Makulay ang paligid ni Maki at masaya ang lahat lalo na ang mga bata. Malapit na ang Pasko at sa isang araw na ang Christmas party. Subalit walang naramdaman si Maki kundi pagod at lungkot. Wala siyang nakikitang kulay sa paligid niya. Wala siyang excitement na nararamdaman gaya dati kapag nakakarinig siya ng masasayang awiting Pamasko o nakakakita ng Christmas décor.
Dati ay may oras pa siya para tingnan ang kasiyahan sa paligid niya. Matapos mamili ng regalo para sa mga estudyante at kasamahan niya sa trabaho ay nagmamadali siyang umuwi. Hindi pa siya sinasapian ng Christmas spirit. Parang pagod na pagod siya.
Nang dumating siya ay sinalubong agad siya ni Ponyang. “Ate, ano ba naman ang itsura mo? Para kang zombie. Hindi ka na fresh.”
“Pagod ako,” nasabi lang niya at ibinigay ang pinamili dito. “Ikaw na muna ang magtabi. Magpapahinga lang ako sa kuwarto ko.”
“Ate, may sasabihin pala ako…”
“Mamaya na. Magpapahinga pa ako,” sabi ni Maki at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto niya. Napansin agad niya ang kulay pulang gamosang kuwadradong kahon na nasa ibabaw ibabaw ng kama. Ibinaba niya ang bag at saka dinampot ang kahon. “Ponyang! Saan galing ang kahon na ito?”
“Iyan nga sana ang sasabihin ko sa iyo. Padala po sa iyo, Ate. Kadadating lang kanina.”
“P-Padala? Nasaan ang balot?” Biglang iniwas nito ang tingin sa kanya. “Huwag mong sabihin na pinakialaman mo na naman?”
“Sinilip ko lang at baka may bomba. Mahirap na. Iyon pala puro papel lang ang nasa loob. H-Hindi ko na inalam kung ano ang meron, Ate.”
Iwinaksi niya ang kamay. “Sige. Magluto ka na.”
Wala siya sa mood na makipagtalo dito o manermon kaya nagkulong na lang ulit siya sa kuwarto. Matapos magbihis ng damit at saka niya hinarap ang kahon. Nang buksan niya ay iba’t ibang kulay ang papel na nakatalaksan doon na may sulat-kamay ni Benedikt.
Pumitlag ang dibdib niya nang makilala kung ano ang kahon na iyon. Iyon ang mga sulat ni Benedikt para sa kanya na hindi niya nabasa noon. He kept it to himself. At ngayon ay ipinadala na nito sa kanya.
Dinampot niya ang sulat na nasa asul na stationery na nasa ibabaw. May background iyon ng asul na dagat na may sailboat at may isla na may puno ng niyog.
My fairy, that is what you are. And your name Maria Makiling suits you perfectly. The moment you smiled at me, you took my breath away. And when I heard you sing while we were dancing, it made my knees weak. Hindi pa ako nakaranas nang ganito sa buong buhay ko. And I can’t believe I am writing this letter. Is this a love letter? I don’t know. I’ve never written one. If it is, then it is my first time to write one. Ngayon lang din ako pumunta ng bookstore para bumili ng stationery para lang sulatan ng sulat na iyon.
What’s with you, Maria Makiling Rubella. You must have enchanted me with your beauty and your voice. I think I am falling. I don’t believe in love at first sight but I am starting to change my mind.
Natawa siya nang mabasa iyon habang naluluha. Ngayon lang niya nalaman iyon. Kinuha niya ang pangalawang sulat at binasa.
NAKATITIG si Maki sa kalawakan ng madilim na karagatan at kalangitan. Napakadilim ng gabing iyon. Natatakpan ng madilim na ulap ang buwan. Ni walang bituin na nagpapakita sa langit. At habang nakaupo sa puting buhanginan di kalayuan sa bahay nila Maki ay nakadama siya ng pag-iisa. Parang nag-iisa lang siya sa gitna ng kawalan. Wala siyang naririnig kundi ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Balisa siya nang nagdaang mga araw. Nabasa na niya ang mga sulat ni Benedikt na laman ng kahon. Nabasa niya doon ang lahat ng nararamdaman ni Benedikt sa kanya mula sa simula pa lang. Ang huling sulat nito sa kanya ay ang ipinadala sa kanya ni Patty bago siya magtungong Bohol. Pero isa lang ang kahulugan ng sulat na iyon. Gusto siyang makasama ni Benedikt at kailangan na niyang magdesisyon kung saan patungo ang relasyon nila.
Hindi pa rin niya masagot ang mga tanong. Hindi pa rin niya alam kung saan niya dadalhin ang relasyon nila ni Benedikt. At alam niyang kailangang niyang magdesisyon sa lalong madaling panahon. Sa isang araw na naka-set ang flight niya. Anuman ang maging desisyon niya ay magdidikta sa relasyon nila ni Benedikt.
Kapag hindi siya pumunta, hindi malabong magkaroon na naman ng panibagong tsansa si Hannah na makuha ito. Tama naman ang babae. Ang mga taong desperadang manalo ang mas kayang magtagumpay. Masyado siyang naging kampante na siya ang mahal ni Benedikt.
Naramdaman niya na may nakatayo sa likod niya. “Anak, gabi na. May Christmas party pa ng mga estudyante mo bukas. Magpahinga ka na,” anang ama niyang si Franco.
Saglit lang niya itong nilingon. “Nagpapaantok lang po ako, Papa.”
Nakasuot ito ng simpleng T-shirt na may tatak ng logo at pangalan ng bar nila. Hindi naman na nito kailangang magtrabaho sa bar ng nanay niya dahil in good terms na ang mga ito pero ginagawa daw nito iyon bilang padre de pamilya. Alam niyang planong magtayo ng iba pang negosyo ng mga ito lalo na’t maganda ang laro sa stock market ng mga investment ng ama niya. Parang libangan na lang nito ang pagtulong sa nanay niya.
Umupo ito sa tabi niya. “Iniisip mo ba si Benedikt?”
“Si Benedikt. Ang flight ko sa isang araw. Kung ano ang tamang gawin ko sa relasyon namin.”
Hindi naman kaila sa tatay niya ang kumakalat na picture sa internet kung saan magkasama lagi sina Hannah at ang nobyo niya. Pati na rin ang pagkausap sa kanya ni Hannah sa principal’s office ay kumalat din sa buong baranggay. Nobody dared to ask her about it. Kung anong pinag-usapan nila ni Hannah o kung ayos lang siya.
“Sabi mo naman okay lang kayong dalawa. Kampante ka na ikaw ang mahal niya. Ano pa ang kailangan mong alalahanin doon?”
Nilingon niya ito. “Okay lang po kapag ganito kami. Malayo ako sa mundong ginagalawan niya. Hindi ko kailangang pakiharapan ang mga taong mabait lang sa akin kapag kaharap si Benedikt pero masaya silang durugin ako kapag wala na siya. Hindi ko pwedeng asahan na si Benedikt ang laging lalapit sa akin. Alam ko na kailangan kong makihalubilo sa sirkulong ginagalawan niya pero paano?”
Bumuntong-hininga ito. “Hindi naman kita masisisi. They would gladly feast on the weak ones. Masaya sila na pag-usapan ang buhay ng ibang tao o maiparamdam sa iba na mas mataas sila kaysa sa iba. Kaya nga mas pinili ko ang tahimik na buhay. Alam ko na hindi lahat ng tao na nakakaharap ko at sinasabing kaibigan ko ay totoo sa akin. Akala mo mga kaibigan mo pero hihilahin ka naman pababa.”
Tumango siya. “Mahirap pong labanan ang ganoong mga tao. At kung ako lang ang masusunod, ayoko na pong bumalik sa mundong iyon. They make me feel so little. Pero iyon ang mundo ni Benedikt. May negosyo siya at kailangan niyang pakiharapan ang mga taong iyon. Kailangan niya ng koneksyon at pera nila. At pakiramdam ko wala naman akong maitutulong sa kanya. I am a liability, Papa.”
Ginulo nito ang buhok niya. “Huwag mong sabihin iyan.”
Ikinatang niya ang baba sa ibabaw ng tuhod niya at tahimik na umiyak. “Iyon po ang totoo, Papa. Mababa ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid niya. Pakiramdam nila di tama ang desisyon ni Benedikt na balikan ako. Parang ako pa po ang sisira sa kanya. Nakakababa ng self-esteem. Parang lahat ng pagsisikap ko na buuin ang sarili ko, mamuhay nang alam kong tama ay walang kwenta sa kanila.”
“But Benedikt is a good businessman. Hindi siya basta-bastang babagsak dahil lang sa pinili niyang mahalin. At hindi ka naman masamang tao, anak. Maaring may di magandang nangyari sa pamilya natin pero naniniwala ako na mabuti pa ring tao kaming mga magulang mo. Wala silang masasabing masama sa amin dahil wala naman kaming ginawang mali. Maayos naman kaming naghanap-buhay na di dapat ikahiya.”
“Ibig sabihin sa akin lang talaga sila may problema. Hindi ko kayang gawing katatawanan lang ng ibang tao, Papa. May pride naman ako. Dito sa La Reina mataas ang tingin sa akin ng mga tao. Pero sa mundong iyon, parang wala akong kwenta. Naiintindihan ako ni Benedikt sa ngayon. Pero hanggang kailan? Maraming babaeng nakapaligid sa kanya. Mga babae na pwedeng mas mag-angat sa kompanya niya…”
“Natatakot ka na ipagpalit ka niya sa iba?”
“Hindi po. Natatakot ako na hindi ako ganoon katatag para kay Benedikt. Na baka kahit mahal niya ako, hindi ko kayang manatili sa tabi niya. Hindi kami pwedeng mabuhay sa magkahiwalay na mundo. Nararamdaman niya na parang idinidistansiya ko ang sarili ko sa kanya at sinusukuan ko siya. A-Ayokong malayo din kay Benedikt, Papa. Pero para makasama ko siya, kailangan kong sumabay sa agos ng mundong iyon.”
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. “Nanggaling ka na sa mundong iyon, anak. Alam mo na kung paano sila pakisamahan.”
“Noon iyon. Noong isa pa ako sa kanila. Noong kaya ko pa silang i-tolerate. Iba na po ngayon, Papa. It is an ugly world. Mga pekeng ngiti, pekeng papuri, peke… peke lahat.”
“Hindi lahat, anak. May mga mabubuti at totoong tao pa rin sa mundong iyon.”
“Meron man po sigurong mabubuting tao doon pero baka naimpluwensiyahan na rin ni Tita Teresina. Kahit ano pong gawin ko, ayaw niya sa akin. Napapagod na akong i-please siya. Wala na akong ginawang tama para sa kanya. Alam ko naman po na may pagkakamali ako noon nang iwan ko Benedikt. Malaki ang kasalanan ko. Pero hanggang kailan ko ba kailangang pagbayaran iyon sa kanya?”
“I am sorry that you have to go through this, Maki. Kung may magagawa lang sana ako para pagaanin ang sitwasyon mo. Ayokong makita kang nahihirapan nang ganito.”
“Papa, malaki na po ako. Kaya ko na po ito.”
Ayaw na niyang magmukhang bata na kailangan pang alalahanin ng lahat. Gaya nga ng sinabi ni hindi kailangan ni Benedikt ng isang babaeng kailangan nitong laging protektahan. Kailangan nito ng isang babae na lalaban sa tabi nito. And she wanted to be that woman. She wanted to believe that she was that woman.
“Tatay pa rin ako. Kung may magagawa lang ako para protektahan ka at ipamukha sa mga taong iyon na di ka dapat minamaliit…”
Malungkot niya itong nilingon. “Kahit po anong gawin ko, hindi ko na mababago ang isip nila. I will never be good enough.”