Javen Flair's POV
"Sayawan! Yohhooo!" lasing na si Rev tumayo siya at nagsasayaw kahit naman hindi marunong.
Lumapit siya kay Ali at sinayaw ito. "Happy Birthday, Sweetie!" sigaw niya at itinaas ang bote. "Cheers!"
Itinaas din namin ang bote namin at masayang binati si Ali.
"HAPPY BIRTHDAY, ALI!" sabay-sabay naming sabi.
Maaga kaming pumunta dito dahil excited si Rev. Ayaw naman ni Zeal na sumabay sa akin dahil matatagalan pa daw siya. Kumpleto na kaming magkakaibigan maliban kay Zeal at 'yong tatlong Baider naman ay ayaw sumama. Si Ali lang ang nandito sa Pilipinas ang pamilya niya ay nasa ibang bansa kaya naman sa condo kami palagi nagce-celebrate ng birthday niya.
"Party!" gegewang-gewang na tumayo si Kean. Hindi niya kasama si Yannie dahil ayaw daw nito. 'Di nga siya pinapayagan pero pumunta pa din siya. Kung minsan nakakaawa na din talaga si Kean dahil sa nakikita kong pagtitiis niya sa babaeng 'yon.
Nagkakasiyahan lang kami hanggang sa may kumatok. Lahat kami napalingon doon.
Si Zeal na siguro! Nandyan na baby ko.
"Arah buksan mo naiihi na ako" sabi ni Ali at pumunta na ng banyo.
Lumapit si Arah sa pinto. Tatago sana ako para gulatin si Zeal pero lahat kami ay natigilan nang may magtapon ng lata. May lumabas na usok doon.
"Takpan niyo ang ilong niyo!" sigaw ko sa kanila.
Dahil mga lasing na kami ay 'di kami nakapag-react agad. Umubo ako at nakita ko rin ang pag-ubo nilang lahat.
"Di ako makahinga!" sabi ni Carme habang yakap ni Lance.
Nakita kong bumagsak na si Clench.
Fuck!
"Clench!" sigaw namin.
Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang pisngi niya.
Nanikip ang dibdib ko at 'di na ako makahinga.
"Ja....ve" sabi ni Kean na nahihirapan ding huminga.
Fuck! Fuck! Fuck!
Isa-isa na silang bumagsak. Nakita kong nawalan na ng malay si Arah at Carme.
What should I do?
"Rev!" sigaw ko nang makitang bumagsak na rin siya.
"Sweetheart! Gumising ka!" tinatapik ni Lance ang pisngi ni Carme pero maya maya pa ay lahat kami ay nauubusan na ng oxygen at 'di na makahinga.
Baby..
Hanggang sa hindi ko na rin kinaya at bumagsak na ako.
*black
Nang magising ako ay nakabaliktad ang paningin ko. Nasaan ako?
Fuck!
Napamura ako nang makitang nakabitin ako patiwarik. Nilingon ko ang mga kasama ko si Lance, Kean, Rev at Clench ay nakabitin din patiwarik habang ang mga babae ay nasa upuan tulog at nakatali.
Dumuyan ako upang gisingin si Kean at Rev.
"Tangina! Nasaan tayo?!" inis na sabi ni Rev at pinipilit gumalaw sa pagkakabitin namin.
Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Wala akong damit pang-itaas maging sila.
Dreadful Gang!
Sigurado akong sila nanaman!
"Kean" tawag ko sa kaniya pero tulog pa din siya.
"Wait" sabi ni Rev at may parang iniipon sa bibig niya.
"What are you doing?"
Dinuraan niya si Kean.
"Gago ka!" sabi ko pero tumawa pa siya. Nasa ganito na nga kaming sitwasyon nagagawa niya pang magbiro.
"Isa pang dura, Kean?" natatawang sabi ni Rev. Umungol naman na si Kean at nang magising ay nanlaki ang mga mata.
"What the fuck?" sabi ni Lance nang magising. "Where are we? Nasaan si Carme?"
Inginuso ko ang natutulog na mga babae na nakatali sa upuan.
"Ahhhh!!" sigaw ni Clench nang magising.
"Wag ka maingay!" saway ko sa kaniya.
"Nakakatakot. Bakit tayo nakabitin patiwarik?" takot na takot na sabi ni Clench.
"Gising na pala kayo" nilingon namin ang nakangising lalaki na nakaupo sa wheelchair kasama ang lalaking nakamaskara.
Nem Jack!
'Di ako nagkakamali siya 'yon!
Nakabangga ko noon ang Dreadful Gang galit na galit ang master nila noon na si Nem Jack dahil pinakialaman ko ang mga mali nilang ginagawa hinamon niya nalang ako ng one on one. Ang kondisyon kapag natalo ko siya ako ang magiging master ng Dreadful Gang pumayag ako kahit ang isip ko ay gustong buwagin ang gang na ito. Kapag natalo ako ay hindi ko na sila guguluhin pa gano'n siguro ako kalakas para katakutan nilang pinapakialaman ko ang ginagawa nila.
Malakas siya kaya nahirapan ako sa laban namin napilitan akong gamitin ang deadly martial arts pero natakot ako nang mag-crack ang buto niya sa may bandang binti o paa. Natalo ko siya at naging master ng Dreadful Gang pero dahil ayaw ko no'n binigyan ko ng panibagong buhay ang miyembro nito at tuluyang binuwag ang gang pero ngayon ay nagugulat akong nabuo ulit ito at may master pa rin na dapat ay ako na. Hindi ko alam kung sino na ang nagpatakbo nito pero sa hitsura ni Nem ay halatang hindi siya kung hindi ang lalaking kasama niya ngayon.
"Simulan na natin!" nakangising sabi ng lalaking nakamaskara.
Kinuha ng mga tauhan nila si Carme.
Shut!!!
"Get your hand off with her!! Fuck all of youuuu!!!!" sigaw ni Lance.
"Oh, I thought you are the Break Bone Adept. Why can't you protect your girl now? " sabi ni Nem.
"Tangina! Ano bang kailangan mo?!" sigaw ko sa kaniya.
Ngumisi siya at ipinakita ang binti niya.
"Naputol lang naman ang paa ko dahil sa ginawa mo noon"
Ikinagulat ko ang sinabi niya. Hindi ko alam! Wala akong alam!
"Natigilan ka? Ito ang dahilan kung bakit bumabalik ako ngayon kasama ang mahal kong kapatid" sumulyap siya sa lalaking nakamaskara. Sino ang gagong 'yon?
"Fuck youuuu!!!!!!" sigaw ni Lance.
Nakita naming umiiyak na si Carme habang hawak ng mga tauhan.
"May kulang! Nasaan 'yong girlfriend ng Overthrow Expert at ng tarantadong 'yan?" turo ni Nem sa akin at saka masamang tumingin sa kapatid niya.
"Kuya, tama na 'yan madami na sila" sabi nito.
"Kunin niyo sila ngayon din!!!" utos ni Nem sa mga tauhan.
"Kuya 'wag na!"
'Di ko maintindihan kung bakit parang ayaw ng kapatid niya na ipakuha sila.
Shut.. baby!
Sana lumaban siya!
Natigilan ako nang tumawa si Lance.
"Sige saktan niyo kami kung gusto niyo pero kung ako sainyo katatakutan ko ang babaeng wala dito! Dahil kapag nalaman niya kung ano ang ginawa niyo sa amin.." tumawa si Lance na ipinagtaka ko. "Mamamatay kayo ng mulat ang mga mata!"
"Kunin niyo nga 'yan!" inis na sabi ni Nem at ibinaba si Lance at saka mabilis na pinagsusuntok ng mga tauhan. Nakita ko kung papano mapangiwi si Lance sa bawat suntok na ginagawa sa kaniya. Pinilit niyang lumaban nasuntok niya ang isa pero bumagsak din kaagad dahil sa dami ng humawak sa kaniya. Kitang-kita ko ang pagtalsik ng dugo sa bibig niya nang suntukin siya sa mukha ng isa.
Lance..
"Lance!" iyakan ng mga babae.
Nagpupumiglas ako nagbabakasakaling matatanggal ang pagkakatali ng paa ko.
"Jave. Bugbog na si Lance" nag-aalalang sabi ni Clench at nakita kong umiiyak na siya.
"Ako ang kailangan mo diba?! Paalisin mo sila!" sabi ko pero ngumisi lang ang dal'wa.