"Kailangan maghirap ng kalooban at katawan mo!" sabi nila.
Lumapit ang nakamaskarang lalaki kay Carme at pinagapang dahan-dahan ang kamay niya sa mukha, leeg, pababa sa dibdib ni Carme. At nakangising tumingin sa amin ni Lance. Gano'n nalang kalakas ang sigaw ni Lance.
Shut!
Paulit-ulit ang mura ko sa isip. Gigil na gigil na ako sa kaniya. 'Pag nahuli ko ang lalaking 'yan sisiguraduhin kong babalatan ko siya ng buhay!
"Hayop ka!" pumalag nang pumalag si Carme pero walang nagawa. Dumapo ang kamay ng nakamaskarang lalaki sa dibdib ni Carme at akmang bubuksan niya na ang butones pero tumigil siya at muling tumingin sa amin ni Lance. Nang-aasar, nang-iinis at naglalaro!
"Putanginaaaaaa!!! Papatayin ko kayo!!! Papatayin kita!!!!!" sigaw ni Lance. Galit na galit na siya habang nagpupumiglas sa mga lalaking nakahawak sa kaniya. Gano'n siya kalakas para hawakan ng anim na lalaki.
Lalo akong nagpumiglas. Tangina!
Paulit-ulit din ang mura ko dahil 'di ko magawang tingnan ang laro ng lalaking 'yon. Maduming laro!
"Ganda ng girlfriend mo ha" sabi ng lalaking nakamaskara, ang tawa ay sobrang lakas at halatang gusto lang mang-inis.
"TAKE OFF YOUR MASK! FUCK YOU!! COWARD!!" sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko ang mga galit na mata nina Kean, Rev at Lance.
Tinanggal niya ang maskara. Natigilan ako nang makita kung sino ito. Nagtiim ang mga bagang ko at halos masugat ang labi ko sa galit.
NEL JAN!
Mahuli lang kita! Kawawa ka sa akin!
"Surprise!" sabi nito sa amin at humagalpak ng tawa. "Gwapo ko 'no?"
"Pwe!" sabi ni Rev at tumawa. "Kung ikaw ang gwapo wala ng pangit sa mundo!"
"Whatever" sabi ni Nel at muling tumingin kay Lance.
"Kapag nakita ka niya nasisiguro ko saiyong pagsisisihan mo ito" sabi ni Lance habang ang mga mata ay nag-aapoy na sa galit.
"Sino bang pinagmamalaki mo huh?" nakangising sabi ni Nel.
"Dangerous Fighter. Nakakaawa kayo kapag dumating siya" seryosong sabi ni Lance.
Baby..
Hindi ko pa lubos na alam paano ba makipaglaban si Zeal o magalit nang sobra pero nasisiguro kong hindi ko na gugustuhin pang makita iyon dahil natatakot akong baka ibang katauhan niya ang makita ko. Sa sinasabi ni Lance ay parang nasisiguro niya na kayang-kaya niya ang mga ito.
"Wala akong pakialam kahit sino pa siya" nakangising sabi ni Nel Jan at lumapit kay Lance inangat nito ang muka niya at nagtiim ang bagang.
Gano'n nalang ang gulat namin nang makitang kuhain nito at baliin ang kanang kamay ni Lance.
"LANCE!!!" sigaw naming lahat.
Nakita ko ang paghahabol ni Carme ng hininga. Shut! Baka atakihin siya sa puso!
"Ahhh!" namilipit si Lance sa sakit.
"Kapag nakababa ako dito dudurugin ko rin ang kamay mo!" sigaw ko.
"Talaga?" mapang-asar na sabi ni Nel at nanlaki ang mata ko nang kunin niya naman ang isa pa at baliin ang kaliwang kamay ni Lance.
"Aaaaaahhhh!!!" sigaw nito at pumilipit nang pumilipit sa sakit.
Tiningnan ko si Nel ng sobrang sama. Ipagdasal mo ang buhay mo kapag nakawala ako dito!
"GAGO KA!!!" sigaw ni Rev.
"Next, please!" sabi ni Nem at tumawa nang malakas.
Ibinaba nila si Rev. Gano'n nalang nanlaki ang mga mata ko. Hayop!
Ang sakit sa dibdib na makitang wala akong magawa para sa mga kaibigan ko.
Nanlaban si Rev nang maibaba siya. Ibinalibag niya ang mga tauhan hanggang marating niya si Nel at sinakal ito pero sa isang tapik lang ni Nel ay nagawa niyang ibalibag din si Rev.
Sa tingin ko alam na nila ang paraan ng pakikipaglaban namin.
"REV!!" sabay-sabay naming sigaw nang makitang ibinalibag ito ng paulit-ulit ni Nel naka-sampung beses o higit pa bago niya ito tigilan.
Tumulo na ang luha ko pero ang galit ko ay lalong lumalala.
Akala ko hindi ko magagawang pumatay pero sa ginagawa nila baka makapatay ako.
"Oh, Jave. Parang pinanghihinaan ka na diyan?" pang-aasar ni Nel.
"Fuck you!!!"
Rinig ko ang iyakan nina Carme at Arah. Nakakaawa silang tingnan.
"Ano namang kayang gawin nito?" turo niya kay Clench. "Display?"'
Galit na galit akong tumingin sa kaniya. Hindi ko pwedeng pabayaan sila! Anong gagawin ko?! Manggagalaiti si Zeal kapag nalaman niya ang ginawa nito sa mga bestfriends niya! Kapag nangyari 'yon katapusan na niya!
Baby..
Tawag ko sa kaniya sa isip ko nawawalan na ako ng pag-asa. Pakiramdam ko ay lahat sila may gagawin sa mga kaibigan namin.
Nilingon ko si Lance na nakapikit na sa sakit ng kamay niya at si Rev na duguang nakahandusay na pero parehas na silang nakatali. Mabuti at naiwan si Ali at Zeal dahil kung hindi pare-pareho kaming nandito at naghihintay nalang sa mangyayari.
Ibinaba nila si Clench. Tiningnan lang sila nito nang masama.
Fuck! Clench!
"Hanggang tingin ka lang?" pang-aasar ni Nel kay Clench na pinagtawanan ng lahat ng miyembro ng Dreadful Gang.
"Mukhang mahina ang isang 'yan" tumatawang sabi ni Nem at itinuro pa si Clench.
"Oo, mahina ako alam ko 'yon pero.." sabi ni Clench. Nagulat ako ng bigla niyang tanggalin ang sinturon na suot niya at ihampas sa mukha ni Nel at Nem. "Hindi sa pagkakataong ito" masama ang tingin ni Clench.
Napangisi ako do'n. Kaya niya rin palang maging matapang hindi niya lang sinusubukan.
"Damn!" sabay na sabi ng dal'wa.
Pinaghahampas ni Clench ng sinturon ang bawat lumapit sa kaniya nakita ko ang pag-ilag ng ilan dahil masakit kung tatama saiyo 'yon lalo na ang bakal no'n pero nang ihampas niya kay Nel ay nahawakan nito ang sinturon at nahuli siya.
"Masyado kayong mapanghusga kahit naman isa-isahin niyo kami o kahit pa kilala niyo na kami may isang tao kayong nakalimutan kilalanin" nakangising sabi ni Kean.
Alam ko kung sino 'yon. Bakit parang ako nalang ang hindi alam kung ano ang kayang gawin ni Zeal.
"Lalo na't sinaktan mo ang mga bestfriends niya. Goodluck, Nasisiguro kong sa susunod na ilang minuto tutumba ang karamihan sainyo ng hindi namamalayan" mayabang na sabi ni Kean at prenteng ipinatong ang kamay sa likuran ng ulo niya. Sa pagkakataong ito kahanga-hanga ang hindi niya pagpapakita ng takot kahit pa nakikita niyang iniisa-isa na kami.
"Play with your games now but soon you'll find out who will win" seryosong sabi ni Kean.
"Hindi niya kami papabayaan! Kilala ko siya!" sigaw ni Carme na may nanlilisik na mata.
"Iiyak ka ng dugo sinasabi ko saiyo!" sigaw ni Clench na ang tingin ay na kay Nel.
Ngumisi si Nel at pinaghahampas ng sinturon si Clench. Sinasalag ni Clench ng braso niya pero nakikita ko ang bibig niyang ngumingiwi sa sakit. Napuno ng latay ang katawan ni Clench.
Tumulo nanaman ang kapiraso kong luha. Kasalanan ko ito!
Pasensya na wala akong magawa para iligtas kayo! Mariin akong napapikit sa isip ko ay sana dumating si Zeal pero mas natatakot ako kung malalagay ang buhay niya sa alanganin. Sa nakikita ko mukhang malakas din itong si Nel.
"Next!" turo ni Nem kay Kean.
Ibinaba nila si Kean.
"Do what you want! I feel lazy right now" prenteng sabi ni Kean. "But make sure that you'll kill me because if not.." ngumisi siya. "I will kill all of you"
Nagtawanan sila.
Tinatamad siya? Ano ba naman 'yan Kean? Ngayon ka pa tinamad! Kakaiba rin itong kaibigan kong ito. Ganiyan 'yan kapag wala sa mood.
"Ang yabang ng isang ito" sabi ni Nel at mabilis na pinagsisipa ang binti, hita, paa ni Kean pero wala kang maririnig na sigaw na nasasaktan siya. Kilala talaga nila kami kung ano ang pupunteryahin dahil iyon ang kalakasan niya.
"Kean!" halos mahina ko ng sigaw. Nanghihina na ako dahil wala akong magawa para sa kanila! Bakit 'di siya lumaban!?
Sinipa nang sinipa ni Nel ang paa niya hanggang sa mapagod at senyasan ang mga tauhan na sila na ang gumawa no'n. Napapikit ako dahil ayaw ko ng tingnan pa ang ginagawa nila. Alam kong bugbog na si Kean pero walang sigaw na maririnig. Walang pagmamakaawa pero kilala ko siya hindi siya papayag na gawin nila ito ng walang dahilan.
"Kunin niyo 'yon!" sabi ni Nem na itinuro si Arah at Carme.
Kinabahan ako dahil baka kung ano ang gawin nila. Mas natakot ako nang makita ang ngisi sa mga lalaki.
Shut!
Paulit-ulit ang mura ko nang kunin nila si Carme at Arah. Nagpupumiglas sila at umiiyak na pero walang magawa.
Pilit kong tinatanggal ang tali sa paa ko. Nahihirapan ako dahil nakatiwarik ako. Ugh!
"Wala pa ba 'yong pinapakuha ko? Sa ngayon 'yang dal'wang babae muna. Mas masaya ang papanoorin ni Jave kapag girlfriend niya na ang ihihiga niyo sa kama" tumawa nang malakas si Nem.
"Wag na si Elle, kuya!" nagtiim bagang ako nang marinig ko ang pangalan ng girlfriend ko.
Mamamatay silang lahat kapag may ginawa silang masama sa mga babae naming kaibigan lalo na sa babaeng mahal ko.
"Bakit gusto mo ba ang babaeng 'yon?" tanong ni Nem sa kapatid, 'di nakasagot si Nel. "Edi solohin mo kapag nakuha na" ngumisi ito.
Solohin? SHUT!
TINGIN KO MAKAKAPATAY TALAGA AKO NG TAO!
"Pagpiyestahan niyo na 'yang dal'wang babae!" utos ni Nem.