"Scholar ako ng mama mo!" nakita ko ang gulat na mukha ni Flair. "Galing ako sa 'The Heart of Rose' hanggang ngayon sila ang nagpapaaral sa akin. Salamat! Malaki ang utang na loob ko sa foundation ng mommy mo!"
Kaya pala ang dami niyang alam?
"Kumusta naman ang pag-aaral?" iyon nalang ang nasabi ni Flair ang daming sinabi ni Vinea kaya natagalan kami. Inip na inip na si Taxon at halatang iritado.
"Kenny! Bili ka ulit ng brief huh?" tawag niya kay Taxon no'ng akmang aalis na kami pagkatapos magpaalam.
Sabay kaming natawa ni Flair.
"Hahahaha" lalo pang humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Flair dahil tawa kami nang tawa.
Nang makatalikod kami ay inasar ko si Taxon.
"Kala ko ba ayaw mo sa mga walang brand na brief?" ang lakas ng tawa namin ni Flair.
"Shut up!"
"Bro, may gusto ka ba sa kaniya kaya kahit brief na tinda niya ay binibili mo?" pang-aasar ni Flair.
Sa unang pagkakataon ay nagkasundo kami sa pang-aasar kay Taxon. Pikon na pikon si Taxon at masama ang tingin sa amin ni Flair.
"Mind your own business!" ang sama ng tingin niya ay kayang tumagos sa amin.
"Anong size, bro? Order-an mo din ako para magkita ulit kayo" lalo akong natawa sa sinabi ni Flair.
Mapang-alaska talaga!
"Stop that, Jave! Baka magalit ako saiyo paghiwalayin ko kayo ni Shine!" pikunin talaga siya kahit kailan.
"As if kaya mo?" mataray kong sabi.
"Tsk!" sa inis niya ay iniwan niya kaming dal'wa kaya naman mas lumakas ang tawa namin ni Flair.
KINAGABIHAN
Ngayon ang celebration namin ng birthday ni Ali kaya nag-ayos na ako. Pupunta kami sa condo nila. Hindi na ako nagpasundo kay Flair dahil dadaan pa ako sa bahay ng mga Baider para painumin ng gamot si lolo. Hindi sasama do'n ang tatlo kong pinsan dahil wala sa mood.
Sinuot ko ang red na sexy dress. Narinig ko na nag-ring ang cellphone ko.
Ali calling..
"Where are you? Ang tagal mo nandito na sila. Ikaw nalang ang kulang" rinig ko ang ingay sa background ni Ali.
"Wait lang ang aga naman nila" nakanguso kong sabi.
"Nandito na boyfriend mo. Actually kanina pa sila dito. Bakit kasi 'di ka nalang sumabay?"
"Dadaan pa ako kay lolo, eh"
"Bilisan mo na! Baka pagdating mo lasing na kami hahaha"
"Okay. Happy Birthday!"
"Dito mo na ako batiin ulit sa condo. Regalo ko huh?--bebs! Bilisan mo na" narinig ko pa ang salita ni Carme. Bakit parang nagkakagulo na do'n ang lakas ng tawanan nila.
"Kakausapin ka daw ni Jave" sabi ni Ali at halatang ibinigay ang cellphone kay Jave.
"Baby! Bilisan mo na nilalasing nila ako" sabi ni Flair sa kabilang linya.
Napakamot ako sa ulo ko nang marinig ang boses niya. Parang lasing na!
"Baby, 'wag ka masyado uminom! Ang aga pa!" asik ko sa kaniya.
"Preng Kean lagot ka sa girlfriend ko susuntukin ka pinainom mo ako ng marami" Haish! Wala naman akong sinabi! Rinig ko ang tawanan nila. "Bakit ako? Ikaw ang uminom" rinig ko ang sabi ni Kean na sa tono ay lasing na din.
Ang gagaling nila! Wala pa nga ako nauna na uminom.
"I love you, bab-- Elle narinig mo lasing na sila kaya bilisan mo" magsasalita pa sana si Flair pero inagaw na ni Ali.
Gosh!
"Okay, heto na"
Nagmadali na akong lumabas ng kwarto.
"Why are you nagmamadali?" bungad sa akin ni Diamond nang makapasok ako sa mansyon.
"I'm going to Ali's condo. Ayaw niyo ba talaga sumama?"
"No, I have to beauty rest"
Tumingin ako kay Taxon.
"May babasahin ako"
Nakasimangot akong tumingin kay Kil.
"Eh? Mag-video games ako" nagkakamot sa ulo niyang sabi.
"Okay"
Umakyat na ako sa taas at pinainom si lolo ng gamot.
"Apo, dito ka matulog"
"Sige, lolo"
Nagmadali akong bumaba matapos ko do'n.
Lasing na 'yong boyfriend ko. Lagot talaga sila sa akin.
Mabilis ang patakbo ko nang kotse.
Nang makarating ako sa condo ni Ali ay natutop ko ang bibig ko.
"What happened!?" tanong ko kay Ali.
Lumapit siya at yumakap sa akin.
Kalat-kalat ang mga gamit. Ang daming basura at halos gulong-gulo ang lugar. Siguro dahil sa inuman nila pero may mali, eh.
"Hindi ko alam huhuhu. Bago ako pumasok ng banyo ay may kumatok akala namin ikaw na pero 'di ako ang nagbukas si Arah. Dumiretso ako sa banyo dahil naiihi na ako pero matapos ko ay nahilo ako sa loob ng banyo nang may maamoy. Nakatulog ako pagising ko wala na sila! Hindi ko alam saan sila napunta! Pero sigurado akong may kumuha sa kanila! Lahat sila wala! Naiwan lang siguro ako dahil nasa loob ako ng banyo!" humagulgol ng iyak si Ali.
Fuck! Sino? Ano nanaman ito?
Natutop ko ang noo ko.
As in lahat sila? Kung nahilo si Ali at nakatulog malamang may itinapon silang kung ano para makatulog ang lahat ng tao dito. Nakita ko ang isang lata na may nakalagay na 'poison gas' sabi ko na nga ba!
Nasaan sila? Sino ang kumuha sa kanila? Fuck!
"Elle! Anong gagawin natin?" 'di na alam ni Ali ang ikikilos o ang gagawin patuloy sa pag-iyak. "Rev! Huhuhu"
Lumapit si Ali at hinawakan ang kamay ko.
"Baka anong mangyari sa kanila kapag natagalan pa hindi natin alam kung sino ba ang kalaban" sabi ni Ali.
Tumulo ang luha ko.
Sinusubukan ba talaga ako ng kung sinumang tao sa likod nito?
Pwes! Pagbibigyan ko ang hamon niya!