“Yes. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko ang nangyari sa Bohol. Wala na kaming kamag-anak ng asawa ko sa Bohol dahil nasa abroad na sila pero doon kami ipinanganak at lumaki. We have so many good memories there,” anang si Teresina kay Maki nang bumalik sila sa party. Kausap nila ang isa sa mga artist na nag-exhibit at sinabi nito ang interes nito tungkol sa ruins ng Bohol na plano nitong dalawin. Gusto daw nitong i-feature ang ganda ng Bohol sa kabila ng damage mula sa lindol.
Lumilipad ang paningin niya sa direksyon ni Benedikt na masayang kausap ang grupo nila Hannah. How she longed to be at her boyfriend's side. Na kahit negosyo pa ang pinag-uusapan ng mga ito ay gusto niyang nasa tabi siya ng nobyo habang tsina-charm nito ang mga potential investors at clients.
Pero nakakangitngit na kung titingnan sina Benedikt at Hannah ay parang ang mga ito ang magnobyo at hindi sila. Na ito ang nasa tabi ng binata para suportahan ito sa mga business endeavors nito. While she… she had nothing to give him except love. Dapat ba siyang mag-alala doon?
“They really look good together,” narinig niyang usal ni Teresina.
“May sinasabi po kayo, Tita?” tanong niya. Saka lang niya muling napansin ang paligid niya. Wala na pala ang artist na kausap nila kanina. Kausap na nito ang isang kliyente at hindi man lang niya napuna.
Tumango si Teresina sa direksyon ng grupo nila Governor Marasigan. “Those two - Hannah and Benedikt - they look good together. And Hannah is a great asset to my son. Malaki ang naitutulong niya sa pagpapalawak ng network ni Benedikt. A resort with the People’s Champ is a big deal. At maaasahan ko si Hannah sa maraming bagay. She had no qualms about hosting parties. She enjoys it. She loves charming people. Kaya kung si Hannah ang mapapakasalan ni Benedikt, hindi ko na kailangang alalahanin ang anak ko.”
Mahigpit niyang hinawakan ang kopita ng champagne. Hindi niya alam kung papatulan niya ang sinabi ni Teresina. She was emotionally tired spending the whole day with Teresina and Hannah. Tuwing kasama niya ang mga ito ay parang pababa nang pababa ang self-esteem niya. They made her feel that way.
Sinasarili na lang niya dahil ayaw niyang magkaroon sila ng conflict ni Benedikt. Iniisip kasi niya na kung anuman ang disgust ni Teresina sa kanya ay di naman nito tahasang sasabihin sa kanya. Na kaya pa rin siya nito isinasama dahil gusto siya nitong bigyan ng pagkakataon para ipakitang karapat-dapat pa rin siya kay Benedikt.
Para saan pa pala ang pagpunta niya doon kung sa huli ay sasabihin nito na ibang babae ang gusto nito para kay Benedikt. Ibig bang sabihin ay pinapunta lang siya nito doon para isampal sa kanya kung gaano kalayo ang agwat nila ni Hannah sa isa’t isa? Na kahit anong gawin niya, she would never be good enough in her eyes.
Gusto pa sana niyang magtimpi. But it was suddenly too much. Way too much. Sa huli ay naputol din ang pisi niya.
Mariing nagdikit ang mga labi niya at saka niya tinungga ang champagne. “Tita, alam ko po na ayaw ninyo sa akin para kay Benedikt. But your son loves me. Ako po ang pinili niya.”
Ngumiti lang ito na parang di alintana kung tensiyonado man ang boses niya. She was enjoying her discomfort. “I know,” kaswal nitong sabi. Matamis ang ngiti sa labi nito ngunit may talim sa mga mata. As if she was about to sink her fangs and poison into her system very soon. “Pero hindi ko rin makakalimutan kung paano mong sinira ang pamilya ko at kinaladkad kami sa kahihiyan. Kung paanong nawala ang asawa ko dahil sa iyo. Sinabi ko naman sa iyo noon na mas gugustuhin ko pang mapunta ang anak ko sa babaeng hindi niya mahal kaysa sa mahal nga siya pero iiwan din siya sa huli at sisirain ang buhay niya.”
Mariin siyang pumikit. Mukhang malabo na talaga siya nitong patawarin sa desisyon niya noon. “Sinusubukan ko naman pong gawin ang lahat para ipakita sa inyo na hindi ko na gagawin iyon. Iba na ako…”
“No. Hindi ka mag-iiba sa paningin ko. You may be an heiress still but you are not at par with Hannah’s league. Makikita mo naman kung gaano siya kalaking asset para kay Benedikt. Paano naman kung ikaw ang ihaharap ng anak ko sa mga kliyente? Who are you anyway? A runaway heiress. Sa loob ng ilang taon ay nakatira ka lang sa isang isla bilang ordinaryong music teacher. Oh! Of course, dahil na rin sa pagiging environment activist ninyong mag-ina ay na-disrupt din ang maganda sanang negosyo para sa kompanya ng anak ko.”
“Ibig sabihin mas gugustuhin pa ninyo si Hannah na may hinala ng katiwalian ang ama kaysa sa akin na mas maayos na nagsisilbi sa bayan?” tanong niya sa nanginginig na boses. Ini-imagine niya kung anong klaseng moral ng mga tao na hahayaan nito na mapasok sa pamilya nito. Kahit ba mula sa pamilya ng mga tiwali at ginagamit ang impluwensiya at kapangyarihan na manghuthot sa mahihirap ay mas tanggap pa nito kaysa sa gaya niya na nagsisikap at ginawa ang lahat para mabuhay nang marangal?
Nagkibit-balikat ito. “Well, mukha bang apektado si Governor Marasigan o si Hannah ng sinasabing isyu ng katiwalian? Kahit na hindi nagpu-push through ang airport sa La Reina, may mga naipapasok pa rin si Hannah na projects sa kompanya dahil sa mga koneksyon niya. How about you? Paano ka magiging asset sa anak ko, Maki? You are nothing but a liability. Anong magiging tingin ng ibang tao sa anak ko? You left him but in the end he decided to come back to a woman who couldn’t fulfill her commitment and face her responsibilities. And that would make my son stupid in the eyes of everyone. Kahit sinong babae basta huwag lang ikaw.”
A liability. Isang kasiraan kay Benedikt. Kahit sinong babae, kahit na mula pa sa di maayos na pamilya basta huwag lang siya? Parang sinampal ang buong pagkatao ni Maki. Marami siyang isinakripisyo para lang makuha ang pagkatao niya at taas-noo na makakaharap sa lahat kahit pa mahirap ang kabuhayan niya basta’t namuhay siya nang marangal at may dignidad. Hindi iyon ang mahalaga kay Teresina. Sa paningin nito at ng ibang tao sa paligid nito ay wala siyang kwenta. Whatever she did, she would amount to nothing.
“G-Gusto ko lang naman po ng tsansa na mahalin si Benedikt. Na ipakita sa inyo na mas matured na ako para i-handle ang relasyon namin. Sa dami ng pinagdaanan namin, gusto ko lang pong maging masaya kami.”
Nagmistulang bato sa tigas ang anyo nito. “Hindi kayo magiging masaya at hindi ako magiging masaya para sa inyo kahit na kalian. Ikaw ang babaeng sumira sa pamilya ko. Nawalan ako ng asawa dahil sa iyo. Nawalan si Benedikt ng ama. Gusto mo bang nawalan din siya ng ina kapag nanatili ka sa buhay niya?”
Nahigit niya ang hininga. It was like emotional blackmail. Na ikamamatay nito kapag siya ang piniling makasama ni Benedikt. “Tita, don’t say that.” Mariin siyang pumikit. “Ginagawa ko naman po ang lahat para i-please kayo. Bakit di ninyo maibigay sa akin ang pagkakataon na iyon?”
Huminga ito ng malalim at ibinigay sa dumadaang waiter ang champagne. “You had your chance, hija. I am just tolerating you for the sake my son.” Her eyes were as hard as diamonds. At parang wala siyang magagawa para palambutin ang loob nito. Nakapagdesisyon na ito. Kahit anong gawin niya ay wala na siyang pag-asa para matanggap nito para kay Benedikt. “At kahibangan ang pagmamahalan ninyo. Overrated. Ako ang ina ni Benedikt. Alam ko ang mabuti para sa kanya. Sa huli ay makikita din naman niya kung ano ang makakabuti para sa kanya.”
Yumuko na lang siya at kinuyom ang palad. Ayaw niyang umiyak sa harap nito. Hindi siya iiyak. Kailangan niyang tanggapin kung ano ang gusto ng ina ni Benedikt. Irerespeto niya iyon. Titiisin na lang niya ang sakit sa ngayon. Kung hindi niya malalampasan ang sakit ngayon, paano na lang kapag tumagal pa ang relasyon nila ni Benedikt?
“Ma, Maki, are you having fun?” tanong ni Benedikt nang bumalik sa tabi niya. Pilit siyang sinilip ni Benedikt nang di pa rin siya gumalaw sa pagkakayuko kahit nang lapitan siya nito. “What’s wrong?”
Umiling lang siya. “Wala. Masakit lang ang ulo ko.”
“Must be the champagne, hijo. She enjoyed a few glasses,” anang si Teresina. Pinalalabas ba nito na masyado siyang nag-enjoy sa alak? Hanggang dalawang kopita nga lang siya ng champagne. How malicious. Gusto ba nitong sirain ang tingin sa kanya ni Benedikt na hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya pagdating sa alak o gusto lang nitong pagtakpan ang pananakit nito sa kanya? “Kumusta ang pag-uusap ninyo nila Hannah?”
“I will tell you about it next time, Mama. I must bring Maki home.” Magaang hinawakan ni Benedikt ang balikat niya. “Let’s go?”
Parang musika sa pandinig niya iyon. She had been dying to hear those words since she arrived at the party. Sawa na siyang magpanggap na masaya. Sawa na siyang magpanggap na okay lang siya. Gusto lang niya na makalayo doon at maipahinga ang puso niya.
Pinalakpakan niya ang sarili nang nakangiti niyang inangat ang mukha at tumingin kay Benedikt. Hindi siya umiyak. Hindi nito nahalata na hindi siya komportable na kasama ang nanay niya. “Okay,” aniya at ginagap ang kamay nito.
Pinanatili din niya ang ngiti kahit nang humalik siya sa pisngi ni Teresina. Pilit siyang ngumiti hanggang batiin ang ibang mga bisita kasama ang grupo ni Hannah at makalabas ng art gallery. Gusto na lang niyang makalayo sa lahat ng tao sa lugar na iyon kung saan parang walang gustong tumanggap sa kanya. Kung saan walang masaya na siya ang nobya ni Benedikt kasama na ang ina ng binata.
Hindi niya alam kung gusto pa niyang tumagal sa mundong iyon. Kung kaya pa niyang magpanggap. Hindi na iyon ang mundong gusto niyang galawan.
“May problema ba? May hindi ba magandang nangyari kanina habang wala ako?” untag ni Benedikt sa kanya.
Inalis niya ang tingin sa bintana ng sasakyan at nilingon ito. “Hmmm?”
Seryoso ang anyo nito habang pinagmamasdan siya. “Napansin ko kasi na seryoso ang pinag-uusapan ninyo kanina. May sinabi ba sa iyo si Mama? Pine-pressure ka ba niya sa kahit na ano? She can be pushy sometimes.”
“No. Wala naman siyang sinasabi na kahit ano,” kaila niya pero di na niya magawang ngumiti. “Sorry. Pagod lang talaga ako.”
“I understand.” Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I love you.”
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya bago humilig sa dibdb ng nobyo at ipinikit ang mga mata. Hindi niya isusuko si Benedikt. Pero ayaw niyang maging parte ng mundo nito.
But how could she keep him without mingling with his friends and colleagues. Kaya pa niyang manatili sa tahimik at simple niyang mundo kung si Benedikt Valenciaga ang lalaking mahal niya?
Alam niya sa puso niya na hindi na siya makakatagal na tapak-tapakan lang ng ina nito at ng mga taong ayaw sa kanya. Hindi niya kasamang makisama at makipagplastikan sa mga ito habambuhay.
Pero paano sila ni Benedikt? Mauunawaan ba nito ang desisyon niya kung mas gugustuhin niyang hindi na maging bahagi pa ng mundo nito?