Chapter YSMM 137

“Hindi ako singer. Baka mawalan kayo ng respeto sa akin pagkatapos,” natatawa niyang sabi kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. Kanino bang ideya ang pakantahin siya? Baka mamaya ay may planong pabagsakin ang kompanya at gagamiting weapon ang kahihiyan niya kapag pumalpak siya sa pagkanta.

“Ngayon lang naman ito, Sir. Ipinagtanong namin ang favorite song ninyo. Saka tayo-tayo lang naman dito. Sabi nga ninyo lagi sa amin na isang pamilya lang tayo.”

“Okay,” nausal na lang niya.

“Palakpakan natin si Sir Benedikt,” sabi ng host at iniwan siyang mag-isa sa stage.

Napapikit na lang siya nang tumutok sa kanya ang spotlight. Napausal siya ng dasal. Hindi niya naitanong kung ano sa mga paborito niya ang ipapakanta sa kanya. Ni hindi siya tinanong kung ano ang gusto niyang kantahin.

Nang marinig niya ang unang tatlong nota ng piano ay alam na niya kung ano ang kantang iyon. It was a song he knew by heart and reminded him so much of Maki. Kusang bumuka ang bibig niya para sabayan ang kanta.

“Look into my eyes, you will see what you mean to me. Search a heart, search a soul. When you find me there, you’ll search no more.”

Mas malakas na ang loob niya na harapin ngayon ang lahat ng gustong manakit kay Maki. Poprotektahan niya ito kahit na para sa sarili niyang ina.

He would claim Maki back. At kailangan na niyang magpa-book ng flight. Pinakamaagang flight patungong Cebu. Kung walang available na seats, kahit pa umarkila siya ng chartered plane patungong La Reina. Hindi na niya hihintayin pang lumapit si Maki sa kanya. Siya na ang pupunta dito.

“Don’t tell me, it’s not worth fighting for,” narinig niyang kanta ng boses ng isang babae na kilalang-kilala ng puso niya.

Nanggagaling iyon sa likuran niya at lumingon siya. Unti-unting umakyat ang background na kurtina ng stage at unti-unting nasilayan ang isang itim na grand piano. Nakaupo doon ang isang babae na nakasuot ng peach flowing gown habang tumutugtog ng piano at kumakanta.

Tumingin ang babae sa direksiyon niya nang sa wakas ay dito na tumama ang spotlight. “You know it’s true, everything I do, I’d do it for you.”

Tuluyan nang naglaho ang lahat sa paligid niya. Nakalimutan na rin niya ang lyrics ng kanta. Nakatuon lang ang atensiyon niya sa pinakamagandang babae na nakilala niya sa buong buhay niya. Ang nag-iisang babae na laman ng puso niya.

“Maki.”

PARANG sinuntok sa sikmura si Maki nang sa wakas ay umakyat ang kurtina sa entablado at nahantad siya sa mga tao. She was used to performing on stage. Pero nang marinig niya kanina ang boses ni Benedikt na kumakanta, gusto na niyang hawiin ang kurtina at yakapin na ito sa stage. At ngayong magkasalubong na ang mga mata nila ng nobyo, gusto niyang magalit sa sarili dahil natiis niya ito sa loob ng ilang linggo. And she could also see the longing in his eyes. Miss na miss na rin siya nito. Bakit mas pinairal niya ang pride niya kaysa sa pagmamahal niya dito? Bakit nakalimutan niya na kaya naman niyang isakripisyo ang lahat para lang magkasama sila? Bakit ngayon lang niya na-realize iyon? Sana lang ay hindi pa huli ang lahat. Sana ay bigyan pa rin siya nito ng pagkakataon.

Hindi na nagawang kumanta ni Benedikt dahil nakatigagal na lang ito sa kanya. Nablangko na nang tuluyan ang nobyo niya. Masyado yatang matinding sorpresa ang pagdating niya. How she wished she could abandon the piano and run to him.

Pero ito ang regalo niya kay Benedikt. Hindi niya sisisirain ang lahat ng plano niya sa gabing iyon. Isa pa, ito na rin ang paraan niya para ipakita sa lahat na handa siyang tawirin ang mundo sa pagitan nila ni Benedikt. Na hindi na siya tatakbo sa anumang pagsubok na ibato sa kanya. Siya ang babaeng mananatili sa tabi ni Benedikt. This was her way of telling everyone that she loved him. And she was woman enough for him.

Isinuot din niya ang peach chiffon and charmeuse A-line floor length dress na bigay sa kanya ni Benedikt pati na rin ang Manolo Blahnik shoes na para sa opening ng La Reina. She was dressed up the way Benedikt wanted to see her. All beautiful, classy and proud.

Dahil nablangko na si Benedikt at hindi na makakanta dahil nakatitig na lang sa kanya habang nakatayo sa gitna ng entablado ay tumuloy agad siya pandulong stanza ng kanta. “Yeah! I would fight for you, I’d lie for you, walk the wire for you. Yeah! I’d die for you.” Saka lang siya tumigil sa pagtugtog ng piano. Tumayo siya at kinuha ang mikropono. Naglakad siya palapit kay Benedikt habang di naman nito inaalis ang tingin sa kanya. He was watching her as if she was a dream. Nang tumayo siya sa harap ng entablado at ginagap ang kamay nito.

“You know it’s true, everything I do, I’d do it for you.”

Hinawakan ni Benedikt ang pisngi niya at inangkin ang labi niya. Yumakap siya sa leeg nito at tinanggap ang halik nito. Wala na silang pakialam kung maeskandalo man ang mga bisita nito. She just missed him so much. At kahit pa ayawan siya ng mga tao para kay Benedikt, mas gugustuhin na niyang kamuhian ng lahat basta nasa bisig siya ni Benedikt. She was home in his arms. At kahit na nasaan pa ito ay susundan niya ito.

Nakita niya ang pamamasa ng gilid ng mata nito nang maghiwalay ang labi nila. There were so many unspoken words in his eyes. There were questions, there was longing. Pero namamayani doon ang saya dahil magkasama na ulit sila.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong bulwagan. May iba ring sumisipol at kinakantiyawan si Benedikt. Nakangisi lang ang binata nang humarap sa mga tao. “Everyone, I want you to meet my girlfriend, the only woman I love aside from my mother, and the only woman that I want to marry – Maria Makiling Rubella.”

Yumakap siya sa baywang ni Benedikt at hindi na lang niya pinansin kung may dismayado man sa audience. Alam niyang naroon sina Teresina at Hannah. May iba ring mga babae na umaasa sa pag-ibig ni Benedikt. Pero taas-noo niyang ipapakita sa lahat na siya ang babae para dito.

“Are you surprised, Sir?” tanong ng host na si Paco.

“Yes. Akala ko hindi na siya dadating ngayon,” anang si Benedikt.

“Si Miss Maki ang may idea ng lahat. Gusto ka daw niyang bigyan ng isang magandang Christmas gift. At kami na empleyado dito sa New Horizon ay masaya po para sa inyo. Miss Maki, thank you for sharing your talent with us.”

Kinintalan siya ng halik ni Benedikt sa noo. “She is a wonderful woman. Thank you for the wonderful surprise. Ang gusto ko lang naman ngayong Pasko ay magkasama kami.”

“And I am all yours,” sabi niya kay Benedikt.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.