi ni Benedikt at kinintalan siya ng halik sa noo. “Kapag nalaman ko na magkakasama kami ni Maki kapag weekends, alam ko na kailangan kong ayusin ang trabaho ko sa buong linggo para mas matagal kaming magkasama. Unfortunately, gusto ni Mama na sila muna ang magkasama para sa preparation sa birthday ko. That is pure torment. Minsan nga nate-tempt ako na itakas na lang siya para masolo ko siya. Napaparami na po kasi ang kaagaw ko sa kanya ngayon.”

“You mean me?” tanong ni Marissa at humalakhak. “Hindi mo naman kasi masisisi ang mga tao kung interesado silang makilala ang girlfriend mo. She’s a hot item nowadays specially after you carried her off while barefoot. At gusto nilang malaman kung bakit mas pinili niyang maging simpleng teacher lang sa isang isla at iniwan ang pagiging heredera niya.”

Nanigas ang buong katawan niya dahil hanggang ngayon ay marami pa ring nagtatanong kung nabagok daw siya nang iwan niya si Benedikt at marangyang buhay na nakasanayan niya para maging isang payak na guro sa isang liblib na isla. Sekreto na ang mga bagay na iyon na wala siyang planong i-discuss sa publiko. Kahit ang tungkol sa relasyon nila ni Benedikt ay di siya nagga-grant ng interviews. Gusto pa rin niyang manatili na pribadong tao. Hanggang ngayon nga ay di pa rin siya sanay na kinukuhanan ng picture.

Pinisil ni Benedikt ang balikat niya. Alam naman nito na di siya masyadong komportable na pag-usapan ang tungkol sa buhay ng pamilya niya sa harap ng ibang tao. She didn’t owe them any explanation. “Hindi naman na nila kailangang malaman ang ibang kwento. Ang mahalaga ay magkasama ulit kami ni Maki ngayon.”

Sinapo ni Marissa ang pisngi. “Ah! How romantic! Isipin mo nagkita ulit kayo sa isla matapos ang mahabang panahon. Muntik kayong mamatay habang magkasama sa gumuhong kuweba at sa huli ay kayo pa rin ang para sa isa’t isa. Ibig bang sabihin ay dito na lilipat si Maki at aalis na siya sa isla para magkasama kayo?”

“No! I love the island and I don’t think I could easily leave my job. Gusto ko ang simpleng buhay sa isla.”

Nagimbal si Marissa. “Paano kayo ni Benedikt? Hindi naman pwedeng magkalayo kayong dalawa. As if you have two separate lives. Benedikt is back in your life now. You have no reason to stay in a backward island.”

Bumuka ang bibig niya para sagutin ang sinabi ng matandang babae. Gusto niyang sabihin dito na marami siyang dahilan para manatili sa Isla La Reina at si Benedikt lang ang nag-iisang dahilan kung bakit siya nasa Manila at napipilitang makihalubilo sa alta sociedad kahit na madalas ay hindi siya makahinga.

Natigilan si Maki nang pisilin ulit ni Benedikt ang balikat niya. Ibig sabihin ay huwag na siyang magsalita. “It is still in the middle of school year. Hindi niya pwedeng iwan ang trabahong mahal niya para sa akin. Hindi ko rin gustong gawin iyon ni Maki. Pag-uusapan namin ni Maki kung anong gagawin niya pagkatapos ng school year na ito. Sa ngayon ay kailangan muna naming magsakripisyo. Magpapa-miss muna kami sa isa’t isa.”

“Well, kayo na ang bahala. If you will excuse me, I will just mingle with the other guests. Alam ko naman na kanina pa ninyo gustong mapag-isa,” sabi ni Marissa at iniwan sila.

“Sa wakas, gusto ko talagang mapag-isa tayo,” anang si Maki na may mapang-akit na ngiti sa labi. Hinawakan nito ang siko niya at niyaya siya sa balkonahe.

“Benedikt, I am sorry. H-Hindi ako nag-iisip bago magsalita,” sabi niya at yumakap sa baywang nito. “Gusto ko lang talaga ang buhay sa Isla La Reina dahil nasanay na ako doon. I mean, di ko naisip na lalabas na parang mas importante ka sa trabaho ko. Na parang ayokong makasama ka. You know that is not true. It’s just frustrating that some people look down to my job as if it was worthless. Teacher ako. I love my job, my students and I love my simple life in La Reina.”

“Alam ko naman iyon. Pagpasensiyahan mo na lang ang ibang mga tao. Hindi talaga nila basta-basta maiintindihan. You don’t have to apologize. Okay?”

“Thanks for not pressuring me about leaving my job either.”

Bumuntong-hininga ang binata. “Kung ako ang masusunod, gusto ko na magkasama tayo dito lagi. Gusto kong mag-resign ka na sa trabaho mo at lumipat dito.”

“Benedikt!” bulalas niya.

“But I won’t do that. Hindi ako ganoon ka-selfish. Alam ko na malaking bahagi ng pagkatao mo ang trabaho mo. If you want to quit your job and transfer here, that will be your decision. Basta nandito lang naman ako at maghihintay sa iyo kung kailan talaga tayo magkakasama nang mas matagal.”

“Ayyy! Ang sweet naman ng boyfriend ko.” Kinintalan niya ng halik ang baba nito. “I must have done something right in my life to deserve someone like you. Mantakin mo may boyfriend ako na guwapo, mabait, maalalahanin, maunawain, mabait at malaki ang puso.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Iyon lang ang masasabi mo kaya ako maswerte?”

“Bakit? Ano pa bang kailangan kong idugtong?”

“That I am a great kisser and a great lover...”

Bigla niyang tinakpan ng bibig nito at luminga sa paligid kahit na silang dalawa lang ang nasa balkonahe. “Baka may makarinig sa atin.”

Inalis nito ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito. “That I am a great lover?”

“Shhhh!” saway niya dito at binigyan ito ng nagbababalang tingin. Malakas na malakas ang kaba ng dibdib niya. “Benedikt naman!”

“Wala namang ibang nakakarinig sa atin. Dalawa lang tayo dito.” Humalakhak lang ito. “I am pretty sure that you are blushing. I am just curious if you are blushing all over your body.” His teasing tone and heated gaze was enough to make her burn. Di pa ito nasiyahan at inilapit ang labi sa tainga niya. “How about we get out of here? Let’s go home. I’ve been dying to spend more time alone with you.”

She had been dying to hear that since… since she laid her eyes on him this morning. Gusto talaga niyang masolo lang ito. Wala siyang pakialam sa event na iyon. Hindi niya gustong kausapin ang ibang tao. She just wanted to be with Benedikt. Alone.

She was about to say yes when she heard Benedikt mother’s voice. “There you are. Kanina pa kita hinahanap, hijo,” sabi ni Teresina at lumapit sa kanila ng binata. “Dumating na si Hannah kasama ang papa niya at ang ninong niya na galing sa States. Siya ang sinasabi ni Hannah noong isang linggo na gustong magpatayo ng surfing resort sa Sarangani at makakasosyo pa si Manny Pacquiao. Gusto ka daw nilang makausap.”

Naglaro ang pag-aalinlangan sa anyo ng binata. Mukhang gusto na talaga nitong umalis. Hinawakan ni Benedikt ang braso niya. “Okay lang ba sa iyo na kausapin muna sila?”

Hindi siya komportable na makaharap pati si Governor Marasigan. Mainit pa rin iyon sa kanya. Baka mamaya ay sumama pa ang pag-uusap ng mga ito kapag naroon siya.

“You go ahead, Benedikt. Ako ang bahala sa girlfriend mo,” sabi ni Teresina sa masayang boses.

“Magiging okay ka lang ba?” paniniyak ni Benedikt.

“Of course. You go ahead. Hihintayin kita dito.”

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I will be back.”

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.