Javen Flair's POV
Pinilit kong tumaas upang matanggal ang tali nahihirapan man ay nahawakan ko ang tali at natanggal.
"Aaahhhh!!!" sigaw ni Arah at Carme dahil bitbit na sila ng mga lalaki.
Nalaglag ako at tumama ang likod sa semento. Ang sakit!
'Di ko ininda iyon at mabilis na sinugod ang mga lalaking may hawak kay Arah at Carme. Sinipa ko ang isa tumalsik ito at tumama sa mga kahoy na nando'n.
Humaya ako ng naka-360° ang mga kamay. Masama ang tingin ko sa mga lalaki at walang mapaglagyan ang galit ko. Hindi ko naman hahayaang galawin nila ang dal'wang babae kong kaibigan!
It's time to use the deadly martial arts.
Lumapit ako at ginawa ang side kick to throat damage sa isang naabot ng paa ko. Sumugod ang lima pero bigo silang tamaan man lang ako. Gigil kong ginawa sa limang iyon ang side kick to jaw damage. Tangina niyo!
Sinipa ko ang isa sa baiwang dahilan para matumba siya at mamilipit sa sakit. Siguradong sira ang ribs niya!
Nakakaawa ang mga tinatamaan ng paa ko dahil sigurado akong may kung anong na-damage sa kanila. Kinuha ko si Carme at Arah. Inilagay ko sa likod ko.
"Grabe! 'Yon ba ang moves ng King of Deadly Martial Arts?" nakangising sabi ni Nel at pumalakpak pa. "Hanga ako saiyo!"
Tiningnan ko siya ng masama. Ikaw ang isusunod ko gago!
"Laban!" maangas kong sabi sa kaniya at ihinaya ang kamay.
I will make sure that your heart stops to pump when I do the stomp to heart damage.
Pinigilan niya ang mga tauhan na sumugod at maangas na naglakad papunta sa akin.
"Kapag nanalo ako akin na ang girlfriend mo!" sabi niya.
Napangisi ako. Kapal ng mukha nito. Baliw na baliw sa girlfriend ko huh? Kung makuha niya! Kahit silang dal'wa na lang ang tao sa mundo ako lang ang mahal niya! 'Di siya papatulan no'n.
"Desperado mo naman" pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi" ngumisi siya. "Mailap lang talaga ang girlfriend mo at masyadong matapang para deadmahin ako"
Tumawa ako sa sinabi niya. Malamang 'di niya mapipilit ang babeng mahal ko. Baliw na baliw sa akin si Zeal, eh. Pumasok sa isip ko ang lahat ng ginawa niya para lang maniwala ako. Tindi ng pagmamahal niya sa akin.
Umiling-iling ako at tinitigan si Nel.
"Mahal na mahal ako no'n at hindi basta-basta ipagpapalit sa halimaw na tulad mo"
Nakita kong magtiim ang bagang niya. Galit na galit! Gano'n ba siya kaseryosong gusto niya ang girlfriend ko? Sorry siya akin lang siya!
"Nel! Ano bang ginagawa mo? Pahirapan mo na siya!" sigaw ni Nem habang kunot ang noo.
Ini-rotate ko ang leeg ko at naghihintay sa pag-atake niya.
Sumugod si Nel sa akin sumuntok siya sa bandang mukha ko pero naiwasan ko iyon at malakas na sinuntok ang tagiliran niya. Namaang ako nang makitang halos 'di siya nasaktan. Malakas nga siya!
"Jave, mag-iingat ka" mahinang sabi ni Carme na nasa likod ko.
Prinoprotektahan ko sila para walang makalapit at kunin sila.
"Hanggang 'don lang ang suntok mo?" nakangising sabi ni Nel at pinasadahan ang buo kong katawan. "Why is she in love with that weak man?"
Natawa ako ng malakas. Ang laki ng pagmamaktol niya na hindi siya gusto ni Zeal. Hindi ko alam kung paghihiganti ba talaga ang pinagmumulan ng galit niya o dahil na sa hindi siya kailanman magugustuhan ni Zeal.
"Because I am his Mr. Perfect. Lahat sa akin ay mahal niya at kahit ikaw mapapatunayan mo 'yon" pang-aasar ko sa kaniya.
Tumingin siya ng sobrang sama sa akin na ikinatawa ko.
Hinintay ko ang pagsugod niya ulit pero naging maingat na siya. Akmang susugod na siya sinalubong ko siya hinawakan sa braso, ang kanang kamay ko ay nasa balikat niya at ang kaliwa ay nasa braso dahilan upang maitumba ko siya at mamilipit sa sakit pero mali ako ng akalaing mabilis kong makukuha ang balanse niya dahil malakas niyang binawi ang braso niya at ako ang ginawan niya ng gano'n. Namilipit ako sa sakit dahil sa ginawa niya.
"Jave!" rinig kong sigaw ni Carme at Arah.
Pinilit kong makawala sa hawak niya at nagtagumpay nga ako. Sinuntok ko siya pero nakailag siya dahilan para ako naman ang sikmuraan niya. Napaatras ako sa sakit at dumura ng dugo. Fuck this guy!
"Magsabi ka lang kung suko ka na" nakangising sabi ni Nel at mayabang na tumayo ng tuwid.
Fuck!
Tumayo ako at ibinalik sa ala-ala ang kilos niya upang pag-aralan. Magaling siya umilag, mabilis at malakas. Hindi ko makuha ang istilo niya dahil sa bilis niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. Kailangan kitang matalo!
Mabilis akong tumakbo pasugod sa kaniya at ginawa ang deadly flying kick at the jaw. Nakita kong may tumalsik na dugo sa bibig niya bago siya tuluyang tumumba. Napangisi ako habang nakatingin sa kaniya.
"Masakit ba?" pang-iinis ko.
Umupo siya at pinunasan ang bibig. Pumutok na rin pala ang labi niya. Masama niya akong tiningnan.
"Ano na Nel!?" sigaw ng kapatid niyang baldado.
Eh kung siya kaya ang punteryahin ko?
Tumingin ako sa baldadong iyon at lumapad ang ngisi sa gilid ng labi.
Mabilis kong tinalon ang distansiya namin. Gulat na tumingin sa akin si Nem. Akmang susuntukin ko na ito.
"Subukan mo mamamatay ito!"
Nilingon ko si Nel na hawak na ngayon sa buhok sina Arah at Carme.
"Carme! Fuck you don't touch her!!" sigaw ni Lance at nagpupumiglas sa pagkakatali niya.
Mabilis kong ikinilos ang mga paa ko at hinawakan din ang baba ni Nem.
"Kaya kong patayin ang kapatid mo sa isang pihit lang ng ulo" masama ang tingin ko sa kaniya.